Piling Pelikulang Pilipino Kasangkapan S

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

PILING PELIKULANG PILIPINO: KASANGKAPAN SA PAGLALAHAD NG

KASAYSAYAN NG BAYAN

Romel P. Misa
Departamento ng Kasaysayan
Pamantasang De La Salle, Lungsod ng Maynila

ABSTRAK

Sa gagawing papel, tatalakayin ang kung bakit ang pelikulang historikal sa paglalahad ng
kasaysayan ng Pilipinas. Susuriin ang ilang mga pelikulang Pilipino mula 1980 hanggang sa
kasalukuyan kung ang mga pelikulang ito ay naglalahad ng kasaysayan ng bayan.

Mga Susing Salita: Kasaysayan, Pelikula, Batis, Sining, Film Strip, Dalagang Bukid,
Espectaculo Cientifico de Pertierra

PANIMULA

Ang pelikulang Pilipino ay masasabing pinakabatang sining na nabuo sa Pilipinas.

Nagsimula ang mga Pilipino na gumawa ng mga pelikula mula noong 1919.1 Ang pelikulang

Dalagang Bukid ni Jose Nepomuceno noong 1919 ang kauna-unahang pelikulang Pilipino. Sa

kabilang banda, habang tumatagal ay hindi nakapako ang tema ng pelikula sa drama. Habang

tumatagal ay nagkakaroon ng mga temang nais ipokus ng mga direktor katulad ng paggawa ng

mga pelikulang pangkasaysayan at kultura. Mapapansin sa mga naunang mga pelikulang

pangkasaysayan at kultura ay may makikitang hindi tumutugma sa mga naging tala sa

kasaysayan o tumutugma sa kultural na aspekto. Bukod pa rito, makikita na mas lamang pa ang

mga kathang-isip ang mga ginamit na senaryo kaysa sa mga aktwal na pangyayari sa kasaysayan.

1
“History of Philippine Cinema,” accessed September 30, 2020,
http://www.aenet.org/family/filmhistory.htm.
1
Ang pelikulang historikal o pangkasaysayan ayon kay Marra P.L. Lanot at Lena S. Pareja

ay tumatalakay sa mga totoong pangyayari sa nakaraan o sa buhay ng mga kilalang tao, bayani

man o kabilang sa tinatawag na tiwalag sa lipunan na nabuhay sa isang partikular na yugto na

kasaysayan.2 Mapapansin na maraming mga pelikulang pangkasaysayan ang humalaw ang tema

at paksa sa Rebolusyong 1896 o sa mga pangyayaring naghatid sa Pilipinas sa rebolusyong ito,

kabilang na ang mga bayaning sangkot sa nasabing rebolusyon.3 Ang kauna-unahang direktor na

humalaw sa balon ng kasaysayan ng 1896 ay si Julian Manansala na kung saan pinalabas ang

kanyang pelikulang Patria et Amore (1929), Dimasalang (1930) at iba pa.4

Sa isang banda, makikita na nagkakaroon ng mga pagbabago pagdating sa pagpapalabas

ng mga pelikulang pangkasaysayan at pangkultural. Unti-unting nagkakaroon ng linaw ang

bawat pelikulang ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga batis upang maipakita na nasa

katotohanan ang mga pangyayaring pinapakita. Ayon kay Robert A. Rosenstone, “Film shows

that academics do not own the past. Film creates a historical world with which the written word

cannot compete, at least for popularity. Film is a disturbing symbol of an increasingly postliterate

world (in which people can read but will not).”5 Sinasaad na ang pelikula lalo na ang pelikulang

kasaysayan ay iba ang naging paglalahad ng kasaysayan kaysa sa mga dokumento o batis.

Makikita na ang pelikula ay nagbibigay larawan sa naging itsura, kasuotan, gawi at iba pa sa

naging buhay o senaryo sa ispisikong panahong tinatalakay. Maaring may ilang pagkakaiba

ngunit ang konsepto ay nakaangkla parin sa kasaysayan at kultura. Ayon sa naging pagtalakay ni

2
Eulalio R. Guieb III, “Mga Anyo Ng Sineng Filipino: Paghahanay at Paglilinaw Ng Mga
Kinagisnan at Tunguhin,” in Sining Ng Sineng Pilipino: Young Critics Circle, ed. Galileo S. Zafra
(Quezon City: Sentro ng Wikang Filipino-Diliman, 2009), 64.
3
Guieb, 64.
4
Guieb, 64–65.
5
Robert A. Rosenstone, “The Historical Film as Real History,” Filmhistoria Online 5, no. 1
(1995): 5.
2
Hayden White sa naging pag-aaral ni Rosenstone tungkol sa pelikulang pangkasaysayan,

“Rosenstone properly insists that some things-he cites landscapes, sounds, strong emotions,

certain kinds of conflicts between individuals and groups, collective events and the movements

of crowds-can be better represented on film (and, we might add, video) than in any merely verbal

account.”6 Bukod pa rito, sinasaad ni Rosenstone na ang mga pelikula ay nagpapakita ng kani-

kanilang mga katotohanan na kung saan ito ay lumalabas mula sa kanilang biswal at awral na

espasyo.7 Kung susuriin natin ang isang pelikulang pangkasaysayan, naglalahad ito ng

katotohanang ayon sa naging pangyayaring nakatala sa mga dokumento at batis.

