May-akda ng “The Luck of the House”, “A Life Sentence”, at iba pa.
MONTREAL: JOHN LOVELL & SON 23 ST. NICHOLAS STREET
ANG TOTOONG KAIBIGAN
KABANATA 1 Hindi Angkop na Pagkakaibigan
Si Janetta ay dating tagapamahala ng musika – isang kayumangging maliit na bagay na
walang kabuluhan, at si Margaret Adair naman ay dating maganda at ang tagapagmana, ang nag- iisang anak na babae ng mga tao na akala nila ay tunay na kilala na nila ang kanilang sarili; upang ang dalawa ay hindi pa, iisipin mong may pagkakahawig at hindi maaaring maaakit sa isa’t isa. Kahit anumang mangyari, sila ay magkakaibigan at magkakampi; na mayroon na sa kanila simula pa man noong sila ay magkasama sa isang sosyal na paaralan na kung saan ay si Bb. Adair ay paboritong-paborito ng lahat, at si Janetta Colwyn ay isang gurong mag-aaral sa pinakamasama sa mga sutana, na pinakasuplada at pinakamasipag. At malaking pagkakasala ay ibinigay sa iba’t ibang paraan sa pamamagitan ng pagkakadikit ni Bb. Adair sa kawawang Janetta. “Hindi angkop na pagkakaibigan,” Bb. Polehampton, ang prinsipal ng paaralan, na siniyasat ng maraming pagkakataon, “sigurado ako hindi ko alam kung paano ito nagugustuhan ni Lady Caroline.’ Si Lady Caroline ang ina ni Margaret Adair. Nadama ni Bb. Polehampton ang kanyang pananagutan sa bagay na ito na sa wakas ay nagpasiya siyang makipag-usap nang seryoso sa kanyang mahal na Margaret. Madalas niyang sinabing “dear Margaret”, ang saad ni Janetta, nang hindi naaayon sa kanyang kalooban. Para sa kanya “to her dear Margaret” ay isang alagang mag-aaral, isang palabas sa establisyemento: ang kanyang hangin ng perpektong pag-aanak ay nagbigay ng pagkakaiba, naisip ni Bb. Polehampton, sa buong paaralan; at ang kanyang kayumian, ang kanyang huwarang pag-uugali, ang kanyang kasipagan, at ang kanyang talento ay bumuo ng tema ng maraming panayam sa mga hindi gaanong magaling at hindi gaanong magagaling na mga mag-aaral. Sapagkat, kabaliktaran ng karaniwang inaasahan, si Margaret Adair ay hindi tanga, bagkus siya ay maganda at maganda ang ugali.Siya ay sobrang talino; siya ay may kakayahan para sa ilang mga sining at mga nagawa, at kapansin-pansing ang kanyang maselan na panlasa at ang katangi-tanging diskriminasyon na kung minsan ay ipinapakita niya ang kanyang sariling kakayahan. Hindi din siya kasing talino – (“hindi kasing talino,” sa minsang kaibigan niya) – tulad ng isang maliit na Janetta Colwyn, na ang maliksing talino ay nangalap ng kaalaman gaya ng isang bubuyog na nangolekta ng pulot sa ilalim ng mga hindi kanais-nais ng mga pangyayari. Si Janetta ay nag- aaral ng kanyang mga aralin habang ang iba naman ay natutulog sa iisang maliit na silid sa ilalim ng bubong; isang silid na gaya ng ice-house sa panahon ng taglamig at gaya ng huro sa panahon ng tag-init; palagi siyang huli sa kanilang klase at madalas nakaligtaan na magkasama sila nang buo; ngunit sa kabila ng ganitong kawalan, pinatunayan niyang isa siya sa mga nangunguna na mga mag-aaral sa kanilang dibisyon, at kung papayagan ang gurong-mag-aaral ang kukuha ng premyo, madala sana ang unang premyo sa paaralan. Ito, panigurado, hindi papayagan. Hindi sana “bagay” para sa maliit na tagamahalang mag-aaral na kunin ang mga premyo mula sa mga batang babae na ang mga magulang ay nagbabayad sa pagitan ng dalawa o tatlong daan sa isang taon para sa kanilang matricula (ang mga babayaran ay mataas, dahil ang paaralan ni Bb. Polehampton ay masyadong sosyal); kaya, ang mark ani Janetta ay hindi kabilang at ang kanyang mga gawain ay isinantabi at hindi nakasali sa paligsahan kasama ang iba pang babae, at ito ay naiintindihan ng mga guro, kung papanig ka kay Bb. Polehampton, mas mabuting huwag mong purihin si Bb. Colwyn, ngunit sa halip ay isulong ang mga merito ng ilang mga kaakit-akit na Lady Mary o Honorable Adeliza, at hayaan si Janetta sa dilim kung saan siya nakatadhana (ayon kay Bb. Polehampton). Sa kasamaang palad para sa layunin ng madre de pamilya ng paaralan, si Janetta ang paborito ng