Radio Broad

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Tagumpay ng Kahapon

RADIOBROAD 2.0

MGA DETALYE….
Konsepto: Isang ina ang nagtratrabaho sa ibang bansa para sa kinabukasan kaniyang anak,
ngunit lingid sa kaalaman niya’y kabaliktaran ng kaniyang inaasam ang ginagawa ng
kaniyang iniwang pamilya sa Pilipinas
Tauhan: Dalawang babae at isang lalaki

Ina: Anak! Kumusta ka na jan? Nakuha muna ba yung pinadala ko?


Anak: Ah, oo! Anlaki nung pera a ma. Sakto, makakabili na ako ne’to ng laptop at telepono
ko.
Ina: Aba! Oo naman, anak. Basta’t para sa pag aaral mo, gagawin ko ang lahat para maibigay
ko ang mga pangangailangan mo.
Anak: Dapat lang naman ma kasi Karapatan ko yun noh.
Ina: Hah? Anak, bakit naman ganyan sasabihin mo.
Anak: Sige ma, ibaba ko na at may gagawin pa ako e (puputulin ang tawag)
Ina: Gusto pa kita maka usap e--- *toot* *toot* *toot* anak? Anak?
(Monologue: Haaay *Hingang malalim* pinutol na ng aking anak ang tawag, gusto ko pa
sana siyang maka usap ng mas matagal dahil namimiss ko na sila ng kaniyang ama. Dibale!
Ilang buwan nalang naman at makakasama ko na sila)
MUSIC IN (Huni ng mga ibon)
MUSIC OUT
Monologue
Ina: Tapos na ang aking kontrata, salamat sa Panginoon at makakauwi na ako. Pagkatapos
lahat ng hirap at sakripisyo ko sa ibang bansa, masisilayan ko na rin sa wakas ang mga
pinaghirapan ko. At ang importante sa lahat, gragraduate na ang anak ko sa susunod na araw
at siguradong masosorpresa ngayong uuwi na ako.
MUSIC IN….
MUSIC OUT….
Ina: Andito na ako sa harap ng bahay pero bakit parang antahimik ata? Nasaan ang mga
nakatira dito? Ah dibale kakatok nalang ako
*knock* *knock*
Door open
Anak (Uninterested): M-ma? N-nakauwi ka naman na pala?
Ina (Masaya ang tono ng boses): Anak ko! Salamat sa Diyos dahil sa wakas Nakita na rin kita
at magmula ngayon, makakasama na kita.
Anak (uninterested): Bakit ka umuwe? Paano nalang ang mga pangangailangan ko, paano mo
iyon ibibigay? Dapat doon ka nalang sa abroad, hindi ka rin naman kailangan dito e. Halla,
sige pasok ka na, pakisara nalang ang pintuan at matutulog muna ako. Pagod at puyat ako sa
paglalaro ko ng online games e.

Ina (gulat): Bakit ganoon ang anak ko? Wala na siyang respeto sa akin. Dahil ba iniwan ko
siya noong musmos palang siya? Bakit… Bakit parang napabayaan na siya? Bakit
nagkaganoon ang anak ko. Bakit?
MUSIC IN…
MUSIC OUT…
Lola: Pasensiya ka na anak. Pinilipit ko namang gabayan ang apo ko pero masyado siyang
nalulong sa online games. Kulang nalang ay hindi siya maligo at kumain sa isang araw…
minsan pa ay tagalang hindi na siya natutulog pa. at tama ang hinala mo anak, matagal ng
tumigil sa pag-aaral ang anak mo.
Ina: *crying*
Lola: Lahat ng ipinapadala mong pera sa akin ay kinuha niya lahat at inilulong sa bisyo at
pagbabarkada. Patawarin moa ko anak dahil wala akong nagawa. Patawad.
Ina: Halos mamatay na ako sa hirap at pagod sa ibang bansa para ibigay lahat ng
pangangailangan niya, pero bakit ganito? Ano pa bang pagkukulang ko? Hindi pa ba sapat
lahat ng sakripisyo ko? Wala akong kwentang----
Lola: Anak! Anak, anong nangyayari? Bakit ka nakahawak sa tapat ng puso mo? (sa malakas
na boses) Apo! Apo! Tumawag ka ng ambulansya! Yung nanay mo inaatake sa puso!
*Tumatakbo sound*
Anak: Ma? Ma? Anong nangyayari? Huwag mo akong iwan. *Iyak* Ma, parang awa mo na
po. Magbabago na ako ma. Narinig ko po lahat ng sinabi niyo kanina at nahimasmasan po
ako. Hindi pa huli ang lahat diba?
Ina: Pinapatawad ka n ani mama, anak. Nagmamakaawa ako saiyo.. a-ayusin m-mo ang b-
buhay mo. Gagabayan ka ni m-mama mula ngayon sa m-malayo. M-mahal na m-mahal kita
anak..
Anak: Ma! Ma! Huwag niyo po akong iwan. Ma!!!
MUSIC IN… (Ambulance Mobile)
MUSIC OUT… (Bird sound na)
Anak: Isa na ako ngayong matagumpay na inhinyero. Parang kalian lang noong pariwara pa
ako sa buhay. Parang kalian lang noong akala ko walang patutunguhan ang aking buhay pero
utang na loob ko ang lahat ng narating at mararating palang sa aking mahal na ina. Labis
akong nagsisi at alam kung kahit wala na siya ngayon sa aking tabi, alam kong masaya na
siya sa lahat ng matagumpay kong nakamit sa buhay.
Ma, salamat sa lahat. Miss na miss n akita. Nawa’y proud na kayo sa akin.

You might also like