Professional Documents
Culture Documents
3 ESP5 LAS Q3 WK4 Pangangalaga Sa Kapaligiran, Responsibilidad Ko
3 ESP5 LAS Q3 WK4 Pangangalaga Sa Kapaligiran, Responsibilidad Ko
PANUTO: Basahin ang lyrics ng awitin ng bandang Asin at sagutin ang mga
tanong pagkatapos
Masdan Mo Ang Kapaligiran
Wala ka bang napapansin
Sa iyong mga kapaligiran?
Kay dumi na ng hangin
Pati na ang mga ilog natin.
___________________________________________________________________________
Week 4
Nakapagpapakita ng magagandang halimbawa ng pagiging responsableng
tagapangalaga ng kapaligiran esp5ppp-iiid-27
Napatutunayan na di-nakukuha sa kasakiman ang pangangailangan EsP5PPP-llle-28
Gawain 2
PANUTO: Punan ang graphic organizer ng mga salitang maaaring iugnay sa
salitang RESPONSIBILIDAD.
___________________________________________________________________________
Week 4
Nakapagpapakita ng magagandang halimbawa ng pagiging responsableng
tagapangalaga ng kapaligiran esp5ppp-iiid-27
Napatutunayan na di-nakukuha sa kasakiman ang pangangailangan EsP5PPP-llle-28
HANDA KA NA BA?
Gawain 3
PANUTO: Isulat sa sagutang papel ang HANDA kung ang sumusunod ay
nagpapakita ng kahandaan sa oras ng kalamidad at DI HANDA kung
hindi.
1. Pagtatabi ng mga “emergency supplies” tulad ng de-bateryang radyo, flashlights,
at iba pa.
2. Pagiging alerto sa mga amoy at usok sa loob at labas ng tahanan.
3. Pagbabalewala kung nasaan ang “main switch” ng inyong tubig, gaas at
elektrisidad.
4. Pakikinig nang mabuti sa plano ng pamilya kung saan lalabas kung sakaling
may lindol at may sunog sa loob ng tahanan.
5. Pag-ubos sa mga naka-imbak na pagkain at tubig mula sa “emergency
supplies.”
Gawain 4
PANUTO: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.
1. Bakit responsibilidad ng mga tao na pangalagaan ang kapaligiran?
2. Ano-ano ang gawaing nakasisira sa kapaligiran?
3. Bakit kailangangmaging mapagbantay sa mga gawaing nakasisira sa kapaligiran?
4. Ano ang maaaring mangyari kung ang bawat tao ay hindi makikiisa sa
ordinansa ng barangay at pamahalaang lokal tulad ng “Nagbabawal sa Pagsunog ng
Basura”?
5. Basahin at unawain ang poster na nasa ibaba. Ipaliwanag ang ibig ipahiwatig nito.
___________________________________________________________________________
Week 4
Nakapagpapakita ng magagandang halimbawa ng pagiging responsableng
tagapangalaga ng kapaligiran esp5ppp-iiid-27
Napatutunayan na di-nakukuha sa kasakiman ang pangangailangan EsP5PPP-llle-28
Maikling Pagsusulit
A. PANUTO: Bilang isang mag-aaral, ano ang maaari mong maitulong upang
mahadlangan ang pagkawasak ng kapaligiran? Isulat ang sagot
sa iyong sagutang papel.