Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

JENNILYN C.

BAUTISTA
GRADE 7

FILIPINO, PINAPAHALAGAHAN PA BA?

Wika nating kinalimutan,matapos na ipaglaban.Pilit na ikinukulong sa kanlungan


ng makabagong henerasyon.Unti-unting lumulubog ,malapit na ngang maanod.
Palaisipan kung kailan muling sisingaw ang hiningang pilit na kinikitil ng panahon.Sino
ba talaga ang marapat na tumulong?Upang ang tinaguriang pambansang wika ay
muling makaahon?
Nasaan na ang mga tunay na nagmamahal sa wikang pinanday ng panahon?
Ang sikat nito’y pilit na tinatakpan ng modernisasyon.Dumating sa puntong ang wikang
ito’y ayaw ng ipagamit dahil mas magandang aralin ang wikang sa ibang lahi
nanggaling.Tila isang panaginip na sa gabi lang dumadalaw.Pana-panahon na
kumbaga sa paggamit ng wikang atin.Nalalaman natin ngunit hindi natin matandaan
sapagkat sinanay na ang ating bibig sa mga salitang hiram.
Pilit na pinupukaw ng sistema sa bawat mag-aaral ang pagmamahal sa sariling
bansa subalit kinikitil ang paglinang sa sariling wika.Nagiging ganap na marunong sa
ibang larangan at disiplina habang nawawala ang pagpapahalaga sa wikang
nagpapakilala sa bansa.Isang nakapanlulumong sitwasyon kung ang mga Pilipinong
propesyunal na bihasa sa kanilang karera ay may dilang hindi pamilyar sa sariling wika.
Kaunti na lamang.Nagpupuyos ang damdamin ng karamihan na dapat ay bigyan
naman ng pansin ang wikang Filipino ngunit kaunti na lamang ang lumalaban sapagkat
takot na rin ang marami sa banta ng makabagong lipunan.Mababa ang tingin sa iyo
kung hanggang wikang Filipino lang alam mo.Ito ang katotohanan na dapat nating
tanggapin pero sino ba ang may sala?Mayroon bang dapat na sisihin?Hindi ba’t ito ang
pinili natin?Kaya ang muling pagtingkad nito ay nakasalalay sa mga kamay natin.
JENNILYN C. BAUTISTA
GRADE 8
DEPRESYON SA MGA KABATAAN , PAANO MAIIWASAN?
Talamak na usapin ngayon ang depresyon,kahit saanmang dako ng mundo,kilala
ang karamdamang ito.Libo-libo na ang buhay na kinitil nito.Mapabata o matanda ay
nabibiktima ng sakit na ito.Dulot ito ng matinding pag-iisip sa mga problemang
kinakaharap.Hindi nakayanan kaya humantong sa depresyon na kadalasang nauuwi sa
kamatayan dahil hindi na mabuhat ang bigat ng nararamdaman.Mapanghamon na rin
kasi ang lipunang ginagalawan.Kailangang makibagay pero mabigat sa
kalooban.Napakalaking hamon sa mga kabataan lalo na sa sitwasyong nararanasan
ngayon.Dahil lahat ay naninibago sa paraan ng pag-aaral mayroon sila.Hindi ito ang
kanilang nakasanayan.May mga ilan na kulang talaga sa suporta kaya pakiramdam nila
,sila ay nag-iisa.
Ngunit paano ba to maiiwasan?Ang mga sumusunod ay ilan sa mga kaparaanan
upang ang depresyon ay maagapan.Kailangang hanapin mo kung saan ka
masaya,matuto kang tumanggap ng mga bagay-bagay na nangyayari sa
reyalidad.Marapat mong malaman na ang buhay minsan nasa ibabaw minsan nasa
ilalim.Maaari kang maglakbay sa mga lugar na nakahihinga ka.Bigyan mo ng panahon
ang sarili na namnamin mga bagay na gusto mo basta’t alam mong ikabubuti
mo.Sumama sa mga taong may positibong pananaw sa buhay at sa mga taong
malusog ang ispiritwal na pangangatawan.Maaari mong isantabi ang mga bagay na
nahihirapan kang gawin o tapusin,dahil may panahon pa naman bukas.
Kung talagang hindi na mapigilan ang nararamdaman at sumasagi na sa isip ang
pagpapatiwakal. Mas magandang lumapit sa espesyalista na silang nakaaalam ng mga
mabisang paraan para maibsan ang depresyon.Ang mga eksperto ang lubos na
nakakaalam sa mga medikasyon na irerekomenda para sa tuluyang paggaling.
Ngunit ang pinakamabisa sa lahat ay ang pagpapayabong ng pananampalataya
sa Diyos na buhay.Kapag mayroon kang matatag na relasyon sa Diyos aayos ang
lahat.
JENNILYN C. BAUTISTA
GRADE 9