Sa isang banda, sinusulong ni Patrick D. Flores sa kanyang artikulo na Plotting the

People Out na nailathala sa dyornal na Pelikula noong 1999 na ang teoritikal na balangkas ng

panunuri sa mga tinaguriang sineng historikal bilang pagbibigay-distinksyon sa pagkakaiba-iba

ng kasaysayang pampelikula (film history), historiograpiyang pampelikula (film historiography),

kasaysayang praktika (historical practice), kasaysayan ng pelikula (history of film) at mga

pelikulang pangkasaysayan (historical o period films).8 Ang mga klasipikasyong ito ay lunan ng

balakid, kontradiksyon at posibilidad. Sa paggamit ng mga klasipikasyong ito ay hindi sasapat na

ikulong ng mga manlilikha at manunuri ng pelikulang nakisangkot sa nasyon o pagkabansa at

pagkakakilanlang pambansa (national identity) sa hawla ng kabayanihan o sa mahahalagang

yugtong pangkasaysayan dahil kailangang ikawing sa mga kategorya at praktikang ito ang iba

pang “ahente at estruktura ng kolektibong transpormasyon.”9

6
Hayden White, “Historiography and Historiophoty,” The American Historical Review 93, no. 5
(December 1988): 1194.
7
White, 155.
8
Guieb, “Mga Anyo Ng Sineng Filipino: Paghahanay at Paglilinaw Ng Mga Kinagisnan at
Tunguhin,” 66.
9
Guieb, 66.
3
SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Sa gagawing papel, ang mananaliksik ay mamimili ng isang pelikulang pangkasaysayan

mula noong 1980 hanggang sa kasalukuyan at hahatiin ito sa sumusunod na periodisasyon batay

sa binigay na silabus sa klase:

1. Panahong Prekolonyal

2. Kolonisasyong Espanyol

3. Pilipinas sa Panahong ng Okupasyong Amerikano at Hapones

4. Pilipinas sa Panahon ng Ikatlong Republika Hanggang sa Kasalukuyan

Susuriin ang mga pelikulang napili sa bawat panahon kung ito ay naglalahad ng kasaysayan

ng bayan.

MAIKLING KASAYSAYAN NG PELIKULANG PILIPINO

Bago pa man naipalabas ang pelikulang Dalagang Bukid, unang nilunsad ang tinatawag

na film strip o mga larawang gumagalaw. Ito ay unang nilusand noong Enero 1897 na kung saan

unang pinalabas ang pinakaunang film strip sa Pilipinas, ang Espectaculo Cientifico de Pertierra

o kilala bilang Espectaculo de Piertierra.10 Ito ay isang programa na nagpapalabas ng mga film

strip gamit ang mga kronopotograpo na pinapamahalaan ng isang Kastilang mangangalakal na si

Señor Francisco Pertierra sa kanyang salon sa Escolta.11 Makikita rito ang mga iba’t ibang mga

paksa na pinapalabas ng mga film strip----mula sa mga sayaw ng Hapon hanggang sa sa mga

kuhang larawan ng mga lugar sa Pransya.12 Makaraan ang ilang mga buwan ay dumating sa

10
Neil Martial R. Santillan, “Sinemang Filipino Sa Agos Ng Kasaysayan,” in Sining Ng Sineng
Pilipino: Young Critics Circle, ed. Galileo S. Zafra (Quezon City: Sentro ng Wikang Filipino-Diliman,
2009), 133–34.
11
Santillan, 134.
12
Santillan, 134.
4
Pilipinas ang tunay na sinematograpo na dinala ng dalawang Suwisong mangangalakal na sina

