Professional Documents
Culture Documents
Igama Colleges Foundation, Inc. Badoc, Ilocos Norte: Developed By: Icfi Date Modified SY 2021-2022 Revision No. 2
Igama Colleges Foundation, Inc. Badoc, Ilocos Norte: Developed By: Icfi Date Modified SY 2021-2022 Revision No. 2
Date Modified
Developed By:
SY 2021-2022
ICFI Page 1 of 10
Revision No. 2
MGA NILALAMAN NG
MODYUL
PAMANATAYANG YUNIT : First Quarter Araling Panlipunan 7
PAMAGAT NG MODYUL : NASYONALISMO
DESKRIPSYON NG MODYUL : Nasusuri ang mga salik, pangyayari at
kahalagahan ng nasyonalismo sa
pagbuo ng mga bansa sa Timog at
Kanlurang Asya
NASYONALISMO
METODOLOHIYA
⚫ Modyular na Pag-aaral
PAMAMARAAN NG PAGTATASA
⚫ Tradisyunal na Pagsusulit
Date Modified
Developed By:
SY 2021-2022
ICFI Page 2 of 10
Revision No. 2
NASYONALISMO
Ang Nasyonalismo ay isang sistema ng paniniwala o ideolohiyang politikal ng
pagiging makabansa, ng katapatan sa interes ng bansa, ng identipikasyon nang may
pagmamalaki sa kultura at tradisyon ng isang bansa, at ng paglulunggating matamo
ang pambansang pagsulong.
Date Modified
Developed By:
SY 2021-2022
ICFI Page 3 of 10
Revision No. 2
MGA PANGYAYARING NAKATULONG SA PAGKAMIT NG KALAYAAN NG INDIA
a. Pagbuo ng Indian National Congress - Noong 1885 ay pinahintulutan ng mga
Briton ang mga Indyano na itatag ang kanilang sariling Kongreso na binubuo ng
iba’t-ibang partido na tinawag na Indian National Congress. Tinatayang may 70
na edukadong Indyano ang kumakatawan sa iba’t-ibang probinsya ng India ang
nagsidalo sa unang pagpupulong nito sa Bombay noong Disyembre 18, 1885.
Subalit kahit na mayroon na silang partido ay wala pa rin silnag kapangyarihan na
igiit ang mga programa at mga pagbabago para sa interes ng lahat ng mga
Indyano.
b. Paghahati sa Bengal -Sa ilalami ng pamamahala ni Viceroy George Curzon noong
1905 ay hinati niya sa dalawa ang probinsya ng bengal na may 80 milyon na
mamamayan: ang Kanluran at ang Silangang bahagi. Ang paghahating
isinagawa ay upang higit na mapamahalaan ang Bengal. Subalit hindi niya
isinaalang-alang ang mga Muslim at Hindu na naninirahan sa lugar. Ang
paghahating ito ay nagdulot ng malawakang pag-boycott nila sa mga
produktong Briton at hinikayat sila ng Konreso na huwag tangkilikin ang mga
paaralang nagtuturo ng edukasyong Briton. Sa halip, sinuportahan nila ang mga
paaralang nagtuturo ng kaalamang Hindu at kultura na sang-ayon dito.
c. Pagtatayo ng liga ng mga muslim - Ang posibilidad na magtamo ng kalayaan ang
India ay ikinabahala ng mga Muslim sapagkat kahit na magtamo ng kalayaan
ang kanilang bansa ay hindi sila nakasisiguro sa kanilnag magandang katayuan
sapagkat ang mayorya ng populasyon ay mga Hindu. Noong 1906, sa pamumuno
ni Ali Jinnah ay ipinaglaban nila ang pagkakaroon ng Liga ng mga Muslim sa ilalim
ng Indian National Congress. Ang partido na ito ay humiling na ihiwalay ang mga
Muslim pagkatapos ipagkaloob sa kanila ang kalayaan.
d. Masaker sa Amritsar - Noong ika-13 ng Abril, 1919 ay nagsagawa ng mapayapang
kilos- protesta ang mga Indyano sa lungsod ng Amritsar. Ang kilos-protesta na ito
ay nilahukan ng mga babe, mga bata, mga matatanda, at mga kalalakihan.
Nag-ugat nag kilos-protesta dahil sa patuloy na pang-aapi sa mga Indyano.
Upang masupil ang kilos-protesta ay ipinag-utos ni Heneral Reginald Dyer na
paputukan ang mga nagsasagawa ng demonstrasyon. Ito ang naging dahilan ng
pagkamatay ng humigit-kumulang na 379 na mga bata, babae, at kalalakihan.
