Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

7

Learning Activity Sheet


sa FILIPINO 7

Kuwarter 4- Week 2- MELC 4


ANG KALIGIRANG
PANGKASAYSAYAN NG IBONG
ADARNA

DIVISION OF NEGROS
OCCIDENTAL
FILIPINO 7
Learning Activity Sheet (LAS) Week 1 MELC 4
Unang Edisyon, 2021

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Dibisyon ng Negros Occidental
Cottage Road, Bacolod City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari (sipi)
sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaang naghanda ng gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring
gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Filipino 7 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang magamit ng mga Paaralan sa
Dibisyon ng Negros Occidental.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang porma nang walang
pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Dibisyon ng Negros Occidental, Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet - Filipino 7

Mga Manunulat: Rowena T. Villanueva


Mariza P. Barba
Cesar B. Cortez
Melrose L. Estrella
Ma. Ronette M. Moleño

Tagasuri: Analita T. Batisla-on

Division of NEGROS OCCIDENTAL Management Team:

Marsette D. Sabbaluca, CESO VI


Schools Division Superintendent

Juliet P. Alavaren, Ph.D.


Education Program Supervisor I, Filipino
MABUHAY!
Ang Filipino 7 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo sa pamamagitan ng sama-samang
pagtutulungan ng mga guro sa Filipino ng Baitang 7 ng Negros Occidental High School. Inihanda ito upang
maging gabay ng learning facilitator, na matulungan ang ating mga mag-aaral na makamtan ang mga
inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.
Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na mapagtagumpayan nilang masagot
ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding
makalinang ng isang buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-
alang ang kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Filipino 7 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang matugunan ang
pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit
na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.
Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto sa mga gawaing
iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan ang pag-unlad ng mga mag-aaral (learner’s
progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Filipino 7 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang matulungan ka, na mapatuloy
ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa iyong paaralan. Pangunahing layunin ng LAS na ito na
mabigyan ka ng makahulugan at makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang
mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.
Kuwarter 4, Linggo 2

Learning Activity Sheet 3


Pangalan ng Mag-aaral: ____________________ Grado at Pangkat:__________Petsa: ______

FILIPINO 7
Ang Pangkaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna

I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA


Naisusulat nang sistematiko ang mga nasaliksik na impormasyon kaugnay ng kaligirang
pangkasaysayan ng Ibong Adarna F7PU-IVa-b-18

II. PANIMULA (SUSING KONSEPTO)

PANANALIKSIK – Sa paksang ito, tatalakayin natin kung ano ang pananaliksik, ang depinisyon
nito, at mga halimbawa.
Ang pananaliksik ay ang pag-alam o pagtuklas at pagsubok sa isang teorya. Ginagawa ito upang
malutas ang mga problema at suliranin na kailangan gawan ng solusyon.

Bukod rito, ito rin ay isang sistematikong paghahanap ng mga importanteng impormasyon tungkol
sa isang tiyak na paksa o problema.

Isang halimbawa ng pananaliksik ay ang pagtuklas ng gamot para sa COVID-19. Ayon sa ilang
mga experto, maaring 18 months hanggang 2 taon pa bago makahanap ng gamot para dito.

Ang pananaliksik ay pwedeng ma hati sa iba’t ibang klase depende sa kung paano ito gagawin.
May pananaliksik na ginagamitan ng “social science” may iba naman na gumagamit ng
quantitative o qualitative na impormasyon.

Ayon sa iba’t ibang mga manunulat, ito ang kahulugan ng pananaliksik.

 Kerlinger, 1973
 ito ay isang sistematiko, kontrolado, panigurado sa obsebasyon, at panunuri ng mga
panukalang hypotetikal ukol sa inaakalang relasyon sa mga natural na pangyayari
 Manuel at Medel, 1976
  Ito ay isang proseso ng pangangalap ng impormasyon o datos para masolusyonan ang
isang karaniwang problema sa paraang siyentipiko
 Aquina, 1974
 Ito ay isang detalyadong kahulugan at isang sistematikong paghahanap at pagsusuri sa
mga importanteng impormasyon tungkol sa isang tiyak na paksa o suliranin

6 na Katangian ng Pananaliksik at kahulugan

Imperikal – Ang pananaliksik ay nakabatay sa mga direktang karanasan o obserbasyon ng mga


mananaliksik.
Lohikal – Ang katangiang ito ay naka base sa mga tamang pamamaraan at mga alituntunin.

