SC 4 BSECE 2-1 Tumazar

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Jeremy Ivan D.

Tumazar May 28, 2021


BSECE 2-1 Prof. Espalto
Panuto: Suriin ang dalawang awitin na makikita sa ibaba. Gamitin ang pormat sa panunuring
pampanitikan na nakalagay sa ibaba . Gamitin ang kritikal na pagsusuring pampanitikan dito.
1. TULA
• Pamagat ng akdang pampanitikan
Panambitan
• Sino ang Manunulat
Myrna Prado (salin ni Ma. Lilia F. Realubit)
• Buod ng sinuring akda
Di pagkakapantay-pantay kung saan namumutawi ang mga mayayaman na lalo
pang nagpapayaman at mga mahihirap na lalo pang naghihirap dahil sa
pagkaganid at kawalan ng atensyon sa kanila.
• Paksa/Tema ng akda
Kahirapan
• Bisa(sa isip, sa damdamin)
Kalungkutan sapagkat nagpapahayag ang tulang ito ng realidad na hindi
masolusyunan
• Mensahe (na ibig ipabatid ng akda sa mambabasa)
Nais iparating ng may akda sa kinauukulan ang sigaw ng mga mahihirap na hindi
binibigyan atensyon ng mga maykapangyarihan sapagkat abala pa silang
magpayaman
• Teoryang Pampanitikan
Teoryang Imahinismo

2. MAIKLING KUWENTO
• Pamagat ng akdang pampanitikan
Mabangis na Lungsod
• Sino ang Manunulat
Efren Abueg
• Buod ng sinuring akda
Umiikot ang maikling kwento sa labindalawang taong gulang batang
nagngangalang Adong na nagtutungo sa Quiapo upang mamalimos para siya ay
magkaroon ng pagkain na kanyang maipantatawid gutom. Siya ay ulila na sa
magulang at nararanasan ang kahirapan ng buhay sa murang edad. Ngunit sa
kasamaang palad lahat ng kaniyang napalilinusan kasama ng mga batang
namamalimos sa harap ng simbahan ng Quiapo ay napupunta lamang sa
mayabang at naghahari-hariang si Bruno. Wala silang magawa sapagkat lahat silay
takot kay Bruno.
• Paksa/Tema ng akda
Kahirapan, Realidad, Pangaapi
• Bisa(sa isip, sa damdamin)
Kalungkutan sapagkat nagpapahayag ang tulang ito ng realidad na patuoy na
nagpapahirap sa masalimuot nan gang buhay ng mga batang manlilimos.
• Mensahe (na ibig ipabatid ng akda sa mambabasa)
Nais iparating ng may akda sa kinauukulan ang realidad nakinahaharap ng mga
batang lansangan.
• Teoryang Pampanitikan
Teoryang Realismo

3. REPLEKSYON:
• Batay sa aking naging pagtalakay sa teoryang IMAHISMO at REALISMO anong
mga bagay ang tumimo sa iyong isipan? Ipaliwanag ang mahahalagang bagay na
natutuhan mo mula sa aking pagtalakay na ginawa sa bidyo.

Aking natutunan sa talakayan ngayong araw ay ang gamit ng teoryang imahismo


at realism. Sa teoryang imahismo, bumubuo ang may akda ng isang imahen na
nagbibigay linaw, simbolismo, damdamin at paliwanag sa kabuuan ng isang
akdang pampanitikan. Sa teoryang realism nama’y tumatalakay sa mga
makatotohanang eksena o pangyayaring nagaganap sa ating lipunan na
nagbibigay aral o panawagan sa mababasa upang maimulat ang kaisipan sa
realidad.

You might also like