Professional Documents
Culture Documents
Set 1 Filipino Major
Set 1 Filipino Major
6. Ginagawa ni Manny Pacquiao ang puspusang pag-eensayo para siya ay makakuha ng korona.
A. Magkape C. Manguna
B. Manalo D. Makabawi
7. Anak, hindi dapat magtaingang kawali sa mga sinasabi ng itay mo tungkol sa pag-aaral.
A. Magmatigas C. Magdabog
B. Magbingi-bingihan D. Magwalang-bahala
8. Mataas na ang araw nang lumabas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang barung-barong.
A. Umaga C. Hapon
B. Tanghali D. Bukang-liwayway
9. Nang magsimula siyang magbuhat ng sariling bangko nagpasya na akong hindi sumali sa
usapan.
A. Magpuri C. Magsabi ng totoo
B. Palipat-lipat ng upuan D. Magkuwento ng kalokohan
10. Hindi ko maipaliwanag kung bakit kailangan mong lumisan gayong alam mong ako’y
nalulumbay.
A. Nasasaktan C. Nagtitiis
B. Nalulungkot D. Naghihirap
12. Parang madudurog ang aking puso nang masaksihan ko ang pagkakaanod ng mga
kabahayang nasa pampang ng ilog.
A. Nalito C. Mababaliw
B. Nasaktan D. Natakot
13. Sa sinabi ng mga batang biglang tumakas ang dugosa mukha ng guro habang sumisilay ang
pilit na ngiti sa kanyang labi.
A. Namutla C. Hinimatay
B. Namula D. Nangulimlim
14. Parang itinulak mo sa bangin ang iyong kaibigan dahil hinayaan mo siyang umalis na walang
kasama.
A. Pinabayaan C. Ipinahamak
B. Pinahirapan D. Natuwa
15. Nagpanting ang tainga ng lider ng sindikato ng malaman niyang nakatakas ang bilanggo.
A. Natakot C. Nagalit
B. Nabigo D. Natuwa
16. Kagat na ang dilim sa lahat ng dako ngunit mababanaagan pa niya ang mga dulo ng
kawayang nakapanood ng paglikha niya ng unang tula.
A. Makulimlim C. Hatinggabi
B. Gabi na D. Dapit hapon
17. Hindi ako makapaniwalang may hangin sa ulo ang batang iyon, mukha kasing
mapagkumbaba. Ano ang kahulugan ng may salungguhit?
A. Sinungaling C. Kulang-kulang
B. Mayabang D. Baliw
19. Nang nasa laot na ang mangingisda naramdaman niyang ibig lumikot ng hangin.
A. Umambon C. Lumakas ang hangin
B. Bumagyo D. Masama ang panahon
20. Nasusian ba ang labi mo? Kanina lang ang dami mong sinabi.
A. May takip ang bibig C. Walang kalayaang magsalita
B. Nahihiya D. Pipi
21. Ang pakikipagsulatan sa kaibigan ang nagpakulay ng hungkag at kainip-inip kong buhay.
A. Nagpabuti C. Nagpapabago
B. Nagpasaya D. Nagpagaling
23. Sabik na sabik ang magkapatid habang hinihintay ang _______ ng kampana.
A. Agunyas C. Tunog
B. Kalembang D. Kalampag
24. Akala ko ikaw ay isang kaibigan. Ikaw pala’y isang buwayang lubog.
A. Kalaban C. Walang utang na loob
B. Taksil D. Di maasahan
25. Isa sa mga sumusunod na pangungusap ay MALI ang pagkakabuo. Alin sa mga ito?
27. Alin ang tamang pagkasunod-sunod ng mga pangungusap upang mkabuo ng mabisa at
malinaw na pahayag?
28. Walang alinlangang isa siyang Maria Clara na ubod ng hinhin at larawan ng kagandahang
asal. Ang pahayag na ito ay halimbawa ng anong uri ng alusyon?
