Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 30

1

MGA HAMON SA KAKAYAHAN NG MGA MAG-AARAL SA PAG-UNAWA SA

PAGBASA NG PANITIKAN

Isang Tesis na Iniharap sa

Dalubhasang Lupon ng Paaralang Gradwado

Misamis University

Lungsod ng Ozamiz

Bilang Bahagi ng Pagsasakatuparan

ng mga Kinakailangan sa Titulong

Master of Arts in Education

Major in Filipino

CHRISTINE R. CUENTO

Disyembre 2020
2

Kabanata 1

PANIMULA

Kailanman, hindi matatawaran ang gampanin ng edukasyon bilang pangunahing salik sa

pag-unlad ng sarili at ng pangkalahatang aspeto ng buhay ng isang tao. Ito ang susing

tagapagbukas ng kanyang kinabukasan – isang maunlad na kabuhayan at masayang pamumuhay.

Ngunit, ang pagtamo ng mataas na antas ng edukasyon ay hindi nagaganap sa madaling paraan at

maikling panahon. Bawat mag-aaral ay responsable sa pagpapamalas ng puspusang pagsisikap sa

pagkatuto ng iba’t-ibang kasanayan

Kaugnay ng pagkatuto, ang pagbasa ay isa sa mga lubhang mahalagang kasanayan. Ito ay

isang paraan ng pagkilala, pagpapahalaga at pagtataya sa mga simbolong nakalimbag (Austero et

al. 2019). Sa tuwing nagbabasa ang isang indibidwal, hinahamon niya ang kanyang sarili na

lohikal na mag-isip .Samakatwid, ang ganap na kakayahan sa pagbasa ay katumbas ng pag-unlad

na rin ng antas ng edukasyon. Mapapansin na ang mga mag-aaral na may malawak na kaalaman

at pananaw sa iba’t-ibang disiplina, partikular na sa komunikasyon ng pagsasalita at pagsulat, ay

nagtataglay ng matatas na kakayahan sa pagbasa. (Baltazar, 2017). Naitala sa kasalukuyang

datos galing sa Department of Education, National Institute of Literacy (2018), pitong daan

pitumpu’t apat (774) milyon na mag-aaral sa buong mundo ang hindi makabasa, at 66 porsyento

sa non-readers ay babae. Ang pamilya ng mga mag-aaral na may mababang kinikita at

mababang pinag-aralan ay huli sa pagkatuto kaysa sa mga mag-aaral na may mataas na kinikita

at may mataas na pinag-aralan (Bell & McCallum2016). Sa pag-aaral ng Brazil, natuklasan na

may mataas na kaugnayan ang pag-unawa sa pagbasa (Dias, Montiel, & Seabra, 2016). Sa pag-

aaral sa Ireland (Snowling & Hulme (2016), itinala na ang mga kabataan na may mababang
3

kakayahan sa pagbasa, posible na mapabuti ang pagbasa sa pamamagitan ng pagpaunlad

kakayahan sa pakikinig, bokabularyo, at kakayahan sa pagsalaysay. Ang pag-aaral sa China sa

pagbasa ay nagpapakita na ang mga mag-aaral na nakatanggap ng iba’t ibang estratehiya sa

pagtuturo ay nakakukuha ng matataas na marka kaysa sa mga hindi nakaranas nito (Cekiso,

2017). Ang pag-unlad ng literasi ng Chile ay mahusay ngunit isa pa rin sa inaaalala ng mga

eksperto ang mababang kasanayan ng mga kabataan sa pagbasa (Meneses et al., 2017). Naitala

naman ng DepEd sa Pilipinas na nangunguna sa pinakamababa sa pitumpu’t siyam (79) na bansa

pagdating sa pag-unawa sa pagbasa sa Math at Science. Sa pag-aaral ni Tamor (2017) natuklasan

na masyadong nalantad ang mga mag-aaral sa gadgets at hindi nakatulong sa tamang gramatika

kaya napag-iwanan ang pagbasa. Ang pag-unawa sa binasa ay maaaring masukat nang maaga.

