Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

SOLO PARENTS WELFARE ACT OF 2000

Intro - Play random video of families in the Philippines


Play clips of the interviewees expressing their fears

Jessa: Pamilya. Hindi na bago sa atin kung ang kahulugan ng isang pamilya ay may tatay, nanay at
anak. Ngunit ang pamilya ay pwede ring isang magulang at anak. Ngayong araw, tatalakayin
natin ang isang paksa na kinabibilangan ng milyon-milyong Pilipino sa buong bansa at sila rin
ay isa sa mga mga pinakaapektado ngayong pandemya.

Alamin at tuklasin ang kwento ng ating mga solo parents at ang kanilang mga karapatan at
benepisyong nakapaloob sa batas dito lamang sa Tatak Legal, Tatak RMC.

Intro of Segment Title with audio (Tatak Legal, Tatak RMC: Solo Parents Welfare Act of 2000)

Jessa: Base sa pinakabagong datos na inilabas ng World Health Organization, umaabot na sa 15


million ang solo parents dito sa ating bansa at 95% o mahigit 14 million sa kanila ay mga
kababaihan. Subalit paano nga ba natin malalaman kung sino ang isang Solo Parent? Ang
sagot? Nasa RA 8972 o Solo Parents Welfare Act of 2000 at sa Implementing Rules and
Regulations mula sa interagency committee na pinangungunahan ng Department of Social
Welfare Development.

Carle: Ayon sa batas, may sampung qualifications kung sino ang isang Solo Parent. Kung isa ka sa
kanila, protektado ka ng naturang batas.

(Flash images na lang guro ta ani Mam Carle? Tapos in english lang ang text sa screen?)

Una, mga kababaihan na naging biktima ng panggagahasa at iba pang krimen laban sa
kalinisang-puri kahit na hindi pa nahahatulan ang may sala. Basta’t pinili ng nanay na buhayin
ang anak.

Pangalawa, isang magulang na nag-iisang bumubuhay sa anak dahil namatay ang kanyang
asawa.

Pangatlo, isang magulang na naiwang nag-aalaga sa anak dahil ang kanyang asawa ay nasa
kulungan dahil sa isang krimeng hindi bababa sa isang taon ang parusa.

Pang-apat, isang magulang na ang katuwang ay naging mentally or physically incapacitated at


certified ito ng isang public medical practitioner.

Panglima, isang magulang na legally separated sa asawa na di bababa sa isang taon at nasa
kanya ang kustodiya ng bata.

Pang-anim, isang magulang na annulled at nasa kanya ang kustodiya ng bata

Pampito, isang magulang na inabanduna ng kanyang asawa sa loob ng isang taon o mahigit pa

Pangwalo, isang magulang na hindi kasado at mas piniling alagaan ang anak

Pang-siyam, kahit sinong tao na nagbibigay ng parental care at support sa isang bata o mga
bata

Pang-sampu, kahit sinong family member na tumatayong head of the family dahil namatayan,
inabanduna, o matagal nang nawala ang kanilang mga magulang.

Carle: Maliban sa Solo Parent, binigyang kahulugan din ng batas kung sino ang tinutukoy na anak na
saklaw ng batas at ano ang ibig sabihin ng parental responsibility.
Ang anak na tinutukoy ng RA 8972 ay mga nakatira kasama at nakadepende sa kanilang solo
parent para sa suporta. Hindi pa sila kasado, walang trabaho, at hindi hihigit sa 18 years old.
Pero sakop pa rin ng batas ang mga taong lampas 18 na hindi kayang suportahan ang kanilang
sarili dahil sa kanilang mental o physical disability.

Ang mga solo parents naman ay may tinatawag na “parental responsibility” sa kanilang mga
menor de edad na mga anak na nakapaloob sa Article 220 ng Excutive Order No. 209 o Family
Code of the Philippines.