Leibman at Peritz sa Maynila at noong Agosto 1897 sa panahon ng himagsikan ay ipinakilala

ang sinematograpong Lumiere na nagmula sa Lyon, Pransya.13 Sa pagpapakilala ng

sinematograpo ay nagkaroon ng pagkamangha ang mga manonood nito sa kadahilanang sa kung

ano ang realidad ang maaring ipakita ng sinematograpo sa kanila. Ang sinematograpong Lumiere

ay unang inilagay sa Escolta sa tabi ng San Jacinto at ang unang pagpapalabas nito ay nangyari

noong Agosto 28, 1897 na may limitadong manonood.14 Sa loob ng unang tatlong linggo,

naglabas si Antonio Ramos, isang Kastilang sundalo mula sa Alhama de Aragon ng sampung

iba’t ibang pelikulang ipapalabas ngunit sa ikaapat na linggo ay puwersahan niyang babalasahin

ang tatlumpung pelikula na may iba-ibang kombinasyon upang makabuo ng bagong

programa.1516

Sa pagdating ng mga Amerikano sa bansa noong 1898 ay ginamit nila ang pelikula bilang

mekanismo ng kanilang gawaing propaganda tungkol sa Digmaang Pilipino-Amerikano at

kulturang Pilipino.17 Ginamit ng mga Amerikano ang mga pelikula upang maipaliwanag at

mabigyang katwiran ang kolonisasyon sa Pilipinas na naging tunguhin ng mga pelikulang

pinamamahalaan ng Edison Manufacturing Company, American Mutoscope and Biograph

Company, at ibang maliliit na kompanya mula 1898 hanggang sa unang dekada ng

ikadalawampung dantaon.18 Makikita sa karamihan sa mga pelikula ng Edison at Biograph

13
Santillan, 134.
14
Arsenio “Boots” Bautista, “History of Philippine Cinema,” National Commission for Culture
and the Arts (blog), accessed September 29, 2020, https://ncca.gov.ph/about-ncca-
3/subcommissions/subcommission-on-the-arts-sca/cinema/history-of-philippine-cinema/.
15
Bautista.
16
Si Antonio Ramos ang nagdala ng sinematograpong Lumiere sa bansa na may tatlumpung
pelikula at tinulungang ponduhan ng Liebman at Peritz sa naging gastos ni Ramos upang maidala sa
bansa ang sinematograpo.
17
Santillan, “Sinemang Filipino Sa Agos Ng Kasaysayan,” 134.
18
Santillan, 134.
5
katulad ng Rout of the Filipinos na pinalabas (1899), Col. Funston Swimming the Bagbag River

(1899), at Aguinaldo’s Navy (1902) ay nagpapakita ng pagkatalo ng mga Pilipino sa mga

Amerikano at ang paglalahad ng mga Amerikano ng kanilang mataas na kultura’t teknolohiyang

military.19 Malinaw sa mga pelikulang propaganda na nais ipakita ng mga Amerikano ang

pagiging mababang uri ng kultura ng mga Pilipino at walang kahandaan sa pamamahala ng mga

Pilipino na naging batayan sa kanilang pananakop.20

Sa kabilang banda, nang sinakop ng mga Hapones ang Pilipinas noong 1941 ay

nagkaroon ng mga pagbabago sa pagpapalabas ng mga pelikula sa mga lungsod. Katulad ng

ginawa ng mga Amerikano, ang pelikula ay ginamit nila bilang propaganda.21 Ginamit ng mga

Hapones ang pelikula bilang pagpapakita magandang samahan at pagkakaibigan ng bansang

Hapon at Pilipinas. Isa sa halimbawa nito ang pelikulang Dawn of Freedom (Ano Hata wo Utte)

na dinerehe ni Abe Yutaka at kasamang direktor na si Gerardo de Leon na ipinalabas noong

1944.2223 Bukod pa rito, upang maisakatuparan ang pagnanais ng mga Hapones na pasipikasyon

at paglatag ng mga mithiin ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere, itinatag nila ang Nihon

Eiga Haikyu Sha, isang kompanyang na namamahala sa produksiyon at distribusyon ng mga

pelikula ng mga Hapones at ibang mga kaugnay na gawain nito.24 Ang kompanyang ito ay

tinulungan ng isa mga haligi ng pelikula sa bansang Hapon ang Toho Film Company.25

Mapapansin na ang mga dokumentaryo at pelikula ay hindi ginawa sa loob ng Pilipinas maliban

sa isang dokumentaryong pinamagatang Glory of the Orient (Toyo no Gaika), Dawn of Freedom

19
Santillan, 134.
20
Santillan, 134–35.
21
“History of Philippine Cinema.”
22
“History of Philippine Cinema.”
23
Gonzalo A. Campoamor II, “Phases and Faces in the Filipino War Film Images of the Japanese
Invader and the Filipino in Contemporary Philippine Cinema,” Philippine Studies 57, no. 1 (2009): 80.
24
Santillan, “Sinemang Filipino Sa Agos Ng Kasaysayan,” 143.
25
Santillan, 143.
6
at Tatlong Maria na pinalabas noong 1944.26 Ang mga Pilipino sa isang banda ay hindi

nasisiyahan sa mga dokumentaryo at pelikula ng mga Hapones dahil ginamit lamang nila ang

mga sinehan bilang mekanismo ng pasipikasyon.27 Ang mga pelikulang Hapon katulad ng