Nagpapakita na ang mga bata na may pagkaantala sa pagbabasa sa murang edad ay malaki ang

tsansa na magkaroon ng problema sa pagbabasa. Napatunayan din sa pananaliksik na ang late

talkers ay may tsansa na magkaroon ng mababang pagganap dahil karamihan sa mga mag-aaral

ay nakararanas ng maagang pagkaantala sa pagsasalita (Bless et al., 2016).

Ang pag-unawa sa teksto ay may malakas na kaugnayan sa tamang pagkilala ng mga

salita at kahusayan sa pagbabasa at pag-unawa sa binasa at mga prediktor sa akademikong

tagumpay. Dagdag pa rito, ang pananaw sa pagbasa ay isang makabuluhang prediktor sa

gagawing pag-unawa (Digala, 2017). Dapat taglay ng mag-aaral ang mataas na kasanayan sa

pagbasa upang maunawaan ang iba’t ibang babasahin. Ang pagkalantad sa mga babasahin ay

direktang nakaiimpluwensya sa kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbabasa at ito rin ay maaaring

makaapekto sa mga babasahin nila sa hinaharap. Sa gayon nakaaapekto ito sa kanilang pagkatuto

at pagtagumpay sa buhay (Roe, 2016).

Para matutong magbasa kailangan malaman ng mag-aaral ang pasalitang lenggwahe.

Nasa yugto ng mag-aaral ang hangaring matuto dahil bawat indibidwal may iba’t ibang estilo sa
4

pagkatuto.Bawat yugto sa kanilang pagkatao ay umuunlad. Gayunpaman, sa kabila ng kaunlaran

na maaaring maidulot ng pagbasa, marami pa ring mag-aaral na salat at kulang ang pang-unawa

dahil hindi makabasa. Nakababahala ang patuloy na paglobo ng bilang nila na hindi marunong

bumasa. Bahagi ng suliraning kaugnay ng mahinang komprehensyon sa pagbasa ng mga mag-

aaral ay nakasalalay sa kanilang mga istratehiya o pamamaraan. Ang mga teknik na ito ay

naglalayong matamo ang maayos at epektibong pagbasa.

Ngunit, higit na nakababahala na ang mga mag-aaral sa sekundarya ay nangunguna sa

pagbuo ng malaking bahagi ng problemang ito. Kapuna-puna na ang mga estudyante ng

ikapitong baitang ay may mahinang kasanayan sa pagbasa na dulot na rin ng mahinang

pundasyon na naitayo noong sila’y nasa elementarya. Buhat ng suliraning ito, sila ay karaniwang

hindi handa sa mga gawaing nangangailangan ng malawak na kasanayan.

Mula rito, nabuo ng kasalukuyang mananaliksik ang konsepto ng paggawa ng isang pag-

aaral na tutukoy sa mga hamon sa kakayahan ng mga mag-aaral sa pag-aaral sa pag-unawa sa

pagbasa ng Panitikan. Ang pagtukoy sa mga pamamaraan nila sa pagbasa ay makakatulong sa

pagtiyak ng antas ng kanilang komprehensyon. Sa pangkalahatan, ang pag-aaral na ito ay

magkapagdudulot ng malaking tulong sa mga mag-aaral, sa mga magulang, sa mga guro, sa mga

tagapamahala ng paaralan, at iba pang pananaliksik sa hinaharap

Batayang Teoritikal

May kaakibat na teoryang pinagbatayan upang malaman at masuri nang lubusan ang mga

pangyayari sa paksang pag-aaralan. Batay sa paksang pinag-aralan ng mga mananaliksik,

nilapatan ito ng “Direct Instructional Approach”.Maraming idinudulot na kapakinabangan ang

pagbabasa. Sabi nga sa wikang Ingles “Reading maketh the man”. Sa pamamagitan nito’y
5

nagiging mulat ang isang palabasa sa mga pangyayari sa kanyang kapaligiran. Mabisang

kasangkapan ng lubusang pagkatuto ang pagbabasa. Bunga nito, tayo’y nagkakaroon ng mga

bagong kaalaman, nalilibang o naaaliw at nagbabago ang kaasalan. Ang konstruktibong

pagdulog ay isang pagdulog sa pagkatutuo na magmungkahi na ang mga kabataan ay dapat

bumuo ng kanilang sariling pang-unawa sa mundo kung saan sila namuhay (Heilman, et al.,

2016).

