17linggo KP K 2022 Missalette

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 56

17KP-K-2022 |1

Ika-17 na Linggo sa
Karaniwang Panahon – K
Ika-2 Pandaigdig na Araw ng mga
Lolo at Lola at mga Nakatatanda

“Ibibigay niya ang Espiritu Santo


sa mga humihingi sa kanya!”
17KP-K-2022 |2

Darasalin ng Commentator
ilang minuto bago magsimula ng Misa.

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak,


at ng Espiritu Santo. Amen.

PANALANGIN PARA SA MGA PARI

Hesus, Pari magpakailanman,


ingatan mo ang lahat ng mga pari
sa kandungan ng Iyong
Kamahal-mahalang Puso,
upang walang makasaling sa kanila.

Panatilihin Mong walang bahid


ang kanilang banal na mga kamay
na sa araw-araw ay humahawak
sa Iyong kamahal-mahalang katawan.
17KP-K-2022 |3

Panatilihin Mong walang dungis


ang kanilang mga labi
na araw-araw ay nililinis ng Iyong
kamahal-mahalang dugo.

Panatilihing malinis
at di-makamundo ang kanilang puso,
na may dakilang tatak ng pagkapari.

Paligiran mo sila
ng Iyong banal na pag-ibig
at ipagsanggalang
sa mga maka-mundong bagay.

Basbasan mo ang kanilang gawain


ng saganang bunga
at nawa'y yaong kanilang pinaglilingkuran
ay maging ligaya nila at aliw dito sa lupa,
17KP-K-2022 |4

at sa langit sila nawa ang kanilang


walang hanggang tagumpay.

Panginoong Hesus,
ako ay nagsusumamo
para sa tapat at masigasig na pari,
para sa di-tapat at nanlalamig
na mga pari,
sa mga paring gumagawa dito
o sa ibang bansa,
para sa iyong paring natutukso,
para sa Iyong nalulungkot
at napapabayaang mga pari,
para sa mga batang pari,
para sa mga nag-aagaw buhay
na mga pari,
para sa mga kaluluwa
ng Iyong mga pari sa purgatoryo.
17KP-K-2022 |5

Higit sa lahat, itinatagubilin ko sa Iyo


ang mga paring mahal sa akin;
ang paring nagbinyag sa akin;
ang mga paring naggawad
ng kapatawaran
sa aking mga kasalanan;

ang mga paring dinaluhan ko


sa pagmimisa
at nagbigay sa akin ng
Iyong Katawan at Dugo
sa Banal na Komunyon;

ang mga paring nagturo sa akin;


ang lahat ng mga paring
pinagkakautangan ko ng loob
sa anumang bagay.
17KP-K-2022 |6

O Hesus, panatilihin Mong


malapit sila sa puso Mo
at padaluyin Mo sa kanila
ang biyayang umaapaw,
ngayon at magpakailanman.

Amen.

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak,


at ng Espiritu Santo. Amen.

Hango sa pinagsamang mga panalagin na:


PARA SA MGA PARI ni Santa Theresita taga Lisieux at
PANALANGIN PARA SA MGA PARI
17KP-K-2022 |7

(Mass Intentions)

Pambungad na Salita

COMMENTATOR: Maligayang pagdating sa


ating pagdiriwang ng Banal na Misa.

Tayo ay nagdiriwang ng Ikalabimpitong


Linggo sa Karaniwang Panahon.

Sa Ebanghelyo, tinuturuan tayo ni Hesus


kung paano buong puso at diwang
sumalig sa kalooban ng Diyos sa
pamamagitan ng Espiritu Santo.

Ngayon di’y ipinagdiriwang natin ang


ikalawang Pandaigdig na araw para sa
mga Lolo’t Lola at mga Nakatatanda na
may temang, “They shall bear fruit even in
old age”.
17KP-K-2022 |8

Ipagdasal natin sila sa misang ito, lalung-


lalo na yaong mga maysakit, upang
madama nilang ganap ang pag-ibig ng
Diyos, sa pamamagitan ng kanilang mga
pamilya at mga taong handang

Ang Paring mangunguna sa ating


Pagdiriwang ngayon ay si Reberendo
Padre Bong Gino.

Tumayo ang lahat at sumabay sa koro sa


pambungad na awitin.
17KP-K-2022 |9

Pambungad na Antipona
(Basahin kung walang pambungad na awit)

Sa banal niyang tahanan luma-lagi ang


Maykapal, at kapisan n’ya ang tanan.
Tanging siya ang magbibigay ng lakas sa
sambayanan.

