You are on page 1of 3

Semi-Detalyadong Banghay-Aralin sa Filipino IX

I. Mga Layunin:
Sa loob ng 60 minutong aralin sa Filipino IX, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nabibigyang-kahulugan ang mga pangyayari sa epikong binasa.
b. Napahahalagahan ang pagmamahal ng magulang sa anak batay sa
tinalakay na epiko.
c. Naisusulat ang katangian ng bawat miyembro ng sariling pamilya sa
pamamagitan ng pagbuo ng isang family tree.

II. Paksan Aralin: Epiko: Shahnameh


Sanggunian: Filipino 9: Punla p.162
Kagamitan: Laptop, slide deck, Quizizz, Google Form, at Google
Meet

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pambungad na panalangin
2. Pagtala ng mga lumiban
3. Balik-aral
4. Pagpapaalala sa mga online etiquette.

B. Paglalahad
1. Pagganyak
Magpapakita ng iba’t ibang mga larawan na pumapaksa sa
pagmamahal ng isang ina at ama sa kaniyang anak. Pagkatapos ay
magtatanong-tanong sa mga mag-aaral kung paano nila ilarawan ang
nakikitang imahe sa screen.

2. Pagtalakay
Ipalalabas ang ginawang power point presentation at ipaliliwanag ang
maikling kasaysayan ng Epikong “Shahnameh” at kung sino ang may
akda nito.

Tatalakayin ang teksto sa pahina 162, ang isang bahagi ng epikong


Shahnameh. Pagkatapos ng pagtatalakay ay magbabato ng ilang mga
katanungan.
Mga Katanungan
1. Kaano-ano ni Rostam sina Prinsesa Tahmina at si Sohrab?
2. Sa inyong palagay, bakit matagal na panahon na hindi nagkita o
nagkasama si Rostam at Prinsesa Tahmina?
3. Ano ang kakulangan ni Sohrab noong nakutuban na niyang ang
hinahanap niyang ama ay si Rostam?
4. Paano napagtanto ni Rostam na anak niya si Sohrab?
5. Ano’ng aral ang napulot o napagtanto sa bahaging epikong
tinalakay?

3. Pagpapalawak ng Kaalaman
PUNO NG BUHAY
Bumuo ng isang family tree at ilagay ang bawat miyembro ng inyong
pamilya at ang kanilang mga katangian. Ilagay sa isang malinis na
sulatang papel.

4. Paglalahat
Muling babanggitin ang kahulugan ng epiko at ibubuod ang mga
pangyayari sa kwentong tinalakay.

IV. Pagtataya
Quizziz. Mula sa tinalakay na paksa at mga isinagawang tanungan-
sagutan tungkol sa kwentong “Shahnameh”
1. Ito ay literal na kahulugan ng salitang Shahnameh.
a. Aklat ng mga Diyos
b. Aklat ng mga Hari
c. Aklat ng mga Reyna
d. Aklat ng mga Persiya
2. Ang kinikilalang pinakamahabang epiko sa Iran na “Shahnameh” ay
binubuo ng ilang taludtod?
a. 6,000
b. 6,600
c. 60,000
d. 600,000
3. Bakit pinamagatang trahedya ni Sohrab ang bahaging epiko na
tinalakay?
a. dahil namatay si Prinsesa Tahmina
b. nasawi ang anak ni Rostam
c. napatay ni Sohrab si Rostam
d. wala sa nabanggit
4. Ano ang bagay na nagbigay-daan para mapagtanto ni Rostam na anak
niya si Sohrab?
a. isang perlas
b. isang pulseras
c. isang porselanang hikaw
d. isang pares ng singsing
5. Ano ang pinakamasaklap na pangyayari ang binanggit sa kwento?
a. matagal nang hindi nagkakasama si Tahmina at Rostam
b. hindi alam ni Rostam na anak niya si Sohrab
c. napatay ni Rostam mandirigmang si Sohrab kalaban ng
kanilang kaharian
d. wala sa nabanggit

V. Takdang-Aralin
Sagutin ang bahagi ng PAG-AANI na makikita sa pahina 163 ng inyong
aklat. Maaaring ipasa na agad sa Messenger ang inyong mga kasagutan
o isulat muna sa papel bago ipasa sa Messenger. (SAGOT NA LAMANG
AGAD)

Grade 9 - Ezekiel
April 6, 2022 – 10:40am-11:40am

You might also like