Ang pagtuturo ay isa sa mga pinakakomplikadong gawain. Ito ay nangangailangan ng buong

atensyon, malalim na pag-unawa at masusing pag-iisip. Bilang isang guro, tungkulin nitong

maipahayag ng mabuti ang buong kaalaman na naituro sa mga mag-aaral kaya naman malaking

tulong ang pamamaraan na ito bilang tulay upang umunlad ang kasanayan ng mga mag-aaral na

nasa frustration level. Ang pagbibigay ng iba’t ibang kasanayan o gawain sa mga mag-aaral ang

mag-aahon sa kanilang suliraning kinakaharap. Makikita sa kanilang mga mata ang kagustuhan

na umunlad ang kanilang kasanayan sa pagbasa. Samantala, sa aklat ni Fritschmann, N. S.

(2017). na Sining ng Komunikasyong Panlipunan ay binanggit ang ilang teorya sa pagbasa.

Teoryang B o t t o m - U p , sinasabi sa teoryang ito na ang pagbabasa ay ang pagkilala ng mga

serye ng mga nakasulat na simbolo (stimulus) upang maibigay ang katumbas nitong tunog (tugon

o response). Ayon pa sa teoryang ito, ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa yugtu-yugtong

pagkilala ng mga titik, salita, parirala, at pangungusap ng buong teksto bago ang

pagpapakahulugan sa teksto. Ang teoryang ito ay tinatawag na "pagkilala sa salita" at ang teksto

ang tinatayang  pinakamahalagang elemento sa pagbasa. Teoryang  I s k e m a , sa teoryang ito,

pinaniniwalaang ang teksto ay walang kahulugang taglay sa sarili. Ito (teksto) ay nagbibigay

lamang ng direkson sa nakikinig o mambabasa kung paano gagamitin at magpapakahulugan

mula sa dating kaalaman. Ang "background knowledge" ang saligang kaalaman at ang kayariang

balangkas ng dating kaalaman ang iskemata. Sinasabi sa teoryang ito na ang lahat ng ating
6

natutuhan at naranasan ay nakalagak sa isipan at maayos na naihanay ayon sa kategorya. Ang

mga iskemang ito a patuloy na nadaragdagan, nalilinang, nadedebelop, nagbabago at ginagamit

natin sa pag-uugnay ng anumang  bagong karanasan. Ang mga iskema ay "kaha ng

impormasyon" na nabuo dahil sa ating mga karanasan sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Ang

mga iskema ay maaaring buuin ng iba't ibang  balangkas ng kaalaman. Ang teksto ang

pinakapokus para maunawaan ang binasa. Sa teksto (bottom) patungo sa tagabasa (up)

nagsisimula ang pag-unawa. Tinawag itong "outside-in" o "data driven" ni Smith (1983)

sapagkat ang impormasyon sa  pag-unawa ay hindi nagmula o nanggaling sa tagabasa kung di sa

teksto. Teoryang T o p - D o w n , sa teoryang ito, ang pag-unawa sa binasa ay nagsisimula sa isip

ng mambabasa (top) tungo sa teksto (down). Naimpluwensiyahan ang teoryang ito ng

sikolohiyang Gestalt na nagsasabing ang pagbasa ay isang "holistic process." Sinasabi sa

teoryang ito na ang tagabasa ay isang aktibong paartisipant sa proseso ng pagbasa na may dati ng

kaalaman na nakatanim/nakaimbak sa kanyang isipan at siya'y may sariling kakayahan na

kanyang ginagamit habang nakikipagtalastasan siya sa awtor sa  pamamagitan ng teksto. Ang

prosesong ito ay nagsisimula sa kaisipan ng tagabasa (top) patungo sa teksto (down) sapagkat

