Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 24

10

Araling Panlipunan
:

Self-Learning Module

“Una sa tanan, BATA: Buligan, Amligan, Tudluan, Alalayan!”

DIVISION OF BACOLOD CITY


Copyright Page
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Self-Learning Module
Unang Markahan – Modyul 7-8: Mga Hakbang sa Pagbuo ng CBDRRM Plan
Unang Edisyon, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things,
impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand


names, trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective
copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to
use these materials from their respective copyright owners. The publisher and
authors do not represent nor claim ownership over them.

Developed by the Department of Education – SDO Bacolod City


SDS Gladys Amylaine D. Sales, CESO VI
ASDS Michell L. Acoyong, CESO VI

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Sherilyn M. Grey
Mga Editor: Renmin A. Etabag, Joy A. Rullan
Mga Tagasuri: Pinky Pamela S. Guanzon, Ariel F. Sabla-on,
Ursula Jane C. Lupisan
Tagaguhit: Raichelle Joy P. Montelibano
Tagalapat: Luna Lou D. Beatingo
Tagapamahala:
Janalyn B. Navarro
Pinky Pamela S. Guanzon
Ellen G. De La Cruz
Ari Joefed Solemne L. Iso

Printed in the Philippines by

Department of Education – Region VI – Division of Bacolod City

Office Address: Rosario-San Juan Sts., Bacolod City 6100


Telefax: (034) 704-2585
E-mail Address: bacolod.city@deped.gov.ph

ii
10
Araling Panlipunan

This instructional material was collaboratively developed and reviewed


by educators from the Public Schools in the Division of Bacolod City.

iii
Paunang Mensahe
Para sa Tagapagdaloy
Ang materyal na ito ay masusing inihanda upang magabayan ang mga
mag-aaral na matuto gamit ang mga proseso at gawaing kapakipakinabang na
maaring gabayan ng mga magulang at nakatatandang mga indibidwal.
Pinaalalahanan ang mga mag-aaral na gumamit ng hiwalay na sagutang papel sa
pagsagot sa pauna, pansarili at panapos na pagtataya.

Para sa Mag-aaral
Ang modyul na ito ay magiging gabay mo upang matamo ang kasanayan sa
iyong pagkatuto. Babasahin mo ang bawat aralin at sasagutin ang mga katanungang
inihanda. Susubukin mo rin na gawin ang bawat gawaing inihanda mula sa modyul
na ito. Ang gawain ay mula sa topikong mga isyu at hamon sa kapaligiran kung saan
nasasabi ang batayang impormasyon tungkol sa mga angkop na hakbang sa
pagsasagawa ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management
Plan.
Makikita rin dito ang iba’t ibang lebel ng modyul tulad ng Aalamin Ko, Susuriin
Ko, Pag-aaralan Ko, Gagawin Ko, Tatandaan Ko, Isasabuhay Ko at Susubukin Ko.
Sa bahaging:

Bahagi ng modyul kung saan ipinapakilala


Aalamin Ko ang learning competency na dapat matutuhan
sa araling ito.
Napapaloob dito ang ibat-ibang pagsasanay
Susuriin Ko na nagsisilbing pre-test at balik-aral sa
nakaraang leksiyon.
Napapaloob dito ang mga araling dapat mong
Pag-aaralan Ko matutunan.
Napapaloob dito ang ibat iba at karagdagang
Gagawin Ko gawain tungkol sa aralin.

Napapaloob dito ang mga aralin na maging


Tatandaan Ko gabay para magawa at masagutan ang mga
pagsasanay.
Nasusuri ang iyong kakayahan sa mga
Isasabuhay Ko natutunang aralin upang matamo ang
pamantayan sa pagganap.
Napapaloob dito ang iba’t ibang uri ng
Susubukin Ko
pagsusulit na angkop sa aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
Susi sa Pagwawasto lahat ng mga gawain sa modyul.
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian paglikha o paglinang ng modyul na ito.

iv
Aalamin Ko

Ikapito at
Araling Panlipunan 10
Ikawalong
Unang Markahan-Modyul 5
Linggo
Pamantayan sa Pagkatuto:

Naisasagawa ang mga angkop hakbang ng CBDRRM Plan.

