Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY SOUTH LUZON

The National Center for Teacher Education


Technology and Livelihood Education Hub
Lopez, Quezon

Banghay ng Aralin sa Araling Panlipunan 3


Pamagat ng Aralin: Ang Imprastraktura ng mga Lalawigan at ang Kahalagahan nito sa
Buhay
Mga Layunin
1.Pamantayang Pangnilalaman (Content Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pang-unawa sa mga gawaing
Standard) pangkabuhayan at bahaging ginagampanan ng pamahalaan at ang
mga kasapi nito, mga pinuno at iba pang naglilingkod tungo sa
pagkakaisa, kaayusan at kaunlaran ng mga lalawigan sa
kinabibilangang rehiyon.
2. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakapagpapakita ng aktibong pakikilahok sa mga
(Performance Standard) gawaing panlalawigan tungo sa ikauunlad ng mga lalawigan sa
kinabibilangang rehiyon.
3. Batayang Konsepto
Mga Kagamitan Visual Aids, Larawan
Mga Sanggunian K-to-12-MELCS Curriculum Guide AP3EAP-Iva-2
B) Mga Layuning Pampagkatuto Matapos ang aralin, inaasahan na ang mga mag-aaral ay…
1. Pangkabatiran / Cognitive Maibigay ang mga imprastraktura sa mga lalawigan at
kinabibilangang rehiyon.
2. Pandamdamin / Affective Napapahalagahan ang pagkakaroon ng mga imprastraktura sa mga
lalawigan at kinabibilangang rehiyon.
3. Saykomotor / Psychomotor Nailalarawan ang kabutihang dulot ng mga imprastraktura sa mga
lalawigan at kinabibilangang rehiyon.
C) Pamamaraan / Preliminaries I. Pagbati

II. Panalangin

III. Pagtsek ng Liban

IV. Paunang Pagtataya (Pre-Test)


Panuto: Piliin ang pinakatamang sagot sa bawat sitwasyon. Bilugan
ang titik ng tamang sagot sa sariling sagutang papel.
1. Kung ang isang rehiyon ay isang kapatagan na
napalilibutan ng bulubunduking lugar, saan ito mag-
aangkat ng produktong dagat?
a. Sa karatig-rehiyon na may tabing dagat
b. Karatig-rehiyon na nasa tuktok ng bundok
c. Sa malayong karatig-rehiyon na nasa tabing dagat
d. Sa malayong karatig-rehiyon na nasa tuktok ng bundok
2. Maraming lungsod ang nag-aangkat ng mga produktong
pang-agrikultura katulad ng palay at mais sa karatig-
lalawigan. Alin kaya ang maaring dahilan nito?
a. Abala ang mga taga lungsod kaya hindi ito nagtatanim
b. Ang lupain sa lungsod ay pinatayuan ng mga gusaling
pang komersiyo
c. May malawak na lupaing sakahan sa lungsod ngunit
walang gusting magtanim ng palay at mais.
d. Kulang sa kakayahan sa pagtatanim ng palay ang mga
tao sa lungsod.
3. Saan maaaring mag-angkat ang mga taga lungsod ng mga
produktong tulad ng karne?
a. Sa mga lungsod na nasa tabing dagat
b. Sa mga lungsod na maraming modernong opisina
c. Sa mga lalawigan na maburol
d. Sa mga lalawigan na maraming minahan
4. Saan maaaring iluwas ng mga lungsod na sagana sa
yamang dagat ang kanilang mga produkto?
a. Sa lalawigan sa tabing dagat
b. Sa malalyong lungsod
c. Sa mga malalayong lalawigan sa kabundukan
d. Sa mga karatig na lungsod
5. Ang lungsod o rehiyon ay umaasa sa produkto ng ibang
lungsod o bayan ng rehiyon upang mapunan ang kanilang
_____.
a. Ang kasiyahan ng bawat mamamayang Pilipino.
b. Ang pangangailangan ng bawat mamamayan.
c. Katahimikan at kalusugan
d. Maayos na pamumuhay

D) Paunang Gawain
Panuto: Tukuyin kung ano ang mga nasa larawan.