ang dati niyang kaalaman ang nagpapasimula ng kanyang pagkilala sa teksto at kung wala ito,

ang anumang babasahin niya ay hindi mabibigyang-kahulugan. "Inside-out o conceptually

driven" din kung tawagin ang teorang ito sa dahilang ang pag-unawa ay nagsisimula sa

mambabasa patungo sa teksto kung saan ang mga dating alam ng mambabasa ay iniuugnay sa

mga binanggit na ideya sa teksto ng awtor. Teoryang I n t e r a k t i b , binigyang-diin o

empasis ng teoryang ito ang pag-unawa bilang proseso at hindi bilang isang produkto. Paano

mararating ng mag-aaral ang gayong sagot (tama man o mali). Sinusuri natin ang mga proseso sa

kasagutan ng mag-aaral. Sa interaktibong prosesong ito, matutulungan ng guro ang mambabasa

upang lubos niyang maunawaan ang teksto. Sa Teoryang ito ay mahalaga ang larangan ng
7

metakognisyon na nahihinggil sa kamalayan at kabatiran sa taglay na kaalaman, gayon din sa

angking kasanayan at ang paghahatid sa mga kasanayang ito. Kaugnay sa pagbasa, nagpatupad

ng isang proyekto ang DepEd Region X ng Project CNR- Care for Normin Readers kung saaan

naglalayong maging independent reader sa pagbasa ng Mother Tongue, Filipino at English ang

mga mag-aaral matapos mapatunayan na mababang perfomans sa National Achievement Test

(NAT). Natuklasan ng lahat ng dibisyon ang pangunahing dahilan ng nakapanlulumong resulta

sa NAT ay ang kakayahan sa pagbasa ng mga mag-aaral. Ang mahinang pagbasa ay may

mahinang pagkatuto. “Pull-out” scheme ang ginamit ng proyektong CNR kung saan ang mga

frustration readers ay papasok sa reading session para matutong bumasa kasama ang reading

teacher. Mayroong 20 na mag-aaral sa isang klase kung saan tuturuan ng isang oras sa isang

araw.

Batayang Konseptwal

Ang pagbabasa ay ugali na nating mga tao. Ito’y bahagi ng ating pampalipas oras.

Madalas tayong nagbabasa upang makalikom ng mga impormasyon ukol sa ating hinahanap.

Ngunit dahil sa modernisasyon, ang lahat ay nagbago. Ang mga estudyante ngayon ay babad na

sa internet. Ni hindi na sila halos makabasa ng libro dahil ang katwiran nila may Internet na.

Nakaasa na sila sa mga websites na sa tingin ay makatutulong sa kanila. Kaya may mga

estudyante tayong ayaw magbasa, ayaw makipag-usap sa iba, tahimik lagi at walang sigla,

makulit ngunit walang masabi kung natawag magsalita. Madalas, sila ang nagiging dahilan kung

bakit umiinit ang ulo natin dahil pilit natin silang pinapalabas sa kanilang madilim na lungga.

Ang mga pangyayaring ito ang nagpamulat sa ating mga isipan na huwag ipawalang-bahala ang

sitwasyon na nangyayari sa kasalukuyan. Para mahasa ang pagbabasa, maraming mga estratehiya

ang makatutulon ng sa pagdebelop ng kanilang kakayahan sa pagbasa.


8

Ang mga mag-aaral ay binibigyan ng masaklaw na estratehiya na nakahiwalay at

kailangang busisiin ng mga guro sa pagbasa. Ang pagpapahusay sa pagbabasa ang pangunahing

kasangkapan para sa tagumpay ng bata. Nangangailangan ang pagbasa ng maraming katangian

sa pagpapaunlad tulad ng atensyon, memorya, wika at motibasyon. Ang pagbasa ay bahagi ng

gawaing sosyal. Ang mga istratehiya sa pagproproseso ng impormasyon ay iyong mga

impormasyong nasa isipan ng mambabasa (kaalamang semantika, kaalamang sintaktika,

kaalaman sa ugnayang graphophonic, halimbawa: pagpapantig, pagbaybay, at iba pa. Ang dating

kaalaman ay binubuo ng lahat ng karanasan at impormasyong nasa isipan ng tagabasa na

pantulong sa kahinaang sintaktik ng mambabasa. Ang pagbasa ang pinakapagkain ng ating utak