A. Heografiya C. Mitolohiya
B. Bibliya D. Literatura
29. Sa aling mga pangungusap TAMA ang pagkakagamit ng salitang kung at kong?
1. Kung alam ko na hndi mo pala pwedeng ipaglaban, hindi na sana ako sumama sa iyo.
2. Gusto kong sumamang magtrabaho kahit mahihirapan pa ako.
3. Makakatapos ako sa pag-aaral kong tutulungan mo ako.
4. Paghahandaan kong mabuti ang susunod na pagsusulit.
A. 1,3 B. 2,4 C. 3,4 D. 2,3
3
All RIGHTS reserved to Gurong Pinoy. Reproduction is STRICTLY prohibited.
30. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang WALANG KAMALIAN batay sa pagkakabuo ng
mga ito?
31. Upang makabuo ng talatang mabisa at malinaw, ano ang tamang kaayusan ng mga
sumusunod na pangungusap?
32. Anong uri ng tayutay ang mga salitang may salungguhit? “Parang bakal ang kanyang puso,
na kailan ma’y di pwedeng tumibok.”
A. Metapora C. Pagtutulad
B. Pagpapalit-tawag D. Pagbibigay-katauhan
33. Alin ang tamang kaayusan ng mga pangungusap upang makabuo ng mabisa at malinaw na
pahayag?
1. Masusi niyang pinagmamasdan ang kumpol-kumpol na mga ulap.
2. Napatingin siya sa kalawakan.
3. Makakapal ang mga ito at halos magkasanib-sanib.
4. Ngunit isa-isang tinatangay ng hangin kaya mabilis na naglaho.
5. Parang ganyan din kabilis ang pagdaan ng panahon.
35. Alin sa mga pangungusap ang may MALI sa pagkakagamit ng mga salita?
36. Alin sa mga salitang may salungguhit ay WASTO o TAMA ang pagkakagamit sa
pangungusap?
A. Alin kaya dito ang mas matibay? Oh, sige subukan mo ang bawat isa.
B. Walisin mo ang bakuran araw-araw, huwag mong kalimutan.
C. Sino sa inyo ang naglabas ng mga gamit ko sa kwarto?
D. Dali, pahiran mo ang dumi ko sa mukha.
38. Sa loob ng mga pangungusap sa ibaba, isa sa mga nakabold na salita ay MALI ang
pagkakagamit. Alin sa mga ito?
A. Ugaliin nating tumayo nang matuwid tuwing inaawit ang Lupang Hinirang.
B. Palagay ko ikaw ang nag-akyat ng magandang swerte sa bahay.
C. Libu-libong Pilipino ang lumalabas ng bansa upang maghanap ng magandang
kapalaran.
D. Ang pulis nanagpatay sa kriminal ang iniimbistigahan.
A. Istruktura ng pangungusap
B. Pagkakabuo ng salita
C. Kahulugan ng pangungusap
D. Pagkakasunod ng tunog
5
All RIGHTS reserved to Gurong Pinoy. Reproduction is STRICTLY prohibited.
43. Alin sa mga pangungusap ang angkop na halimbawa ng tayutay na patanong?
A. Sino ang ipinagmamalaki mo?
B. Ginabi ka naman, saan ka galling?
C. Hindi pa kaya huli ang lahat para tayo ay magbago?
D. Bakit hindi ka nakarating nang maaga?
44. Tukuyin sa mga pangungusap sa ibaba kung alin sa mga ito ang may wastong kaayusan?
48. Kung ang bawat bahagi ng pangungusap ay tumutukoy sa pangunahin at natatanging diwa,
ang pangungusap ay:
A. Kaisahan C. Kaganapan
B. Kakipilan D. Kaayusan
49. Alin sa sumusunod ang HINDI bahagi ng tungkuling pangwika na Pagpapagawa sa bagay o
gawain (persuasion)?
A. pakikiusap C. paghingi ng tulong
B. pagpapakilala D. pagbibigay ng payo
6
All RIGHTS reserved to Gurong Pinoy. Reproduction is STRICTLY prohibited.
7
All RIGHTS reserved to Gurong Pinoy. Reproduction is STRICTLY prohibited.