MGA HAKBANG SA PAGBUO NG COMMUNITY-BASED


DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT PLAN
Ano nga ba ang Community Based-Disaster and Risk Management? Ayon kina
Abarquez at Zubair (2004) ang Community-Based Disaster Risk Management ay isang
pamamaraan kung saan ang mga pamayanang may banta ng hazard at kalamidad ay
aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon, pagsubaybay, at pagtataya ng
mga risk na maaari nilang maranasan. Isinasagawa ito upang maging handa ang
komunidad at maiwasan ang malawakang pinsala sa buhay at ari-arian.
Nangangahulugan ito na ang mga mamamayan ay bahagi ng pagpaplano, pagbuo ng
mga desisyon at implementasyon ng mga gawain na may kaugnayan sa disaster risk
management. Sa Community-Based Disaster Risk Management Approach,
napakahalaga ng partisipasyon ng mga mamamayan na siyang may pinakamataas na
posibilidad na makaranas ng mga epekto ng hazard at kalamidad. Subalit, higit itong
magiging matagumpay kung aktibo ring makikilahok ang mga mamamayan na hindi
makararanas ng epekto ng mga hazard at kalamidad.

1
Susuriin Ko
Gawain 1: Family Preparedness Plan. Check if you have completed the following
tasks.
ASSESSMENT & PLANNING
We hold a family disaster planning meeting every 6 months (household,
extended family, or family of one).
We identify our risks and use this checklist for our planning.
We have identified the safest places in the house and in each room in case of
disasters (e.g. During earthquake: away from windows, be cautious about
large and heavy objects that can fall, and be on the look-out with regards to
objects that can cause fire like LPG).
We have identified the nearest and safest areas for possible evacuation during
earthquake, fire, flood, landslides, and typhoon.
We identified exits and alternative exits from our house.
We searched for and identified hazards within our home (e.g. furniture or
equipment that can fall or slide during earthquake or flood) and around our
environment (e.g. hazardous materials sites).
We know our out-of-area contact person(s) and phone number(s): (ideally cell
phone for text messaging) It's: ______________________________________
We know that we will only use the telephone in case of physical emergency
after a disaster. We will use radio and television for information.
We know where we would reunite
Inside the house: _______________________________________
Outside the house: _______________________________________
Outside the neighborhood: _______________________________________
We have a private message drop location outside our house.
We made our copies of important documents, and key addresses and phone
numbers. We have one set with our out-of-area contact and/or we keep one in
our evacuation go-bag.
We are spreading the word to everyone we know.
We participate in emergency planning with our community.
We make our expectations known to local planners and policy-makers.
PHYSICAL & ENVIRONMENTAL PROTECTION
For earthquake: We have fastened to wall stud or stable surface, the tall and
heavy furniture, appliances, large electronic gadget, lighting fixtures and other
items that could cause harm.
We will not light a match, lighter, or any other flame gadget after an
earthquake until we are sure there is no danger of escaping gas fumes
anywhere around.
Our building has been designed and built according to the existing building
codes, or it has been inspected by a qualified engineer The required repair or
retrofit has already been completed.
We do maintenance work on our building, protecting it from damp, and
repairing damage when it occurs.

2
For earthquake: We have put latches on kitchen cabinets, secured televisions,
computers and other electronic items. We hung pictures securely on closed
hooks to protect us from things that could injure or would be expensive to
replace.
We have secured family heirlooms and items of cultural value that could be
lost to future generations.
We have limited, isolated, and secured any hazardous materials to prevent
spill or cause toxic damage.
We keep shoes and flashlights with fresh batteries, by our beds. For flood:
We keep flotation devices. For fire: We have cleared away fire hazards from
around the house. For water and debris flow: we have created channels and
prepared to make sandbags.
We will protect ourselves from breaking glass through curtains or window film.
We consciously reduce, reuse and recycle.
RESPONSE CAPACITY: SKILLS & SUPPLIES
We know how to suppress fire
We know how to turn off our electricity, water and gas.
For advanced warning: We understand early warning systems and know how
to respond. For earthquake: We have practiced "drop, cover and hold" and
identified the safest places next to sturdy low furniture, under strong table,
away from windows.
We have gathered survival supplies in our home and made up evacuation
bags for our home and car. (This includes 1 gallon of water per person per day
and food for 3 days, prescription medications, water, high energy food,
flashlight, battery, first aid kit, cash, change of clothing, toiletries. We have
special provisions we need for ourselves, including elderly, disabled, small
children, and animals.)
We know how to detect and treat minor injuries.
We have a list of contact numbers of police, hospitals, clinics and barangay
officials for possible need of assistance.
We have learned first aid, light search and rescue, fire suppression, wireless
communication, swimming, or community disaster volunteer skills.
School Disaster Risk Reduction and Management Manual Booklet 2