Pari : Sa ngalan ng Ama,


at ng Anak at ng Espiritu Santo.

Bayan : Amen

Pari : Ang pagpapala ng


Panginoong Hesukristo,
ang pag-ibig ng Diyos Ama,
at ang pakiki-pagkaisa ng
Espiritu Santo
nawa’y sumainyong lahat.

Bayan : At sumaiyo rin.


1 7 K P - K - 2 0 2 2 | 10

PAGSISISI SA KASALANAN

Pari: Tayo ay tinatawag ng Diyos na


manalangin nang taimtim sa Kaniya.
Para sa ating kakulangan ng sigasig sa
pagdarasal, humingi tayo sa Diyos ng
tawad.

Pari: Para sa aming nanghihinang


pananampalatayang nakikita sa
aming walang ganang pagdarasal:

Panginoon, kaawaan mo kami.


Panginoon, kaawaan mo kami.

Pari: Para sa aming kakulangan ng


pag-asang namamalas sa aming
madaling pagsasawa sa pagdarasal:

Kristo kaawaan mo kami.


Kristo, kaawaan mo kami.
1 7 K P - K - 2 0 2 2 | 11

Pari: Para sa aming hindi tunay na pag-


ibig na naghahanap sa Diyos ng mga
makamundong bagay lamang:

Panginoon, kaawaan mo kami.


Panginoon, kaawaan mo kami.

Pari: Kaawaan tayo ng


makapangyarihang Diyos, patawarin
tayo sa ating mga kasalanan at
patnubayan tayo sa buhay na walang
hanggan.

Bayan : Amen.
1 7 K P - K - 2 0 2 2 | 12

Gloria
Papuri sa Diyos sa kaitaasan
at sa lupa’y kapayapaan sa mga
taong kinalulugdan niya.
Pinupuri ka namin, dinarangal ka namin,
sinasamba ka namin, ipinagbubunyi ka namin,
pinasasalamatan ka namin
dahil sa dakila mong angking kapurihan.

Panginoong Diyos, Hari ng langit,


Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak,
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama.

Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,


maawa ka sa amin.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
tanggapin mo ang aming kahilingan.

Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,


maawa ka sa amin.
Sapagkat ikaw lamang ang banal,
ikaw lamang ang Panginoon,
ikaw lamang, O Hesukristo, ang Kataas-taasan,
kasama ng Espiritu Santo
sa kadakilaan ng Diyos Ama.

Amen.
1 7 K P - K - 2 0 2 2 | 13

Pambungad na Panalangin

Pari : Manalangin tayo.

Ama naming makapangyarihan,


nililingap mo ang mga
walang inaasahan kundi ikaw.

Hindi maidarangal at hindi magiging banal


ang sinumang sa iyo’y napapawalay.

Dagdagan mo ang iyong


kagandahang-loob sa amin
upang sa iyong pamumuno
at pangangasiwang magiliw
mapakinabangan namin
ang mga biyaya mo sa lupa
bilang pagkakamit na namin
sa makalangit mong pagpapala

sa pamamagitan ni Jesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan : Amen
1 7 K P - K - 2 0 2 2 | 14

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

Unang Pagbasa

Hindi pupuksain ng makatarungang Diyos ang


mga makasalanang bayan para sa kapakanan
ng kahit na iilan lamang na mabubuting tao.
Makikita rin natin ang bisa ng panalangin ng
isang makatarungang tao, si Abraham.

Genesis 18:20-32

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

NOONG mga araw na iyon, sinabi ng


Panginoon, “Katakut-takot na ang
sumbong sa akin laban sa Sodoma at
Gomorra, at napakalaki ng kanilang
kasalanan. Paroroon ako at aalamin ko
kung ito’y totoo.”
1 7 K P - K - 2 0 2 2 | 15

Umalis nga ang mga lalaki at nagpunta sa


Sodoma, ngunit nanatili ang Panginoon sa
tabi ni Abraham.

Itinanong ni Abraham, “Lilipulin po ba


ninyo ang lahat ng tao, may kasalanan
man o wala? Sakaling may limampung
matuwid sa lunsod, wawasakin po ba ninyo
iyon? Hindi ba ninyo patatawarin ang
lunsod dahil sa limampung iyon?
Naniniwala akong hindi ninyo idaramay
ang mabubuti. Hindi ninyo gagawin iyon
sapagkat kung ganito ang mangyayari,
parehong magdurusa ang masama at
mabuti. Hindi ito mangyayari!
Makatarungan ang Hukom ng buong
daigdig!”
1 7 K P - K - 2 0 2 2 | 16

At tumugon ang Panginoon, “Hindi ko


ipahahamak ang lunsod dahil sa
limampung matuwid.”

