Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PAANO PALAKASIN ANG PANDAMA SA PAKIRAMDAM SA PALAD PARA MARAMDAMAN ANG ENERHIYA

O PWERSA NG MGA GAMIT.

Tayong nag aaral ng pag sspiritual, ay kadalasan meron mga gamit na iniingatan. Pwede ito isang
medalyon, mutya, relikya, bao, stampita, kalmen, garapa, kahoy, bato o anuman bagay na binibigyan
natin ng kapangyarihan pang spiritual. Kung ito aybtotoo at tunay, maari ito ay may birtud na
magprotection, mag ligtas, magpagaling, magpalakas, tagaliwas, tagabulag, nagbibigay swerte at iba
pang birtud spiritual.

Madalas tayo nakakakita ng mga nagtatanong, pakitignan kung mga lakas o bantay ang kanilang gamit.
Bagamat ang tunay na gamit ay di dapat pinapalandakan sa social media na nakikita ng marami, marami
ang nag papasilip o nagpapatingin, yan ang isang palatandaan na ang may tangan ay di nya kabisado o
lubus na alam ang kanyang tangan. Marami ang dis advantages ang nagpapasilip ng tangan, kaya ang
mga marurunong ay di nagpapasilip mga yan. Pero pagusapan natin ito sa mga sumusunod na
kwentuhan.

Para maiwasan natin ang magpasilip sa iba, tayo na mismo ang sisilip sa ating mga gamit o tangan. Pero
paano kung hindi actibo o.bukas ang ating 3rd eye, paano natin masisilip ang gamit natin? Hindi lahat ay
nabiyayaan ng 3rd eye, meron mga ilan ilan lang na tunay na bukas pero karamihan ay mga nag aakala
lang na bukas sila. Minsan inipon namin ang mga nagsasabi na bukas ang kanilang 3rd eye, mahigit 20 na
katao, tinesting namin isa isa, pero nakakalungkot, wala ni isa anh tunay na bukas, akala lang nila ay
bukas at nakakakita sila.

Ngaun dahil hindi lahat ay nabibiyayaan ng ikatlong mata, paano natin malalaman na ang isang bagay ay
may angking na birtud o lakas o kapangyarihan. Marami ang pwede gawin, ito ang mga tanungan na
sinasabi. Isang pamamaraan ay yun tinatawag namin na dangkal. Isa pa ay sa paggamit ng pendulum,
ang iba ay baraha, at marami pang ibang pamamaraan lalo na kung ang mga katotobo ang kausap.

Meron isang pamamaraan ng mga antingero ng pandama kung may birtud ang isang gamit. Ito ay ang
paglagay sa gitna ng palad at pinapakiramdaman ito ng maigi. Marami pakiramdam na pwede
maramdaman, hindi pareparehas bawat tao. Iba ay mainit, iba ay malamig, iba ay pumintigpintig, iba ay
nakikiliti, at iba pang pakiramamdam.

Ito ang pandama na pinakamabilis matutunan kung paano magkaroon o kung meron na ay paano
mapalakas.

Kung gusto matutunan ang pandama na ganito para maramdaman ang isang bagay kung may birtud o
wala ay ganito ang inyong gagawin.

1. Magrelax sa isang lugar na hindi na sstorbo. Mainam nakaupo at tuwid ang gulugod.

2. Huminga ng malalim ng 3 hangang 7 beses.


3. Iunat ang palad, nakabuka, pwede kanan o kaliwa, kung alin ang nakasanayan na pagtanggap. Kung
right handed, gamitin ang kaliwang palad, kung left handed, gamitin ang kanan na palad.

4. Gamitin ang hintuturo o index finger at tusukin ng paikot ang gitna ng palad. Ikotikotin ang daliri na
parang kinukutkut ang gitna ng palad. Gawin ito ng mga kalahating minuto.

5. Pagkiskisin ang dalawang palad ng mga 1 minuto.

6. Mag relax ng isang minuto. Pwede ulitin ang step 4. at step 5. kung gusto.

7. Kung meron lang rock crystal o anuman na crystal ay hawakan ito at ituro sa gitna ng palad na ang
layo ay 2-3 pulgada, at itaaas baba o ikotikotin o pwede din crosswise.

8. Pag meron kayong maramdaman na pwersa, mainit, malamig, etc ay nagigising na ang pandama ng
inyong palad.

9. Ulit ulitin ang pag sasanay ng ilang araw.

10. Para masubukan ang inyong bagong kakayahan, ay mag practice ng mga ibat ibat klaseng bagay,
kumuha ng bato sa kalsada, at ang inyong iniingatan na gamit pwede medalyon.

Ipatong ang medalyon sa palad, pakiramdam daman. Alisin at palitan ng bato na galing kalsada at
pakiramdaman ang pagkakaiba. Kung naramdamdaman mo ang mainit o nagpipintigpintig ay maari ang
gamit na inyong pinatong sa palad ay may birtud.

Wag dayain ang sarili, at paniwalain ang sarili na ang inyong gamit ay pumipintigpintig. Wala kayo
niloloko kundi sarili nyu. Pag may naramdaman kayong pintig, init o kuryente, palitan ng plastic o piso
coin, dapat wala kayo naramdaman sa piso coin.

Gawin ang pagsasanay ng araw araw at darating ang araw na maging mahusay kayo mangdama ng
gamit.

Nawa ay may kaunting naibahagi na pwede nyu magamit at maiwas sa mga manloloko at
mapagsamantala ng mga peke at gawa ng tao ang mga binebenta na mga mutya. kung medal naman ay
malalaman nyu un tunay na naconsagrahan at nabuhay na medal.

PAX.

#lolomagsasaka.

You might also like