Professional Documents
Culture Documents
Pagtatasa Sa FIL 4 - Unang Markahan
Pagtatasa Sa FIL 4 - Unang Markahan
Pagtatasa Sa FIL 4 - Unang Markahan
Unang Markahan
I. Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot upang makumpleto ang mga binigay na pahayag.
_____ 2. Ito ay naglalaman ng mga kaganapan sa kuwento na nagpapamalas simula ,gitna at katapusan ng
kuwento.
A. Tauhan
B. Banghay
C. Tagpuan
D. Resolusyon
_____ 4. Ito ay tumutukoy sa pangunahing tauhan kung saan nakasentro ang mga pangyayari at mga
pantulong na tauhan.
A. Tauhan
B. Banghay
C. Resolusyon
D. Suliranin
_____ 5. Nagsasaad ng iba’t -ibang lugar sa iba’t -ibang panahon kung saan at kailan nagaganap ang
pangyayari.
A. Tauhan
B. Tagpuan
C. Banghay
D. Wakas ng Pangyayari
II. Panuto : Basahin ang bahagi ng kuwento na “Ang Manok na Pula at Ang Puting Pato” ni Jomar A.
Pangilinan at sagutin ang tanong tungkol dito .
Sabay na lumaki sina Noknok na isang manok at si Pat na isang pato. Bagama’t malaki ang kanilang
pagkakaiba pagdating sa pisikal na aspeto, sila ay nananatiling magkaibigan. Si Noknok ay makisig ang
katawan, may kulay pulang balahibo at maliksi kumilos. Samantalang si Pat ay payat, kulay puti ang
balahibo at malamya kumilos.
Isang araw, sila ay natungo sa palayan upang maglaro, habang sila ay naglalaro si Pat ay natapilok at
lubhang napinsala ang kanyang binti dahil sa pagkakapilay, dahil sa nangyari nahirapan si Pat na makalakad
naisipan nilang dalawa na maghanap ng makakain. Masayang-masaya si Noknok dahil marami siyang
nakaing paboritong bulate. Si Pat naman ay malungkot sapagkat nahihirapan ito na makahanap ng bulate
kaya halos hindi ito nakakain. Habang sila ay nagpapahinga sa ilalim ng matayog na puno.
_____ 10. Ilang ang pangngalang pantangi sa pangungusap. Sabay na lumaki sina Noknok na isang manok at
si Pat na isang pato.
A. 1
B. 2
C. 3
D. 4
III Panuto : Basahin ang mga ibinigay na teksto at piliin ang letra ng tamang sagot.
1. Kami sa buong pamilya, sa pangngunguna ng aking nanay na si Aling Hulia ay palaging masayang
nanonood ng aming paboritong programa sa telebisyon tuwing tanghali . 2. Paminsan – minsan natututok
siya sa mga patalastas katulad ng mga sabong panlaba at mga pagkain para sa mga bata. 3. Isang araw,
gusto niyang masubukan ang galing ng sabon na kanyang napanood , kaya siya ay bumili nito.
_____ 16. Ano ang kahalagahan ng media ang ipinakita ng ang nanay ay bumili ng sabon.
A. pagkilos
B. pang-aliw
C. panghikayat
D. pang- impormasyon
_____ 17. Anong kahalagahan ng media ang ipinakita ng ang nanay ay masayang nanonod ng paboritong
programa sa telebisyon sa tanghali?
A. pagkilos
B. pang-aliw
C. panghikayat
D. pang- impormasyon
_____ 20. Ano ang Panghalip Pananong ang angkop sa talata sa itaas?
A. Ilan ang nanonod ng programa?
B. Magkano ang sabong panlaba?
C. Kanino ang programa sa tanghali ?
D.Sino- sino ang nanonood ng programang pantelebisyon sa tanghali?
IV. Panuto: Punan ang pangngungusap ng angkop na Panghalip Panao. Pillin ang letra ng tamang sagot.
_____ 21. Isang araw si Luisa ay pupunta sa Caloocan Sports Complex. Nasalubong ______ang kanyang
kamag-aral.
A. niya
B. nila
C. sila
D. kayo
_____ 22. Siya ay huminto sandali at _____ ay nag-usap tungkol sa kanilang takdang aralin.
A. nila
B. tayo
C. kami
D. sila
_____ 23. Maya- maya naalala ni Luisa na _____ ay hinihintay ng kanyang kaibigan sa Sports Complex
sapagkat sila ay mag-eensayo ng sayaw para sa kanilang sasalihan napaligsahan.
A. kayo
B. sila
C. nila
D. siya
_____ 24. Dali- dali siyang nagpaalam sa ______ kausap at umalis na.
A. ako
B. kanyang
C. aming
D. kanilang
_____ 25. Pagdating sa lugar ng tipanan, _____ay nagulat sapagkat ang kanyang kaibigan ay hindi pa
pala dumadating.
A. ako
B. kami
C.sila
D. siya
V. Basahin ang pangngunguap at ibigay ang kahulugan ng salita ayon sa hinihingi sa bawat aytem.
KASINGKAHULUGAN NA SALITA
_____ 26. Si Mang Lucas ay masigasig sa trabaho upang mapag- aral ang kanyang mga anak.
A. tamad
B. matiyaga
C. may diskarte
D. may ambisyon sa buhay
KASALUNGAT NA SALITA
_____ 29. Kapag ang magkaibigan ay nagtatalo, mahaba ang pasensiya ni Marco subalit ____ang pasensiya
ni Ryan
A. maiksi
B. mahina
C. matalas
D. malawak
PAHIWATIG NA SALITA
Isang araw si Mario, mag-aaral sa Grade 4 ay sumasagot ng mga gawain sa Modyul sa asignaturang
Filipino ,hindi niya gaanong maintidindihan ang panuto at mga gawain kung kayat dali -dali niya itong
binitawan , lumabas ng bahay at naglaro na lang. Ano ang iyong gagawin kung ikaw si Mario ?
Nagdeklarang muli ng ECQ ang inyong siyudad upang makaiwas sa sakit. Mula sa inyong bintana ay
nakita mo ang iyong kapatid na nasa labas at nakikipagkuwentuhan, Ano ang iyong gagawin ?
Oras ng inyong klase at ang inyong guro ay magbibigay ng eksamen ,nagkataon an nawawala ang
ballpen ng iyong katabi. Alam mong mayroon ka pang isang extrang ballpen sa bag. Ano ang iyong
gagawin?
Nag-aalala ang iyong nanay dahil mayroon lagnat ang iyong kapatid subalit naubusan siya ng gamot.
Kayo lng tatlo ang nasa bahay. May kalayuan ang botika at ayaw ng iyong nanay na pinalalayo ka. Ano ang
sasabihin mo ?
VII Pagsunod sa Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang pangungusap at sundin ang mga isinasaad na
panuto.
36. Gumuhit ng tatlong parihaba na pare-pareho ang sukat. Lagyan ng maliit na guhit na pahalang ang
kanan at gitnang bahagi ng bawat parihaba. Siguraduhin na ito ay nasa labas.
37. Gumuhit ng dalawang maliit na bilog sa ilalim ng unang parihaba hanggang tatlong parihaba.
Siguraduhin na pare- pareho ang mga itsura at hugis
38. Gumuhit ng kuwadrado sa loob at gitna ng tatlong parihaba na pare -pareho din ng sukat .
39. Gumucio ng puso sa gitna ng tatong kuwadrado.
40. Isulat ang iyong pangalan sa ikalawang parihaba.