“Ipagpaumanhin po ninyo ang aking


kapangahasan,” wika ni Abraham, “wala
po akong karapatang magsalita sa inyo,
pagkat alabok lamang ako. Kung wala
pong limampu, at apatnapu’t lima lamang
ang matuwid, wawasakin ba ninyo ang
lunsod?”

“Hindi ko wawasakin dahil sa apatnapu’t


limang iyon,” tugon ng Panginoon.
1 7 K P - K - 2 0 2 2 | 17

Nagtanong na muli si Abraham, “Kung


apatnapu lamang?”

“Hindi ko wawasakin ang lunsod dahil sa


apatnapung iyon,” tugon sa kanya.

“Huwag sana kayong magagalit,


magtatanong pa po ako. Kung tatlumpu
lamang ang taong matuwid doon, hindi rin
ninyo wawasakin?”

Sinagot siya, “Hindi ko wawasakin ang


lunsod dahil sa tatlumpung iyon.”

Sinabi pa ni Abraham, “Mangangahas po


uli ako. Kung dalawampu lamang ang
matuwid na naroon?”
1 7 K P - K - 2 0 2 2 | 18

“Hindi ko pa rin wawasakin ang lunsod


dahil sa dalawampung iyon,” muling tugon
sa kanya.

Sa katapusa’y sinabi ni Abraham, “Ito na


po lamang ang itatanong ko: Kung sampu
lamang ang matuwid na naroon?”

“Hindi ko pa rin wawasakin ang lunsod


dahil sa sampung iyon,” tugon ng
Panginoon.

Ang Salita ng Diyos.


Salamat sa Diyos.
1 7 K P - K - 2 0 2 2 | 19

Salmong Tugunan
Salmo 137

Tugon: Noong ako ay tumawag,


tugon mo’y aking tinanggap.

1. Ako, Poon, buong pusong aawit ng


pasasalamat,/ sa harap ng mga anghel,
pupurihin kitang ganap./ Sa harap ng iyong
templo ay yuyuko at gagalang,/ pupurihin kita
roon, pupurihin ang ’yong ngalan.

Tugon: Noong ako ay tumawag,


tugon mo’y aking tinanggap.

2. Dahilan sa pag-ibig mo at sa iyong


katapatan,/ ika’y tunay na dakila, pati iyong
kautusan./ Noong ako ay tumawag, tinanggap
ko ang tugon mo,/ sa lakas mong itinulong ay
lumakas agad ako.

Tugon: Noong ako ay tumawag,


tugon mo’y aking tinanggap.
1 7 K P - K - 2 0 2 2 | 20

3. Kung ang D’yos mang Panginoon ay dakila


at mataas,/ hindi niya nililimot ang aba at
mahihirap:/ kumubli ma’y kita niya yaong
hambog at pasikat./ Kahit ako’y nababatbat
ng maraming suliranin,/ ako’y walang agam-
agam, panatag sa iyong piling.

Tugon: Noong ako ay tumawag,


tugon mo’y aking tinanggap.

4. Nahahandang harapin mo mapupusok kong


kaaway,/ ligtas ako sa piling mo, sa lakas na
iyong taglay./ Yaong mga pangako mo ay
handa mong tupding lahat,/ ang dahilan nito,
Poon, pag-ibig mo’y di kukupas,/ at ang mga
sinimulang gawain mo’y magaganap.

Tugon: Noong ako ay tumawag,


tugon mo’y aking tinanggap.
1 7 K P - K - 2 0 2 2 | 21

Ikalawang Pagbasa

Dahil sa binyag, nagiging kabahagi tayo sa


pagkamatay at muling pagkabuhay ni Kristo.
Binago na tayo ng Panginoon at hinahamon
tayo ngayon ni Pablo na magbagong-buhay
kay Kristo.

Colosas 2:12-14

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol


San Pablo sa mga taga-Colosas

MGA KAPATID: Noong kayo’y binyagan,


nalibing kayong kasama ni Kristo at muling
nabuhay na kasama niya dahil sa inyong
pananalig sa kapangyarihan ng Diyos na
muling bumuhay sa kanya. Kayong mga
Hentil na dating patay dahil sa kasalanan
ay muling binuhay ng Diyos na kasama ni
1 7 K P - K - 2 0 2 2 | 22

Kristo. Pinatawad niya tayo sa ating mga


kasalanan at pinawalang-bisa ang lahat
ng kasulatan laban sa atin, pati mga
pananagutang kaugnay nito. Pinawi niya
ang lahat ng ito nang ipako siya sa krus.

