Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

BATA, BATA PAANO KA GINAWA?

PANIMULA:
Halimbawang nakatira tayo sa tabing-dagat. Isang araw, maaga tayong nagising at naglakad-lakad sa
dalampasigan. Maganda ang dagat at malinaw ang tubig. Habang tayo'y naglalakad, nakakita tayo ng mga
bakas ng paa sa buhanginan. Habang tayo ay naglalakad sa buhanginan , ating napansin na may mga bakas
ng paa sa buhangin. Tumingin tayo sa paligid hanggang abot-tanaw natin subalit wala tayong nakitang tao.
Ano ang sinasabi sa atin ng mga bakas sa buhangin? Kahit wala tayong nakikitang tao, ito’y nagsasabi na
mayroong taong nauna nang naglakad sa atin doon.
Kung igagala natin ang ating paningin sa paligid natin ngayon, ano ang ating makikita? (Hintayin ang sagot:
mga damo, burol, bundok, bulaklak, puno, at mga hayop?). Tumingin tayo sa itaas, ano ang ating makikita?
Kapag araw, makikita natin ang araw, ang langit at mga alapaap. Sa gabi, makikita natin ang libu-libong
mga bituin at ang buwan. Ang tanong: paano sila napapunta roon? At bakit tayo’y naririto? Sino ang
gumawa sa atin?
Maraming tao ang sumasamba sa sari-saring diyos ngayon: Kay Buddha, Isis, Shinto, Siva at iba pa. Subalit
sa lahat ng diyos na ito sa buong mundo, isa lang ang umaangkin na Siya ang lumikha ng lahat ng bagay. At
ang Diyos na ito ay ang Diyos ng Biblia.
Kapag nakakita tayo ng isang bahay, hindi pumapasok sa ating isipan na ang bahay ay lumitaw na lang nang
kusa. Merong gumawa dito. Kapag nakakita tayo ng kalsada, maiisip natin na hindi nito nayari sa kanyang
sarili kundi may gumawa dito. Ang bahay at kalsada ay mas simple kaysa mundo, halaman, hayop, at tao.
Kaya kapag tumingin tayo sa tao, hayop, at mga bituin, ay maiisip natin na may gumawa nito at may
nagdisenyo dito. Pag-aralan natin ngayon ang Diyos na nagsabing Siya ang nagdisenyo at gumawa ng lahat
ng bagay. Magsimula tayo sa aklat ng Genesis .
I. ANG PAGLALANG (Genesis 1:1-2:1-3)
A. Unang araw (Genesis 1:1, 3, 5): Nilikha ng Diyos ang liwanag.
B. Ikalawang araw (Genesis 1: 6-8): Ginawa ng Diyos ang kalawakan at pinaghiwalay ang tubig sa ibabaw
at sa ilalim nito.
C. Ikatlong araw (Genesis 1:9, 11, 13): Pinaghiwalay ng Diyos ang tubig at ang lupa at pinuno ng halaman
ang kalupaan.
D. Ikaapat na araw (Genesis 1:14, 15, 18, 19): Itinalaga ng Diyos sa araw, buwan, at mga bituin ang
kanilang gawain.
E. Ikalimang araw (Genesis 1: 20, 23): Nilikha ng Diyos ang mga isda sa tubig at ang mga ibon.
F. Ikaanim na araw (Genesis 1:24, 26, 27, 31): Pinakamahalagang paglikha. Nilikha ng Diyos ang mga
hayop sa lupa—at ang TAO.
G. Ikapitong araw (Genesis 2:1-3): Nagpahinga ang Diyos, binasbasan ang ikapitong araw at ginawang
banal.
II. ANG TAO AY MAHALAGA
A. Sina Adan at Eva ay hindi nag-“evolve” o sumingaw. Sinasabi ng Biblia na ang kanilang katawan ay
dinisenyo ng Diyos ayon sa Kanyang larawan. Tingnan natin kung gaano kalupit na Designer ang Diyos:
1. Ang ating mata: Ang pinakamatinding kamera ay laruang-bata lamang kung ikukumpara sa mata ng
tao. Ang liwanag ay ginagawa ng mata na mensaheng nauunawaan ng ating utak sa paraang di kayang
gawin ng pinaka-“advance” na laboratoryo sa buong mundo. Ang mensahe namang ito ay ginagawa ng
mga selyula ng utak na himala ng pagkakita–isang bagay na walang sinumang makakagawa sa ating
mundo. Ang mata ay bigay ng isang mapagmahal na Tagadisenyo na gustong tayo'y makakita ng
magagandang bagay. (Awit 139:14) Ang katawan at isip ng tao ay sobrang komplikado anupa’t ito’y
maididisenyo lamang ng isang sobrang talinong “Designer.”
2. Ang ating kalawakan: (Isaias 40:26) Kung tayo’y titingin sa langit, makikita natin ang halos di-
mabilang na bituin. Tayo’y magtataka kung paano sila ginawa at kung gaano sila karami. Kamakailan
lang ang mga astronomers ay nagsabi na kung mabilang natin ang lahat ng mga buhangin sa dagat sa
buong mundo, ganon rin daw karami ang mga bituin sa kalangitan. Sakaling tayo’y mapunta sa tabi ng
dagat at kumuha ng ilang tabo ng buhangin at ito’y bilangin lahat, malaking oras ang gugulin natin bago
ito matapos. Hindi kataka-taka na sinabi ni Haring David (Awit 8:3, 4). Marahil magtataka tayo sapagkat
sa laki ng kalawakan bakit pa pinagmalasakitan ng Diyos ang ating mga problema dito sa lupa? At bakit