Tatlong Maria ay masusukat ang naging kabiguan ng mga Hapones sa kanilang pagsisikap na

mailatag ang kanilang propaganda sa mga Pilipino.28

Bago pumasok ang Ikatlong Republika, ang mga pelikula ay nakatuon sa mga paksa

tungkol sa paglalahad ng paghihirap at kabayanihan na naranasan ng mga gerilya noong panahon

ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Pilipinas. Ang mga pelikulang katulad ng Garrison 13

(1946), Dugo ng Bayan (The Country’s Blood) (1946), at iba pa ang mga halimbawa nito.29

Sa pagpasok ng 1950 hanggang 1970 ay tinataguriang “Ginituang Panahon” ng

pelikulang Pilipino. Sa panahong ito unang nagkaroon ng mga gantimpla sa mga natatanging

pelikula isa rito ang Maria Clara Awards at ang Filipino Academy of Movie Arts and Sciences

(FAMAS) Awards. Sa panahong din ito ipinalabas sa ibang bansa ang pelikulang Genghis Khan

(1950) ni Manuel Conde naipalabas sa Venice Film Festival noong 1952 at naipalabas sa Paris,

Pransya noong 1954 na sinalin sa wikang Pranses.3031 Iba’t ibang mga paksa at tema ang mga

nilatag sa bawat pelikula sa panahong ito katulad ng etnisidad, kahirapan, pamilya at agrikultral

na usapin. Bukod pa rito, pinaunahan ng mga studio ang paglulunsad ng Kapistahan ng

Pelikulang Asyano, isang taunang pagdiriwang ng mga natatanging pelikulang Pilipino sa labas

ng bansa.32 Sa isang banda, ang sistemang studio sa Pilipinas ay unti-unting nagkakaroon ng

26
Santillan, 143.
27
Santillan, 144.
28
Campoamor, “Phases and Faces in the Filipino War Film Images of the Japanese Invader and
the Filipino in Contemporary Philippine Cinema,” 80.
29
“History of Philippine Cinema.”
30
Bautista, “History of Philippine Cinema.”
31
“History of Philippine Cinema.”
32
Santillan, “Sinemang Filipino Sa Agos Ng Kasaysayan,” 149.
7
problema na kung saan ay nagkaroon panloob na problema sa pagitan ng mga manggagawa.33

Sinabayan pa ng pag-angat ng pelikulang banyaga sa takilya na kung saan nagkaroon ng

malaking epekto sa mga lokal na studio. Mababalikan na nagsimula ang sistemang studio sa

Pilipinas bago pa man sakupin ng mga Hapones ang Pilipinas at nangyari ang epektibong

implementasyon ng sistemang studio pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.34 Unang

nagsara ang Lebran na sinundan ng Premiere Productions at sa huli ang Sampaguita at LVN ang

nagsara.35 Ang mga nabanggit na studio ay tinatawag na “Big Four” sa pinilakang tabing.36

Sa pagdeklara ng Batas Militar noong Septyembre 23, 1972 , sinubukang hawakan ng

pamahalaang Marcos ang industriya ng pelikula upang magamit ito bilang mekanismo ng

propaganda.37 Sa panahong ito unang lumabas ang mga pelikulang “Bomba” na kung saan ang

mga paksa o tema ay patungkol sa seks. Sa isang banda, bukod sa mga pelikulang bomba,

naglabasan din ang mga pelikulang tumutuligsa sa pamamahala ng administrasyong Marcos.

Sa pagtatapos ng rehimeng Marcos ay nagkaroon ng mga pagbabago sa pelikulang

Pilipino. Naitatag ang mga kapistahan ng mga maikling pelikula na pinunduhan ng Unibersidad

ng Pilipinas Sentro ng Pelikulang Pilipino at Pelikulang Eksperimental ng Pilipinas.38

Naglabasan ang mga hindi kilalang direktor katulad ni Nick Deocampo, Kidlat Tahimik at

Raymond Red na ang kanilang mga gawang pelikula ay napansin o nanalo sa ibang bansa.

