Professional Documents
Culture Documents
Case Study (AP)
Case Study (AP)
Sa Pilipinas ngayon, marami na rin ang nabibilang sa ikatlong kasarian. Kabilang dito ang gays,
lesbians, transgenders, at bisexuals. Ang papel na ito ay tumatalakay lamang sa mga usaping
bisexual at naglalayong imulat ang mga mambabasa sa mas malalim na pakahulugan nito.
Naglalayon din itong baguhin ang mga maling pananaw at mga hindi makatarungang
panghuhusga ng mga tao sa mga “bi”.
Sa Pilipinas ngayon, masasabing isa sa bawat dalawampung tao ang matuturing na bisexual.
Depenisyon ng Bisexuality
Ang Bisexuality o pagiging “silahis” ay isang kasarian kung saan ang isang tao ay nakadarama
ng sexual at emotional na pagkaakit sa parehas na kasarian. Ang mga pangunahing dahilan ng
pagiging isa dito ay maaring mag-ugat mula sa kanilang problema sa pamilya, persepsyon ukol
sa sariling kasarian, impluwensya ng mga taong nakapaligid sa kanila at ang impluwensyang
dulot ng social media.
PANANAW
Para sa mga pilipino, tunay na binibigyang pansin at pinapahalagahan ang kasarian ng bawat
isa. Mula sa sinapupunan pa lamang ng ating inang nagsilbing ilaw ng tahanan, masaya nang
inaalam kung tayo ba ay kabilang sa babaeng bitbit ay manika o sa lalaki na matigas pa sa
bato. Pero sa panahong ating naabutan at sa lugar na ating kinalakihan, tunay na umusbong
ang mga kaibigan nating mga Lesbian at Gay o kilala sa tagalog bilang tomboy at bakla na di
natin maitatatangging naging bahagi na ng ating lipunan at tumatak na sa ating puso ang mga
magagandang naibahagi nila sa atin. Kaya't sa paghahanap ng mga paliwanag sa ganitong
sitwasyon ang mga mananaliksik ay patuloy pa ring gumagawa ng tulay papunta sa daan ng
kaalaman at gumagawa ng hakbang upang maipaliwanag ang sitwasyong kinakaharap ng ating
bansa sa pag usbong ng mga bagong Juan at juana sa lipunang ating ginagalawan.
Ilan sa mga kwentong matatagpuan sa social media ay nagsasabing tanggap ng kanilang
pamilya ang tunay nilang katauhan. Ito ay ang mga bisexual na nagsasabing masaya sila sa
kanilang pamumuhay sa kabila ng kanilang kaibahan sapagkat Malaya silang nakakapaglabas
ng kanilang saloobin. Gayunpaman, ang ilang mga magulang ang nagiging emosyonal o kung
minsan, nakakapanakit ng kanilang anak at ang mga kapatid nila ay ikinakahiya sila sa umpisa
ng kanilang pag- amin. Ito ay sa kadahilanang maaaring mabilang ang magulang at iba pang
kapamilya sa tinatawag na supportive groups at non- supportive groups. Samantala, ang bilang
ng mga umaamin sa kanilang mga magulang ay maliit na bahagi lamang ng bisexual
population. Ang karamihan ay pinipili na lamang itago ang katotohanan o naghihintay na
lamang ng “tamang panahon”, at mayroon din namang naghihintay na lamang na mismong
kanilang pamilya ang makapansin ng kanilang kaibahan.
“Batay sa Simbahang Katolika, ang nilikha lang ng Diyos ay babae at lalaki kaya sinasabi nila
na maging bakla o tomboy o kahit bisexual man ay hindi nila ito tinatanggap bilang valid na
representasyon ng isang pagkatao. Dahil dito, lubos na hindi kinikilala ng simbahan ang mga
homosexual at bisexual“. (Davies & Neil, 1959) Isa sa mga sakramento na hindi nila
matatanggap ay ang sakramento ng Kasal, dahil tanging babae at lalaki lamang ang dapat at
binabasbasan ng pari upang magpakasal at magsama habang buhay. Hindi maaring ang
parehong lalaki o babae ang ikasal at magsama dahil labag ito sa simbahan. Kahit na gustuhin
pa man nila at nagmamahalan pa sila. Dahil sa mga pagtutol ng Simbahan sa mga bisexual,
hindi nila mapalawig ang kanilang buhay pananampalataya. Kaya ang tanging natitirang paraan
na lamang ay ang gumawa ng isang pangkat na kung saan sila ay tanggap at
makapagpapatuloy ng kanilang pananampalataya.
