Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PAGTATAYA AT EBALWASYON

1. Alin dito ang pagsusulit na pasalaysay at pagsasalin na kadalasan ay binubuo lamang ng


kaunting bilang ng tanong?
A. Productive test C. receptive test
B. Subjective test D. objective test
2. Alin dito ang isa sa dalawang uri ng pagsusulit na ginagawa ng guro sa silid-aralan?
A. Cloze test C. tama-mali
B. Pagkilala D. tukuyan
3. Alin ang pinagkukunan ng guro ng mga kompitensi na dapat matupad sa pagtuturo?
A. Takdang-aralin C. kompetensi sa pagkatuto
B. Banghay ng aralin D. lubusang pagkatuto
4. Ano ang katangian ng pagsusulit na ginagawa upang maging matagumpay at hindi gaanong
nakapapagod at matipid gamitin?
A. Praktikalidad C. baliditi
B. Back wash D. relayabiliti
5. Upang makasiguro na magkaroon ng mabuting aytem sa pagsusulit naghahanda ng higit na
kailangan bilang sa __________.
A. Bahagdan C. layuning pangkagawian
B. Aytem pool D. talahanayan ng ispesipikasyon
6. Narito ang mga kadahilanan sa paggawa ng guro ng talahanayan ng ispesipikasyon. Alin ang
HINDI dahilan nito?
A. May baliditi ang pagsusulit
B. Alam ng guro ang ginagawa
C. Balance ang test aytem
D. Tumutugon sa layunin ang test aytem
7. Alin dito ang pagsusulit ang madaling ihanda ngunit mahirap iwasto at ang guro lamang ang
dapat magwasto?
A. Pagkilala C. tukuyan
B. Panaysay D. punan ang patlang
8. Anong maraming pamimili na pagsusulit ay kinabibilangan ng bawat aytem na kadalasan
naglalahad ng ilang mapagpipiliang opsiyon?
A. 2 C. kahit ilan
B. 3 D. 4
9. Sa maraming uri ng tukuyang pagsusulit alin ang nakita ng mga palaaral na mabisang
gamitin?
A. Punan ang patlang C. pasanaysay
B. Pagpipilian D. tama-mali
10. Ano ang katangian ng pagsusulit na nagnanais sukatin ang mga bagay na nais masukat?
A. Relayabiliti C. baliditi
B. Kahirapan D. praktikalidad
11. Ano ang isang uri ng pagsusulit na naglalayong matiyak ang isang particular na level ng
kakayahan ng mag-aaral upang mailagay sa isang karampatan o angkop na level ng
pagtuturo o pagkatuto?
A. Assessment C. placement
B. Certification D. exemption
12. Inilagay ni Bb. Jimenez sa isang maliit na kahon ang tala ng mga pangalan ng mga mag-aaral
sa klase. Mula sa kahon ay bubunot siya ng pangalan ng batang sasagot sa tanong. Ano ang
gusting matiyak ng guro sa ganitong pamamaraan?
A. Pantay-pantay na oortunidad sa mga mag-aaral
B. Mabigyan ng panahon ang mga bata sa pagsagot sa katanungan