Ang Salita ng Diyos.


Salamat sa Diyos.
1 7 K P - K - 2 0 2 2 | 23

Aleluya! Aleluya!
Espiritu ng D’yos Anak
ay siyang ating tinanggap
nang D’yos Ama ay matawag.
Aleluya! Aleluya!
1 7 K P - K - 2 0 2 2 | 24

MABUTING BALITA

Pari : Sumainyo ang Panginoon.


Bayan : At sumaiyo rin.

Pari : Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay


San Lucas 11:1-13
Bayan : Papuri sa iyo, Panginoon.

MINSAN, nananalangin si Hesus. Pagkatapos


niya, sinabi ng isa sa kanyang mga alagad,
“Panginoon, turuan po ninyo kaming
manalangin, katulad ng ginawa ni Juan sa
kanyang mga alagad.”

Sinabi ni Hesus, “Kung kayo’y mananalangin,


ganito ang sabihin ninyo: ‘Ama, sambahin nawa
ang ngalan mo. Magsimula na sana ang iyong
paghahari. Bigyan mo kami ng aming makakain
sa araw-araw. At patawarin mo kami sa aming
mga kasalanan, sapagkat pinatatawad namin
ang bawat nagkasala sa amin. At huwag mo
kaming iharap sa mahigpit na pagsubok.’”
1 7 K P - K - 2 0 2 2 | 25

Sinabi pa rin niya sa kanila, “Ipalagay natin na


ang isa sa inyo’y nagpunta sa isang kaibigan
isang hatinggabi at nagsabi, ‘Kaibigan, bigyan
mo muna ako ng tatlong tinapay. Dumating kasi
ang isa kong kaibigang naglalakbay at wala
akong maihain sa kanya!’

At ganito naman ang sagot ng kanyang


kaibigan sa loob ng bahay, ‘Huwag mo nga
akong gambalain! Nakatrangka na ang pinto at
nakahiga na kami ng aking mga anak. Hindi na
ako makababangon pa upang bigyan kita ng
iyong kailangan.’

Sinasabi ko sa inyo, hindi man siya bumangon


dahil sa kanilang pagkakaibigan, babangon
siya upang ibigay ang hinihingi ng kaibigan
dahil sa pagpupumilit nito. Kaya sinasabi ko sa
inyo: Humingi kayo, at kayo’y bibigyan;
humanap kayo, at kayo’y makasusumpong;
kumatok kayo, at ang pinto’y bubuksan para sa
1 7 K P - K - 2 0 2 2 | 26

inyo. Sapagkat tumatanggap ang bawat


humihingi; nakasusumpong ang bawat
humahanap; at binubuksan ang pinto sa bawat
kumakatok.

Kayong mga ama, bibigyan ba ninyo ng ahas


ang inyong anak kung humihingi ng isda?
Bibigyan ba ninyo siya ng alakdan kung siya’y
humihingi ng itlog?

Kung kayong masasama ay marunong


magbigay ng mabubuting bagay sa inyong
mga anak, gaano pa kaya ang inyong Amang
nasa langit! Ibibigay niya ang Espiritu Santo sa
mga humihingi sa kanya!”

Pari : Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Bayan : Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo.
1 7 K P - K - 2 0 2 2 | 27

Sumasampalataya Ako

Sumasampalataya ako sa Diyos Amang


makapangyarihan sa lahat,
na may gawa ng langit at lupa.

Sumasampalataya ako kay Hesukristo,


iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat,
nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo,
ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato,
ipinako sa krus, namatay, inilibing.
Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao,
nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli.
Umakyat sa langit.
Naluluklok sa kanan ng
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
Doon magmumulang paririto at huhukom
sa nangabubuhay at nangamatay na tao.

Sumasampalataya naman ako


sa Diyos Espiritu Santo,
sa banal na Simbahang Katolika,
sa kasamahan ng mga banal,
sa kapatawaran ng mga kasalanan,
sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao
at sa buhay na walang hanggan.

Amen.
1 7 K P - K - 2 0 2 2 | 28

Panalangin ng Bayan (Sambuhay-SPP)

Pari: Tinuturuan kami ni Hesus na buong


tiwalang manalangin sa iyo, Ama.
Idinudulog namin sa iyo ang aming mga
kahilingan at ng buong Simbahan. Ating
itutugon:

Ama, dinggin mo ang iyong bayan.