mga babae. Hindi man siya gaya ni Margaret; hindi man siya ang tinitingala at nirerespeto tulad ni Honorable Edith Gore; hindi naman siya sunud-sunuran ninuman gaya nina Ladies Blanche at Rose Amberley na simula pa noong pagtuntong nila sa paaralang iyon; ngunit siya ay kaibigan ng lahat, ang tumatanggap ng tiwala ng lahat, ang kabahagi ng kagalakan at kahirapan. Sa totoo lang si Janetta ay may hindi matatawaran na regalo ng simpatiya; mas nakakaintindi siya sa mga taong nakaranas ng paghihirap sa paligid niya kaysa sa mga taong mas matanda pa sa kanya; at siya ay maaliwalas at hindi mainitin ang ulo na ang kanyang presensya sa loob ng silid ay sapat na upang mapawi ang lungkot at sama ng loob. Siya ay, samakatwid, nararapat na maging sikat, at ginagawa ang lahat upang mapanatili ang karangalan ng paaralan ni Bb. Polehampton na dapat ito ang nababatid. At ang pinakamatapat kay Janetta ay si Margaret Adair. “Manatili ng ilang sandal, Margaret; nais kong makausap kita,” sabi ni Bb. Polehampton, nang may kamahalan, isang gabi, pagkatapos manalangin, ang mga batang palas ay nagpaalam na sa kanilang mga guro. Nakaupo ang lahat sa isang kahoy na upuan na nasa loob ng silid at sinakop ni Bb. Polehampton ang upuang may mahaba ang likod, may malambot na upuan at may mesa sa gitna habang binasa ang bahagi ng kasulatan kung saan natapos na ang araw. Nakaupo malapit sa kanya ang mga tagapamahala, Ingles, French, at German kasama si Janetta na nasa pinakapangit at pinaka-hindi magandang upuan. Pagkatapos manalangin, nagpa-alam na sina Bb. Polehampton at ang gurong si Rose kasama ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pakikipagkamay at paghalik. Malaking kaugnayan ang paghalik sa ganitong kaganapan. Hinihiling talaga ito ni Bb. Polehampton sa lahat ng mga mag-aaral tuwing gabi; upang maramdaman nilang nasa bahay lang sila, ito ang madalas sabi niya; at ang kanyang halimbawa ay siyempre sinusunod ng mga guro at mga bata. Isa sa pinakamatanda at pinakamatangkad sa kanilang paaralan si Margaret Adair, kadalasan siya ang pinakauna para pagpupugay ng gabing iyon. Itinala ni Bb. Polehampton ang kanyang napuna, bumalik siya sa kanyang upuan katabi ng upuan ng kanyang guro sa isang mahinahon na paraan – nakacross ang mga kamay sa pulso, nasa posisyon ang mga paa, ang ulo at balikay at maingat na itinayo, at ang mga mata ay nakatingin sa sahig. Sa ganoong katayuan, alam niyang si Janetta Colwyn ay may kakaiba, may nakakainis na tingin na pinaghalong saya at pagkabalisa sa likod ni Bb. Polehampton; para sa pangkalahatan ay kilala na ang isang lecture ay para sa mga batang babae na pipigilan pagkatapos ng panalangin, at hindi ito karaniwan na ang isang Margaret ay mapagalitan! Hindi man, si Bb. Adair, samakatwid, mukhang ililibing. Isang ngiti ang sumilay sa kanyang maliit na mukha ngunit agad itong napalitan ng isang simpleng tingin na na siyang dahilan ng isang ganap. Tiningnan at siniyasat ni Bb. Polehampton ang isang batang babaeng naghihintay nang may pag-alinlangan noong pinuno na ng mga kahuli-hulihang mag-aaral at guro ang isang silid. Nagustuhan talaga niya si Margaret Adair. Hindi lang ito nagbibigay-karangalan sa paaralan, mabait din ito, kalugod-lugod, babaeng-babae (tulad ng bansag ni Bb. Polehampton) at maganda kung tingnan. Si Margaret ay matangkad, payat, at mahinhin ang kanyang kilos; maganda talaga ang kanyang balat, at malambot ang kanyang buhok at maputlang ginto; ang kanyang mga mata, samakatwid, ay hindi asul, na siyang inaasahan ng lahat; ito ay kulay-kastanyo at may nakatalukbong na kulay kayumangging pilik-mata na nakatutunaw at nangangarap, mapupungay kung tingnan. Ang mukha nito ay may katamtamang haba at ikli na angkop sa kanyang ganda; ngunit nagbibigay sa kanya ng katulad kay Madonna na siyang nagbibigay ng katahimikan na siyang dahilan na marami ang humanga. Walang gustong ekspresyon sa kanyang mukha; ang pamumulaklak ng rosas ay iba sa isang salita, at ang kanyang manipis na labi ay madaling