Professional Documents
Culture Documents
Summative Test
Summative Test
Department of Education
REGION XII – NORTH COTABATO
SCHOOLS DIVISION OF COTABATO
ALAMADA HIGH SCHOOL
KITACUBONG, ALAMADA, COTABATO
a. Gobyerno
b. Simbahan
c. Paaralan
d. Pamilya
_____2. Ano ang tawag sa paglalagay ng sarili sa sitwasyon ng iba na may pagnanais na makatulong sa kapwa
at kakayahang umunawa sa nararamdaman ng ibang tao?
a. Pagiging mabait
b. Pagiging mahabagin
c. Pagiging matulungin
d. Pagiging masipag
______3. Alin sa mga pahayag ang isa sa mga indikasyon na ang tao ay likas na panlipunang nilalang?
a. Ang tao ay may kakayahang tugunan ang kaniyang sariling pangangailangan.
b. Ang tao ay may inklinasyon na maging mapag-isa.
c. Ang tao ay may kakayahang lumikha ng masaya at makabuluhang alaala kasama ang ibang tao.
d. Ang tao ay may kakayahang maipahayag ang kaniyang pangangailangan.
______4. Alin sa mga sumusunod na magulang ang tunay na gumaganap ng kanilang tungkulin sa kanilang mga
anak?
______5. “Ang sekswalidad kung gayun ay ang behikulo upang maging ganap na tao- lalaki o babae na ninanais
mong maging. Hindi ito ang pisikal o bayolohikal na kakanyahan lamang.” Anong pangunahing ideya ang
iyong nakuha tungkol sa sekswalidad ayon sa pahayag?
_______7. Paano mo tutugunan ang pambubulas sa paaralan gamit ang iyong natutunan tungkol sa sarili at sa
kapwa.
a. Pagagalitan ang nambubulas upang malaman niya na hindi tama ang kanyang ginagawa.
b. Hindi papansinin ang pambubulas dahil normal lang na mayroong pambubulas sa paaralan. Parte ito ng
pagiging bata ng mga mag-aaral.
c. Humanap ng pangmatagalan at mabisang paraan upang masupil ang karahasan sa paaralan.
d. Pagsasabihan ang binubulas na lumaban, gumanti at huwag magpaapi upang hindi masanay ang iba na
mambulas.
_______8. Nagalit si Maria sa kanyang matalik na kaibigan na si Fe dahil lagi silang magkasama ng kanyang
kaklase na si Leonor. Pakiramdam niya ay inagaw sa kaniya ang kanyang kaibigan. Isang araw ay nakita
niyang masayang kumakain sa kantina ang dalawa. Nakaramdam siya ng matinding galit ngunit pinigilan
niya ang kanyang sarili na kumprontahin sila dahil sa tingin niya ay hindi angkop ang oras na iyon para mag-
usap. Bakit sa tingin mo ay may magandang naidulot ang pagtimpi ni Maria?
a. Nakaiwas siya na saktan ang sarili at kalimutan na lamang ang kaibigan.
b. Napatunayan niya ang kabutihan ng sarili sa iba.
c. Nakatulong siya sa paglutas sa kanyang suliranin sa kaibigan.
d. Napamalahaan niya ang kanyang emosyon na nagdulot ng pag-iwas sa pananakit sa sarili at sa kapwa.
______9. Paano mo higit na maipapakita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?
a. Unawain na hindi lahat ng pagpapasya at mga bagay na dapat sundin ay magiging kaaya-aya para sa
iyo.
b. Ipaglaban ang iyong karapatan at makipagsagutan lalo na kapag ikaw ay nasa katuwiran.
c. Ipahayag ang iyong pananaw upang maiwasto ang kaniyang magkakamali nang lantaran.
d. Suportahan ang kanilang proyekyo at programa.
______ 10. Ikaw ay hindi naging masaya sa araw ng iyong kaarawan dahil napansin mong matamlay ang iyong
ina. Pagkatapos ng pagdiriwang ay pinagsabihan mo ang iyong ina na sana ay hindi na lamang kayo
nagdiwang dahil hindi naman ito nasisiyahan sa kaniyang ginagawa. Padabog kang umalis pagkatapos mo
itong sabihin bago pumasok sa iyong kwarto upang magmukmok. Kinausap ka ng iyong ama at natuklasan
mong ipinagpaliban pala ng iyong ina ang pagpapatingin sa isang doktor kahit masama ang kaniyang
pakiramdam upang mabigyan ka ng isang birthday party. Sakaling maibabalik mo ang oras, ano ang
gagawin mo nang nakita mong matamlay ang iyong ina?
Noted by:
NILO F. ESTORBO, MT-I BELINDA D. ENCAJONADO, MT-I
Year Level Adapter Year Level Adapter
Approved by:
PEPITO D. GARDOSE, P-I
School Principal