(mental food) sabi ni James Dee Valentine (2015). Sa maraming pagkakataon ay napatunayan na

natin na marami sa mga matatagumpay na tao ang mahilig sa pagbabasa. Ang pagkahilig sa

pagbabasa ay nadedebelop kung nagbibigay ang tao ng humigit-kumulang na tatlumpung minuto

araw-araw para sa gawaing pagbasa. Sa mga aklat at iba pang babasahin nakakukuha ng mga

ideya at mga salitang iniimbak sa utak. Nagbibigay-liwanag ang mga ito sa mga bagay na di

natin batid.

Bunga ng paglobo ng mga mag-aaral na napabilang sa frustration readers hindi lamang sa

Ozamiz kung hindi sa buong Pilipinas, nahikayat ang mananaliksik na pag-aralan ito. Makikita

sa iskima ng paradaym ng mananaliksik ang daloy ng pag-aaral. Tungkol sa mga hamon sa

kakayahan ng mga Frustration Readers sa pagtuturo ng Panitikang Filipino. Aalamin ng

mananaliksik kung ano ang mga hamon sa pag-unawa sa pagbasa ng panitikan ng mga dating

frustration readers sa nasabing paaralan.


9

Bilang mga mag-aaral ay napakahalagang malaman ang mga pamamaraan na maaaring

makatulong sa kanilang pagbasa. Ayon kay Bangon (2017) ang mga kagamitan o resources ay

isinasaalang-alang ang kahandaan at kasapatan ng mga ito sa pagbabasa.


10

Mga Hamon ng mga


Mag-aaral

Maraming
Trabaho sa Hindi
Kakulangan ng Tahanan at
Kakulangan ng
Nabigyan ng Masalimuot na
mga Materyal Kakulangan ng Patnubay at
Indibidwal na Paligid
sa Pagbasa Oras sa Gabay ng
Magulang Atensyon ng
Pagsasanay sa
Pagbasa
Guro

Pigura 1. Iskematik Dayagram ng Pag-aaral


11

Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga hamon sa kakayahan ng mga mag-aaral sa pag-

unawa sa pagbasa ng Panitikan.

Isinaalang-alang din ang mga sumusunod na mga tiyak na layunin:

1. Natutukoy ang mga mag-aaral ng Ozamiz City National High School.

2. Natutukoy ang mga hamon sa kakayahan ng mga mag-aaral ng Ozamiz City National High

School.
12

Kabanata 2

PAMARAAN

Pamaraang Ginagamit

Ginamit ng pag-aaral ang qualitative research design. Ito ay disenyo ng pag-aaral na

naglalayong umintindi sa pananaw ng tao sa mundong kanyang ginagalawan mula sa karanasan

nito na akma naman sa layunin ng pananaliksik na ito. Ang metodo naman na ginamit sa

pananaliksik ay impormal na pakikipanayam gamit ang cellphone at pagtatanong- tanong na

naglalayong makuha ng mananaliksik ang pananaw ng mga mag-aaral sa paraang

makakapagbigay sila ng saloobin at mga hamon sa paksa ng walang alinlangan. Ang disenyo

ding ito ay nagtangkang umunawa sa mga naranasan ng mga mag-aaral sa isang sitwasyon

(Moustakas, 1994).

Pananaliksik na Pangkapaligiran

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa Ozamiz City National High School ng Bernad St.

Lam-an, Ozamiz City. Ang nasabing paaralan ay may kabuuang 3,110 na populasyon mula

Grade 7 hanggang Grade 12 na mag-aaral. Sa ngayon pinamumunuan ito ni Gng. Lilibeth Y.

Abamonga, punongguro II. Ang paaralan ay binubuo ng 187 teaching at non-teaching personnel.
13

Pinanggalingan ng mga Datos

Ang mga sumagot sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral sa Ozamiz City National

High School mula Grade 7 hanggang Grade 12. Ang naging aktuwal na mga dating frustration

readers sa Filipino ay dalawampu’t apat (24) na mag-aaral. Mayroong dalawampu’t apat (24) na

mag-aaral sa Grade 7.

