Silvestre, AngelicaB - Pagsusuri

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES


Office of the Vice President for Branches and Campuses
Santa maria bulacan campus
Santa Maria, Bulacan

Balangkas ng Pagsusuri sa Tula

Silvestre, Angelica B. June 25, 2022


BSCOE 3-1

Ang Babae sa Pagdaralita


Ni Joi Barrios
Babae akong sinasakmal ng kahirapan.
Kahirapan na mistulang
ahas sa damuhan,
maliksi ang galaw,
nagbabadya ang nakasangang dila,
makamandag ang kagat.
Pumupulupot ang ulupong,
itong paghihikahos,
Likhaan
sa aking katawan,
at tumatakas ang lakas.
Nakatitig ang walang talukap
na mga mata ng sawa,
Nanlilisik,
pagkat batid na walang palya
sa paghatid ng lason
ang pangil ng pagdaralita.
Anong gagawin ng babae
sa kanyang karukhaan?
Tumawag kaya kay Darna?
Lipad, Darna, Lipad?
Kristala, Kristala, kami ay iligtas!
Zsazsa Zaturnnah,
Palayain kami, Mama!
Huwag, huwag.
Ang paglaya sa hirap,
ay wala sa bayani ng pantasya.
Nasa ating mga babae ang pakikibaka!
Kung paanong sa gabi at sa araw
ay wala tayong humpay sa paggawa,
Kung paanong magkasabay na lumalaban
at nag-aaruga,
Matibay ang dibdib pagkat mapagkalinga
ang ating pag-ibig.
Sulong at makibaka!
Tagpasin ang ulo ng sawa!
Ang kahirapan ay maiigpawan
Kung ipaglalaban, na ang pagbawi,
ang pag-angking muli,
sa yaman ng bayan.
ay ating karapatan.
Sulong, makibaka, lumaban

Balangkas ng Pagsusuri

I. A. Pamagat ng Katha – May-akda


Ang Babae sa Pagdaralita– Joi Barrios
B. Sanggunian o Aklat na pinagkunan
Internet- https://janicepearlhayag.blogspot.com/2018/03/ang-babae-sa-
pagdaralita.html

II. Buod ng Katha


Ang tulang pinamagatang “Ang Babae sa Pagdaralita” ay isang maikling tula
tungkol sa kung ano ang kalagayang panlipunan ng isang babae sa Pilipinas. Ang
tulang ito ay may teoryang Feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang
pangunahing tauhan. At layunin ng tula na ipakilala ang kalakasan, kakayahang
pambabae at iangat ag pagtinin ng lipunan sa mga kababaihan. Nasa teoryang
Marxismo din ito dahil ipinakita dito na ang tauhan ay may sariling kakayahan na
umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekonomiyang kahirapan at suliraning
panlipunan at pampulitika.
III. Pagsusuri
A. Uring Pampanitikan
1. Pagbibigay ng uri at paliwanag tungkol dito
Ang “Ang Babae sa Pagdaralita” ay isang tula na isinulat ni Joi Barrios.
Ito ay isang tulang nasa malayang taludturan na kung saan ay walang
sinusunod na sukat at hindi isinasaalangalang ang tugma sa bawat taludtod.

B. Istilo ng Paglalahad
1. Paraan ng paglalahad ng mga kaisipan o pangyayari
Ang tulang ito ay masasabi napakalaman at makahulugan na kung saan
ang mga salitang ginamit ay nagpapakita ng katangian ng pagigng matatag ng
isang babaeng Pilipina na handing ipaglaban ang kanyang karapatan.
Naipakita ng tulang ito ang tunay na katangian ng isang Pilipinang matatag at
positibo ang pagiisip sa kabila ng paghihirap na natamasa at naranasan sa
buhay. Ang tulang ito ay may tono ng pagkadismaya sa pagtrato sa
kababaihan at pagkapursigido na matamo ang tinatamasang karapatan na daan
sa pagunlad ng buhay.

