Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Dominic V.

Silvestre July 28,2022


BSC 1-6
Ang Lihim ng Pamilya Rizal
Reaction Paper
“Mga Lihim ng Pamilya ni Rizal”, ito ay isang dokumentaryo ni Howie Severino kung
saan ito ay nakatuon kung ano ano nga ba ang mga sikreto ng pamilya ni Rizal. Ang
mga dahilan kung bakit hindi sinama ni Rizal ang sangay ng pamilya ni Teodora Alonzo
sa kanyang ginawang family tree noong 1896, ang pagpapakulong ni Teodora Formoso
sa kapatid ng asawa nyang si Teodora Alonzo, ang ina ni Rizal, kung totoong anak ba
ni Teodora Alonzo si Soledad o sya nga ba ay bunga ng pangangaliwa ni Jose Alberto
kay Saturnina, ang hindi pagkalehitimo ni Teodora Alonzo bilang anak ni Lorenzo
Alonzo de Alberto at Paula Florentino, at ang pagpapagiba ng mansyon ni Teodora
Alonzo sa Biñan Laguna.
Unang una ako ay namangha sa lalim at detelyadong paksang sakop ng
dokumentaryong ito ni Howie Soverino, halatang pinagbigyan nila ito ng pansin para
mas lalo pang makilala natin ang kung ano nga ba historya ng pamilya ni Jose Rizal.
Habang ako ay nanonood ng dokumentaryong ako ay maraming natutunan na sa tingin
ko ay nagbibigay liwanag pa lalo sa katotohanan ng ating historya.
Sa totoo lang ako ay nagulat sa dami ng isyu sa pamilya ni Jose Rizal, hindi ko akalain
na ganito pala kagulo ang kanyang kanilakihang tahanan. Sa lahat ng mga isyu na
inilantad sa dokumentaryo, ang pinaka tumatak sa aking isipan ay kung totoo bang
anak si Solidad ni Teodora Alonzo, o sya ba ay bunga lamang pangangaliwa ni Jose
Alberto kay Saturnina. Kung ako ang tatanungin, ako ay naniniwala na si Soledad ay
hindi totoong anak ni Teodora Alonzo, dahil ang mga ebidensya na ipinakita sa
dokumentaryo ay masasabing halos tumpak at may mahusay na katwiran. Ayon sa
aking pagkakaintindi ng dokumentaryo, sa tingin ko ay masyado kasing, ayon sa
termino ng ingles, convenient, ang mga pangyayari, simula sa hinala o sabi-sabing
pangangaliwa ni Jose Alberto kay Saturnina, hanggang sa paguwi ni Teodora Alonzo
galing bakasyon na may dalang batang mestiza.
Sa lahat ng ito, mas lalo pang lumalim ang isyu ng pamilya ni Jose Rizal, nung nalaman
ko na si Teodora Alonzo, Jose Alberto at iba pa nilang kapatid ay hindi lehitimong anak
ni Lorenzo Alberto at Paula Florentino. Isa kaya ito sa dahilan kung bakit hindi sinama
ni Jose Rizal ang sangay ng pamilya ni Teodora Alonzo sa kanyang ginawang family
tree? Kung ako ang tatanungin, maaaring ito ang rason o sagot sa tanong iyan, pero sa
tingin ko rin ay kulang pa o hindi sapat na rason ito para hindi isama ni Jose Rizal ang
sangay ng pamilya ni Teodora Alonzo, siguro ay mayroon pa syang mga lihim na
gustong itago.
Sa isyu ng pagpapagiba ng mansyon na pagmamayari ng pamilyang Alonzo, sa tingin
ko ang konklusyon na ito na pagibain ay isang malaking maling desisyon. Marami ang
nagpoprotesta na huwag itong pagibain, at ako rin ay isa sa mga hindi sumsangayon sa
desisyong ito, bakit naman dapat sirain ito, ang mansyon na punong-puno ng histroya
ng pinaka magiting na bayani ng Pilipinas, para lang mapagtayuan ng isang pang
dayuhang coffee shop. Subalit ay dapat pa nga nating protektahan at ingatan itong
piraso ng ating malawak na histroya.
Ayon sa dokumentaryong ito masasabi natin na ang pamilya ni Jose Rizal ay
kumplikado at magulo. Ngayon, ito nga ba ay magiging problema para sa imahe ni Jose
Rizal? Hindi na ba sya isang magiting na bayani ng Pilipinas? Kung ako ang tatanungin,
ako ay hindi sang-ayon, sa tingin ko ito ay nagpapakita lamang na hindi mo kailangan o
mahalaga na ikaw ay galing sa isang perpektong pamilya upang maging isang
respetadong tao o bayani ng isang bansa. Kahit na may ganitong klaseng historya si
Jose Rizal, kailangan parin nating bigyan ng respeto ang mga bagay at sakirpisyong
ginawa nya para sa ating bansa.

You might also like