Lumawak ang naging komersyalismo sa industriya ng pelikula pagkatapos ng People Power

Revolution ng 1986 dahil sa paglitaw ng ibang pagkakakitaan ng mga kapitalistang sa paggawa

33
“History of Philippine Cinema.”
34
Santillan, “Sinemang Filipino Sa Agos Ng Kasaysayan,” 146.
35
“History of Philippine Cinema.”
36
Santillan, “Sinemang Filipino Sa Agos Ng Kasaysayan,” 145.
37
“History of Philippine Cinema.”
38
“History of Philippine Cinema.”
8
ng pelikula.39 Mabibilang laman ang mga pelikulang masasabing obra katulad ng Gumapang Ka

sa Lusak ni Lino Brocka (1990), Pahiram ng isang Umaga ni Ishmael Bernal (1989) at iba pa.40

Naglabasan sa panahong ito ang dalawang kompanyang pantelebisyon, Star Cinema (ABS-CBN)

at GMA Films (GMA) sa paggawa ng mga pelikula noong huling dekada 1990.41

PAGSUSURI AT PAGTALAKAY SA MGA PILING PELIKULANG


PANGKASAYSAYAN AYON SA PERIODISASYON

Sa pagtalakay at pagsusuri sa bawat pelikulang pangkasaysayan ay pipili ang

mananaliksik ng ilang eksena at susubukang suriin at kung ito ba ay makikita sa mga batis o

dinagdag lang para mapaganda ang pelikula.

PANAHONG PREKOLONYAL: LAPU-LAPU (2002)

Isa sa pelikulang Lapu-Lapu na pinalabas noong 2002 na pinagbidahan ni Lito Lapid na

nasa produksyon ng Calinauan Cineworks at idinerehe ni William G. Mayo. Pinapakita sa

pelikulang ito ang naging buhay ni Lapu-Lapu hanggang sa naging labanan nila Ferdinand

Magellan sa Mactan. Makikita sa pelikula na may mga ilang eksena ang wala sa mga batis

tungkol sa naging buhay ni Lapu-Lapu o ang mga kaugalian ng mga Bisaya noong panahong

prekolonyal. Isa rito ang pagpapaanod ng bangkay habang nasusunog sa dagat na pinakita sa

pelikula. Kung titignan ang naging tala sa Boxer Codex tungkol sa naging kaugalian nila sa

paglilibing ng isang yumao:

Kung may isang pinuno ang namatay, ilalagay nila ito sa isang kabaong na
gawa sa kahoy sa mataas na sahig at mula araw at gabi ay iilawan ng mga
alipin ang lugar kung saan nakalagak ang labi ng isang sulo gawa sa kawayan.
Gagawin nila ito sa loob ng dalawang buwang magkakasunod. Papatay sila ng
alipin depende kung paano namatay ang kanilang pinuno. Kung ang kanilang
pinuno ay namatay sa sakit, ang kanilang alipin ay papatayin sa pamamagitan

39
Santillan, “Sinemang Filipino Sa Agos Ng Kasaysayan,” 155.
40
Santillan, 155.
41
Santillan, 155.
9
ng paglunod o paglilibing sa kanila ng buhay. Ang pagpatay sa mga alipin ay
ginagawa upang sa kabilang buhay ay pinagsisilibihan nila ang kanilang
pinuno. Ang mga pagkain ay nakalagay sa tabi ng kabaong ng kanilang pinuno
kasama ang ilang mga paso at platong pambahay o kaya naman ang mga
pagkain ay sinasabit sa tabi ng tahanan upang ang namatay na pinuno ay
makakain. Ang namatay na pinuno kasama ang mga buhay na alipin ay ililibing
sa isang bangka na tinatawag nilang barangay na naglalaman ng maraming
pagkain, damit at mga alahas kung saan sinasabi na pagsisilbihan nila ang
kanilang yumaong pinuno habang naglalakbay sa dagat.42

Kung titignan ang naging pag-aaral ni William Henry Scott sa naging kaugalian ng mga Bisaya

tungkol sa paglilibing ng mga yumao sinasaad niya na

Ang mahirap na Bisaya ay inililibing na nakabalot sa dahon ng saging sa isang


simpleng kabaong o sa isang kawayan ngunit ang karaniwang kabaong ng
Bisaya ay gawa sa matigas na kahoy katulad ng ipil na sasapat upang tumagal
at hindi masira ang laman ng kabaong.43 Mayroong lokal pagkakaiba-iba ang
mga libingan ng mga Bisaya. Ang mga libingan ay matatagpuan sa labas ng
kanilang nayon kung saan kadalasang hinuhukay sa tabi ng pampang ng
umaagos ilog o tabingdagat na kung saan ay nakabilad ito sa natural na erosyon
kaya naman may natagpuang libingan mga humigit sa isang kilometrong haba
sa tabi ng aplaya ng Mandawi sa Cebu.44 Kadalasan sa kweba ang ginagamit
nila bilang libingan o kaya naman ay isang maliit na isla katulad ng Homonhon
kaya napansin nila Magellan na walang nakatira sa isla dahil tinatawag ito ng
mga Bisaya bilang isang pinagmumultuhang isla.45 Ang mga shaman at
miyembro ng lahi ng datu ay hindi inililibing salibingang nasa labas ng nayon.
Inililibing sila sa ilalim ng kanilang kabahayan pero sa kaso ng babaylan ang
kanilang kabaong ay lantad sa mga sanga ng puno ng balete kung saan sila ay
maglalatag ng kasunduan sa mga espiritu.46