Jessa: Iba-iba ang kwento ng mga indibidwal na ating nakapanayam tungkol sa kanilang buhay bilang
solo parents. Sina Alzbeta at Marga ay iilan lang sa mga maagang nagkaroon ng anak habang
nasa kolehiyo pa lamang.

(Jessa’s Interview; Play part na nagstory siya about sa nahitabo sa ilaha sa iyang ex-boyfriend)
(Lady’s Interview; Pilii lang significant parts sa iyang story Mam Carle)

Naging dahilan din ang di pagkakaunawaan ni Patrick at ng kanyang dating kinakasama kung
kaya’t hindi sila nagkatuluyan.

(Insert Saniel’s Interview)

Para naman kay Isabel na dating OFW, napilitan siyang iwan ang buhay abroad para sa
kaligtasan niya at nga kanyang magiging anak.

(Insert Sonia’s interview with Isabel)

Jessa: Nang tanungin namin sila tungkol sa kanilang nalalaman tungkol sa RA 8972, ang madalas
nilang naging tugon ay narinig lamang nila na mayroong ganitong batas subalit hindi sila
sigurado kung ano nga ba ang benepisyong makukuha nila rito.

(Insert interview answers regarding knowledge about Solo Parents Welfare Act)

Ang ganitong sitwasyon ay hindi na bago dahil maraming Filipino Solo Parents ang hindi batid,
lalo na ang mga nasa laylayan, na mayroon palang batas na umaagapay sa kanilang mga
karapatan at magbibigay sa kanila ng suporta.

Sonia: Naisabatas ang Solo Parents Welfare Act noong 2000 sa administrasyon ng dating Presidente
Joseph Ejercito Estrada. Ayon sa batas, ang mga makakatanggap ng mga benepisyo at suporta
nito ay mga solo parents na ang kita ay mababa sa poverty threshold na galing sa National
Economic and Development Authority.

Sila ay sasailalim sa assessment ng DSWD worker tungkol sa kanilang estadong pampinansyal


at kung kwalipikado ba sila sa naturang assistance. Ngunit, ang mga solo parents na kumikita
ng higit sa poverty threshold ay maaari pa ring makatanggap ng benepisyo tulad ng:

1. Flexible Work Schedule


2. Anti-Work Discrimination
3. Parental Leave

Ating himayin kung ano nga ba ang nakapaloob sa batas pagdating sa karapatan ang benepisyo
ng mga solo parents.

Gregory: Base sa Section 5 ng naturang batas, ang DSWD, DOH, DECS, TESDA, DOLE, NHA at DILG
kasma ang mga LGU at non-governmental organizations ang naatasang gumawa ng isang
Comprehensive Package of Social Development and Welfare Services para sa ating mga solo
parents at kanilang pamilya.
(Play clips of DSWD while Gregory’s audio at the background)

Ang DSWD ang department na makikipagcoordinate sa mga ahensya ng gobyerno pagdating sa


implementasyon ng naturang comprehensive package. Kasama sa mga serbisyong kaakibat
nito ay

A. Livelihood Development Services kung saan binibigyan ng livelihood trainings, basic business
management trainings, at value orientation and the provision of seed capital o job placement
trainings.

B. Counselling Services kagaya ng individual, peer group o family counseling. Layunin nito ang ayusin
ang problemang pamilya lalo na pagdating sa role conflicts.

C. Parent Effectiveness Services kung saan tinuturuan ang mga magulang pagdating sa early childhood
development, behavior management, health care, at mga karapatan ng isang magulang at anak.

D. Critical Incidence Stress Debriefing kasama na dito ang stress management strategy lalo na para sa
mga solo parents lalo na ang mga biktima ng pang-aabuso

E. Special Projects for Indivisduals in Need of Protection kung saan binibigyan sila ng gobyerno ng
panandaliang tahanan, counseling, legal assistance, medical care, self-concept building, crisis
management at spiritual enrichment.

Maliban dito, may iilan pang kapangyarihan at tungkulin ang DSWD.

