Pup TCW Bscece2 1 Tumazar

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Argument:

• Mula sa suicide note nang noo’y nagpatiwakal na boldstar na si Pepsi Paloma


nahinuha ang mga katagang “It’s a crazy planet”. Mga kakatwang gawi o ideya
ng lipunang namumutawi at hindi napapawi sa isang siyudad.
• Sa kasalukuyan, hindi nalang mga gamit ang ginagawang produkto ng lipunan
kundi pati narin serbisyo at katawan ng tao kagaya ng kaso ni Paloma na
ginawang produkto ang katawan o seduksyon sa kabaliwan ng publiko.
• Kapitalismo parin ang tunay nadahilan ng sitipikasyon ng Maynila at mga
karatig urban na hindi nakapokus sa pagunlad ng bansa kundi sa kita at
patuloy na supply ng produkto galling sa ating likas na yaman.
• Ang tungalian ng sentralisayon sa mga urban ay nagbibigay ng maling
interpretasyon sa mga kanayunan sapagaakalang ang modernisasyon ng mga
ito ang mga senyales ng kaunlaran ng isang lugar.
• Sa patuloy na sitipikasyon ng mga lugar ay patuloy ding naghahanap ang
lipunan ng bagay na gaganap dito. Mga kakatwang ideya o gawi na bubuo ng
satispaksyon ng mga tao sa lipunan at kagaya ng kay Pepsi Paloma ang
gawaing mgaing produkto ang katawan.

Question:

• Paano maisasaayos muli ang kaisipan ng lipunan patungkol sa sitipikasyon at


modernisasyon kung halos ang layunin nito ay nakatuon lamang sa
kapitalimo?
• Nararapat ng aba talagang isapubliko na ang pamimigay ng mga
contanceptives at pills kahit na sa kabataan dahil sa lumalagong bilang ng
teenage pregnancy at mga di inaasahang pagbubuntis?
• Kasabay parin bas a modernisayon ang patuloy na pagsupil ng mga malalaking
korporasyon sa ating mga sakahan at kagubatan upang gawing park, resort o
subdivision?

Connection:

• Sumasangayon ako sa nakakalulungkot napagtalakay ng author at pagkonekta


ng huling sulat ni Pepsi Paloma sa mga kabaliwang naiisip ng lipunan upang
patuloy na patabain lamang ang lumalakingb problemoa ng kapitalismo ng
bansa upang sumabay sa sinasabi nitong kaayusan at modernisasyon.

Implication:

• Hindi madaling unawain ang daloy ng artikulo at mga salitang ginamit ng


author nito lalo na para sa mga unang mambabasa. Umikot masaydo ang
artikulo sa paghahalintulad ng mga pangayayari sa mga istorya at hindi
naipaliwanag maiigi ang mga naging punto at kadahilanan kung bakit isinulat
at akdang ito.

Tolentino, Rolando. ““It’s A Crazy Planets”:


Modernidad, Panitikan, at Siyudad.” Sipat Kultura. Ateneo de Manila
University Press, 2007.

You might also like