Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Banghay Aralin

Filipino 8
Ika-4 ng Abril, 2022

I. Layunin
1. Nakikilala ang mga tauhan sa kwento ng Florante at Laura.
2. Nasusuri ang mga uri ng tauhan sa kwento.
3. Nakalilikha ng tula tungkol sa napiling tauhan sa kwento.

II. Nilalaman
A. Tiyak na Paksa
“Mga Tauhan”
B. Kagamitan
- Kagamitang Biswal
- Laptop
- Projector
- Chalk & Chalkboard
C. Sanggunian
- Ang pinaikling Bersiyon “Florante at Laura”
- Internet

III. Pamamaraan
 Panimulang Gawain
- Panalangin
- Pagtala ng Liban
- Pambungad na tanong:
1. Alam nyo ba ang Kwentong Florante at Laura?
2. Meron ba kayong alam kung sino-sino ang mga tauhan sa kwentong Florante at Laura?
(Florante at si Laura)

 Pagganyak

- Magbigay ng isang kwento/pelikua na tumatak sa inyo.


(Panday at iba pa.)
- Sino ang paborito mong tauhan sa kwento at di-gustong tauhan sa kwento?
- Magpapakita ako ng larawan sabihin nyo kung ano ang unang tumatak sa isipan nyo.

 Paglalahad
- Sa araw na ito ay kikilalanin natin ang mga tauhan ng obra maestra ni Francisco Baltazar na
pinamagatang Florante at Laura – “Mga Tauhan”
-
 Paglinang

- Uri ng tauhan
a. Protagunista (Bida)
b. Antagunista (Kalaban/ Kontrabida)
- Pagtalakay ng mga Tauhan sa kwentong Florante at Laura

Mga pangunahing tauhan:

- Florante

Makisig na binatang anak ni Duke Briseo at Prinsesa - Aladin

Floresca.  Siya ang pangunahing tauhan ng awit.  Halal Isang gererong Moro at prinsipe ng Persiya.   Mahigpit

na Heneral ng hukbo ng Albanya.   na kaaway ng bayan at relihiyon ni Florante, ngunit

- Laura magiging tagapagligtas ni Florante.

Anak ni Haring Linceo at ang natatanging pag-ibig ni - Flerida

Florante.   isang matapang na babaeng Moro na tatakas sa Persiya

para hanapin sa kagubatan ang kasintahang si Aladin.  

- Adolfo - Menandro

Siya ang mahigpit na karibal ni Florante sa pag-aaral at Ang matapat na kaibigan ni Florante.  Mabait at laging

popularidad sa Atenas.  Ang malaking balakid sa pag- kasa-kasama ni Florante sa digmaan

iibigan nina Florante at Laura, at aagaw sa trono ni

Haring Linceo ng Albanya.

At iba pang mga tauhan:

Pag-isipan at Pag-usapan:
Sagutan ang sumusunod na tanong.
- Ano ang maaring mangyari sa isang akda kung hindi gaanong mahusay ang
pagkakahabi/pagkakagawa ng mga tauhan nito?
- Bakit mahalagang makilala ang mga tauhan bago pa man simulang basahin ang isang akda?
- Maliban kina Florante at Laura, sino sa mga tauhang nakilala mo ang sa tingin mo’y
magmamarka ng husto sa kabuoan ng akda? Ipaliwanag.
- Paano makaaapekto sa isang akda ang mga tauhang nagpapagalaw at nagbibigay-buhay rito?

 Paglalahat
- Sa iyong pananaw sino sa mga tauhan sa kwentong Florante at Laura ang maihahalintulad mo sa
iyong sarili? Pangatwiranan

(Si Florante dahil…….)

 Paglalapat
- Pangkatang Gawain
Unang Pangkat
Piliin sa loob ng kahon at ihanay ang mga tauhan ng Kwento batay sa kanilang uri.
Mga Tauhan:
 Florante - Heneral Miramolin
 Sultan Ali Adab - Princesa Floresca
 Konde Sileno - Menandro
 Aladin - Laura
 Flerida - Duke Briseo
 Heneral Osmalik - Haring Linseo
 Adolfo

Protagunista Antagunista
(Bida) (Kalaban)

 Pangalawang Pangkat
Hanapin sa Hanay B kung sino ang tinutukoy sa Hanay A.
Hanay A Hanay B
(Pangalan) (Katangian)
___1. Florante A. Mandirigmang Moro na anak ni Sultan Ali
___2. Laura Adab ng Persia.
___3. Aladin B. Hari ng Albanya; am ani Laura.
___4. Flerida C. Kristyanong mandirigma ng Albanya, anak ni
___5. Menandro Duke Briseo at Prinsesa Floresca ng Krotona.
___6. Adulfo D. Ang kasintahan ni Aladin na Napusuan ni
___7. Haring Linseo Sultan Ali Adab.
E. Anak ni Konde Sileno ng Albanya, na Malaki
ang inggit kay Florante.
F. Kaibigang matalik ni Florante at kasama ni
Florante sa lahat ng laban ng Albanya.
G. Prinsesang Anak ni Haring Linseo ng
Kahariang Albanya.

 Pangatlong Pangkat
Ilagay sa Balloon/Lobo kung sino ang tauhang Moro at Kristyano.

Moro Kristiyano

IV. Ebalwasyon
 Pumili sa mga Protagunista (Bida) sa kwentong Florante at Laura, at Gumawa ng
Isang Sanaysay tungkol sa kanilang katangian.

Pamantayan Puntos
Nilalaman (Content) 50

Kaangkupan 25

Pagkamapanlikha 25
(Originality)

Kabuoan
100
V. Takdang
Aralin
 Basahin ang susunod na aralin “Ang Hinagpis ni Florante”
(Mga Saknong 001-025)
 Bakit kaya kailangan maging matatag sa gitna ng anumang pagsubok o problema?

Inihanda ni: Nabatid:


CHRISTIAN C. CLAVECILLAS MA. THERESA D. BANDOLA
GURO

You might also like