(Play Random Clips of Solo Parents Availing of These Services, if any)

Una, inaatasan silang sumagawa ng pananaliksik ukol sa pagdedevelop ng bagong body of


knowledge tungkol sa solo parents, pagdedefine ng executive at legislative measures na
kailangan sa pagpopromote at pagpoprotect ng interes ng solo parents at ng kanilang mga
anak, at iassess and pagiging epektibo ng mga programa para sa mga disadvantaged solo
parents.

Pangalawa, maging tulay sa mga programa ng gobyerno at NGOs hinggil sa solo parents at
kanilang mga anak

At pangatlo, imonitor at iimplement ang RA 8972 at gumawa ng mga mekanismo u pang


mas maging epektibo pa ang implementation ng batas na ito.

Lady: Nang tanungin namin sila kung anong mga benepisyo pa ba ang nais niyang nakapaloob sa
batas, ito ang kanilang naging tugon.

(Jessa’s interview, play clip about Alzbeta’s answer on benefits of children)


(Sonia’s interview, play clip about suggestion)

Lady: Ang hindi alam ng nakararami ay nakapaloob na rin ito sa batas kung saan tungkulin ng DECS,
CHED, at TESDA ang bigyan ng scholarship program ang qualified solo parents at kanilang
mga anak sa basic tertiary at technical/skills education.

Maaari rin silang bigyan ng naturang mga ahensya ng nonformal education programs na
angkop sa kanilang mga pangangailangan.

(Transition)
(Insert clip about their interview on their challenges/grateful for)
Carle: Ngunit ang mga benepisyong maaaring i-avail ng solo parents ay hindi diyan nagtatapos. Ang
ating mga working mothers o fathers o yung nasa mas maayos na kalagayan ay hindi napag-
iiwanan sa Solo Parents Welfare Act. Nakapaloob sa Sections 6, 7 at 8 na ang kanilang mga
employers ay dapat bigyan sila ng flexible working schedule basta’t hindi lamang ito
nakakaapekto sa company productivity.

Walang employer din ang maaaring diskriminahin ang isang solo parent lalong lalo na sa
paghahire sa kanila at sa kanilang employment terms and conditions dahil lamang sa
kanilang estado.

Maaari ring magfile ng parental leave na hindi hihigit sa pitong araw bawat taon ang isang
solo parent. Maliban pa ito sa nakasanayan nang vacation at sick leaves. Ngunit kailangan
muna nilang makapagtrabaho sa iisang kumpanya sa loob ng isang taon.

Lady: Bagama’t ganito ang naging mandato ng batas, ang mga employers ay maaaring mag-apply
ng exemption sa DOLE pagdating sa Flexible Work Schedule kung mayroon silang katanggap-
tanggap na dahilan.

Ang mga solo parents na kabilang sa poorest of the poor o ang antas pampinansyal ay mas
mababa sa poverty threshold ay maaari ring makatanggap ng low-cost housing benefits at
medical assistance mula sa DOH. Ang tulong pangmedical ay inaasahang maibibigay ng
retained hospitals at medical centers ng LGU.

(Insert random clip of COVID-19 videos)

Jessa: Nitong 2019 lamang ay naging apektado ang buong mundo sa pagkalat ng Novel
Coronavirus at hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pagpuksa natin dito. Ayon kay Labor
Secretary Silvestre Bello III ay umaabot na sa higit 100,000 ang mga babaeng solo parents na
nawalan ng trabaho nitong pandemya at patuloy pang tumataas ang mga numero. Apat sa
bawat sampung babaeng solo parents sa Pilipinas ay walang trabaho.