3
Pamprosesong mga Tanong:
1. Habang sinasagot mo ang checklist, may natuklasan ka bang pagkukulang sa
kahandaan ang iyong pamilya sa pagharap ng sakuna? Magbanggit ng ilan.

2. Kung may pagkukulang, sa tingin mo, paano mapupunan ng iyong pamilya ang
mga pagkukulang natuklasan?

3. Bukod sa pagkakaroon ng sapat na kagamitan, ano ang mga nararapat pang


gawin ng iyong pamilya upang maging handa sa mga kalamidad?

Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community-Based Disaster Risk and Reduction


Management Plan

Unang Yugto
Disaster Prevention and Mitigation
Sa bahaging ito ng disaster management plan, tinataya ang mga hazard at
kakayahan ng pamayanan sa pagharap sa iba’t ibang suliraning
pangkapaligiran.

Bakit kailangang mauna ang pagsasagawa ng pagtataya sa yugto ng


Prevention and Mitigation?
- Ito ay dahil kailangang maunawaan ng mga babalangkas ng plano kung ano-ano
ang mga hazard, mga risk at sino at ano ang maaaring maapektuhan at masalanta
ng kalamidad.
Ano-ano ang iba’t ibang assessment para sa CBDRRM?
1. Hazard Assessment – tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop at pinsala na
maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay mahahanap
sa isang sakuna o kalamidad sa isang partikular na
panahon.

4
Dalawang Katangian ng Hazard:

• Pagkakilanlan - Pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa iba’t


ibang hazard at kung paano ito umusbong sa
isang lugar.
• Katangian - Pag-alam sa uri ng hazard
• Intensity - Pagtukoy sa lawak ng pinsala na maaaring idulot
ng hazard
• Lawak - Pag-aaral tungkol sa sakop at tagal ng epekto ng
PISIKAL hazard
• Saklaw - Pagtukoy kung sino ang maaaring tamaan ng o
maapektuhan ng hazard
• Predictability - Panahon kung kailan maaaring maranasan ang
isang hazard
• Manageability - Pagtaya sa kakayahan ng komunidad na
harapin ang hazard upang mabawasan ang
malawakang pinsala

• Frequency - Dalas ng pagdanas ng hazard. Maaaring ang


hazard ay nagaganap taon-taon, isang beses sa
loob ng lima o sampung taon o kaya ay biglaan
lamang.
• Duration - Pag-alam sa tagal kung kailan nararanasan ang
hazard.
• Speed of onset - Bilis ng pagtama ng isang hazard. Maaaring
mabilisan o walang babala tulad ng lindol o
TEMPORAL
kaya ay may pagkakataon na magbigay ng
babala tulad ng bagyo o baha.
• Forewarning - Tumutukoy sa panahon o oras sa pagitan ng
pagtukoy ng hazard at oras ng pagtama nito sa
isang komunidad.
• Force - Maaaring natural tulad ng hazard na dala ng hangin,
tubig tulad ng malakas na pagbuhos ng ulan, baha,
pag-apaw ng ilog, flash flood, tidal wave at storm surge;
gawa ng tao tulad ng conflict gaya ng digmaang sibil,
rebelyon, at pag-aaklas; industrial/technological tulad ng
polusyon.

5
2. Vulnerability Assessment – tinataya ang kahinaan o kakulangan ng isang
tahanan o komunidad na harapin o bumangon mula
sa pinsalang dulot ng hazard.
Sa pagsasagawa ng Vulnerability Assessment kailangang suriin ang sumusunod:

Mga Elementong nasa Panganib - tumutukoy


sa tao, hayop, pananim, kasangkapan,
imprastruktura, kagamitan para sa
transportasyon at komunikasyon, at
pag uugali.