Kung susuriin ang naging pagdating ni Magellan sa Mactan sa pelikula at sa mga naging

tala ni Antonio Pigafetta at sa iba pang batis Makikita sa pelikula na si dumating sila Magellan sa

Mactan madaling araw. Kung titignan ang naging tala ni Pigafetta, “At midnight, sixty men of us

42
Isaac Donoso, ed., Boxer Codex: A Modern Spanish Transcription and English Translation of
16th-Century Exploration Accounts of East and Southeast Asia and the Pacific, trans. Ma. Luisa Garcia
Garcia and Carlos Quirino (Quezon City: Vibal Foundation, 2018), 55.
43
William Henry Scott, Barangay: Sixteenth-Century Philippine Culture and Society (Quezon
City: Ateneo de Manila University Press, 1994), 89.
44
Scott, 90.
45
Scott, 90.
46
Scott, 90.
10
set out armed with corselets and helmets, together with the Christian king, the prince, some of

the chief men, and twenty or thirty balanguais. We reached Matan three hours before dawn.”47 Sa

isang banda, ayon kay Jose Arcilla, S.J.,” About three o’clock the next morning, Magellan, with

sixty fighters, reached Mactan.”48

Sa pangkalahatang pagsusuri, masasabing marami eksena sa pelikula na hindi makikita sa

mga batis o sa iba pang dokumento. Makikita na may ilan ang dinagdag sa eksena upang

mapaganda ang pelikula. Halimbawa nito ay ang pagdakip kay Lapu-Lapu ng kalabang tribo at

pinatay sa pamamagitan ng pagbanat sa kanyang mga braso at binti gamit ang mga kalabaw na

kung titignang maigi sa ibang batis, hindi ito naitala sa mga naging tala ni Pigafetta o sa ibang

naging pag-aaral tungkol sa mga Bisaya noong panahong prekolonyal.

ANG KOLONISASYONG ESPANYOL: BONIFACIO: ANG UNANG PANGULO (2014)

Ang Bonifacio: Unang Pangulo ay pinalabas noong 2014 na pinagbidahan ni Robin

Padilla. Dinerehe ito ni Enzo Williams ng Philippians Productions. Ito ay sumisentro sa naging

buhay ni Andres Bonifacio hanggang sa pagpatay sa kanya sa Maragondon, Cavite. Mapapansin

sa pelikula na nakaangkla ito sa mga batis at mga ilang dokumento tungkol sa naging buhay ni

Bonifacio at ang Katipunan. Isa rito ang Sigaw sa Pugadlawin na kung saan pinunit nila

Bonifacio at mga katipunero ang kanilang mga sedula nagbibigay-hudyat sa kanilang pag-aaklas

laban sa mga Kastila. Kung titignan ang naging tala ni Teodoro Agoncillo ukol sa Sigaw sa

Pugadlawin:

“Brothers, it was agreed to continue with the plan of revolt. My brothers, do


you swear to repudiate the government that oppresses us?” And the rebels,
shouting as one man, replied: “Yes, sir!” “That being the case,” Bonifacio
added, bring out the cedulas and tear them to pieces to symbolizes our

47
Antonio Pigafetta, Magellan’s Voyage Around the World, trans. James Alexander Robertson,
vol. 1 (Cleveland, U.S.A: The Arthur H. Clark Company, 1906), 171.
48
Jose S. Arcilla S.J., ““In Search of Spices,” in An Introduction to Philippine History, Fourth
Edition, Enlarged (Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 1990), 4.
11
determination to take-up arms!” There was a rustle of papers and in a minute
the yard was littered with torn cedulas. Amidst this ceremony, the rebels, with
tear-stained eyes, shouted: “Long live the Philippines! Long live the
Katipunan!”49

Mapapansin na isa sa naging pinagbasehan ng pelikula ang aklat ni Teodoro Agoncillo,

The Revolt of the Masses: The Story of Andres Bonifacio and the Katipunan. Bukod pa rito,

makikita na talagang sinasaliksik ang mga bawat eksena sa pelikula lalo na naintindihan ang

naging buhay ni Bonifacio nang dinagdag sa pelikula si Eddie Garcia upang ikwento ang naging

buhay ni Bonifacio. Sa huli, masasabing ang pelikulang Bonifacio: Unang Pangulo ay isang

pelikulang nagsasaad ng komprehensibong pagtalakay sa naging buhay ni Bonifacio at ang

Katipunan.