(Mam, pwede kaya ta magpakita ug graphics aning 4 out of 10 unemployed women solo parents?
Hehe)

At karamihan sa kanila ay nasa call center agencies kung saan kinakailangan nilang
magtrabaho sa malayo o sa irregular na oras para lamang patuloy na masuportahan ang
kanilang mga anak. Ngunit ang pagdating ng pandemya ay isang blessing at problema para
sa working solo parents. Maaari man silang magtrabaho kasama ang kanilang mga anak
pero ang kawalan ng laptop, iba pang devices, o kahit internet connection ay malaking
balakid sa seguridad ng kanilang trabaho.

(Insert interview about experience of solo parents during the pandemic)

Sonia: Enero nitong taon ay naaprubahan sa House of Representatives ang mga karagdagang
benepisyo para sa mga solo parents sa ilalim ng House Bill 907 na pinangunahan ni Rep.
Lawrense Fortun ng Agusan del Norte. Nasa Kongreso na rin ang naturang batas.

Ayon sa panukalang ito ay tataasan na ang saklaw kung sino ang pwedeng maging beneficiares
ng batas base sa kanilang annual income. Layunin din nito ang mabigyan ng scholarship plan
ang mga anak ng solo parents at mabigyan ng TESDA opportunities ang mismong magulang.
Magiging prayoridad na rin sila ng educational programs ng gobyerno. Higit pa dito ay bibigyan
sila ng transportation allowance, discount sa school applies, at tataasan ang edad ng
kinokonsiderang “children” mula 18 years old papuntang 21 years old.

Gregory: Ang ibang discounted products na maaaring maavail ay gatas, supplements, diapers, gamot,
bakuna, at damit ng mga bata. Maaari rin silang makaavail ng discounts sa pamasahe, tubig,
kuryente at iba pang basic commodities at maging sa hotels at restaurants. Mas tataasan din
ang kanilang benepisyong matatanggap GSIS, SSS, at Pag-Ibig.

Kasama rin sa HB 907 ang pagtulong sa solo parents na mas pabilisin pa ang pagpoproses ng
kanilang IDs sa tulong ng mga LGUs kung saan magkakaroon sila ng sarili nilang help desks para
sa requirements at iba pang mga katanungan.

Kung ito man ay maisasabatas, isang malaking tulong talaga ito si milyong solo parents na
apektado ng pagbaba ng ating ekonomiya at pagmahal ng gastusin.

Lady: Ano nga ba ang mga pagbabagong naidulot ng pagiging magulang sa ating solo parents at
handa na ba silang makatagpo ng bagong pag-ibig? Ito ang kanilang naging tugon.

(Insert answers about love)

Hindi nga maitatanggi na nabago ang pananaw sa buhay ng ating solo parents mula nang sila
ay nagkapamilya. Self-love at pagmamahal sa kanilang mga anak ang mas nais at kailangan
nilang unahin sa ngayon. Love can wait ika nga at mas nais muna nilang ibuhos ang oras at
pagmamahal sa kanilang pamilya.

Jessa: Si Patrick, Alzbeta, Isabel, at Marga ay iilan lamang sa mga mukha ng solo parents. May
milyong-milyong kwento pa ang ating matatagpuan sa iba’t-ibang parte ng bansa at ang
mahalaga ay binibigyang pansin sila ng gobyerno sa pamamagitan ng Solo Parents Welfare Act of
2000.

Ngunit mahaba-haba pa rin ang ating tatahakin sa diskusyong ito dahil marami pang Solo Parents
ang hindi alam kung ano nga ba ang mga benepisyong maaari nilang matanggap mula sa
gobyerno.

Nawa’y nagustuhan niyo ang ating special edition ngayong araw tungkol sa mga solo parents at
kung may kakilala kayong isa sa kanila, ipagbigay-alam na ang kanilang mga karapatan ay
protektado ng batas.

Kita-kits sa susunod na episode ng Tatak Legal, Tatak RMC.

Outro video of reporters (Mam Carle, pwede ba na iplay sabay atong video na gaingon ug Tatak Legal,
Tatak RMC? Hehehe or MagZoom Video ta na magrecord ani)

Outro audio

You might also like