Professional Documents
Culture Documents
AP Grade4 Quarter4 Module Week3
AP Grade4 Quarter4 Module Week3
Araling Panlipunan 4
Ikaapat na Kwarter
Ikatlong Linggo
Kahalagahan ng Gawaing Pansibiko
Layunin
Balikan Natin
Panuto: Basahin ng mabuti ang mga pangungusap, Isulat sa sagutang papel ang K kung ang
isinasaad ay karapatan ng isang mamamayang Pilipino at T kungtungkulin.
1. Si Ana ay nakibahagi sa araw ng eleksyon sa pamamagitan ng matalinong
pagpipili kung sino ang iboboto.
2. Pinagsisikapan ni Leonor na tapusin ang kaniyang pag-aaral.
3. Nagtayo si Myrna ng isang maliit na tindahan sa harap ng kanilang bahay.
Unawain Natin
Karaniwang sinasakop ng kagalingang pansibiko ang mga usapin hinggil sa edukasyon, kalikasan,
kabuhayan, pampublikong serbisyo, at kalusugan. • May iba‘t ibang uri ng gawaing pansibiko. Maaari
itong gampanan ng sinuman, bata man o matanda, batay sakaniyang
1│
kakayahan. May dalawang mukha ng kabutihang naidudulot ang gawaing pansibiko. Isang mukha
nito ang kagyat napagtugon sa mga nangangailangan. Ang isa pa ay ang ang mahabang-panahong
dulot nito sa tao at sa bansa.
Mga Gawaing Pansibiko
Paano maaring makilahok ang mga mamamayan sa gawaing pansibiko?
1. Pakikilahok sa mga gawain sa pamayanan.
2. Pakikilahok sa mga gawaing pang-relihiyon.
3. Pagbibigay ng mga ambag/kontribusyon.
4. Paglahok sa gawaing pang-pulitika.
5. Pakikipaglahok sa mga usapan tungkol sa pamamahala at kaganapan sa kasalukuyan.
6. Panonood, pakikinig, at pagbabasa ng mga balita at pangyayari sa kapaligiran. Ilan sa
mga programa at proyektong maaring lahukan ng mga mamayan na may
kaugnayan sa gawaing pansibiko:
1. Clean and Green Campaign
2. Tree Planting Activities
3. Livelihood Seminar/Training
4. Feeding Program
5. Reforestation Program
6. Clean Up Drive
7. Waste Management Program
8. Literacy and Numeracy Program
lapat Natin
Ang mga sumusunod ay mga proyektong pansibikong nilalahukan sa pamayanang ating kinabibilangan.
Iguhit sa sagutang papel ang simbolo ng gawaing pansibikong inilalarawan sa bawat pahayag.
– Kalikasan – Pampalakasan
– Kalusugan – Edukasyon
Suriin Natin.
Piliin ang angkop na epekto ng kagalingang pansibikong nakatala sa ibaba bilang pag unlad ng ating
bansa. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ang mga mag aaral sa Paaralang Elementarya ng Don Bosco ay naglunsad ng kampanya laban sa
paggamit ng plastic at iba pang bagay na nakakasira sa ating kapaligiran. Ano ang magiging epekto
nito sa kapaligiran?
A. Magiging masipag ang mga magaaral.
B. Dadami ang mga magkakasakit na mga bata.
C. Patuloy ang mga tao sa pagtatapon ng basura sa paligid.
D. Magiging malinis at ligtas ang mga mag aaral laban sasakit.
2. Nagkaroon ng isang malaking sunog sa barangay ng El Dorado at maraming pamilya ang nawalan
ng tirahan. Sina Jean at Annie ay tumulong sa pamamagitan ng pagbibigay donasyon ng pagakain,
lumang damit at kumot.