Siklikal – Naglalarawan ito ng isang “cyclical” na proseso dahil nagsisimula ito sa isang problema
at nagtatapos sa isa pang problema.

Analitikal – Pinag-aaralan ang mga paraang analitikal na pagkuha ng datos. Maaari itong maging
historikal, deskriptibo, o experimental.

Kritikal – Dito, ang pananaliksik ay sumasailalim sa maingat at tumpak na paghahatol.

Kakayahang i Kopya (Replicability) – ang disenyo at mga pamamaraan ng pagsasaliksik ay


kinopya o inulit upang maabot ng mananaliksik ang wasto at kapani-paniwala na mga resulta.

Ating tandaan na ang  pananaliksik ay sistematik. Mayroon itong proseso o magkakasunod na


hakbang na dapat sundin tungo sa pagtuklas ng impormasyon. Ang pangunahing layunin ng mga
pag-aaral na ito ay ang mapabuti ang kalidad ng isang aspeto ng komunidad.
Pormat sa Pagbabalangkas

Ibong Adarna

I. Kaligirang Pangkasaysayan
A. Orihinal na Pamagat
B. Pinagmulan ng salitang korido
1.
2.
C. Karaniwang paksa ng Ibong Adarna
1.
2.
D. Mga pagpapahalagang taglay ng akda
1.
2.

II. Mga Akdang may pagkakahawig sa Ibong Adarna


1.
2.

III. Tulang Romansa


A. Karaniwang paksa
1.
2.
B. Pinagmulan
1.
2.
C. Katangian
1.
2.

IV. Pagkakaiba ng Awit at Korido


A. Awit
1.
2.
B. Korido
1.
2.

V. Konklusyon

VI. Rekomendasyon

III. MGA SANGGUNIAN

https://philnews.ph/2020/05/04/ano-ang-pananaliksik-depinisyon-at-mga-halimbawa/
https://newspapers.ph/2020/11/katangian-ng-pananaliksik-6-katangian-ng-pananaliksik-at-kahulugan/
https://thesilentlearner2014.blogspot.com/2014/06/filipino-2-ang-pagbabalangkas.html
IV. MGA GAWAIN
GAWAIN 1 ( MICRO PERFORMANCE # 1)
PANUTO: Magsaliksik tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna at
gumawa ng isang sistematikong ulat ( pamamagitan ng pagsulat) ng
mga
impormasyong nakalap, batay sa pamantayang nakalahad. Bumuo
muna
ng balangkas at gawin itong gabay sa pagbuo ng pananaliksik.

PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG NAKALAP NA MGA IMPORMASYON

1.May walo hanggang sampung 1. May apat hanggang 1. May isa hanggang
pangyayari mula sa tekstong binasa pitong pangyayari mula sa tatlong pangyayari mula
(3) tekstong binasa sa tekstong binasa
NILALAMAN 2. Maayos ang pagkakasunod-sunod (2) 2.Hindi maayos ang
5 ng mga kaisipan 2. May dalawang kaisipan pagkakasunod-sunod ng
na lihis sa tamang mga kaisipan
(2) pagkakasunod-sunod
(1) (1)
(5)
(3)
Kakikitaan ng apat na na krayterya: Kakikitaan ng tatlo sa Hindi kakikitaan ng
 Wastong gamit ng malalaki at sumusunod na krayterya: alinman sa sumusunod
maliliit na titik  Wastong gamit ng na krayterya:
 May palugit, indensyon at malalaki at maliliit  Gamit ng malalaki
ISTRUKTURA tamang mga bantas na titik at maliliit na titik
3  May pamagat  Palugit, indensyon  Palugit, indensyon
 Tamang baybay/ispeling at tamang mga at tamang mga
 6 na talata bantas bantas
 Pamagat  Pamagat
 Tamang  Tamang
baybay/ispeling baybay/ispeling
(3)  4-5 na talata  2 -3 na talata

(2) (1)

 Gumamit ng lima hanggang  Gumamit ng tatlo


WIKA anim na mga salitang hanggang apat
2 naghihinuha na mga salitang
(2) naghihinuha
(1)
KABUOAN 10

You might also like