Ito ang pinakamdalim na yugto ng British Raj kung saan nilabag ang karapatan sa
buhay ng mga taong nagprotesta at naglabas ng kanilang hinaing sa di-marahas
na paraan.
e. Pag-usbong ni Mohandas Karamchand Gandhi - Siya ay kilala din sa tawag na
“Mahatma” na nangangahulugang dakilang kaluluwa, at “Bapu” na
nangangahulugang ama, as isa sa naging lider ng Indian National Congress. Tulad
ni Surendranath Banerjee, siya ay nakapag-aral din sa University College London
ng kursong abogasya. Inilunsad nya ang Salt March noong ika-12 ng Marso, 1930
kung saan naglakad siya mula Navsari hanggnag Dandi na inabot ng 240 na milya
sa karagatang Indian upang ipahyag na hindi sila magbabayad ng buwis sa asin.
Pinamunuan ni Gandhi ang Kongreso simula noong 1930. Ngunit ang kanyang
mga gawain ay hindi naipatupad dahil hindi ito katulad ng mga plano ng iba
pang pinuno ng Kongreso na nakatuon lamang sa kabuhayan.
f. Ikalawang Digmaang Pandaigdig (1939-1945) - Pagkatpos ng ikalawang
digmaan ay tumanggi anga Briton na bigyan ng kalayaan ang India sapagkat
higit nilang kailangan ang pagkakaitaan ang bansa upang matustusan ang
pagkasira ng bansa ng mga Briton dahil sa digmaan. Ang kanilang pag-antala sa
pagbibigay ng kalayaan ay nagbunga ng mga kilos-protesta sa pamumuno ni
Gandhi. Napilitan ang gma Briton na ipatawag si Gandhi sa isang pagpupulong
sa London para sa pagbibigay ng kalayaan.
Date Modified
Developed By:
SY 2021-2022
ICFI Page 4 of 10
Revision No. 2
Ang kalayaan ng India ay nabalot ng kontrobersiya sapagkat kanilang
pinagtatalunan kung paano magiging mapayapa ang ugnayan ng Hindu at
Muslim. Bagamat tutol si Gandhi ay naganap pa rin ang paghahati. Ang bahagi
na may maraming mga Muslim ay magiging Pakistan samantalang kung nasaan
ang malking populasyon ng Hindu ay magiging India. Sa kabila ng mga suliranin
ay idineklara ang kalayaan ng India noong ika- 15 ng Agosto, 1947 at kasabay din
nito ay ang partisyon ng India at Pakistan.
Noong ika-30 ng Enero, 1948 ay binaril si Gandhi habang siya ay papunta sa
Birla House, sa New Delhi upang magdasal at doon na siya binawian ng buhay.
Binaril siya ng isang Nasyonalistang Hindu na nagngangalang Nathuram Godse.
Hanggang sa kasalukuyan, mayroon pa ring gma sigalot sa pagitan ng
pamahalaan at ng mga grupong nasyonalista tulad ng Tamil sa Sri Lanka at mga
Sikh sa India.
NASYONALISMO SA IRAQ
Pangyayari sa Iraq
NASYONALISMO SA LEBANON
Ang nasyonalismo sa Lebanon ay nagsimula dahil sa pagiging isa ng mga Arab
at Lebanese. Ang pagkakasundo ng dalawang lahing ito ay nagbigay ng kaugnayan
sa Western Asia at Arabia ngunit nang masira ang kasunduang ito nagkaroon ng
sariling pagkakakilanlan ang nasyonalismo ng mga Arab at Lebanese.
Ang modernong nasyonalismo ngayon sa Lebanon ay nagsasaad na ang
Lebanon ay isang malayang bansa at hindi umaasa sa kahit anong bansa at ang
Lebanon ay kaiba sa mga bansang Arab. Isinasaalang-alang nito na ang mga
mamamayan nitong Lebanese na mga Phoenician at Syriac. Ang mga tao rito ay
Muslim or Kristiyano na may sariling paniniwala at kultura na hindi maihahambing sa
kahit anong bansa.
Date Modified
Developed By:
SY 2021-2022
ICFI Page 5 of 10
Revision No. 2
Ang nasyonalismo sa Lebanon ay nasubukan ng sila ay sakupin ng bansang
Syria, ngunit mabilis na kumilos ang mga Lebanese upang hindi sila tuluyang masakop.
Marami pang nagtangka na sakupin ang Lebanon, kasama na rito ang mga bansang
Britain at France. Marami sa mga bansa sa West Asia kasama na ang Lebanon at Syria
na nagsanib puwersa upang kalabanin ang ginagawang pagsakop sa kanila ng mga
Europeo. Natalo nila ang mga ito at naibalik sa kanila ang kanya-kanya nilang
kalayaan, kasarinlan, at kultura na siyang nais agawin ng bansang France at Britain.