Mga Taong nasa Panganib - tumutukoy ang


mga grupo ng tao na maaaring higit na
maapektuhan ng kalamidad.
Lokasyon ng Taong nasa Panganib - tinutukoy
ang lokasyon o tirahan n mga taong natukoy na
vulnerable.

3. Capacity Assessment – ay sinusuri ang kapasidad ng komunidad na harapin


ang anumang hazard.
Tatlong Kategorya ng Capacity Assessment:

Pisikal o Materyal - kakayahan ng mamamayan na


muling isaayos ang mga istruktura
tulad ng bahay, paaralan, kalsada
at iba pa.

Panlipunan - kapasidad ng komunidad na harapin ang


hazard bunga ng pagtutulungan ng mga
mamamayan at kung ang pamahalaan ay
may epektibong disaster management
plan
Pag-uugali ng Mamamayan - ang mga mamamayan
na bukas ang loob na ibahagi ang
kanilang oras, lakas at pagmamay-ari
upang harapin o bumangon sa sakuna
o panganib

6
4. Risk Assessment – ito ay tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin bago ang
pagtama ng sakuna, kalamidad at hazard na may layuning
maiwasan at mapigilan ang malawakang pinsala sa tao at
kalikasan.

Mga kahalagahan ng Disaster Risk Assessment:

• Sistematiko o maayos ang pagkalap ng datos sa pagsususri at


pagtatala sa mga hazard na dapat unang bigyang pansin.

• Nagiging mulat ang mga mamamayan sa mga hazard na mayroon sa


kanilang komunidad na noon ay hindi nila alam.

• Nagsisilbing batayan sa pagbuo ng disaster risk reduction and


management plan.

• Nagbibigay ng impormasyon na magagamit sa pagbuo ng plano at


magsisilbing batayan sa pagbuo ng akmang istratehiya sa pagharap
sa mga hazard.

Ikalawang Yugto
Disaster Preparedness
Ito ay tumutukoy sa mga hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng
pagtama ng kalamidad, sakuna o hazard.
Bago tumama at maging sa panahon ng kalamidad, napakahalaga ang
pagbibigay ng paalala at babala sa mga mamamayan. Ito ang tatlong
pangunahing layunin:

To Inform

• Magbigay kaalaman tungkol sa mga hazard, risk, capacity, at pisikal


na katangian ng komunidad.

To Advice

• Magbigay ng impormasyon tungkol sa mga gawain para sa


proteksiyon, paghahanda, at pag-iwas sa mga sakuna, kalamidad at
hazard.

To Instruct

• Magbigay ng mga hakbang na dapat gawin, mga ligtas na lugar na


dapat puntahan at mga opisyales na dapat hingan ng tulong sa oras
nga sakuna, kalamidad at hazard.
7
Ikatlong Yugto
Disaster Response
Sa pagkakataong ito ay tinataya kung gaano kalawak ang pinsalang dulot ng
isang kalamidad.

Mahalaga ang impormasyong makukuha mula sa gawaing ito dahil magsisilbi itong
batayan upang maging epektibo ang pagtugon sa mga pangangailangan ng isang
pamayanan na nakaranas ng kalamidad.

Needs Damage Loss Assessment


Assessment Assessment - ay tumutukoy sa
- ay tumutukoy sa - ay tumutukoy sa pansamantalang
mga pangunahing bahagya o pagkawala ng
pangangailangan pangkalahatang serbisyo at
ng mga biktima ng pagkasira ng mga pansamantala o
kalamidad tulad ng ari-arian dulot ng pangmatagalang
pagkain, tahanan, kalamidad. pagkawala ng
damit at gamot. produksyon.

8
Ikaapat na Yugto
Disaster Rehabilitation and Recovery
Nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at istruktura at mga
naantalang pangunahing serbisyo upang manumbalik sa dating kaayusan
at normal na daloy ang pamumuhay ng isang nasalantang komunidad.
Halimbawa:
➢ Pagpapanumbalik ng sistema ng komunikasyon at transportasyon
➢ Pagpapanumbalik ng suplay ng tubig at kuryente
➢ Pagkumpuni ng bahay
➢ Sapat na suplay ng pagkain, damit at gamot

Gagawin Ko - A
A. Unang Yugto: Disaster Prevention and Mitigation
Gawain 1: Paggawa ng Hazard Assessment Map
Panuto: Iguhit nang malinaw ang sketch ng daan patungo sa iyong tahanan.
Gumamit ng mga landmarks at lagyan ng kulay at label ang mga nakitang
hazard. Gawin ito sa isang buong short bondpaper.

