Professional Documents
Culture Documents
11 Ellen G. White
11 Ellen G. White
11 Ellen G. White
PANIMULA: Maraming tao ang nagtatangkang humula sa mga mangyayari sa hinaharap at sila’y
nag-aangking mga PROPETA. Ngunit ang panghuhula ay isa lang sa maraming tungkulin ng isang
propeta. Ngayon ay marami ang nagsasabing sila ay mga propeta o kaya’y ganon ang paniniwala ng
kanilang mga tagasunod. Si Muhammad ng Islam, Joseph Smith ng Mormon, at iba’t ibang lider ng
relihiyon. Si Nostradamus ay kinikilala ng marami bilang isang propeta sapagkat humula siya ng mga
mangyayari sa hinaharap. Meron nga kayang propeta para sa panahong ito? Ang mga nabanggit
kaya ay mga tunay na propeta? Paano malalaman kung ang isang nag-aangking propeta ay isa
ngang propeta?
ANG PROPETA
1. Ang propeta ay tagapagsalita (spokeperson) ng Diyos sa Kanyang bayan. Hebreo 1:1
2. Ang Banal na Espiritu ang kumikilos sa mga propeta. 2 Pedro 1:20, 21
ANG PROPESIYA
Ang propesiya kasama ng iba pang mga espirituwal na kaloob ay may tungkulin at layunin.
1. TUNGKULIN: Ihanda at patibayin ang iglesya. Efeso 4:12
2. LAYUNIN
Pagkakaisa ng pananampalataya
Ganap na pagkakilala sa Anak ng Diyos
Maging taong may sapat na gulang
Hanggang sa sukat ng ganap na kapuspusan ni Cristo
Ang kaloob ng propesiya pati ang iba pang kaloob ay hindi lamang para sa iglesya ng mga
apostol sapagkat hindi pa natutupad ang mga layunin nito.
SI ELLEN G. WHITE
Si Ellen White ay isang pinagkalooban ng kaloob ng propesiya at isa sa mga nagtatag ng
Seventh-day Adventist Church. Sa edad na 17, siya ay tinawagan ng Panginoon na ipahayag ang
Kanyang mensahe para sa huling panahon. Mula 1844 hanggang 1915 nang siya’y mamatay, si Mrs.
White ay nakatanggap ng mahigit 2,000 pangitain na kanyang isinulat.
KONKLUSYON: Sa huling panahong ito ay mabubuhos ang buong galit ni Satanas. Apocalipsis 12:7;
Daniel 12:1. Subalit napakabuti ng Panginoon. Siya ay nagsugo ng propeta at may pangako sa mga
makikinig sa kanya. Apocalipsis 1:3.
APPEAL: Nais mo bang makalampas sa pinakamalupit na bahaging ito ng malaking tunggalian?
Pakinggan mo ang propeta ng Diyos. 2 Cronica 20:20. Tinatanggap mo ba si Jesus bilang
Tagapagligtas? Tinatanggap mo ba ang sugo niyang propeta para sa mapanganib na panahong ito?
Kung tinatanggap mo si Jesus at ang Kanyang mga propeta, maari po bang kayo ay tumayo?