C. Mga Tayutay
1. Mga halimbawa ng bawat tayutay na natagpuan sa kathang sinusuri
 Babae akong sinasakmal ng kahirapan.
 Kahirapan na mistulang ahas sa damuhan,
 "pumupulupot ang ulupong,
 itong paghihikahos, sa aking katawan,
 at tumatakas ang lakas."

2. Maikling paliwanag tungkol sa bawat tayutay na hinalaw

Sa una at ikalawang saknong saknong ng tula, “Babae akong sinasakmal


ng kahirapan,” at “Kahirapan na mistulang ahas sa damuhan,” ang babae ay
inilarawang na sinakmal ng kahirapan at ang traydor namn ay hinalintulad sa
isang ahas. Ang mga talata ay nagpapakita na ang mga babae ay naabuso sa
kanilang kahirapan. Mga babae kadalasan ang nabibiktima sa kadahilanang ang
tingin sa kanila ay mahina. Sila ay nasasakal sa ganitong pagtrato sa kanila sa
lipunan.

Sa ika-pito hanggang ika-siyam na saknong, “"pumupulupot ang


ulupong,itong paghihikahos, sa aking katawan,at tumatakas ang lakas."” Ito ay
inihalintulad sa isang taong pinaluputan ng ulupong kung saan ang ulupong ay
naglalarawan sa kanilang paghihirap. Maihahalintulad din ito sa taong walang
kakayanan maipagtanggol ang sarili. Sila ay naabuso sapagkat may mga taong
mapagsamantala at di nagpapahalaga sa kapwa. May ilan sa mga tao ngayon na
ginagamit ang kanilang lakas hindi para makatulong bagkus upang
mapaglamangan ang mahihina.

D. Sariling Reaksyon
1. Mga pansin at puna sa:
a. Mga tauhan
Ang persona ng tula ay isang babaeng naghihikahos sa mga
karanasang sinasapit sa mundong ginagalawan.
b. Istilo ng awtor
Ang awtor ay gumamit ng mga tayutay at malalalim na salitatra
upang lubos na mailarawan sa mga mambabasa ang mensahe ng tula.
Gayundin, ito ay puno ng hinanakit at damdamin. Ang tula ay nasa
malayang taludturan sapagkat wala itong sinusunod na patakaran kung
hindi ang naisin ng isang may akda. Walang tugma ang mga salita at wala
din bilang o sukat.
c. Galaw ng mga pangyayari
Ipinakita sa unang bahagi ang pag abuso sa kahirapan ng mga
kababaihan. Winakasan naman ito sa paghikayat na gawing kalkasan ang
ating mga kahinaan.
2. Bisang Pampanitikan
a. Bisang Pangkaisipan
Ang pagkasulat sa akda ay nasa tagong paraan nunit madaling
maunawaan ng mambabasa sapagkat ito ay gumamit ng paghahalintulad.
Ang pinakamensahe nito ay hindi lantad. May mga kariktang salita na
ginamit ang may-akda upang maiparating sa mambabasa ang kanyang
mensahe. Ang mga kariktang nabanggit ay: paghihikahos na ang
ibigsabihin ay paghihirap; maiigpawan na ibig sabihin ay malunasan o
makaahon sa kahirapan; pakikibaka na naglalarawan sa
pakikipagsapalaran o pakikipaglaban sa isang sitwasyon, mga paniniwala
o sa mga tao; Pagdaralita na simbolo ng kahirapan.

b. Bisang Pandamdamin
Ang babae ay nararapat na alagaan,mahalin at tratuhin ng may
halaga at paggalang at pantay sa sinuman. Malaking bahagi ang
ginagampanan ng babae sa buhay, hindi lamang siya pangalawa sa
pagsasaalang-alang sa mga bagay, siya ay kasama,katuwang at kasalo sa
lahat ng bagay.
c. Bisang Pangkaasalan
 Ipaglaban ng mga babae ang kanilang karapatan sa lipunan kagaya ng walang
humpay nilang paggawa sa mga gawaing bahay at pag-aaruga sa pamilya.
 Tayo ay maging patas at magkaroon ng pantay na pagtingin sa lahat, ano man
ang kasarian at estado sa buhay ng isang tao.

You might also like