Pamprosesong mga Tanong:


1. Ano-anong mga hazard ang iyong nakita habang ginagawa ang hazard
assessment map?
2. Sino-sino sa tingin mo ang vulnerable sa mga nakitang hazard?
3. May kapasidad ba ang mga tao sa iyong pamayanan na harapin ang mga
nakitang hazard? Patunayan ang iyong sagot.
4. Bilang isang mag-aaral, ano sa tingin mo ang dapat mong gawin upang
maipagbigay-alam sa iyong mga kabarangay ukol sa mga nakitang hazard?

9
Gagawin Ko - B
B. Ikalawang Yugto: Disaster Preparedness
Gawain 2: Be Informed!
Panuto: Pumili ng isang uri ng hazard o kalamidad. Gamit ang isang short
bondpaper gumawa ng poster ad na nagpapakita ng sumusunod:
1. Impormasyon tungkol sa katangian at kahulugan ng disaster
2. Mga sanhi at epekto nito
3. Mga dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng disaster
4. Mga gamit na dapat ihanda upang maging ligtas kapag naranasan ang
disaster
5. Mga opisyales, kawani ng pamahalaan o NGO na maaaring hingan ng tulong.
Gawing gabay ang sumusunod na pamantayan sa paggawa ng inyong poster ad.
Rubric sa pagmamarka ng poster ad
Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang Puntos
Nilalaman Wasto at makatotohanan ang 5
mga impormasyon. Nakatulong
upang maging handa ang mga
mamamayan sa panahon ng
kalamidad.
Kaangkupan Madaling maunawaan ang 3
ginamit na salita, mga larawan,
at simbolo sa ginawang poster
ad. Madali ring maunawaan ang
ginamit na lenggwahe.
Pagkamalikhain Nakapupukaw ng atensyon ang 2
ginawang poster ad dahil sa
ginamit na mga larawan at salita
na nakhikayat sa mamamayan
upang ito ay bigyan ng pansin.
Kabuuan 10

10
Gagawin Ko - C
C. Ikatlong Yugto: Disaster Response
Gawain 3: Sagutin ang tanong: “Bilang mag-aaral, ano ang dapat mong gawin
upang harapin ang banta ng COVID-19 sa inyong pamilya?
Maglista ng 5. Gawin ito sa isang kalahating papel.
1.
2.
3.
4.
5.

Gagawin Ko - D
D. Ikaapat na Yugto: Disaster Rehabilitation and Recovery
Gawain 4: Disenyo Ko, Ipakita Ko!
Panuto: Pagkatapos ng isang matinding kalamidad sa Barangay Mahangin, bilang
bahagi ng Disaster Rehabilitation and Recovery Team, ikaw ngayon ay
naatasan na gumawa ng disenyo ng mas matibay na bahay para sa mga
nasalanta ng naturang kalamidad. Ipakita ito sa pamamagitan ng pagguhit.
Gawin ito sa isang short bondpaper.

11
Gabay sa pagbuo ng Home-based DRRM Plan

Disaster Risk Assessment


Unang Yugto: Disaster Assessment
Prevention and of
Mitigation Capability Assessment
Hazard

Paghahanda sa mga
Ikalawang Yugto: dapat gawin bago,
Disaster Preparednes habang at pagkatapos
ng isang kalamidad.
DRRM
PLAN
Pagtugon sa
pangangailangan ng
Ikatlong Yugto: Disaster komunidad bunga ng
Response nagaganap na
kalamidad

Pagsasaayos ng
Ikaapat na Yugto: komunidad upang
Disaster Rehabilitation maipanumbalik ang
and Recovery normal na daloy ng
pamumuhay

12
Isasabuhay Ko
A. Bigyan ng Hugot!
Panuto: Bigyan ng hugot ang mga sumusunod na larawan. Gawin ito sa
isang kalahating papel.

Hugot!

Hugot!

Hugot!

Hugot!

13
Susubukin Ko
I. Panuto: Basahin at unawain mabuti ang mga sumusunod na mga tanong.
TITIK lamang ang isulat sa iyong sagutang papel.