Instrumentong Ginamit sa Pagtitipon ng mga Datos

Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng panayam na instrumento sa paglikom ng datos sa

mga mag-aaral. Pagkatapos ang midyum ng panayam ay ang aktuwal na pakikipag-usap kung

saan sinunod ang mga Covid 19 health standards at protocols at magtatakda ng araw ang

kakapanayamin kung kailan at anong oras bakante.

Konsiderasyong Pang-Etika

Ang mga sumusunod na alitintunin sa etika ay sinunod sa pag-uugali ng

pananaliksik.Ang mga respondente ay napapahalagahan sa anumang paraan. Ang paggalang sa

dignidad ng mga sumasagot sa pananalisik ay inuuna. Ang buong pahintulot ay nakamit mula sa

mga sumagot. Ang proteksyon sa pagiging pribado ng mga sumagot sa pananaliksik, ang sapat

na antas ng pagiging kompidensyal ng datos ng pananaliksik. Bukod dito, ang panlilinlang at

pagpapalabis tungkol sa mga layunin at layunin ng pananaliksik ay iniwasan. Ang pagsali sa

anumang anyo, mga pinagkukunan ng pondo pati na rin ang anumang salungatan ng interes ay
14

ipinahayag. Ang anumang uri ng komunikasyon tungkol sa pananaliksik ay totoo, at anumang uri

ng pagtaliwas na impormasyon, pati na rin ang bahagi ng mga pangunahing natuklasan ng datos

sa isang sinang-ayunang paraan, ay iniwasan.


15

Kabanata 3

MGA RESULTA AT DISKUSYON

Aktuwal ang ginawang panayam sa mga mag-aaral ng Ozamiz City National High School

na sinunod ang Covid 19 health standards at protocols. Nagbigay ang mga kalahok ng kanilang

mga hamon sa pag-unawa sa pagbasa ng panitikan. Pito (7) ang babae at labing pito (17) ang

lalaki. Nakatuon ang pag-aaral na ito sa sumusunod na tema (1) kakulangan ng mga materyal sa

pagbasa; (2) maraming trabaho sa tahanan at kakulangan ng oras sa pagsasanay sa pagbasa; (3)

kakulangan ng patnubay at gabay ng magulang; (4) Hindi nabigyan ng indibidwal na atensyon ng

guro; at (5) Masalimuot na paligid .

Tema 1: Kakulangan ng mga Materyal sa Pagbasa

Isa sa mga materyal na mahalaga sa pagbasa ay ang aklat. Napapalawak nito ang

talasalitaan ng indibidwal dahil mga salita ang bumubuo rito. Dumarami din ang mga salitang

ating nagagamit sa pakikipagtalastasan (Digala, 2017). Ang aklat ay mahalaga dahil napapalusog

nito ang utak ng tao. Pinapaunlad nito ang memorya at pinapalawak ang imahinasyon. Habang

binasa natin ang mga salita nakakabuo tayo ng mga larawan ayon sa ating nabasa. May eksenang

nagaganap sa balintataw natin, kasabay ng pagbabasa.

Bilang mga mag-aaral maraming mga hamon ang kanilang naranasan pagdating sa

pagbasa. Isa sa balakid na sinabi ng mga kalahok ang kakulangan ng mga materyal sa pagbasa.

Nahirapan ang mga kalahok na bumasa nang maayos sa kadahilanang salat ang materyal sa

pagbasa. Ito ang naibahagi ng mga kalahok para sa pagsisiyasat na ito.


16

P1: Mayroon pero hindi ako makabasa kasi pag-uwi ko galing Gaisano ay pagod na at

matulog na lang pagkatapos kumain.

P2: Mayroong mga modyul pero walang tumulong sa akin kasi naglabada si Mama.

P5: Wala akong mga aklat kasi nawala pinaglaruan ng kapatid ko.

