Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

4

MAPEH(PE)
Learning Activity Sheets

Quarter 4: Week 7

1- MAPEH PE Gr 4 Week 7
PE - WEEK 7 - COMPETENCY 1

PAGLINANG NG BALANSE AT REACTION TIME


PANGUNAHING KAALAMAN SA SAYAW NA BA-INGLES

Name: _________________________________ Grade Level: ______________


Section: _________________________________ Date : ____________________

ALAMIN MO

MELCS: Observes safety precautions. PE4RD-IVb-h-3


Executes the diffirent skills involved in the dance. PE4RD-IVc-h-4

Tignan ang mga larawan. Alin sa mga ito ang nasubukan na ninyong gawin?

Bakit kailangan ang balance sa pagsasagawa ng isang bagay? Bakit mahalagang dapat marunong magbalanse
ang isang tao? Naranasan na ba ninyong tumugon sa isang pangyayari na mabilis naisagawa ang inyong
reaksiyon? Ito ang ilan sa mga katanungang dapat nating maunawaan at pagtuunan sa aralin na ito.

Ang balance ay ang kakayahan ng katawan na panatilihing nasa wastong tikas at kapanatagan habang
nakatayo sa isa o dalawang paa (static balance), kumikilos sa sariling espasyo at patag na lugar (dynamic
balance) o sa pag-ikot sa ere (in flight).

Ang mga mananayaw na ballet o ballerina ay kabilang sa mga nagtataglay ng husay sa pagbalanse. Kagaya ng
gymnast na tumutulay sa balance beam, ang kasanayan sa balance ay isang mahalagang sangkap para
mapaunlad ang kakayahan ng katawan at makagawa ng mga bagay nang may kahusayan.

Mahalaga ring dapat na matutunan ng isang mag-aaral na kagaya ninyo ang kaalaman at kasanayan sa
reaction time. Ang reaction time ay ang kakayahan ng mga bahagi ng katawan sa mabilisang pagkilos sa
pagsalo, pag-abot, at pagtanngap ng paparating na bagay, o mabilisang pag-iwas sa hindi inaasahang bagay o
pangyayari.

Ang pagtugon ng katawan sa hudyat ng pito (whistle), gamit ang panimula sa pagtakbo (starting gun) o mga
kagamitan tulad ng flag sa pagtakbo ay halimbawa ng pagpapakita ng reaction time. Sa larangan ng isports, lalo
na sa paligsahan sa pagtakbo, ang reaction time ay napakahalang aspekto na dapat paunlarin upang matamo ang
antas ng physical fitness.

ACTIVITY NO. 2
Gumupit at magdikit ng larawan ng isang laro/isports o sayaw na kung saan naipapakita ang
kasanayan sa reaction time. (Halimbawa: swimming, tinikling dance)

2- MAPEH PE Gr 4 Week 7
Ang palagiang pag-indak ay makakatulong sa paglinang ng balanse, koordinasyon, at mabilisang
pagtugon (reaction time) para maging maganda at makabuluhan ang pagkilos.

Ang sayaw na Ba-Ingles ay isang masiglang sayaw na nagmula sa Cabugao,


Ilocos Sur. Ito ay hinalaw sa salitang baile at Ingles na ang ibig sabihin ay English
Dance. Sinasabing ang sayaw na ito ay dala-dala ng mga mangangalakal mula sa Inglatera maliban sa
huling bahagi na masasabing tunay (typical) na Ilokano

Kasuotan: Ang mga mananayaw ay nakasuot ng damit ng Ilokanong magsasaka


Musika: nahahati sa tatlong bahagi ( A, B, C)
Bilang: 1, 2 or 1 and 2
Pormasyon:
Ang magkapareha ay magkatapat na nakatayo na may
layong anim na talampakan ang pagitan. Kapag nakaharap sa
madla, ang batang babae ay nakatayo sa kanang bahagi ng
batang lalaki.
Direksyon: Pasulong/pakaliwa
Patungo sa kanan/kaliwa
Saludo: bow to partner or audience

Mga hakbang at galaw na ginagamit sa sayaw ng Ba-Ingles.

ACTIVITY NO. 3
Sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa pinagmulan ng sayaw na Ba-Ingles at sa mga
katawagan sa sayaw.

1. Ang sayaw na Ba-Ingles ay isang masiglang sayaw na nagmula sa ____________.


A. Cabugao, Ilocos Sur B. Ilocos Norte C. Vigan, Ilocos Sur

2. Ang Ba-Ingles ay hinalaw sa salitang __________ at Ingles na ang ibig sabihin ay English Dance.
A. baila B. baile C. bailo

3. Sinasabing ang sayaw na ito ay dala-dala ng mga mangangalakal galing ng ____________ maliban sa huling
bahagi na masasabing tunay (typical) na Ilokano.
A. Amerika B. España C. Inglatera
4. Partners do curtsy towards partner or audience.
A. bow o saludo B. point C. tap
5. Moving the hand from the wrist either clockwise or counterclockwise direction.
A. kumintang B. sway balance C. arms in lateral position

REPLEKSYON

Suriin ang mga sumusunod na pahayag kung TAMA o MALI sa pamamagitan ng paglagay ng tsek
( √ ) sa kolum ng inyong sagot.
Mga Pahayag TAMA MALI

1.Ang paglinang sa gawaing pisikal ay isang mahalagang bahagi para


mapaunlad ang antas ng fitness ng isang tao.

3- MAPEH PE Gr 4 Week 7
2. Ang balanse ay mahalagang sangkap ng physical fitness upang lubos na
makagawa ng gawain nang mahusay.
3. Sa larangan ng isports, lalo na sa paligsahan ng pagtakbo, ang reaction
time ay napakahalagang aspekto na dapat paunlarin upang matamo ang antas
ng physical fitness.

4- MAPEH PE Gr 4 Week 7

You might also like