ISPATLAYT
#FilipinoNaman

Humihiyaw!Nagmamakaawa!Tumatangis!Filipino naman!
Lenteng nakatutok lamang sa iisang direksyon at may iisang pokus. Ang
nakapaligid sa kanya ay di-alintana ang halaga dahil ito’y nababalutan ng dilim.Tila
nasa isang bilangguan na sa rehas nakayakap.Humihinga ngunit hindi
makaalpas.Sumisigaw ngunit tanging siya ang nakaririnig.Ngumingiti ngunit mga mata’y
tumatangis.Pilit na bumubulalas ngunit ang mga labi ay tikom sapagkat natatakot na
mahusgahan.
Matagal ng tanong ng karamihan lalo na ng mga may gulang kung kailan ba
muling maibabalik ang inalis na ispatlayt?Tila iginuhit na sa tubig ang mga planong
pinaglamayan dahil sa tikom pa rin ang mga kamay ng mga taong dapat na aasahan sa
pagpapabalik sa tugatog ng wikang atin.Filipino’y nananangis na sapagkat hindi na
gaanong binibigyan ng importansya.
Ang Filipino ay para sa mga Pilipino! Walang dapat ikahiya sapagkat atin
ito.Bagkus ang wikang Filipino ay ipagmalaki dahil nagsisilbing itong tulay upang ang
mga mamamayan mula sa Batanes hanggang Julu ay magkasundo.Sana ay dumating
ang panahon na hindi na sa tubig nakalista ang mga plano.Umaasang ang sikat nito’y
muling mababanaag .Mababawi ang kinang na kapara ng isang gintong alahas na
hinulma gamit ang apoy.
Sino ba talaga ang marapat na tumulong?Kailan nga ba maibabalik ang dating
tingkad na ngayon sa kanya’y ipinagkait?Bakit unti-unting inaalisan ng karapatang
gamitin sa paaralan kung kaya naman palang makipagsabayan?Nasaan na ang mga
tunay na nagmamahal sa wikang pinanday ng panahon?Mga katanungang naglalaro sa
aking malikot na isipan na hanggang sa ngayon ay naghihintay ng konkretong
kasagutan.
Mga kapwa ko,ako ay may panawagan.Panahon na para ipagmalaki na
mayroon tayong pambansang wika-ang Filipino,na hindi “Filipino lang”.
JENNILYN C. BAUTISTA
GRADE 10
DINIG NG BUONG BAYAN ANG KALAM NG SIKMURA NI JUAN

Nag-uunahan ang lahat na makaalpas sa makalumang sistema.Tila abala ang


bansa sa pagpapayabong ng iba’t ibang sektor gayundin sa pagtugon sa mga
problemang pang-ekonomiya.Bagamat ang tinutumbok na daan ay patungo sa
kaunlaran,sadyang may mga napag-iiwanan.Sa kagustuhang makarating na sa
inaasam na ginhawa ,hindi na nililingon ang mga paki-usap ni Juan.
KAGUTUMAN AT KAHIRAPAN,tila ang dalawang salitang ito’y hindi
mapaghihiwalay kailanman.Dahil kung nasaan man ang kagutuman,naroroon din ang
kahirapan.Nakakalungkot isipin,na sa likod ng mga nagtataasan at naggagarbuhang
gusali ay naroon naman sa ibaba si Juan,ang sikmura ay niya ay
kumakalam .Napakapamilyar na senaryo sa lipunang Pilipino.Isang kahig isang tukang
eksena.Nakakasawa ng umasa ,hindi ba?
Sa kabila ng pagnanasa sa modernisasyon,may mga mamamayan pa ring
namamaluktot sa kahirapan at walang kakayanang makipagsabayan sa agos ng
lipunan.Ayon sa datos mula sa Philippine Statistics Authority ,sa unang semestre ng
taong 2021 ay tinatayang nasa 23.7 bahagdan ang proporsyon ng mga mahihirap na
pamilyang walang sapat na kakayanan na tugunan ang kanilang mga pangunahing
pangangailangan. Pasan na ng bansa ang kahirapan bago pa man manalanta ang
pandemya.Sa pagpasok nito ay lalo pang nalugmok si Juan.Tila nagpatong-patong na
ang mga problemang kahaharapin ,dahil sa bawat kilos ay mas prayoridad na bantayan
ang kalusugan.
Batay sa artikulong inilatag ng Asian Development Bank ,ang paglobo ng
populasyon ay isa sa mga tinitignang sanhi ng kahirpan sa bansa.Dahil sa patuloy na
pagdami ng bilang ng mga tao,nagkakaroon ng kakulangan ng suplay sa mga
pangunahing pangangailangan.Gayundin ,ang mahinang sistema sa sektor ng
Agrikultura ay nagbubunsod ng kakulangan sa suplay ng mga produkto.kabilang din
dito ang mataas na unemployment rate,pagtaas ng presyo at mga suliraning may
kinalaman sa ekonomiya .
Naglatag ang gobyerno ng solusyon upang unti-unting maibsan ang
kahirapan,isa sa programa naisakatuparan ay ang Pantawid Pamilyang Pilipino
Program o mas kilala sa tawag na 4P’s.Ang programang ito ay naglalayong matulungan
ang mga pamilya na walang sapat na pangtustos sa pag-aaral ng mga anak na may
edad 18 pababa.May mga Proyektong Pangkabuhayan o Livelihood Program na
isinasagawa ang pamahalaan upang tulungan ang bawat indibiduwal na magkaroon ng
pagkakakitaan.Subalit sa kabila ng mga aksyong ito,hindi pa ring lubusang nawawala
ang suliranin.Ang suliraning ito ay nagpasalin-salin mula sa pa sa mga nagdaang
administrasyon.Ang kagutuman at kahirapan ay matagal ng hinaing ni Juan.Ang mga
mamamayang nabibingi na sa mga pangako ay nagtitiis na lamang sa sitwasyong
kinalalagyan.Sigaw nila ay hindi awa kundi sapat na pagkain ang kailangan ng mga
mamamayan.
Sa pagyabong ng mga siyudad,may nakaukit namang larawan ng kahirapan na
waring hindi na mabubura at maitatago ng makabagong Sistema.Ang ingay ng mga
kumakalam na sikmura ay dapat pakinggan sapagkat patuloy itong aalingawngaw
hangga’t hindi natutuldukan.

You might also like