Ang Negatibong Epekto NG Modular Learning Sa Acad

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

“ANG NEGATIBONG EPEKTO NG MODULAR LEARNING SA ACADEMIC

PERFORMANCE NG MGA MAG-AARAL NG GRADE 11-STEM STUDENT


NG BAGBAG SOLSONA NATIONAL HIGH SCHOOL”
KABANATA I

Introduksyon

Sa pagpasok ng taong 2020, hindi rin inaasahan ng lahat ang pagdating ng


nakakamatay at nakakahawang “Corona Virus” na kilala sa tawag na “Covid 19” at
naituturing na matinding paghinto ng daigdig lalo na sa ekonomiya. Isa sa mga
lubhang naapektuhan ay ang sektor ng edukasyon kung saan ay napilitang magsara at
ihinto muna ang pagsasagawa ng tradisyonal na pagtuturo pansamantala. Mahigit
isang bilyong estudyante sa 186 na bansa ang naapaektuhan dulot ng pandemiyang
ito. Subalit parehong hindi nais ng lahat na ang mga mag-aaral ang matigil sa taong
ito gayundin mga guro at iba pang tauhan na mawalan ng trabaho ngunit imposible
nang maipatupad ang napagkasanayang pag-aaral dahil sa pag-iingat na madagdagan
pa ang mga nahahawaan ng bayrus at para na rin sa kaligtasan ng lahat. Kaya naman,
ayon kay Dhawan (2020) sa panahon ng krisis na ito ang mainam lunas ay ang
pagpatupad ng online at modular learning mode na sinang-ayunan naman ni Cathy Li
(2020) ng World Economic Forum, na mas epektibo ang online/modular learning kesa
sa pag-aaral sa loob ng silid paaralan. Ngayon, madaming unibersidad sa buong
mundo ang kumupkop sa pagbabagong ito at isa na roon ang Sa Bagbag Solsona
National High School. Hindi maipagkakaila na malaki ang naiaambag at naitutulong
nito upang makapagpatuloy sa pag-aaral dahil sa kaginhawan at katipiran sapagkat
hindi na kailangang gumastos ng pamasahe papuntang paaralan , kahit nasa bahay ka
lang ay maari ka ng dumalo sa klase. Subalit hindi rin maitatanggi ang mga kahirapan
o desbentaha sa ibang mga estudyante sa iba t ibang ‟ mga kadahilanan na ang
kanilang sikolohikal na aspekto ay naaapektuhan. Alan naman ng lahat na ang
Pilipinas ay isa sa mga bansa na may pinakamabagal na koneksyon ng internet. Hindi
rin lahat ng mga mag-aaral ay may prebilihiyong magkaroon ng maayos na signal. Sa
parte ng mga mag-aaral , nangangailangan ito ng sariling disiplina at katatagan ng
loob dahil sa maraming magiging balakid at istorbo sa kanilang mga focus at
maaaring magdulot ng karagdagang stress at iba pang mga bagay na makakaapekto sa
kanila.

Sa Bagbag Solsona National High School, isa ito sa mga problemang kinakaharap
ng mga mag-aaral . Ang pag-aaral na ito ay naglalayong kumalap ng impormasyong
kailangan para tuklasin ang opinyon ng mga aaral ukol dito, kung ano o walang
negatibong epekto ba ito. Ito ay para maging gabay at daan para maipaabot sa mga
kinauukulan ang kinalabasan ng pag-aarak na ito upang makagawa ng mga aksyon o
programa na mapabuti ang pagsasagawa ng modular learning mode at upang epekto
nito sa mga mag-aaral ay mabawasan at masolusyunan.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang mabigyan ng tiyak na kasagutan ang


sumusunod na katanungan:

1. Ang modular ba ay may positibong epekto sa mentalidad ng mga estudyante?


2. Ang modular ba ay may negatibong epekto sa mentalidad ng mga estudyante?
3. Kung mayroong negatibong epekto ano-ani ang mga posibling solusyon nito?
LAYUNIN

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong magkaroon ng sapat na impormasyon,


matukoy o malaman ang negatibong epekto ng Modular Learning Mode sa mga
mag-aaral upang sa gayon ay maiwasan ang mga ito. Naglalayong din itong
malaman ang epekto ng estudyante, kung mayroon ba silang natutunan.
Kahalagahan ng Pag-aaral

Isinagawa ng mga mananaliksik ang pananaliksik na ito upang tukuyin ang mga
negatibong epekto o dulot ng "Modular Learning” sa mga mag-aaral. Ang mga
benepisyo sa mga benepisyaryo ng pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod:

Sa mga Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay maka-tutulong sa mga mag-aaral at


mambabasa na malaman ang mga negatibong epekto ng makabagong paraan ng pag-
aaral o ang "Modular Learning", na kung saan maaring nilang bigyang
solusyon ang mga hindi magandang epekto nito.

Sa mga Guro. Ang mga guro ay magkakaroon ng kaalaman at ideya sa kung ano-ano


ba ang epekto ng "Modular Online Learning" sa mga mag-aaral at maaari
din nilang tugunan ang ilan sa mga suliranin nito.

Sa mga Magulang. Ang pananaliksik na ito ay magbibigay hinuha sa mga magulang


sa kung ano ang maaaring solusyon sa mga suliranin na nararanasan ng kanilang mga
anak sa modular learning mode.

Sa mga Susunod na Mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing gabay at


reperensya sa mga susunod pang pananaliksik.
Saklaw at Limitasyon ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay pumopokus sa mga negatibong epekto ng modular


learning sa mga mag-aaral. Ito ay sumasaklaw kabuuang epekto nito sa mga mag –
aaral ng Bagbag solsona. Ang mga magsasagot ay galing sa highschool ng paaralan
dahil sa pagtutuunan ng pansin ng mga mananaliksik ang epekto nito sakanila at hindi
nito isasama ang mga mag-aaral sa ibang departamento.
MGA TERMINOLOHIYA

CORONA VIRUS

Ang corona virus ay isang malaking pamilya ng mga virus na nagdudulot ng sakit
mula karaniwang sipon hanggang higit na malubhang sakit tulad ng Middle East
Respiratory Syndrome (MERS Cov),Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS
Cov), at ngayon,ang COVID-19, naisasalin ito sa mga hayop at sa mga tao.

TRADISYONAL NA PAGTUTURO

Ang tradisyonal na pagtuturo ay ang paraan kung saan ang mga mag-aaral ay papasok
sa paaralan at ang mga guro ay magtuturo sa personal na pamamaraan.

MODULAR LEARNING

Ang modular distance learning ay nangangahulugang ikaw ay mag aaral sa


pamamagitan ng teknolohiya o ikaw ay mag aaral nang hindi na pumupunta sa
paaralan.
https://0.academia-photos.com/attachment_thumbnails/54704821/
mini_magick20190116-2496-qgd478.png?1547637609

You might also like