PILIPINAS SA PANAHONG NG OKUPASYONG AMERIKANO AT HAPONES:


HENERAL LUNA (2015)

Ang pelikulang Heneral Luna ay isang historikal na pagtalakayan sa naging buhay at

kamatatyan ni Antonio Luna na pinalabas noong 2015. Ito ay pinagbidahan ni John Arcilla na

dinerehe ni Jerrold Tarog ng Artikulo Uno Productions. Makikita na karamihan sa naging eksena

ng pelikula ay binatay sa libro ni Nick Joaquin na A Question of Heroes at ang The Rise and Fall

of Antonio Luna ni Vivencio R. Jose. May iilang eksena at karakter ang dinagdag upang mas

maging malinaw ang pilosopiya ni Luna patungkol sa kasarinlan katulad ng paglagay sa karakter

na si Joven na pinagbidahan ni Ian Villaflor na nagpapakita kung bakit si Luna ay maiinitin ang

ulo at nais ay magkaroon ng pagkakaisa ang buong hukbo ng rebolusyonaryo. May isang bahagi

sa dulo ng pelikula kung saan si Luna ay pinapunta ni Emilio Aguinaldo sa Cabanatuan, Nueva

Ecija at pag-usapan ang mga magiging reporma sa kabinete na matagal na ninanais ni Luna.

49
Teodoro A. Agoncillo, The Revolt of the Masses: The Story of Bonifacio and the Katipunan
(Diliman, Quezon City: The University of the Philippines Press, 1956), 141.
12
Makikita na malupit ang naging pagpatay ng mga sundalo ng Brigada ng Kawit kay Luna na ilan

Ayon kay Joaquin,

Luna rushed downstairs and was confronted at the foot of the stairway by
another mortal foe, Captain Janolino, or Pedrong Kastila, the recalcitrant in
Caloocan. What occurred between the two will always be a mystery, what’s
certain is the fatal interview ended with Luna being hacked in the head with a
bolo. At that, as at a signal, all the men of the Kawit Companies that had a
score to settle with Luna crowded round the fallen general and hacked, stabbed,
chopped, and shot as they pleased. The wounded man somehow managed to
drag himself away, stagger out the street, even draw his pistol and fire as he
stuttered: “Co…wards! Trai…tors! Assassins!”50

Sa huli, makikita na ang pelikulang Heneral Luna ay isang repleksyon na sumasalamin sa

naging problema ng bayan patungkol sa pagkakaroon ng iisang hadhikain. Pinapakita na ang

pagkakaroon ng mga personal na interes ng mga elit, ang magulong sistema ng pulitika at iba pa.

PILIPINAS SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA HANGGANG SA


KASALUKUYAN: IMELDA (2003)

Ang dokumentaryong pelikulang Imelda ay pinalabas noong 2003 na kung saan

kinukwento ng dating Unang Ginang Imelda Marcos ang kanyang buhay mula pagkabata

hanggang sa pagkatapos ng rehime ng kanyang asawang si Ferdinand Marcos. Ito ay dinerehe ni

Ramona S. Diaz ng CineDiaz. Makikita na may malaking impluwensya si Imelda sa

pamamalakad ng kanyang asawa noong panahong nasa Malakanyang pa sila. Inisa-isa ang bawat

detalye ng naging buhay ni Imelda sa Malakanyang. Makikita rin sa dokumentaryo paano

ipagtanggol ni Imelda ang kanyang asawa sa kanyang naging polisya katulad ng pagdeklara ng

Batas Militar. Sa isang banda, tinatalakay ni Imelda kung bakit niya pinatayo ang Cultural Center

50
Nick Joaquin, “Would Luna Have Been a Strongman,” in A Question of Heroes (Mandaluyong
City: Anvil Publishing, Inc., 2005), 182.
13
of the Philippines (CCP) na hindi lingid na inulan ng batikos mula sa oposisyon. Ayon kay

Agoncillo,

Napagtanto ni Imelda na kinakailangang hikayatin ang mga Pilipinong artista


na magsikap para maging magaling at makapagbigay masasabing tahanan para
sa malikhain at sining-pagganap, pinagunahan niya ang pagtatag ng Cultural
Center Movement. Hinikayat niya ang mga mayayamang Pilipino sa loob at
labas ng bansa na magbigay ng kontribusyon sa loob ng tatlong taon para
mailunsad ang mahalagang adhikain. Ang Cultural Center Movement ay hindi
nakaiwas mula sa puna ng oposisyon na sinasaad nila na Center ay
sumisimbolo sa masakit na pagsasanga ng lipunang Pilipino: ang mahirap
laban sa mayaman.51

Sa huli, makikita sa dokumentaryo na kung paano naging engrade ang kanyang buhay at

ang kanyang impluwensya sa pamahalaang Marcos.