-
- KOTSE

- PRUTAS
- ISDA

- EROPLANO

• Mga bata, pamilyar ba kayo sa mga larawan na ito?


• Saan niyo kadalasan makikita o mabibili ang mga bagay na
ito?

E) Gawain / Activity Ngayon mga bata, ating alamin kung ano-ano ba ang mga
imprastrakturang ito ng lalawigan sa pamamagitan ng paglalaro ng
mga salita na nasa task card gamit ang mga alphabet bank. Ganito
ang ating gagawin, ipapaskil ko sa pisara ang unang makakabuo ng
salita ay itataas ang kanang kamay upang tumayo sa unahan para
magpaskil ng mga salitang nabuo.

A B C D E F G H I
1 2 3 4 5 6 7 8 9
J K L M N O P Q R
10 11 12 13 14 15 16 17 18
S T U V W X Y Z
19 20 21 22 23 24 25 26

20 21 12 1 25 1. TULAY

2. IRIGASYON
9 18 9 7 1 19 25 15 14

3. PAMILIHAN
26 1 13 9 12 9 8 1 14
4. PALIPARAN
16 1 12 9 16 1 18 1 14

5. PANTALAN
16 1 14 20 1 12 1 14

F) Analysis • Ano-ano ang mga salitang nabuo sa task card?


• Pamilyar ba kayo sa mga imprastrakturang ito?
• Nakapunta ka na ba sa mga imprastrakturang ito?
• Saan kadalasan nakikita ang mga imprastrakturang ito?
• Bakit mahalaga ang mga imprastraktura?
G) Pagpapalalim / Abstraction Ang imprastraktura tulad ng kalsada at tulay ay siyang nagpapadali
sa pag-aangkat at pagdadala ng mga produkto mula sa ibang
lalawigan patungo sa mga pamilihan sa rehiyon.

Kahalagahan ng Imprastraktura
- Malaki ang epekto ng imprastrakura sa kalagayang
pangkabuhayan ng isang bayan o bansa.
- Nababawasan ang bilang ng mga taong walang trabaho kung
kaya’t nagkakaroon ng mas maayos na buhay ang mga
mamamayan.

Mga Imprastraktura
1. Tulay at Daan – mas madali ang pagdadala ng mga
pangunahing produkto mula sa mga probinsiya patungo sa
mga pamimilihan.
2. Palengke o Pamilihan – ang pagkakaroon ng sentralisidong
pamilihan sa isang lungsod o bayan ay nakatutulong upang
hindi nahihirapan ang mga mamamayan na bumili ng
kanilang mga kailangan sa araw-araw, nabibigyan din ng
pagkakataong magnegosyo at makapagtinda ang mga tao
dito.
3. Irigasyon o Patubig – Nagbibigay ng sapat na suplay ng
tubig upang mapaganda ang mga pananim ng mga karatig
lalawigan.
4. Konkretong pantalan o daungan – dito dinadaong ang mga
produktong nanggagaling sa malalayong lugar na
isinasakay sa mga barko.
5. Waterdam – dito nagmumula ang suplay ng tubig na gamit
para sa pagluluto at pag-inom ng mga mamamayan.
6. Telecommunication Tower – nagkakaroon ng mabilis na
ugnayan ang mga tao dulot ng makabagong teknolohiya
tulad ng telepono, cellular phone, internet at kompyuter.
7. Mga Paliparan – napapabilis ang mga byahe ng mga tao
mula sa ibang rehiyon at ibang bansa sa pamamagitan ng
mga Paliparan tulad ng NAIA na matatagpuaan sa Lungsod
ng Pasay at Parañaque.
H) Paglalapat / Application Panuto: Gumuhit sa kahon ng isang imprastraktura na nakikita niyo
sa inyong pamayanan. Lagyan ito ng pangalan at ipaliwanag kung
ano ang kabutihang dulot nito.