1. May iba’t ibang ahensiya na makakatulong sa paghahanda sa oras ng mga


sakuna. Alin sa mga sumusunod ang ahensiyang namumuno sa paghahanda at
pagtugon sa mga kalamidad na mararanasan ng bansa?
A. DILG C. PAG-ASA
B. Disaster Risk Mitigation D. NDRRMC

2. Ang Hazard Assessment ay tumutukoy sa pagsusuri ng lawak, sakop at pinsala


na maaaring danasin sa isang lugar. Sa paanong paraan ito nakakatulong?
A. Natutukoy kung ito ba ay gawa ng tao o ng kalikasan
B. Natutukoy ang paparating na sakuna
C. Nabibigyang pansin ang mga dapat gawin sa oras ng sakuna
D. Nabibigyan ng kaalaman ang mga tao

3. Sa pagsasagawa ng Hazard Assessment dapat na bigyan pansin ang mga


sumusunod maliban sa _________.
A. Pisikal B. Temporal C. Historical Profile D. Permanent

4. Sa pagsasagawa ng hazard assessment, dapat bigyang pansin ang Pisikal at


Temporal na katangian nito. Tinutukoy ng katangian na ito kung sino ang
puwedeng tamaan ng hazard.
A. Lawak B. Saklaw C. Predictability D. Intensity

5. Bukod sa pisikal na katangian, mahalagang maunawaan rin ang mga temporal na


katangian ng hazard. Ang sumusunod ay temporal na katangian ng temporal
hazard assessment maliban sa __________.
A. Frequency B. Duration C. Manageability D. Force

6. Ang disaster ay tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at


pinsala sa tao, kapaligiran at gawaing pang-ekonomiya. Maaaring ang disaster ay
natural gaya ng bagyo, lindol at pagputok ng bulkan o gawa ng tao tulad ng
digmaan at polusyon. Masasabi ring resulta ng hazard at kawalan ng kapasidad
ng isang pamayanan na harapin ang mga ito. Sa paanong paraan naman naiiba
ang vulnerable na disaster?
A. Ito ay tumutukoy sa mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o gawa ng
tao.
B. Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang pamayanan na harapin ang mga
epekto na dulot ng kalamidad.
C. Ito ay tumutukoy sa mga inaasahang pinsala ng tao, ari-arian at buhay dulot
ng pagtama ng isang kalamidad.
D. Ito ay tumutukoy sa tao, lugar at imprastruktura na may mataas na posibilidad
na maaapektuhan ng mga hazard.

14
7. Ang isang komunidad ay kailangan na maging mulat ang mga mamamayan sa
mga hazard sa kanilang lugar. Tungkulin nila na magkaroon ng kaalaman sa mga
panganib at banta na maaarin nilang maranasan. Bukod dito, dapat na maging
aktibo rin sila sa paglahok sa mga programa ng pamahalaan patungkol sa disaster
management. Sa anong lebel matutukoy ang ginagawang paghahanda?
A. Capacity Assessment C. Risk Assessment
B. Disaster Assessment D. Vulnerability Assessment

8. Sa panahon ng kalamidad tulad ng bagyo, ang ating pamahalaan ay maagap sa


pagsasagawa ng paglilikas partikular sa mga lugar na madaling tumaas ang tubig
at may banta ng landslide. Sa kabila nito, marami sa ating mga kababayan ang
ayaw lisanin o umalis sa kanilang tahanan upang magtungo sa mga evacuation
center. Sa anong kategorya ng Vulnerability at Capacity Assessment
napapabilang ang mga paniniwala at gawi ng mga mamamayan na
nakahahadlangsa pagiging ligtas ng isang komunidad.
A. Panlipunan C. Pampulitika
B. Pag-uugali ng mamamayan D. Pisikal o Materyal

9. Sa pagsasagawa ng Capacity Assessement, itinatala ang mga kagamitan,


imprastruktura at mga tauhan na kakailanganin sa panahon ng pagtama ng
hazard o kalamidad. Mahalaga ang pagsasagawa nito sapagkat magbibigay ito
ng impormasyon sa mga mamamayan kung ano at kanino hihingi ng tulong upang
mapunan ang kakulangan ng pamayanan. Bilang mag-aaral kanino ka hihingi ng
tulong sa panahon ng pagtama ng hazard o kalamidad sa inyong lugar?
A. Sa Simbahan B. Sa Barangay C. Sa Kapitbahay D. Sa Paaralan

