Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Alcazar, Irene L.

19-W0073
FIL 2 (SUN 4:00-8:00 SUMMER 2021-2022)

LAGOM AT KONGKLUSYON

LAGOM
Ang artikulong ito ay tungkol sa pitong simpleng hakbang upang maprotektahan ang sarili at ang
iba laban sa Covid-19. Binanggit sa artikulo na ito ay maaring sundin ng lahat lalo na ng mga taong nasa
lugar kung saan maraming positibo sa Covid-19. Ang mga hakbang na binaggit sa artikulo ay ang mga
sumusunod, hugasan ng madalas ang iyong kamay, iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig,
takpan ang iyong ubo o bahing, iwasan ang matatao na lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa taong
may lagnat o ubo, manatili sa bahaykung ikaw ay may sakit, kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa
paghinga, magpakonsulta agad-ngunit tawagan mo muna ang health facility at kumuha ng impormasyon
sa mapagkakatiwalaang awtoridad. Ayon sa artikulo, ito ay mahalagang gawin dahil ang local at
pambansang awtoridad ang may alam tungkol sa pinaka bagong impormasyon kung kumakalat na ba
ang Covid-19 sa inyong lugar.Sila ang mas nakakaalam kung anong tamang payo na dapat ibigay sa iyong
lugar upang maprotektahan ng mga tao ang kanilang sarili.

KONGKLUSYON

Ang buong artikulo ay isang impormatibong talata na para sa akiy malaking bagay kung
babasahin lalo na ng mga taong hindi masyadong nakakapanood ng telebisyon. Bukod sa itoy maikling
panuto lamang, ito rin ay limbag sa wikang tagalog kaya naman mas madali itong maiintindihan ng ating
mga kababayan. Nawa ay maslalo pang pagsikapan ng ating local nag gumawa ng mas marami pang
babala at paalala sa ating kababayan upang sa agayon ay matapos na ang pandemic na ito.

You might also like