I) Takdang Aralin / Assignment Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot:


1. Napag-uuganay ang magkahiwalay na lugar at madaling
naitatawid ang mga produkto at serbisyo dahil sa ____.
a. Bangka b. Pantalon
c. Tulay d. Trak
2. Nakatutulong ang sementadong daan sa kabuhayan
dahil _____.
a. Mas nagiging mabilis ang transportasyon.
b. Maiiwasan ang pagkasira ng mga produkto dahil sa
bako-bakong mga kalsada.
c. Madaling napupuntahan ang mga sakahan at lugar
kung saan naroroon ang kabuhayan.
d. Lahat ng nabanggit ay tama.
3. Dahil sa pagkakaroon ng sentralisadong pamilihan, ang
mga mamamayan ay _______.
a. Nawawalan ng direksiyon sa pagbili ng mga produkto.
b. Nalulugi dahil maraming kakompitensya sa pagbebenta
ng produkto.
c. Nabibigyan ng pagkakataon na paunlarin ang kanilang
mga kabuhayan dahil may tiyak na lugar na
pagdadalhan ng mga produkto.
d. Nalilito sa dami ng mga bilihin na nakikita sa pamilihan.
4. Ipinagawa ang mga irigasyon para sa mga magsasaka
upang ______.
a. Masuplayan nila ng sapat na tubig ang kanilang mga
pananim at sakahan kahit malayo sa pinagkukunan.
b. Magkaroon ng outlet ang ilog na pinagmumulan ng
tubig.
c. Magkaroon ng lugar na mapaglilinisan ng kanilang
kagamitan sa pagsasaka.
d. Magsilbing tirahan ng ibang mga isda.
5. Ang mga imprastraktura ay mahalaga sa kabuhayan ng
mga mamamayan dahil ______.
a. Nakatutulong ang mga ito s amabilis na pagproseso ng
mga produkto at serbisyo at ang pagpapalitan ng mga
ito.
b. Mas lalong nakikilala ang isang lugar kung maraming
naipatayong imprastraktura dito.
c. Gumagastos nang malaki ang pamahalaan para
maipagawa ang mga ito.
d. Walang kinalaman ang imprastraktura sa pag-unlad ng
kabuhayan.

References:

https://www.google.com/url?sa=i&url=http%3A%2F%2Fwww.clipartpanda.com%2Fcategories%2Fshirt-
clip-
art&psig=AOvVaw1ktq9G_uyr0w9A6A4_trKE&ust=1649411230337000&source=images&cd=vfe&ved=0
CAoQjRxqFwoTCIDS0-bVgfcCFQAAAAAdAAAAABAD
https://www.google.com/imgres?imgurl=http%3A%2F%2F1.bp.blogspot.com%2F-
t_JnAJS8u4s%2FUfEx4F7QBqI%2FAAAAAAAAFms%2Fu2gTFn4xx7w%2Fs1600%2Ffruit-
hi.png&imgrefurl=http%3A%2F%2Fwww.eryckwebbgraphics.com%2F2013%2F07%2Fself-employment-
food-for-
thought.html&tbnid=cWjG552SH5o0hM&vet=12ahUKEwiJ7Y2m1oH3AhUJTPUHHWDeB_cQMygRegUIA
RCAAg..i&docid=ZQkHYjieqdDyJM&w=600&h=522&q=prutas%20clipart&ved=2ahUKEwiJ7Y2m1oH3AhU
JTPUHHWDeB_cQMygRegUIARCAAg
https://encrypted-
tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcTOqr3Ylg_0fE4cdqWKxMQNy_xfOvnCQZyu2g&usqp=CAU
https://www.youtube.com/watch?v=uIza5txU4lE

Prepared by: Approved by:

_________________________ __________________________

Crizia Nicole S. Valerio Prof. Iona Ofelia Zanoria


2 – BMSEE Professor

You might also like