Lektor: Para kay Francisco na aming Papa,


mga obispo, pari, at diyakono: masalamin
nawa sa kanila ang pag-ibig mo, Ama, sa
pamamagitan ng kanilang paglilingkod sa
kapwa. Manalangin tayo:

Lektor: Para sa mga pinuno ng aming


bayan: lturing nawa nila ang kanilang sarili
bilang mga tagapangalaga at
tagapagtanggol ng mga dukha, mahihina,
at walang tinig sa lipunan. Manalangin
tayo:
1 7 K P - K - 2 0 2 2 | 29

Ama, dinggin mo ang iyong bayan.

Lektor: Para sa mga pinanghihinaan ng


loob sanhi ng mga pagsubok at problema:
manatiling bukas nawa ang kanilang puso
sa kabila ng mga suliranin sapagkat ikaw,
Ama, ay sumasakanila. Manalangin tayo:

Lektor: Para sa mga nakatatanda: nawa’y


mapuspos sila ng galak at maging
matatag sa anumang kanilang
pinagdaraanan sa buhay. Patuloy nawa
silang kalingain ng mga taong may tunay
na malasakit. Manalangin tayo:

Lektor: Para sa mga yumao: yakapin mo


nawa silang mahigpit sa kanilang pagsapit
sa iyong kaharian upang madama nilang
ganap ang iyong pag-ibig at
pagpapatawad. Manalangin tayo:
1 7 K P - K - 2 0 2 2 | 30

Ama, dinggin mo ang iyong bayan.

Lektor: Sa ilang sandali ng katahimikan


itaas natin sa Diyos ang ating personal na
kahilingan gayundin ang mga taong lubos
na nangangailangan ng ating panalangin.
(Tumigil saglit.) Manalangin tayo:

Pari: Ama naming mapagmahal,


ipagkaloob mo ang kahilingan ng iyong
mga anak. Tulungan mo kaming lumago sa
pag-ibig at paglilingkod sa isa’t isa.

Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni


Kristong aming Panginoon.

Bayan : Amen.
1 7 K P - K - 2 0 2 2 | 31

LITURHIYA NG EUKARISTIA
Pari : Kapuri-purika, Diyos Amang
Lumikha ng sanlibutan. Sa iyong
kagandahang-loob, narito ang
aming maiaalay. Mula sa lupa at
bunga ng aming paggawa ang
tinapay na ito para maging
pagkaing nagbibigay-buhay.

Bayan : Kapuri-puri ang Poong Maykapal


ngayon at kailan man!

Pari : Sa paghahalong ito ng alak at tubig


kami nawa'y magkasalo sa pagka-
Diyos ni Kristo na nagpagindapat
makibahagi sa aming pagkatao.

Kapuri-puri ka, Diyos Amang


Lumikha ng sanlibutan. Sa iyong
kagandahang-loob, narito ang
aming maiaalay. Mula sa katas ng
ubas at bunga ng aming paggawa
ang alak na ito para maging
inuming nagbibigay ng iyong
Espiritu.

Bayan : Kapuri-puri ang Poong Maykapal


ngayon at kailan man!
1 7 K P - K - 2 0 2 2 | 32

Pari : (pabulong) Diyos Amang Lumikha, nakikiusap


kaming mga makasalanan. Tanggapin mo ang
aming pagsisisi bilang handog upang kami'y
matutong sumunod sa iyo nang buong puso.

O Diyos kong minamahal, kasalanan ko'y


hugasan at linisin mong lubusan ang nagawa
kong pagsuway.

Manalangin kayo mga kapatid


upang itong paghahain natin
ay kalugdan ng Diyos Amang
makapangyarihan.

Bayan : Tanggapin nawa ng Panginoon


itong paghahain sa iyong mga kamay
sa kapurihan niya at karangalan
sa ating kapakinabangan
at sa buong sambayanan
niyang banal.
1 7 K P - K - 2 0 2 2 | 33

PANALANGIN SA MGA ALAY

Pari :

Ama naming Lumikha,


tanggapin mo ang mga alay
na sa iyo rin nagmula
at ngayo’y aming inihahanda
sa iyong dambana
upang sa aming ginaganap na pagdiriwang
ang iyong paglingap
ay magtaguyod sa tanan
at magpabanal sa aming pamumuhay
sa kasalukuyan at mag-akay sa amin
sa ligayang walang katapusan

sa pamamagitan ni Jesukristo kasama ng


Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan : Amen
1 7 K P - K - 2 0 2 2 | 34

PREPASYO

Pari : Sumainyo ang Panginoon.