10. Mahalaga matukoy sa panahon ng kalamidad ang pagiging vulnerable o kawalan


ng kakayahan ng isang komunidad sa pagharap sa iba’t ibang hazard na
maaaring maranasan sa kanilang lugar. Madalas ay mga bata, matatanda, may
sakit at may kapansanan ang inuuna sa paglikas. Bakit mahalaga na masiguro
ang kanilang kaligtasan?
A. Sila ang madaling ilikas
B. Sila ang una sa listahan
C. Sila ang paborito na iligtas
D. Sila ang mahihina at walang lakas upang iligtas ang kanilang sarili

11. Ang bansang Pilipinas ay dumaranas ng iba’t ibang sakuna o kalamidad kada
taon. Ang mga local na pamahalaan sa iba’t ibang panig ng bansa ay
nagkakaroon ng paghahanda bago at sa panahon ng pagtama ng kalamidad,
sakuna o hazard. Malaki ang posibilidad na maging disaster-resilient ang mga
pamayanan kung maayos na maisasagawa ang Community-Based Disaster Risk
and Reduction Management Plan. Sa anong yugto ng plano nabibilang ang
paghahandang ginagawa ng local na pamahalaan.
A. Disaster Response C. Disaster Rehabilitation and Recovery
B. Disaster Preparedness D. Disaster Prevention

15
12. Ang kalamidad o sakuna sa ating bansa ay hindi natin maiiwasan bagkus ito ay
ating pinaghahandaan. May iba’t ibang paraan ang bawat komunidad dito sa
Pilipinas sa pagbibigat ng paalala o babala sa panahon ng pagtama ng
kalamidad, sakuna o hazard. Ito ay pinadadaan sa pamamagitan ng barangay
assembly, pamamahagi ng flyers, pagdidikit ng poster o billboard, mga patalastas
sa telebisyon, radio at pahayagan. Bakit isinasagawa ang ganitong mga gawain?
A. Upang maging mulat at edukado ang mga mamamayan sa uri ng hazard
at dapat nilang gawin sa panahon ng pagtama nito.
B. Upang maging alisto ang mga mamamayan sa uri ng hazard at dapat
nilang gawin sa panahon ng pagtama nito.
C. Upang walang maaapektuhan na mga tao sa pagtama ng kalamidad at
malaman nila ang dapat nilang gawin sa panahon ng pagtama nito.
D. Upang malaman ng mga tao ang mga uri ng hazard at malaman kung
paano maiwasan sa panahon na tumama ito.

13. Ang Disaster Preparedness ay tumutukoy sa mga hakbang o dapat gawin bago
at sa panahon ng pagtama ng kalamidad, sakuna o hazard. Mahalagang
malaman ng mga miyembro ng pamilya, ng mga mamamayan sa komunidad, at
maging ng mga kawani ng pamahalaan ang mga dapat gawin sa panahon ng
sakuna o kalamidad. Bilang tugon iba’t ibang uri ng paghahanda ang ginagawa
ng mga local na pamahalaan. Kinakailangan na pagtuunan ito ng pansin at
sundin dahil ______.
A. Layunin nito na mapababa ang bilang ng mga maapektuhan, maiwasan
ang malawakang pagkasira ng mga istruktura at mapadali ang pag-ahon
ng mga mamamayan mula sa dinanas na kalamidad.
B. Layunin nito na maiwasan ang maraming buhay na mawala at
magsagawa ng pagtataya upang mapadali ang pagbangon ng pamyanan
mula sa dinanas na kalamidad.
C. Layunin nito na mapadali para sa mga namumuno sa pamahalaan ang
pagtataya at paggawa ng budget para sa pagbangon muli ng pamayanan
mula sa dinanas na kalamidad.
D. Layunin nito na madagdagan ang kaalaman ng mga tao tungkol sa
kalamidad o sakuna at matulungan ang mga nasalanta na mapadali ang
kanilang pag-ahon mula sa dinanas na kalamidad.

