You are on page 1of 1

JALDO, MARI BIENNE D.

BSE-English/Chinese 4A

1.Ano ang kalagayan ng ating Mga magsasaka sa ating bansa?


Mayaman ang Pilipinas sa mga likas na yaman na siya ring pangunahing pangkabuhayan ng
mga mamamayan nito, katulad ng pangingisda at pagsasaka. Ang mga nakahaing pagkain sa ating
hapag ay bunga ng dugo’t pawis ng ating mga masisipag na magsasaka; ngunit, sa kanilang hapag
mismo ay wala halos maihain.
Bago pa man ang pandemya ay nakakaranas na ng lubhang kahirapan ang mga magsasaka at
mabagal na progreso para sa kanilang mga Karapatan at oportunidad na makukuha, sa kadahilanang
mas nakaasa sa dayuhang control at produckto ang bansa, at wala sa direksyong magpapalakas ng likal
na produksyon para sa mga local na pangangailangan. Ang kahirapan na nararanasan ng ating mga
magsasaka ay mas lalo pang lumala dahil sa pandemya.
Karagdagan pa rito, may mga magsasaka rin nakakaani ng mga bala ng baril sa halip na bigas.
Sila ay pinagpapatay dahil sa walang katapusang away patungkol sa lupa. Halos lahat din ng magsasaka
ay maghapong nakayuko at nagtatatrabaho ano man ang kondisyon ng panahon para mabayaran ang
mga utang at renta. Sa buong mag-hapon kakarampot lamang ag kinikita na hindi man lang makasapat
para sa mga pangunahing pangangailangan ng buong pamilya.

2.Bakit kumonti ang sakahan sa ating bansa?


Ayon sa Philippine Statistics Authority, taong 2018, bumaba nang 48% anf bilang ng lupaing
sakahan sa bansa. Ang pag-unti ng lupang sakahan ay nakaapekto sa produksyon ng bigas at iba pang
mga produkto. Dahil sa patuloy na paglagana ng industraklisasyon at globalisasyon, nawawalan ng
karamapatang halaga ang mga magsasaka maging ang agrikultura. Dahil sa laganap na globalisayon
kung saan nagkakaroon ng pagpapalitan ng produkto mula sa iba pang bansa na siya naman
nagigingdahilan ng pagtaas ng suplay at pagbaba ng mga bilihin. Dahil dito, mas nalulugi ang mga
magsasaka, at hindi bumabalik ang produkto ng kanilang dugo’t pawis sa maghapon na kanilang
inaasahan. Sila ay nagigipit sa sitwasyon kaya nagagawa nila ang mga sumusunod:
• Paghimok ng mga magsasaka sa kanilang mga anak na huwag magsaka
• Pagbenta ng kanilang lupain sa mga real estate developers

3. Ano ang ginagawang program ng pamahalaan upang matugunan ang suliranin natin sa agrikuktura?
• Maghatid ng katarungang pang-agraryo (RA 6657)
- Ang Department of Agrarian Reform (DAR) ay binigyang kapangyarihang na magpasya sa
mga usaping may kaugnayan sa repormang pang-agraryo. Sila ay nagkakaloob ng libreng
tulong na legal sa mga magsasakng kahit napagkalooban na ng lupa.
- Magtaguyod ng programa ng pagpapaunlad sa mga benepisyaryo. Katulad ng bahay-
ugnayan ng mga magsasaka at gulayan ng magsasakang agraryo.
• Community Livelyhood Assistance Program(CLASP)
- naglalayong maitaas ang antas ng buhay ng tao sa pamamagitan ng pagtuturo ng kaalaman
ng wastong teknolohiya sa paglinang ng likasna yaman.
• Agrarian Reform Program - R.A 3844 Agricultiral Land Reform
- naglalayong mailipat ang pagmamay-ari ng lupain sa mga nangungupahan dito.
- Maayos ang pamamahagi ng lupa sa pamamagitan ng pagsulat at pagdokumento,
pagtatksa ng halaga para sa pagbabayad sa mga may-ari at pagkakaloob ng rehistradong
titulo.

You might also like