2│
A. Maraming taong matutulungan sina Jean at Annie.
B. Matutuwa ang mga taga El Dorado sa dalawang bata.
C. Magiging ligtas sa sunog ang mga tao sa kanilanglugar.
D. Maraming tao ang aasa at hihingi ng tulong sa dalawang bata.
3. Nagkaroon ng palatuntunan na Buwan ng Pag iwas sa Sunog (Fire Prevention Month) kung saan
nagbibigay- diin sa mga tamang pamamaraan sa mga paraan ng pag iwas sa sunog.Ano ang magiging
epekto nito?
A. Maraming bisitang darating sa paaralan.
B. Magkakaroon ng sayawan at mahabang palatuntunan.
C. Makakaiwas ang mga mag aaral sa sakuna at sunog.
D. Magiging masaya ang mga mag aaral sa kanilangnatutunan.
Tayain Natin
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap at piliin ang tamang sagot ayon sa hinihingi ng bawat
sitwasyon.
1. Si Grace ay nakilahok sa clean-up drive sa kanilang lugar. Ano kayang gawaing pansibiko
ang sinalihan ni Grace?
A. Paglahok sa gawaing pang-pulitika.
B. Pakikilahok sa mga gawain sa pamayanan.
C. Pakikilahok sa mga gawaing pang-relihiyon.
D. Pakikipaglahok sa mga usapan tungkol sa pamamahala at kaganapan sakasalukuyan.
2. Bilang mag aaral ng ikaapat na baitang, paano ka makatutulong sa mga gawaing pansibiko sa ng
ating bansa sa panahon ng pandemyang ating nararanasan sakasalukuyan?
A. Pagtatanim ng mga puno sa mga gilid ng kalsada.
B. Paglilibre sa mga kaibigan sa mga mamahaling restawran.
C. Pagbebenta ng ticket para makalikom ng malaking halaga ng pera.
D. Pagtutulong sa pagpapanatili ng kalinisan ng sa loob at labas ng bahay.
4. Pinangunahan ng mga mag-aaral ng Mababang Paaralan ng Don Bosco ang pagsasagawa ng Proper
Waste Segregation Program. Bunga nito nabawasan nang malaki ang basura sa kanilang lugar. Ang
dating tambakan ng basura ay naging malinis. Ang mga mamamayan ay nagkaroon din ng
pagkakakitaan dahil sa basurang kanilang ni-recycle at ibinibenta.
Paano nito ipinapakita ang kahalagahan ng gawaing pansibiko sa bawat mamamayan?
A. Naging masipag ang mga taong walang trabaho at laging umaasa sa ayuda ng gobyerno.
B. Nagkaroon ng pagkakaabalahan at pagkakakitaan ang mga mamamayan sa kanilang lugar.
C. Naging matiwasay at maunlad ang buhay ng mga mamamayang nakatira sa kanilanglugar.
D. Nagkaroon ng bukas na puso upang magtulungan at pagkakaisa ang bawat mamamayang
makibahagi sa pagpapatupad ng programa na inilunsad sa kanilang lugar.
5. Alin- alin kaya sa mga sumusunod ang mangyayari sa ating bansa kung makikiisa sa
gawaing pansibiko ang mga mamamayan nito?
3│
I. Magiging maunlad at maayos ang buong bansa.
II. Maraming projekto at programa ang maisasakatuparan.
III. Magiging mayaman ang mga mamamayang nakatira sa atingbansa.
IV. Magiging limitado ang oras ng bawat tao sa kanilang sariling tahanan.
A. I at II
B. I, I, at III
C. I, II, at IV
D. Lahat ng nabanggit
Likhain Natin
LAYUNIN Makagawa ng simpleng imbitasyon sa pamamagitan ng poster para sa
mga batang tulad mo upang makalahok sa clean up drive ng inyong lugar.
Upang matulungan ka sa paggawa ng gawaing ito, maaari mong gamitin ang mga katanungan sa ibaba bilang
Pagkamalikhain May angkop at kawili- May mga guhit ngunit Hindi angkop ang mga
wiling larawang na mayroong hindi angkop larawang iginuhit.
ipinakita sa poster. sa hinihinging poster.
Kabuuang Puntos
4│