Pangyayari sa Lebanon
NASYONALISMO SA ISRAEL
Hindi naging madali sa mga taga-Israel ang pagtatag ng kanilang sariling
republika dahil sa pagtutol ng mga bansang arab na maitatag ang isang bansang
Judeo. Maraming pinagdaanan ang mga Judeo upang mabawi ang kanilang
kalayaan sa mga dayuhan. Ang pagsailalaim nila ng mahabang panahon sa kamay
ng Imperyo ng Ottoman ay nagwakas lamang noong Unang Digmaang Pandaigdig
dahil sa hindi pagkakaintindihan na angdulot ng pagbagsak ng ekonomiya ngunit
bago pa man ang nasabing mananakop ay maraming mga dayuhan muna ang
sumakop sa Israel.
Isa sa hindi malilimutang pangyayari sa mga Judeo ay ang pagsailalim nila sa
tinatawag na Holocaust o sistematiko o malayang pagpatay ng mga Nazi German sa
mga Judeo, ito ay naganap noong 1933 hanggang 1945. Tinatayang 6 na milyon ang
namatay na mga Judeo sa kamay ng mga Nazi German sa pamumuno ni Adolf Hitler.
Pangyayari sa Israel
◼ Simula pa noon hanggang sa kasalukuyan, usap-usapan pa rin ang salungatan ng
mga Israelita at mga Palestino kung saan naghahangad ang mga Palestino ng na
maging isang ganap na bansa ang Palestine. Ninanais nilang mahiwalay sa
pamumuno ng mga Israelita at magtayo ng sariling estado, ngunit
magpasahanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkakasundo ang dalawang
panig dahil sa painagtatalunang sakop o hatian ng kanilang magiging estado.
NASYONALISMO SA TURKEY
Naging ganap na republika ang Turkey noong 1923 na unang pinamunuan ni
Kemal Ata Turk. Ang Sultanato ng Ottoman ay tuluyang naalis sa lipunan at tanging
modernisasyon, reporma, at industriyalisasyon ang kanilang isinulong sa utos ni Ata Turk.
Noong sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagdeklara ng digmaan
ang Turkey laban sa Germany at Japan.
Hindi naging madali para sa mga Turko ang pagkamit ng kanilnag kalayaan,
matapos ang pananakop ng iba’t-ibang imperyo ay sunud-sunod naman ang naging
problema sa
Date Modified
Developed By:
SY 2021-2022
ICFI Page 6 of 10
Revision No. 2
pagsasarili nito. Sa kabila ng hindi magagandang nangyari sa kanilang bansa ay pilit
pa rin itong bumabangon. Isa sa mga ginagawang hakbang ng bansang ito ay ang
pakikipag-areglo sa mga bansang naging biktima nila noong Unang Digmaang
Pandaigdig. Matapos ang mahigit 100 na taon ng poot sa pagitan ng Turkey at
Armenia dahil sa pagkitil ng 600,000 hanggang 1,500,00 na Armenian ng mga Turkong
Ottoman, ngayon ay nagkasundo na ang dalawang bansa na magkaroon ng
diplomatikong relasyon at muling buksan ang mga pader na nagbubuklod sa kanila.
Pangyayari sa Turkey
◼ Isang pag-aalsa ang naganap noong taong 1980 na pinamunuan ni Abdullah
Ocalan. Dahil dito mahigit sa 35,000 na katao ang namatay sa pagitan ng
hukbong sandatahan at Kurdistan Workers’ Party o KWP na kanyang itinatag
noong 1978. Noong Pebrero 16, 1999 ay nahuli si Ocalan at pinarusahan ng
kamatayan.
References:
Araling Panlipunan: Araling Asyano, The Library Publishing House, Inc., 2016, Virlyn
Jaime-Francisco
Date Modified
Developed By:
SY 2021-2022
ICFI Page 7 of 10
Revision No. 2
SELF-CHECK 1
ARALING PANLIPUNAN 7
NAME:
SCORE:
SECTION:
Date Modified
Developed By:
SY 2021-2022
ICFI Page 8 of 10
Revision No. 2
GAWAIN 1
Panuto: Ilarawan mo ang ambag ng mga sumusunod na tao, 1 puntos bawat isa.
1. Mahatma Gandhi
2. Ali Jinnah
3. Surendranath Banerjee
ASSESSMENT
I. Isulat sa patlang ang pinakatamang sagot, piliin ang tamang sagot sa loob ng
kahon. Isang(1) puntos bawat isa.
Date Modified
Developed By:
SY 2021-2022
ICFI Page 9 of 10
Revision No. 2
II. Isulat ang TAMA sa patlang ng bawat bilang kung ang pahayag ay wasto. Kung ito
ay di- wasto, isulat ang salitang MALI.
Date Modified
Developed By:
SY 2021-2022
ICFI Page 10 of 10
Revision No. 2