Diaz, May Jane C. - GEC 10

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

NAME: May Jane C.

Diaz
COURSE, YR & SEC: BSN 3 C

Activity 1: Reaksyong Papel

Ayon sa dokumentaryo na, “Sulong Wikang Filipino: Education Filipino, Para Kanino?”
ay naglalahad ng usaping pag-tanggal sa asignaturang Filipino ng mataas na antas ng edukasyon
o CHED sa mga kolehiyo at pagdagdag ng dalawang taon sa basic education na tinatawag na K-
12 program.

Sapagkat ang usaping ito ay may nakakapagsabing kulang ng dalawang taon ang
edukasyon ng ating bansa na naglalayon na hindi pasok sa tinatawag na international standard
kaya’t nagiging sagabal ito sa mga nais na magtrabaho sa ating bansa. Bilang isang estudyante
na dumaan sa programang K-12 Senior High, nagkaroon din ng matinding pagkadismaya
bagamat dagdag perwisyo lamang ito. Gayon na rin sa banda ng mga magulang dahilan ng
dagdag bayarin sa matrikula kaya’t maraming nag-alsa patungkol ditto. Pero ng dumating ang
panahong naipasa na sa korte ang bill at unit-unti nang ini-implementa ang nasabing batas ay isa
sa naging mga programa nila ang Symposium na may layong bigyan ng edukasyon ang mga
magulang at mga estudyanteng sasabak sa nasabing programa patungkol sa nasabing programa.
Nasabi ring pagkatapos ng Sekundarya ay puwede nang magkatrabaho sapagkat may mga
certification ka nang pwedeng matanggap dahil sa mga programang nakaloob sa Senior High.
Ngunit ilan sa mga job hiring ay dapat may college degree o nakapagtapos ng kolehiyo kaya’t
ilan sa mamamayan ay hirap magkaroon ng trabaho dahil sa kakulangan ng edukasyon.

Ayon naman sa pagtanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo ay mas mainam pa rin na


huwag itong tanggalin sapagkat mas madaling matuto ang estudyante kapag ginagamit ang
wikang Filipino dahil wala ng code switching na tinatawag. Isa rin sa importanteng layunin ng
asignaturang Filipino sa kolehiyo ay ang pagmulat sa mga mag-aaral ng mga nangyayari sa tunay
na buhay at kung papaano ito harapin. Kaya’t nagkaroon ng pangamba lalo na sa mga gurong
maaapektuhan nito kapag nawala ang Filipino at panitikan sa kolehiyo.

Sa katunayan, ang wikang Filipino ay ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng


komunikasyon ng mga etnikong grupo katulad ng iba pang wikang buhay. Napakahalaga na
magamit natin ang wikang pambansa dahil bilang isang estudyante o mamamayan sa bansa
nakapaloob sa ating wikang pambansa ang sariling kulturang tinataglay na pagkakilanlan ng
ating sariling bayan.

You might also like