16
14. Bago tumama at maging sa panahon ng kalamidad, napakahalaga ang
pagbibigay ng paalala at babala sa mga mamamayan. Ang mga paalalang ito ay
mapapanood natin sa telebisyon, mapapakinggan sa radio at mababasa sa mga
flyers at pahayagan. Ito ay may tatlong pangunahing layunin: to inform, to advice
at to instruct. Paano mo isasagawa ang layuning “to inform” para makatulong ka
sa inyong pamayanan?
A. Gumawa ng poster upang maipaabot ang kaalaman tungkol sa hazard,
risk, capacity at pisikal na katangian ng inyong lugar.
B. Magbigay ng impormasyon tungkol sa mga gawain para sa proteksiyon,
paghahanda at pag-iwas sa mga sakuna, kalamidad at hazard.
C. Magbigay ng mga hakbang na dapat gawin, mga ligtas na lugar na dapat
puntahan, mga opisyales na dapat hingan ng tulong sa oras ng
kalamidad.
D. Gumawa ng research tungkol sa hazard, risk, capability at pisikal na
katangian ng inyong lugar para malaman ang hakbang na dapat gawin sa
oras ng kalamidad.

15. Sa yugto ng Disaster Preparedness ay binibigyan ng sapat na impormasyon ay


pag-unawa ang mga mamamayan sa dapat nilang gawin bago, habang, at
pagkatapos ng hazard at kalamidad upang maihanda sila sa mga posibleng
epekto nito. Bawat pamayanan ay may kanya-kanyang paghahanda na
isinasagawa. Bilang isang mag-aaral, ano ang magagawa mo upang makatulong
sa mga mamamayan sa paghahanda sa mga posibleng epekto ng kalamidad o
sakuna na tatama sa inyong lugar?
A. Mag-imbak ng maraming pagkain upang pagdating ng kalamidad ay
maipamahagi sa mga kapitbahay upang makatulong.
B. Dumalo sa mga pagpupulong ng barangay tungkol sa paghahanda na
isinasagawa sa pagdating ng kalamidad upang maihanda ang sarili sa
posibleng pagtama nito.
C. Tumulong sa mga opisyal ng barangay tungkol sa pagbibigay paalala o
babala sa pamamagitang ng pamamahagi ng flyers at pagdidikit ng
poster o billboards.
D. Magpost sa facebook ng mga impormasyon tungkol sa maaaring maging
epekto ng kalamidad o sakuna upang malaman nila na hindi biro ang
kalamidad.

17
II. Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang salitang may salungguhit ay angkop
sa konsepto ng pahayag. Isulat ang TAMANG SAGOT kung hindi.

1. Ang yugto ng Disaster Preparedness ay kakikitaan ng mga gawain na


naglalayong maipanumbalik sa dating kaayusan ang daloy ng pamumuhay sa
mga nasalantang komunidad.

2. Isinasagawa ang Capacity Assessment upang matukoy ang kakayahan ng isang


komunidad sa pagharap sa iba’t ibang kalamidad.

3. Ang unang yugto sa pagbuo ng CBDRRM Plan ay tinatawag na Disaster


Response.

4. Nakapaloob sa Disaster Preparedness ang mga gawain tulad ng hazard


assessment at capability assessment.

5. Ang yugto ng Disaster Rehabilitation and Recovery ay tumutukoy sa mga gawain


upang mapanumbalik ang kaayusan sa mga lugar na nasalanta ng kalamidad.

18
Mga Susi sa Pagwawasto

5. Tama
4. Mali – Disaster Prevention and Mitigation
3. Mali – Disaster Prevention and Mitigation
2. Tama
1. Mali – Disaster Rehabilitation and Recovery
Test 2

D 15.
C 14.
A 13.
A 12.
B 11.
D 10.
D 9.
B 8.
C 7.
D 6.
C 5.
B 4.
D 3.
B 2.
D 1.
Test 1

SUSUBUKIN KO

Sanggunian

Patnubay ng Guro sa Araling Panlipunan 10.


Kontemporaryong Isyu
pahina 94-119

Kagamitan ng Mag-aaral sa Araling Panlipunan 10.


Kontemporaryong Isyu
pahina 91-127

School Disaster Risk Reduction and Management Manual Booklet 2

19
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – SDO Bacolod City
Office Address: Rosario-San Juan Sts., Bacolod City 6100
Telefax: (034) 704-2585
E-mail Address: bacolod.city@deped.gov.ph

You might also like