Ang talakay na ito ay patungkol sa kahalagahan ng kabayanihan ni Heneral Paciano Rizal. Pinamagatan itong “Mga Aral Mula sa Buhay ni Paciano Rizal Mercado, Heneral ng Himagsikan,” na hindi lamang nagpapakita ng impluwensya niya sa kabayanihan ng kanyang nakababatang kapatid na si Jose Rizal, kundi ang kanyang papel bilang mapanghimagsik na kasama ng bayan at lumaban kasama ng bayan. Ipinanganak sa Calamba, Laguna noong Marso 9, 1851. Nangilak ng sukrisyon para sa diariong tagalog. Nakumisyong Heneral ng hukbong mapanghimagsik. Inihalal na kalihim ng pananalapi sa pamahalaang pangkagawaran ng Gitnang Luzon sa bundok Puray, Montalban, at tinalagang Punong Militar ng mga manghihimagsik sa Laguna. Lumahok sa Digmaang Pilipino – Amerikano at nadakip ng mga kaaway noong 1900. Namatay sa bahay na ito noong Abril 13, 1930. Kay St. Pacian, obispo ng Barcelona pinangalan si Paciano. Siya ay pangalawa sa magkakapatid, siya ang panganay na lalake. Isa siyang mensahero at tumira sa bahay ni Padre Burgos. Noong 1872 dinawit sila Padre Burgos at nabitay sa maling paratang sakanila sa pamamagitan ng garote sila ay binalian ng leeg. Ang kaibigan ni Paciano na si Manuel Xeres Burgos ang tumulong kay Jose Rizal na makapasok sa Ateneo de Manila. Napagdesisyunan ni Paciano na si Rizal nalang ang ipadala sa Espanya dahil mas matalino ang kanyang kapatid at may mas kinabukasan ito ngunit tumanggi si Rizal dahil siya ay may nobya rito ay ito ang sinabi ni Paciano “Iniisip mo lang ang iyong sari…” at walang nagawa si Rizal kundi sumunod, na hindi alam ng kanilang mga magulang. Ang kanilang plano ay susulat ng aklat sa Espanya si Rizal para makatulong sa paghingi ng repora at maisulat ang nangyayare at kasaysayan sa Pilipinas. At sinulat na nga ni Rizal noong1886, dalawampu’t anim na taong gulang siya ang Noli Me Tangere, na nagpakita ng kalagayan ng kababayan natin sa Wikang Espanya. Sunod ay El Filibusterismo, na kanyang inaalay kila GOMBURZA na kakilala ng kanyang kuyang Paciano. Hindi ito magagawa ni Rizal kundi dahil sa suporta ni Paciano na naghirap sa bahay nila sa Calamba upang magsaka ng asukal para may maipadala sakanya at tumulong sakanya na maipakalat ang ideya sa pamamagitan ng pagbili ng diaryong tagalog. Si Paciano ay sumali sa Katipunan ng mga anak ng bayan ni Andres Bonifacio at sumama sakanya ang dalawa niyang kapatid na sila Josefa Rizal at Trinidad Rizal. Pupunta siya ng Cuba hinarang sa Espanya at binalik sa Pilipinas. Noong Ikatatlo ng Nobyembre siya ay nasa ilalim ng piitan at pinahirapan siya sa loob ng Fort Santiago ay pinahirapan at hinatulan ng kamatayan at sinulatan ang kanyang kuya ng liham. Gustong tulungan ni Andres Bonifacio si Rizal at binalak niya itong gawin sa Cavite pagkalabas ni Rizal kukunin siya dudukutin upang hindi mabaril, si Paciano na mismo ang nagsabi na “huwag- na huwag niyong gagawin ‘yan dahil hindi gugustuhin ng aking kapatid na may iba pang mapatay para lang sa kanyang buhay”. Si Josephine Bracken ay dinala at kinasal kay Jose Rizal bago siya dalhin sa Luneta. Pumunta siya kasama ang mga babaeng kapatid ni Jose Rizal at sinamahan si Paciano upang ibigay kay Andres Bonifacio ang huling tula ni Rizal na sinalin ni Bonifacio sa unang pagkakataon at pinakalat sa mga tao na sa kabila ng hindi pagpayag ni Jose Rizal sa himagsikan dahil sa pagkakalat at pagyakap ni Bonifacio kay Jose Rizal naging bayani siya ng rebolusyon. Naging bahagi ng Katipunan si Josephine Bracken. Hindi napakinggan ang mga hinaing ng pamilyang Rizal kaya ito ay nagging wakas sa kamatayan ni Andres Bonifacio. Pinatawag ni Aguinaldo si Mabini upang maging tagapayo. Noong Mayo 1998 nilusob ni Paciano ang ilang mga lugar sa Laguna kabilang na ang Calamba. Siya ang naging liberator ng Laguna laban sa mga Espanyol. Si Paciano ay tinuturing na Gobernador ng Laguna hanggang sumuko siya sa mga Amerikano, nahuli siya ng mga Amerikano. Siya ay nangako na magsusumpa ng katapatan sa Amerika at hindi na guguluhin at dahil doon nagtiwala ang mga Amerikano. Ngunit hindi parin siya nanahimik nakibaka siya para sa mga magsasaka na makuha ng mga Pilipino ang mga lupang prayle. Hindi siya nagpabayad nang kunin ng PNR ang lupa para sa riles. Ang labi ni Rizal ay hinawakan ng pamilyang Rizal matapos itong ibaon ng walang kabaong noong 1896 at 1898 kinuha ito dinala sa bahay sa Binondo ni Donya Teodora at laging pinapakita sa mga bisita. Namatay si Donya Teodora noong 1911 at hindi niya na naabutan ang paglibing kay Jose Rizal noong 1912, 29 ng Disyembre at dinala sa Luneta ilang hakbang sa kanyang pinagpatayan. Unang-una tulad na lamang sa buhay nila Rizal importante na mapahalagahan natin ang edukasyon dahil ito ay magiging sus isa maganda at maayos na kinabukasan natin kaya ako ngayon ay patuloy na nagsisikap kahit ilang taon akong nahinto dahil sa aking sakit hindi ito ang dahilan upang mawalan ng pag-asa at nagpapatuloy ako sa aking pangarap para sa aking pamilya at mga mahal sa buhay. Pangalawa iba-iba man tayo ng wika, relihiyon at kultura iisa ang ating pinagmulan iisa ang ating kasaysayan kaya impotante na tayo parin ay magkaisa at magtulungan. Tulad na lamang ng ginawa ni Paciano kay Rizal, hindi natin magagampanan ang mga ating hangarin kung walang tulong ng mga mahal natin sa buhay. At ang panghuli ay sakripisyo ito ay isang salita lamang ngunit ito ay mabigat na gampanin. Mahirap man magsakripisyo ngunit sa lahat ng ating suliranin sa buhay ay atin ding malalagpasan.