Ang Kahalagahan NG Wikang Filipino Sa Aking Pagka

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Wikang Filipino sa aking Pagka-Pilipino

-Leo-

Ako ay pilipino! Isang parirala na kung saan ang mga tao sa bansang ito ay hindi
nahihiyang ipagsigawan sa buong mundo. Maraming mga makata, pilosopo, at
manunulat ang nagpahayag ng kanilang pananaw tungkol sa kahalagahan ng ating
wika at kung paano ito sumasagisag sa kung sino at ano tayo. Ayon sa isang
manunulat ang wika raw ay isang sistematik na balangkas na may tunog na pinipili at
isinasaayos sa paraang arbitari upang magamit ng mga taong may iisang kultura. Ang
iba naman ay nagsasabing ito raw ay kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng
pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan ang isang grupo ng mga tao. Ngunit,
naiintindihan ba talaga natin ang kakanyahan ng ating wika sa kabila ng iba- ibang
pagkahulugan ng ating wika?

Bilang isang Pilipino isa lamang ang masasabi ko. Ang wikang Filipino ay
sagisag ng aking pagiging isang Pilipino. Ang ugat ng ating pagka-Pilipino ay nasa ating
wika. Ayon sa isang kasabihan, nabubuhay ang tao sa daigdig ng mga salita. Ang ating
wika ay may layuning patatagin at palakasin ang ating pagka-Pilipino. Bilang isang
estudyante at mamamayan, ang wika ay isang makapangyarihang salik na
nagbubuklod sa ating lahat. Taon, dekada, at siglo. Ang pagkakaroon natin ng wikang
pambasa ay dumaan sa maraming yugto ng panahon Nariyang nakisalimuha natin ang
wikang Ingles, Kastila at Tsino. Bilang isang arkipelagong bansa, mayroon pang
napakaraming diyalekto. Kung tutuusin nga’y napakayaman ng Pilipinas kapag wika
ang pag-uusapan, nariyan ang Cebuano, Ilocano, Bicolano, Waray, Ilonggo at marami
pang iba. Gayunman, hindi naging madali para sa atin ang pagkamit ng ating wikang
pambansa. Maraming taon nating hinintay upang ganap nating matawag na atin ang
ating wikang pambansa.

Ang wikang pambansa na ating tinatamasa ngayon ay hindi natin makakamit


kung hindi dahil sa isang tao na siyang nagbigay daan upang tayong mga Pilipino ay
mapagbuklod. Ang “Ama ng Wikang Pambansa” Manuel L. Quezon. Sa pagdaan ng
mga taon, nahanap natin ang ating sarili na tangkilikin at gamitin ang iba`t ibang mga
wika sa punto na lahat tayo ay nahihirapang matuto at maunawaan ang ating sariling
atin. Sabi nga ni Jose P. Rizal, “ang hindi marunong magmahal ng sariling wika ay higit
pa sa hayop at malansang isda”. Lagi nating tatandaan na ang ating wika ay ang
sinturon na naglalapit sa atin sa bawat isa.

Kadalasang nakakalimutan ng mga tao ang kakanyahan ng ating sariling wika


dahil sa mga pamantayan ng lipunan. Iniisip ng mga tao na ang wikang Ingles ay ang
pamantayan, ang paggamit ng wikang ito ay nagpapatunay kung sino at ano tayo ngunit
ang lahat ay mga saloobin lamang ng mga taong hindi naintindihan ang kakanyahan ng
ating sariling wika.

Ang ating wika ay kasinghalaga ng ating sarili. Ang ating wika ay sumisimbolo sa atin
hindi lamang dahil sa nakatira tayo sa Pilipinas ngunit dahil tayo ay mga Pilipino. Isang
karangalan ang malaman, gamitin, at pahalagahan ang ating sariling wika.

Ang kapangyarihan na hawak ng ating wika ay hinahayaan nating makita ang


kagandahan ng kapayapaan, pag-unawa, pag-unlad at komunikasyon. Mas naging
malapit kami sa isa’t isa sa puntong hindi namin namalayan na magkakaugnay kami sa
isa’t isa. At sa patuloy kong pamumuhay, ang ating wika ay isang panggatong na
pumupuno sa aking kaluluwa.

Ngayong buwan ng Agosto, ating ipagdiwang ang Buwan ng Wika. Bigyan nating
halaga ang mga taong nagbigay pugay upang makamit natin ang ating wikang
pambansa na siyang tinatamasa natin ngayon.

At sa pagtatapos ko ng sanaysay na ito, Ang pagmamahal na mayroon ako para sa


ating bansa at ating wika, hindi ko na ito maipahayag sa mga salita. Itinuro sa akin ng
ating wika kung gaano kahalaga ang ating nakaraan at kung paano ito nakakaapekto sa
hinaharap. Ang mga pagbabago na nakasalamuha nating mga tao ay hindi dapat
magpalabo ng ilaw ng nakaraan na nagdala sa atin kung sino at ano tayo ngayon.
Tangkilikin natin ang sariling atin. Upang wakasan ang sanaysay na ito, nais kong
ibahagi ang aking paboritong quote ng isang taong lumaban nang labis para sa ating
bansa na humantong sa atin sa kalayaan at gumawa ng kasaysayan. Tulad ng apoy na
patuloy na nag-aalab. Hindi malilimutan ang kanyang pangalan.

“While people preserves its language; it preserves the mark of liberty.” Jose P. Rizal.

You might also like