Niya tayo pinahahalagahan.
B. Mas mahalaga ang tao kaysa iba pang nilalang ng Diyos (Mateo 10:30, 31).
III. ANG DIYOS AY KARAPAT-DAPAT SAMBAHIN SAPAGKAT SIYA ANG LUMIKHA (Apocalipsis 4:10, 11).
A. Ipinakikita ng Kanyang mga gawa ang Kanyang kapangyarihan at pagka-Diyos (Roma 1:20).
B. Ang Diyos Ama ay hindi mag-isa sa paglikha (Genesis 1:26) Lalangin “natin”
C. Ang Anak ay Manlalalang din (Juan 1:1-3, 14). Si Jesus ay tumutulong sa Ama sa paglikha sa lahat ng
bagay.
D. Ang Kadiyosan ay binubuo ng:
1. Diyos AMA
2. Diyos ANAK
3. Diyos ESPIRITU SANTO
Sila ay tatlong persona, nagkakaisa sa kaisipan ngunit magkakabukod ang katauhan.
E. Ang Diyos ang nagbibigay ng pangangailangan ng lahat (Awit 145:15, 16).
1. Tubig: Ito ay mahalaga sa atin upang tayo ay mabuhay. Ito ay maaaring mahaluan ng ibang mga
kemikal o dumi subalit ito ay pinasisingaw ng araw sa alapaap (evaporation process). At ito’y lilinis at
magagamit nang muli at muli sa pamamagitan ng ulan, hamog, at “snow”. Isang kahanga-hangang
sistema ng patubig ang ibinigay ng Diyos sa atin.
2. Ang araw—“power plant” sa langit: Kung ang araw ay malaki nang konti o malapit nang konti sa lupa,
ang mga dagat at ilog natin ay kukulo. Kung ang araw naman ay maliit o malayo nang konti sa lupa, ang
ating “atmosphere” ay maging malamig at titigas at walang mabubuhay sa lupa.
3. Ang hangin (Job 12:10): Dinisenyo ng Diyos ang sansinukob, at alam Niya ang tamang pormula para
sa hangin na ating hinihinga upang sustentuhan ang ating buhay at kalusugan sa lupa. Alam Niya ang
tamang kabuuan ng nitrogen, oxygen, argon at carbon dioxide na dapat maghalo sa kalawakan. Ito ay
hindi “nagkataon lamang” ang mga kamay ng Diyos ang gumagabay dito. Naglagay Siya ng batas sa
kalikasan.
4. Pandarayuhan ng mga ibon: Paano makakapaglakbay ang mga ibon na ang bigat ay wala pang isang
onsa sa layong libu-libong milya nang walang hintu-hinto papunta sa isang lugar na hindi pa nila nakita.
5. Pagbalik ng ilang uri ng isda sa kanilang sinilangan: Paano matatagpuan ng mga isda ang daloy kung
saan nagsimula ang kanilang pagkapanganak, 1,200 milya ang layo patawid sa walang mapang
karagatan? Paano nila natutunan kung kailan ang oras at ang lugar na kanilang pupuntahan?
6. Sino ang nagturo sa mga pukyutan kung paano gumawa ng kanilang bahay na kamangha-mangha
ang pagkayari, samantalang ang kanilang utak ay kasinlaki lang ng ulo ng karayom? Sino ang
mastermind ng lahat ng ito? (Job 12:7-9). Itong lahat ay gawa ng Diyos.
KONKLUSYON: Ang ating tungkulin at pribilehiyo na sambahin ang Diyos ay base sa katotohanan na Siya
ang Maylika sa atin at utang natin sa Kanya ang ating buhay (Awit 100:3). Alam ng Diyos ang ating
pangangailangan, at Siya’y may kapangyarihan na punuan ang mga iyon. Ang sabi ni Jeremias (32:17). Kaya
ng Diyos na hawakan ang lahat ng bagay sa sansinukob maging ang ating personal na buhay. At ito po ang
pinakamagandang katotohanan tungkol sa Diyos nating Manlalalang “Ang Diyos ay pag-ibig” (1 Juan 4:8;
Juan 16:27). Napakagandang isipin na ang makapangyarihang Diyos na lumikha at umaalalay sa
napakalawak at kumpletong sansinukob ay may malasakit sa bawat isa sa atin (Jeremias 31:3).
APPEAL: May isang batang naaksidente. Siya’y agad na dinala sa ospital at nasa malubhang kalagayan. Ang
bata ay kailangang masalinan kaagad ng dugo. Walang makitang makakapagbigay sa kanya ng dugong
kapareho ng kanyang dugo. Ang kapareho niya ng dugo ay ang kanyang ama, at ibinigay ng ama ang
kanyang dugo sa kanyang anak. Sinimulan ng doktor ang pagsalin ng dugo. Ang sabi ng ama, “ Doc, kung
kailangan pong ubusin mo ang aking dugo para sa aking anak, kuhanin mo nang lahat.”
Ganyan din tayo kamahal ng ating Ama sa langit. (Juan 3:16) Kanyang ibinigay ang Kanyang kaisa-isang
Anak para mamatay matubos lamang tayo. Atin bang babale-walain ang ganon kalaking pag-ibig? Nilikha
tayo ng isang makapangyarihang Diyos. Nang tayo’y nagkasala, ibinigay pa Niya ang Kanyang Anak upang
tayo’y iligtas. Di ba dapat natin Siyang pasalamatan, sambahin, at ibigin?
Sino po ang kumikilala at nagpapasalamat na siya ay nilikha ng Diyos. Sino po ang gustong magpuri sa Diyos
dahil sa mga bagay na ginawa Niya? Puwede po bang kayo ay tumayo?
Tayo po ay manalangin…

You might also like