makadama gaya ng ninanais nito. Ang ibinigay ng kanyang mukha ay kung gaano ito ka- mapang-akit – kawalan ng hilig, siguro, ng kalakasan. Ngunit sa edad na labing-pito tinitingnan natin tamis at at kabaitan na mayroon si Margaret kaysa sa katangian nito. Ang kanyang suot ay napakasimple – ang karaniwang suot ng mga batang babae – sapagkat, maganda ang pagkakagawa nito, ganap na natapos ang bawat detalye, na siyang hindi pokus ni Bb. Polehampton nang hindi nababalisa na siya ay maayos manamit para sa isang mag-aaral. Ang iba ay nagsusuot ng maslin na gaya ng pagkakahabi at tekstura; ngunit ang karaning mata ay hindi nakatingin, ang madre de pamilya ng paaralan ay lubos na nakakaalam nito, gaya ng maliliit na frills sa leeg at pulso ang siyang pinakamahal na lasong Mechlin, na ang lupi ng damit na may hangganan na gayang material, gaya ng ito ang pinakakaraniwang bagay; na ang burdado na putting laso ay hinabi pa sa France para kay Bb. Adair. Naging balisa at hindi mapakali si Bb. Polehampton. Tumayo siya at tingnan si Margaret Adair na ilang sandali. Pagkatapos kinuha niya ang batang babae. “Umupo ka, mahal ko,” sabi niya nang masinsinan, “kausapin lang kita nang ilang sandali. Sana hindi ka napagod sa pagtayo mon ang matagal.” “Oh, hindi, salamat; hindi naman,” ang sagot ni Margaret, namumula ang kanyang pisngi at kinuha ang hawak na upuan ni Bb. Polehampton. Naiilang siya sa hindi inaasahang pakikitungo nito sa kanya. Ang madre de pamilya ng paaralan ay matangkad at hindi kaaya-ayang tingnan: ang kanyang pakikitungo ay hindi pangkaraniwan at medyo hindi natural para kay Margaret na makipag-usap nang mahinahon. “Mahal ko,” sabi ni Bb. Polehampton, “noong ipinagkatiwala ka ng iyong ina sa akin, siguradoakong isinaalang-alang niya na pananagutan ko ito anuman ang dinala mong impluwensiya dito ang ang pakikipagkaibigan mo sa ilalim ng aking pamumuno.” “Alam ng aking Mama na hindi ako masasaktan ng kahit sinong kaibigan ko dito,” saad naman ni Margaret na mahinahong nakakataba ng puso. Totoo ang kanyang sinasabi; natural ang pagkakasabi nito. “Kung ganoon,” pag-amin ng madre de pamilya. “Kung ganoon, mahal ko, kung pananatilihin mo ang iyong marka sa lipunang ito. Walang mag-aaral ng establisiyementong ito, nagpapasalamat ako, kung sino man ang hindi angkop sa pamilyang ito at ang target na maging kaibigan mo. Bata ka pa, and hindi alam kung anuman ang mga komplikasyong dulot ng mga tao na minsang naging bahagi ng buhay mo sa pamamagitan ng pakikipagkaibigan. Naniniwala ako at magsasabi sayo na pinagbawalan kita nito.” “Hindi ko alam na nagkakaroon ako ng hindi angkop o nababagay na kaibigan,” ang sabi ni Margaret, na may pagmamalaki. “Ganun – hindi, sana hindi,” sabad naman ni Bb. Polehampton kasama ang pag-aalinlangang pag-ubo. Naiintindihan mo, mahal ko, na sa establisiyementong tulad nito, ang bawat tao ay may nakalaan na trabaho na hindi pantay sa posisyon natin. Mga taong nasa mababang lebel at istasyon na siyang mag-aalaga sa mga batang babae at gagawa ng iilang trabaho. Ang mga taong ito, mahal ko na siyang kailangan mong malalapitan at sana ay mananatili ang iyong paggalang sa kanila at mabigyan sila ng konsiderasyon, hindi na kailangan, tulad ngayon, maging malapit mong kaibigan.” “Hindi naman ako nakipagkaibigan sa mga katulong,” mahinang saad ni Margaret. Naiinis naman si Bb. Polehampton sa pagkakataong ito. “Hindi ko sinasabing sa mga katulong,” matiim-bagang na pagkakasabi niya. “Hindi ko kinokonsidera si Bb. Colwyn na katulong, hindi, sigurado, payagan mong umupo siya sa mesang inuupuan mo. Ngunit mayroon lang akong hindi gusto sa tuwing magkasama kayo – “ Huminto siya, at si Margaret naman ang nagsalita nang hindi karaniwang desisyon. “Matalik kong kaibigan si Miss Colyn.” “Oo, mahal ko, iyan nga ang inireklamo ko. Hindi ka ba nakakita ng kaibigang ka-estado mon a hindi gaya ni Bb. Colyn?” “Mabuti naman siya gaya ko,” iyak ni Margaret. “Mabuti, mas mabuti, at taglay ang katalinuhan.” “May mga kakayahan siya