Bayan : At sumaiyo rin.

Pari : Itaas sa Diyos


ang inyong puso at diwa.

Bayan : Itinaas na namin sa Panginoon.

Pari : Pasalamatan natin


ang Panginoong ating Diyos.

Bayan : Marapat na siya ay pasalamatan.


1 7 K P - K - 2 0 2 2 | 35

Prepasyo: Karaniwan VII

Ama naming makapangyarihan,


tunay ngang marapat
na ikaw ay aming pasalamatan.

Kahit na ikaw
ay pinagtaksilan ng sangkatauhan,
ikaw ay patuloy pa rin
sa iyong pagmamahal.

Ikaw na ang nagpuno sa aming pagkukulang;


ikaw pa rin ang nagsugo ng tutubos sa tanan.

Ang sugo mong Anak


ay naging di na iba sa amin
bagamat di niya tinularan
ang aming pagkamasuwayin.
1 7 K P - K - 2 0 2 2 | 36

Niloob mo ito upang iyong mamalas


sa aming pagkatao ang giliw mong Anak
at kami’y tunghayan mong
may pag-ibig na tulad
ng pagtatangi mo sa kanya nang higit sa lahat.

Ang katapatan niya sa iyong walang maliw


ay nagpanumbalik na muli sa amin
ng iyong kasiyaha’t ng iyong pagtingin
na aming iwinaksi
noong ikaw ay aming suwayin.

Kaya kaisa ng mga anghel


na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan,
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

Santo, Santo, Santo, Diyos ng mga Hukbo. Ang


langit at lupa napupuno ng Iyong kaluwalhatian.
Hosana sa kaitaasan! Pinagpala ang naparito sa
ngalan ng Panginoon Hosana sa Kaitaasan!
1 7 K P - K - 2 0 2 2 | 37

A
ma naming banal,
ikaw ang bukal ng tanang
kabanalan.
Kaya’t sa pamamagitan ng iyong Espiritu,
gawin mong banal ang mga kaloob na ito
upang para sa ami’y maging
Katawan at Dugo
ng aming Panginoong Hesukristo.

B
ago niya pinagtiisang kusang loob
na maging handog,
hinawakan niya ang tinapay,
pinasalamatan ka niya,
pinaghati-hati niya iyon,
iniabot sa kanyang mga alagad at sinabi:

TANGGAPIN NINYONG
LAHAT ITO AT KANIN:
ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.
1 7 K P - K - 2 0 2 2 | 38

G
ayun din naman,
noong matapos ang hapunan
hinawakan niya ang kalis
muli ka niyang pinasalamatan
iniabot niya ang kalis
sa kanyang mga alagad at sinabi:

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO


AT INUMIN:

ITO ANG KALIS NG AKING DUGO


NG BAGO AT WALANG HANGGANG
TIPAN,

ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS


PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD
NG MGA KASALANAN.

GAWIN NINYO ITO


SA PAG-ALALA SA AKIN.
1 7 K P - K - 2 0 2 2 | 39

Pari : IPAGBUNYI NATIN


ANG MISTERYO NG
PANANAMPALATAYA.
Bayan : Si Kristo’y namatay!
Si Kristo’y nabuhay!
Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon!

A
ma,
ginagawa namin ngayon ang pag-alala
sa pagkamatay at muling pagkabuhay
ng iyong Anak.
kaya’t iniaalay namin sa iyo
ang tinapay na nagbibigay-buhay
at ang kalis na nagkakaloob ng kaligtasan.

Kami’y nagpapasalamat
dahil kami’y iyong minarapat
na tumayo sa harap mo
para maglingkod sa iyo.
Isinasamo naming kaming magsasalu-salo
sa Katawan at Dugo ni Kristo
ay mabuklod sa pagkakaisa
sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
1 7 K P - K - 2 0 2 2 | 40

(Concelebrant 1)

ma,

A lingapin mo ang iyong Simbahang


laganap sa buong daigdig.
Puspusin mo kami sa pag-ibig
Kaisa ni Francisco, na aming Papa,
ni Pablo Virgilio, na aming Obispo,
at ng tanang kaparian.
1 7 K P - K - 2 0 2 2 | 41

(Concelebrant 2)

A
lalahanin mo rin ang mga kapatid
naming nahimlay
nang may pag-asang
sila’y muling mabubuhay
gayun din ang lahat ng mga pumanaw.
Kaawaan mo sila
at patuluyin sa iyong kaliwanagan.

