Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Julao, Irish Joyce M.

BSOA 1-1P

Pagpapaliwanag

Ang Sanaysay: Introduksiyon

ni Bienvenido Lumbera

1. Ano ang kasaysayan sa pagkakaroon ng sanaysay sa Pilipinas?

 Ayon sa paliwanag ni Bienvenido Lumbera, umpisa pa lamang ng pananakop

ng mga Kastila sa Pilipinas, masasabing mayroon nang umiiral na sanaysay

ang ating mga katutubo. Ang kasaysayan ng sanaysay sa Tagalog bilang

sangay ng panitikan ay nagsimula sa mga isinulat nina Jose Rizal sa kanyang

The Indolence of the Filipino People at The Philippines. Ang A Century Hence

ni Marcelo H. del Pilar ang naging patnugot at tagapaglathala ng La

Solidaridad at itinuturing na nanguna sa pangkat ng mga mapaghimagsik na

mananaysay kabilang sina Graciano Lopez Jaena, Jose Burgos, at Apolinario

Mabini. Ayon naman kay Alejandro G. Abadilla, ang sanaysay ay

pagsasalaysay ng isang sanay o nakasulat na karanasan ng isang sanay sa

pagsasalaysay. Ang terminong sanaysay ay kanyang binuo noong 1938. Sa

lahat ng uri ng katha, sanaysay ang pinakamalawak ang saklaw at may

kahirapang bigyan ng tiyak na katuturan. Hindi ito maaaring limitahin sa anyo

at sa nilalaman. Walang katiyakan ang haba nito at kung kanino nakatuon.

Maaaring ito’y para sa bata o matanda, mahirap o mayaman, babae o lalaki


at iba pa. Sa madaling salita, ang sanaysay ay tumatalakay sa ano mang uri

ng paksa, mabigat man o magaan. Ang manunulat ay malayang maipahayag

at maibahagi sa mga mambabasa ang lahat ng kanyang nararamdaman at

nararanasan. Maaaring nagtataka ka kung ano nga ba ang istorya sa likod ng

sanaysay dito sa ating bansa.

2. Paano masasabing mahusay ang isang sanaysay?

 Masasabing mahusay ang isang sanaysay kung matatag at matino ang

paghawak sa wika, na hinihinging maging mabisa sa pagpapaabot sa

mambabasa ng layon nitong sabihin. Ito ay karaniwang natatamo kapag ang

mga kaisipan/damdamin/obserbasyon ay maingat na naisaayos ayon sa

layunin ng sanaysay. Idagdag pa na ang mga salita ay pinili upang

maipaalam sa mga ito nang hustong-husto ang nais sabihin tungkol sa

paksain. Hindi hinihingi na laging maging seryoso ang nilalaman ng akda; ang

hinihingi ay maging makabuluhan ito sa pagtalakay sa paksain bilang

pagkilala na nakikisingit lamang ito sa panahon at kamalayan ng

mambabasa.

3. Paano magiging kapaki-pakinabang ang pagbasa ng sanaysay?

 Magiging kapaki-pakinabang lamang ang pagbasa ng sanaysay kung

magagawang hawiin ang pagkailang sa isipan ng mambabasa tuwing

mahaharap sila sa isang sanaysay. Kung hindi man kasi naiilang ang

mambabasa ay nababagot ang mga ito dahil tinitingnan niya ang sanaysay
bilang mga salita lamang na nangingitim sa pahina, na kailangang himay-

himayin upang maintindihan ang sinasabi. Sa maikling sabi, akdang walang

pintig ng buhay ang sanaysay.

4. Ano ang mga katangian at kahalagahan ng Sanaysay?

 Malinaw na nailatag sa akda ang katangian ng sanaysay gaya ng ito ay may

boses, may tono, may ugnay, at may kuro-kuro. Gayundin, nabanggit na ang

sanaysay ay mahalaga sapagkat ito ay paglalahad ng matalinong opinion,

mga peronal na saloobin o damdamin. Mahalaga ang pagsusulat at

pagbabasa ng sanaysay sapagkat natututo ang mambabasa mula sa inilahad

na kaalaman at kaisipang taglay ng isang manunulat. Nakikilala rin ng

mambabasa ang manunulat dahil sa paraan ng pagkasulat nito, sa paggamit

ng salita at sa lawak ng kaalaman sa paksa.

You might also like