Samantala, sa simbahang Katolika ng Pilipinas hindi nila tinututulan ang pagiging homosexual o
bisexual ng isang tao. Ngunit, hindi nila kinokondina ang mga imoral na gawain sa kaparehas
nilang kasarian. (Agapay, 1991)
MGA MALING PANANAW
Walang bisexual; ang tao ay maari lamang maging lalaki, babae, binabae o bakla, at
tomboy.
Ang Simbahang Katolika ay naniniwalang ang nilikha lamang ng Diyos ay lalaki at babae.
Samantalagng tanggap naman ng lipunan ang mga binabae at tomboy. Ngunit, saan nga ba
nakalugar ang mga bisexual?
Pinaniniwalaan ng marami na walang taong bisexual. Sa kanilang palagay, maaaring kung ang
isang lalaki ay nakipagrelasyon sa kapwa niyang lalaki, siya ay binabae. Kapag ang babae
naman ay nakipagrelasyon sa kapwa niya babae, siya naman ay isang tomboy. Ang iba naman
ay naniniwalang ang mga bisexuals ay ang mga taong ayaw ipakita ang kanilang tunay na
kasarian sapagkat maaaring sila ay nagugulumihanan pa na ibunyag ang kanilang mga sarili sa
lipunan. Pinagwalang tibay ito ng mga pangyayari sa ating kasaysayan tulad ng mga
sumusunod:
Ayon din sa Journal on Developmental Psychology, ang sexual orientation na bisexuality ay
isang kondisyon kung saan ang isang tao ay naaakit sa magkaparehas na kasarian. Ayon din
sa Bisexual Health na isinulat nina Andre, Abin at Miller, marami na ring tao ang tinatanggap
ang kasariang ito at kumukumpirmang sila’y mga bisexual.
Ang pagiging bisexual ay isa lamang panandaliang kaganapan sa buhay ng isang tao.
Karamihan ng tao sa ating komunidad ay naniniwalang ang mga bisexual ay sumasailalim
lamang sa isang transitional phase na kung san humahantong sa pagiging binabae at tomboy
ang isang tao. Ito ay pinagwalang tibay ng American Psychological Association na kung saan
kanilang tinukoy o ipinahayag na ang pagiging bisexual ng isang tao ay naaayon sa kaniyang
sexual orientation at hindi sa transitional phase lamang. Ayon din sa pag-aaral na ginawa ni
Lisa M. Diamond, PhD., isang psychiatrist ng University of Utah, sa 79 na kababaihang
matuturing na tomboy, bisexual at naguguluhan ay nanatili sa kanilang sexual orientation
makalipas ang 10 taon. Ngunit masasabi rin na may posibilidad mag-iba ang sexual orientation
dahil maaring magbago o nagbabago ang pananaw ng isang tao sa kanyang sarili. Kung ano
ang makakaakit sa isang tao ay nagbabago rin habang lumilipas ang panahon. Ang tugon ng
isang tao sa isang pagbabago ay nagkakaiba ayon sa kanilang psychological at cognitive
processes. Makikita rito na nakasalaylay sa persepyson ng isang tao sa kanyang sarili ang
magiging sexual orientation niya.
Konklusyon
Sa pamamagitan ng impormasyon nakalap at naibahagi sa pag- aaral na ito, mababatid ang
mas malalim na pagkaunawa sa bisexuality. Sa iba’t ibang sitwasyon, karanasan, gawain,
panahon at pag- iisp ng bawat bisexual, hindi nararapat na tingnan sila sa iisang paraan
lamang. Ang pagiging bisexual ng isang tao ay maaaring impluwensiya o naidudulot ng pamilya,
komunidad, pakikisalamuha sa iba;t ibang tao at mga karanasan sa buhay. Gaya ng mga
normal na tao, nararapat sing isaalang- alang ang karaatang pantao bilang isang indibidwal ng
mga bisexual. Dapat din silang tingnan ayon sa kanilang pagkatao, sa kanilang alooban, sa
kanilang personalidad at hindi sa kasarian na kanilang kinabibilangan. Maaaring sila ay naiiba
sa piniling kasarian ngunit ating alalahanim sa ating mga isip na tayaong lahat, babae man,
lalaki, tomboy, bakla, o bisexual ay hinulma lamang ng isang kamay, an gating Diyos.
Bibliography
Google.com
https://ustbsnonenaynbisexuality.wordpress.com/