Kaawaan mo at pagindapatin kaming lahat


na makasalo sa iyong buhay na walang wakas.
Kaisa ng Mahal na Birheng Maria
na Ina ng Diyos.
ng Kabiyak ng puso niyang si San Jose,
kaisa ng mga apostol at ng lahat ng mga banal
na namuhay dito sa daigdig
nang kalugud-lugod sa iyo,
maipagdiwang nawa namin
ang pagpupuri sa ikararangal mo
sa pamamagitan ng iyong Anak
na aming Panginoong Jesukristo.
1 7 K P - K - 2 0 2 2 | 42

Sa pamamagitan ni Kristo,
kasama niya, at sa kanya

ang lahat ng parangal at papuri

ay sa iyo,

Diyos Amang makapangyarihan,

kasama ng Espiritu Santo


magpasawalang hanggan.

Amen.
1 7 K P - K - 2 0 2 2 | 43

ANG PAKIKINABANG

Pari : Sa tagubilin ng mga nakagagaling


na utos at turo ni Hesus
na Panginoon natin at Diyos
ipahayag natin nang lakas-Ioob:

A
ma namin sumasalangit ka,
Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo dito sa lupa

para nang sa langit.


Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin
sa araw araw;
At patawarin mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin sa
nagkakasalaan sa amin;
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso,
At iadya mo kami sa lahat ng masama.
1 7 K P - K - 2 0 2 2 | 44

Pari :

Hinihiling naming
kami’y iadya sa lahat ng masama,
pagkalooban ng kapayapaan
araw-araw,
iIigtas sa kasalanan
at ilayo sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinananabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag
ng Tagapagligtas naming
si Hesukristo.

Bayan :
Sapagkat iyo ang kaharian
at ang kapangyarihan
at ang kapurihan
magpakailanman!
Amen.
1 7 K P - K - 2 0 2 2 | 45

Pari :

Panginoong Hesukristo,
sinabi mo sa iyong mga Apostol:

“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.


Ang aking kapayapaan
ang ibinibigay ko sa inyo.”

Tunghayan mo ang aming


pananampalataya
at huwag ang aming mga pagkakasaIa.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban.

kasama ng Espiritu Santo


magpasawaIang hanggan. (Amen)

Ang kapayapaan ng Panginoon


ay laging sumainyo. (At sumainyo rin)

Magbigayan kayo ng
kapayapaan sa isa’t isa.
1 7 K P - K - 2 0 2 2 | 46

(pabulong)

Sa pagsasawak na ito
ng Katawan sa Dugo
ng aming Panginoong Hesukristo
tanggapin nawa namin sa pakikinabang
ang buhay na walang hanggan.

Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga


kasaIanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga


kasaIanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga


kasaIanan ng sanlibutan, ipagkaloob mo sa
amin ang kapayapaan.

Pari :

(pabulong)

Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na buhay, sa kalooban ng Ama


kasama ng Espiritu Santo, binuhay mo sa iyong pagkamatay ang
sanlibutan.

Pakundangan sa iyong banal na Katawan at Dugo, iadya mo ako sa tanang


aking kasalanan at lahat ng masama, gawin mong ako’y makasunod Iagi
sa iyong mga utos, at huwag mong ipahintulot na ako’y mawaIay sa iyo
kaiIanman.
1 7 K P - K - 2 0 2 2 | 47

Pari : Ito ang Kordero ng Diyos.


Ito ang nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan
sa kanyang piging.

Bayan : Panginoon,
hindi ako karapat-dapat
na magpatuloy sa iyo
Ngunit sa isang salita mo lamang
ay gagaling na ako.

Pari : (pabulong)

Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni


Kristo para sa buhay na walang hanggan.

