Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Lagong , Donna Mae t.

Educ 3c

PANGARAP NA PROPESYON

Hindi magaling sa klase , hindi din makasabay sa mga kaklase , lagi pang kabado at hindi naman

mataas ang mga markang nakukuha ano nga ba ang aking pangarap na propesyon ?

Libre ang mangarap kaya yan ang aking ginawa ang mangarap ng mangarap

Mula sa aking pag kabata nais ko ng magkaroon ng sariling tindahan upang dahil ang akala ko

kapag may sariling tindahan ay kailan may di kana gugutumin

Nung ako naman ay magdalaga ninais ko naman maging isang artista dahil gusto ko din maging

mahusay tulad nila .

Nung ako’y mag kokolehiyo na hindi ko pa mawari sa aking sarili kung ano ba ang kaking nais na

maging propesyon balang araw , may isnag pastor na nangaral at ang sabi nya kung saan daw

ako magaling dun ako mag pakadalubhasa sapagkat mayroon nakong karanasan don . Ngunit

hindi ako magaling sa lahat

Nang humingi ako ng payo sa aking magulang nagkwento ito patungkol sa klanyang karanasan ,

ang aking magulang ay hindi nakapagtapos ng pag aaral sa sekondarya inilahad nya sakin ang

kanyang naudlot na pangarap , nais nya daw maging Guro sapagkat sa lalawigan ng Bicol noon

ang guro ay isang propesyon na ginagalang ng mga mamamayan sa bicol . Kapag alam nilang

guro ka gagalangin ka at maayos ang pakikisama ng mga tao sayo kaya nais nyang maging guro
, ngunit nang dahil sa kahirapan hindi nya na ninais ang kanyang pangarap , ang gusto nalamang

nya ay makayanan ang buhay .

At doon na nga ako nag ka ideya na kumuha ng kursong patungkol sa guro. Ang guro ang isa sa

mahahalagang propesyon sa mundo. At ngangailangan ito ng pagsisikap , kaalaman at

karanasan upang maayos maturuan ang mga bata. At saka kung iisipin sa mga guro nagsimula

ang mga pangarap , hindi ka magiging Abugado kung walang guro , hindi ka magiging Doctor

kung walang mga gurong mag tuturo sayo kung paano manggamot , hindi ka magiging ikaw kung

walang nag turo o gumabay sayo patungo sayong pangarap

Napansin ko din na walang yumayaman sa pagiging guro isa lamang itong patunay na hindi sila

naging guro para yumaman o umangat nais nilang matuto ang mga bata at ituro sa kanila ang

tamang landas ika nga ng yumaong si Meriam defensor Santiago “Ang isang tunay na guro ay

hindi tinatakot ang mga mangmang na mga mag-aaral, dahil ang isang tunay na guro ay alam na

ang kanyang trabaho ito ay upang gamutin ang kamangmangan. “ kaya naman ako si Donna

Mae Lagong at ang pangarap kong propesyon ay maging isang guro na kahit alam kong hindi

madali sa tulong ng aking mga guro matututo ako . At lahat ng aking natutunan nais kong ibahagi

sa susunod pang henerasyon at ipapakita ko na ang pagiging guro ay isa sa pinaka magandang

propesyon sa mundo .

You might also like