Bar Boys

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Bago natin simulan ang pamumuna sa pelikulang “Bar Boys” ni Kip Oebanda,

atin munang alamin ang mga importanteng detalye sa produksyon ng pelikulang ito. Ito
ay pinangungunahan nina Rocco Nacino (Torran), Enzo Pineda (Chris), Carlo Aquino
(Erik), at Kean Cipriano (Josh). Ito ay ipinalabas noong 2017 at umarangkada sa mga
teatro dahil sa mga tema nito. Ang mga tema ng pelikulang ito ay umiikot sa pagsubok
sa pamilya at pag-ibig, pakikipagbuno sa sariling ideolohiya at pag-iisip, at
pakikipaglaban sa pagkakaibigan.

Ayon sa teoryang humanismo, ang tao ay likas na mabuti ngunit dahil sa mga
problemang pangkaisipan at panlipunan, nagagawa nitong lumihis mula sa likas na
anyo na binibigay sa mga tao. Habang pinanonood ko ang pelikula, nangibabaw ang
teroyang ito dahil ang mga karakter sa kuwento ay may kanya-kanyang pagsubok na
nilalabanan. Si Chris ay mayaman, ngunit hindi maganda ang kanyang ugnayan sa
kanyang ama. Siya rin ay nakapokus sa kanyang trabaho na paminsan ay nakalilimutan
na niya ang mga mas mahahalagang bagay sa buhay. Hindi rin niya binibigyang-pansin
ang kanyang nobya. Mabilis man ang transisyon ng mga pangyayari sa pelikula,
makikita ang mga pagbabago sa ugali ni Chris sa bahaging dulo ng kuwento. Siya ay
nakaramdam ng pagsisisi sa kanyang mga ginawa. Si Josh naman ay kabaliktaran ni
Chris. Mas malaya ang kanyang personalidad kumpara kay Chris. Hindi gaanong
naipakita ang karakter ni Josh dahil kaunti lamang ang kanyang screen time. Sina Erik
at Torran naman ay nagpakita ng pabagu-bagong timpla ng karakter na sa bandang
huling bahagi ng kuwento ay naging positibo rin ang kanilang personalidad. Sa husay
ng kanilang pag-arte ay tila natakpan ang mga peklat ng pelikula.

Sa kabuuan, malinaw na naipakita sa pelikula ang teoryang humanismo.


Napatunayan nitong totoo nga namang likas na mabuti ang tao, ngunit sumasama ito
dahil sa mga nakapaligid sa kanya. Ipinakita rin nito na sa kabila ng hagupit ng tadhana
sa buhay ng tao ay maaari pa rin siyang magbago at gawing positibo ang kanyang
buhay. Hindi mahirap intindihin ang pelikula sa kabila ng ilang eksenang ginamitan ng
jargon dahil ito ay patungkol sa pagiging abogado. Ito ay isang salamin ng realidad na
kung tutuusin ay hinaharap nating lahat.

You might also like