PAGTATAPOS

Ang pelikulang pankasaysayan ay nagbibigay ng identidad sa atin bilang isang Pilipino.

Nagpapakita o sumasalamin sa kung ano ang naging problema sa bansa ang mga pelikulang

pangkasaysayan. Nailalahad nito kung ano ba ang mga dapat gawin upang hindi na maulit ang

mga naging pagkakamali sa nakaraan, Nabibigay ang mga pelikulang pangkasaysayan ng

kamalayan na dapat pa natin mahalin ang ating kasaysayan at ang ating bayan. Sa mga

pelikulang binanggit ay masasabing may malaking epekto ang mga pelikulang ito sa paglalahad

ng kasaysayan sa masa. Katulad ng Lapu-Lapu na maraming mga kamalian ang nakasaad sa

pelikula na sa pagdating ng panahon ay nagkaroon na ng mga pagbabago katulad ng Bonifacio:

Ang Unang Pangulo at Heneral Luna na nakaangkla sa mga batis at dokumento.

51
Teodoro A. Agoncillo, History of the Filipino People, Eighth Edition (Quezon City: Garotech
Publishing, 1990), 563.
14
SANGGUNIAN

PRIMARYANG BATIS

Diaz, Ramona S. Imelda. Documentary Film. Unitel Pictures, 2003.

Mayo, William G. Lapu-Lapu. Historical Film. EDL Productions, 2002.

Pigafetta, Antonio. Magellan’s Voyage Around the World. Translated by James Alexander
Robertson. Vol. 1. 2 vols. Cleveland, U.S.A: The Arthur H. Clark Company, 1906.

Tarrog, Jerrold. Heneral Luna. Historical Biopic Film. Quantum Films, 2015

Williams, Enzo. Bonifacio: Ang Unang Pangulo. Historical Action Drama. Solar Entertainment,
2014.

SEKONDARYANG BATIS

Agoncillo, Teodoro A. History of the Filipino People. Eighth Edition. Quezon City: Garotech
Publishing, 1990.

———. The Revolt of the Masses: The Story of Bonifacio and the Katipunan. Diliman, Quezon
City: The University of the Philippines Press, 1956.

Arcilla, Jose S., S.J. ““In Search of Spices.” In An Introduction to Philippine History, Fourth
Edition, Enlarged. Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 1990.

Bautista, Arsenio “Boots.” “History of Philippine Cinema.” National Commission for Culture
and the Arts (blog). Accessed September 29, 2020. https://ncca.gov.ph/about-ncca-
3/subcommissions/subcommission-on-the-arts-sca/cinema/history-of-philippine-cinema/.

Campoamor, Gonzalo A., II. “Phases and Faces in the Filipino War Film Images of the Japanese
Invader and the Filipino in Contemporary Philippine Cinema.” Philippine Studies 57, no.
1 (2009): 77–104.

15
Donoso, Isaac, ed. Boxer Codex: A Modern Spanish Transcription and English Translation of
16th-Century Exploration Accounts of East and Southeast Asia and the Pacific.
Translated by Ma. Luisa Garcia Garcia and Carlos Quirino. Quezon City: Vibal
Foundation, 2018.

Guieb, Eulalio R., III. “Mga Anyo Ng Sineng Filipino: Paghahanay at Paglilinaw Ng Mga
Kinagisnan at Tunguhin.” In Sining Ng Sineng Pilipino: Young Critics Circle, edited by
Galileo S. Zafra, 49–103. Quezon City: Sentro ng Wikang Filipino-Diliman, 2009.

“History of Philippine Cinema.” Accessed September 30, 2020.


http://www.aenet.org/family/filmhistory.htm.

Joaquin, Nick. “Would Luna Have Been a Strongman.” In A Question of Heroes, 161–84.
Mandaluyong City: Anvil Publishing, Inc., 2005.

Rosenstone, Robert A. “The Historical Film as Real History.” Filmhistoria Online 5, no. 1
(1995): 5–23.

Santillan, Neil Martial R. “Sinemang Filipino Sa Agos Ng Kasaysayan.” In Sining Ng Sineng


Pilipino: Young Critics Circle, edited by Galileo S. Zafra, 133–56. Quezon City: Sentro
ng Wikang Filipino-Diliman, 2009.

Scott, William Henry. Barangay: Sixteenth-Century Philippine Culture and Society. Quezon
City: Ateneo de Manila University Press, 1994.

White, Hayden. “Historiography and Historiophoty.” The American Historical Review 93, no. 5
(December 1988): 1193–99.

16

You might also like