ginagawa, sa kahit anong panahon man ay lalapitan ka ng kamatayan dahil ito ay isa sa mga malalaking realidad sa buhay. Sa pelikulang “Hintayan ng Langit” ni Dan Villegas, ipinakikita ang mga hubad na katotohanan sa buhay na tayong lahat ay hahantong sa ating dapat paroonan, gaano man kahaba ang prusisyon. Dagdag pa rito, ito ay isinulat ni Juan Miguel Severo, isa sa mga pinakamagagaling na manunulat sa kasaysayan ng Pilipinas.
Ito ay pinangungunahan nina Gina Pareño (Lisang) at Eddie Garcia (Manolo),
mga beterano at dalawa sa mga pinakamagagaling sa larangan ng pag-arte. Ang kuwentong ito ay tungkol sa pananatili ni Lisang sa purgatoryo habang hinihintay ang oras na tuluyan na siyang makapasok sa langit. Ang kanyang personalidad ay malakas--- hindi maganda ang pakikitungo niya sa mga tao at kadalasan ay naninigaw. Gayunpaman, siya ay may bukal na puso sa kaloob-looban nito. Habang siya ay naghihintay, dahil na rin sa kakulangan ng mga silid sa purgatoryo, nakasama niya si Manolo, na dati pala niyang kasintahan. Hindi mababaw ang pinagsamahan nilang dalawa. May malalim silang relasyon nang sila ay nabubuhay pa. At nang makita’t makasama nila ang isa’t isa, tila ba nanumbalik ang pagmamahal na noo’y naramdaman na nila. Nang sila ay nabubuhay pa, hindi sila nagkatuluyan dahil sa mga maling desisyon na kanilang ginawa sa buhay. Ang iba sa mga desisyong ito ay intensyonal, ang iba naman ay hindi. Nagkaroon sila ng mga sarili nilang pamilya at nagkaroon din ng mga anak.
Malinaw sa pelikula ang teoryang realismo. Ipinakikita rito na maaaring tayo ay
nakatagpo na ng akala nating makakasama natin habambuhay, ngunit sila pala ay magiging maliit na bahagi lamang ito. Tunay ngang hindi natin makukuha ang lahat ng ating gusto sa lahat ng pagkakataon. Nagkatagpo man sina Lisang at Manolo sa nakaraan at minahal man nila ang isa’t isa, hindi ibig sabihin nito na sila na ang magkakatuluyan habambuhay. Tumulo ang aking luha habang pinapanood ang pelikulang ito dahil ipinakita nito ang mga realidad sa buhay--- na lahat tayo ay hahantong sa kamatayan at lahat tayo ay may kanya-kanyang destinasyon sa buhay. At bawat taong makikilala natin ay magtuturo sa atin ng leksyon.