Page 1 of 3
PAGTATAYA AT EBALWASYON

C. Magkaroon ng iba’t ibang katanungan


D. Mapag-iba-iba ang katanungan
13. Alin sa mga uri ng pagsusulit ang ayon sa nakalaang oras?
A. Achievement C. diagnostic
B. Speed test D. proficiency
14. Alin sa mga sumusunod ang layon ng aptitude test?
A. Masukat ang lahat na kasanayan
B. Masukat ang dating kaalaman
C. Mataya ang katangian ng mag-aaral
D. Mahuhulaan ang maaaring matatamo
15. Upang masiguro na magkaroon ng mabuting aytem sa pagsusulit naghahanda ng higit na
kailangang bilang _____________.
A. Aytem pool C. layuning pangkagawian
B. Talahanayan D. bahagdan
16. Ano ang pagsusulit na may itinakdang pamantayang maabot ng mag-aaral upang masabing
naipasa niya ang pagsusulit?
A. Criterion-referenced test C. norm-referenced test
B. Summative test D. formative test
17. Ano ang katangian ng pagsusulit na nagnanais sukatin ang mga bagay na nais masukat?
A. Baliditi C. kahirapan
B. Relayabiliti D. praktikalidad
18. Alin ang pagsusulit na may layuning matiyak ang kahinaan o kalakasan ng isang indibidwal
upang malaman ang kasanayang hindi pa natutuhan at dapat na maiturong muli?
A. Aptitude C. diagnostic/panunuri
B. Summative D. placement
19. Ano ang pagsusulit na inihahambing ang bawat mag-aaral sa kapwa mag-aaral?
A. Criterion-referenced test C. formative test
B. Norm-referenced test D. summative test
20. Ano ang lebel ng pag-iisip ng tumutukoy sa simpleng paggunita o pag-alala sa mga
matututuhang impormasyon?
A. Komprehensiyon C. aplikasyon
B. Analysis D. kaalaman
21. Kalian hindi angkop gamitin ang pagsusulit na norm-referenced?
A. Sa pagsukat ng masteri ng mga batayang kasanayan.
B. Sa paghahambing ng kasanayan o kakayahan ng mga mag-aaral sa ilang lawak ng aralin.
C. Pagpili ng mga candidates for honors na limitado lamang ang bilang.
D. Sa pg-aases ng range ng mga kakayahan ng isang malaking pangkat ng mag-aaral.
22. Sa paghahanda ng guro ng pagsusulit saan makikita ang lawak ng nilalaman, bilang ng aytem,
bahagdan ng aytem at uri ng pagsusulit na gagawin?
A. Talahanayan ng ispesipikasyon
B. Manwal ng pagtuturo
C. Modyul sa aralin
D. Banghay ng pagtuturo
23. Alin dito ang pagsusulit na ginagamit upang masukat ang pag-unlad sa kurso?
A. C-test C. cloze test
B. Proficiency test D. achievement test

Page 2 of 3
PAGTATAYA AT EBALWASYON

24. Ano ang domeyn ng layuning pampagtuturo na tumutukoy sa mga pag-iisip na rasyunal,
sistematiko o intelektwal?
A. Analysis C. apektib
B. Saykomotor D. kognitib
25. Upang maging sistematiko ang pagtuturo para sa buong taon, anong gabay na kagamitan
ang iyong gagawin?
A. Silabus C. detalyadong banghay
B. Maikling banghay D. banghay ng pagtuturo
26. Ano ang katangian ng pagsusulit na ginagawa upang maging matagumpay at hindi gaanong
nakapapagod at matipid gamitin?
A. Baliditi C. praktikalidad
B. Relayabiliti D. backwash
27. Ang multiple choice ay isang uri ng pagsusulit na ________.
A. Nanghuhula C. subjective
B. Objective D. semi-objective
28. Sa anong anyo ng banghay-pagtuturo nakatala pati ang tanong ng guro at ang inaasahang
dapat na sagot ng mag-aaral?
A. Mala-masusi C. maikli
B. Paksang aralin D. masusi
29. Aling istratehiya sa pagtuturo ang mabisa sa paggamit ng kauna-unahan at mga bagong
kaalaman at kasanayan o “first hand information” tungkol sa isang tiyak na paksa?
A. Mga tunay na bagay C. mga dula
B. Pakitang-turo D. paglalakbay
30. Alin ditto ang kagamitang tanaw-dinig na pag-arte nang walang salitaan?
A. Tableau C. pantomina
B. Pagtatanghal D. saykodrama
31. Alin ditto ang prosesong pag-alam sa mga pagbabago ng mag-aaral na resulta ng pagtuturo
at pagkatuto?
A. Pagsasalita C. ebalwasyon
B. Pagbasa D. pagsulat
32. Alin dito ang pagsusulit na madaling ihanda ngunit mahirap iwasto at ang guro lamang ang
dapat magwasto?
A. Pagkilala C. tukuyan
B. Panaysay D. punan ang patlang
33. Sa maraming uri ng tukuyang pagsusulit alin ang nakita ng mga palaaral na mabisang
gamitin?
A. Punan ang patlang C. pasanaysay
B. Pagpipiliian D. tama-mali
34. Ano ang katangian ng pagsusulit na nagnanais sukatin ang mga bagay na nais masukat?
A. Relayabiliti C. baliditi
B. Kahirapan D. praktikalidad
35. Anong maraming pamimili na pagsusulit ay kinabibilangan ng bawat aytem na kadalasan
naglalahad ng ilang mapagpipiliang opsiyon?
A. 2 C. kahit ilan
B. 3 D. 4

Page 3 of 3

You might also like