Ipagsanggalang nawa aka ng Dugo ni Kristo


para sa buhay na walang hanggan.
1 7 K P - K - 2 0 2 2 | 48

Antipona ng Pakikinabang
(Basahin kung walang awit sa Komunyon)

Kaluluwang aking taglay, Poon ay ’yong


papurihan. Huwag mong kalimutan ang dulot
n’yang kabutihang ngayon at pakikinabang.
1 7 K P - K - 2 0 2 2 | 49

Commentator: (alone)

Espiritwal na Pakikinabang

O Hesus ko, naniniwala ako na ikaw ay


tunay na naririyan sa Banal na Sakramento.
Minamahal Kita ng higit sa lahat at ninanais
ko na Ikaw ay tanggapin sa aking kaluluwa.
Bagama’t sa sandaling ito ay hindi Kita
matatanggap sa paraang sakramental,
pumarito ka man lamang sa aking puso sa
paraang espiritwal…

(sandaling katahimikan)

Naniniwala akong tinanggap nga Kita


at buong puso akong nakikipag-isa sa Iyo.
Huwag mong pahintulutang ako’y
mawalay sa Iyo. Amen.
1 7 K P - K - 2 0 2 2 | 50

Commentator: Lumuhod po ang lahat.

PANALANGIN PARA SA
MGA NAKATATANDA AT
MGA LOLO AT LOLA

Ama naming mapagmahal,


Bukal ka ng buhay at lahat ng biyaya.

Buong pagkalinga mo kaming itinataguyod


sa bawat yugto ng aming buhay
at binibigyan mo ito ng kaganapan
kay Hesus na iyong anak at aming kapatid.

Nagpapasalamat kami sa pagbibigay mo


ng aming mga lolo at lola
at mga nakatatanda
upang maging aming gabay
1 7 K P - K - 2 0 2 2 | 51

sa pagbabahagi nila ng kanilang


mayamang karanasan at karunungang
natamo sa pagdaraan ng mga taon.

Pinasasalamatan ka namin sa kanilang


patotoo ng iyong pananatili at pagkalinga
sa bawat kaganapan at pagbabago sa
aming buhay.

Basbasan mo sila ng tuwa at kapanatagan,


ng kasiyahan sa mga bunga ng kanilang
pagpapagal, at ng tapat na pagmamahal
ng kanilang pamilya.

Patatagin mo sila sa pagtitiwala sa iyong


mapagpagaling na awa sa harap ng mga
pagkakamali at kasalanan ng panahong
nagdaan.
1 7 K P - K - 2 0 2 2 | 52

Maging maligaya nawa sila sa piling ng


kanilang mga mahal sa buhay at mga
kaibigan.

Ipag-adya mo sila
sa lahat ng panganib at kasamaan
na magkukubli sa walang hanggang
kapayapaaan at galak sa iyong kaharian.

Pagkalooban mo sila ng tiyaga at


katatagan na pasanin ang krus ng sakit
at kahinaan ng katawan.

Tulungan mo silang tingnan ang kanilang


mga hirap at pagtitiis bilang pakikiisa
sa Misteryo Paskwal ni Kristo.
1 7 K P - K - 2 0 2 2 | 53

Ipagkaloob mo sa aming
kanilang mag-anak at mga kaibigan
ang matatag na paninindigan at pananalig
sa halaga at karangalan ng bawat tao
na nilikha na iyong kalarawan
at tinubos ng sakrispisyo
ng iyong Anak sa krus.

Makatulong nawa ito na lagi namin silang


alalayan, igalang, at mahalin.

Hinihiling namin ito


sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Amen.

Commentator: Tumayo po ang lahat.


1 7 K P - K - 2 0 2 2 | 54

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

Pari : Manalangin tayo.

Ama naming mapagmahal,


pinagsaluhan namin
sa banal na pakikinabang
ang alaalang walang kupas ng iyong Anak
na nag-alay ng sarili niyang buhay
para sa aming kaligtasan.

Ipagkaloob mong ito


ay magdulot ng pag-unlad
sa ipinamana niya sa aming pagliligtas
bilang Tagapamagitan
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan : Amen
1 7 K P - K - 2 0 2 2 | 55

PAGBABASBAS

Pari : Sumainyo ang Panginoon


Bayan : At sumainyo rin.

Pari: Magsiyuko kayo samantalang


iginagawad ang pagpapala.

Panginoon, aming idinadalangin


ang mga taong nananalig sa iyo.
Nawa’y magalak sila
sa biyaya ng iyong pag-ibig
upang kanilang maibahagi ito sa ibang tao
at maipahayag sa lahat ng dako

sa ngalan ni Hesus na aming Panginoon.

Bayan : Amen.
1 7 K P - K - 2 0 2 2 | 56

Pari : Pagpalain kayo ng

Makapangyarihang Diyos
Ama, at Anak, at Espiritu Santo

Bayan : Amen.

Pangwakas
Pari : Humayo kayong taglay
ang kapayapaan
upang ang Panginoon ay
mahalin at paglingkuran.

Bayan : Salamat sa Diyos.

You might also like