Nagiging balakid sa pagbasa ang kakulangan ng mga babasahin sa pagbasa. Isa ito sa

mga dahilan kung bakit nahihinto ang kakayahan ng mga mag-aaral na makabasa. Mahirap lalo

na sa mga mag-aaral na may kahinaan sa pagbasa ang kasalatan ng mga instrumento na magiging

gabay nila upang umunawa at maging matatas sa pagbasa. Ang kakulangan ng gabay sa kanilang

pagbasa ang resulta ng hindi pag-unlad upang makabasa nang mabilis at umunawa sa binasa.

Kapag hindi tayo nakakabasa nabibitak ang ating utak.

Tema 2: Maraming Trabaho sa Tahanan at Kakulangan ng Oras sa Pagsasanay sa

Pagbasa

Bawat isa ay may responsibilidad na ginagampanan lalo na ang mga mag-aaral upang

maging makabuluhan ang kanilang buhay sa mundong ibabaw. Bunga ng kahirapan, natutong

maghanapbuhay ang mga mag-aaral sa kanilang musmos na edad para mayroong maitulong sa

pamilya at maibsan ang gutom. Isa sa mga hamon na nagiging sagwil sa pagbasa ay dahil sa

maraming trabaho sa tahanan at kakulangan sa pagbigay ng oras sa pagbabasa. Kaunting oras sa

pagbabasa kaunting kaalaman at pag-unawa ang natatamo. Ito ang naipahayag na hamon sa

pagbasa ng mga kalahok:

P1: Pagkatapos magbihis, pumupunta ako sa labas ng Gaisano para magbantay ng mga

motor upang magkapera at may pambili ng pagkain sa bahay,

P2: Nagbabantay ako ng mga kapatid kong maliit pa kasi si Mama naglabada para

mayroon kaming pambili ng pagkain at gatas ng mga kapatid ko.


17

P5: Nag-iigib ako ng tubig sa kapitbahay para magkapera. Binigyan ako ng nagpapa-

igib ng sampung piso sa isang gallon ng tubig

Makikita sa mga kalahok na bunga ng kahirapan tumutulong sila sa kanilang pamilya

para may makain kaya napag-iiwanan ang pagbasa. Inuuna ang sagot sa gutom kaysa sa pagbasa.

Hindi na nabigyan ng pansin ang pagbasa sapagkat pagod na galing pagtulong sa pamilya para

may makain. Kinakailangan na magkaroon ng maraming oras sa pagbabasa para masanay ang

dila sa pagsasalita at pag-unawa sa binabasa. Sa halip na magkaroon ng pagsasanay sa pagbasa

sa tahanan hindi lamang sa paaralan ay hindi nabigyan ng panahon upang itong mga mag-aaral

ay makapagbasa. Naghanapbuhay sila para may maitulong at mabili nila ang kanilang gustong

bilhin na gamit. Sa halip na pagbabasa ng aklat ang kanilang tungkulin bilang kabataan

naghahanapbuhay bunga ng matinding kahirapan.

Tema 3: Kakulangan ng Patnubay at Gabay ng Magulang

Malaki ang tungkuling ginagampanan ng mga magulang sa kanilang anak sa pagbasa.

Sila ang gabay ng mga ito upang maipagpatuloy ang kanilang pagkatuto lalo na sa pagbasa.

Malaki ang epekto ng kanilang pagkatuto kung hindi nagabayan nang maayos ang kanilang sa

anak lalo na sa pagbabasa. Tungkulin ng mga magulang na alagaan at palakihin nang maayos

ang mga anak sapagkat karapatan ito ng mga kabataan ngunit taliwas ito sa resulta ng

pananaliksik na ginawa. Narito ang ilan sa naipahayag ng mga kalahok sa ginawang pagsisiyasat:

P1: Hindi ako tinulungan kasi abalang-abala si Mama sa paglalabada

P2: Hindi ako tinulungan sa pagbasa kasi pag-uwi ni Mama aalagaan pa niya ang
kapatid kong maliit.

P3: Minsan lang kasi pagod si Papa sa pagmamaneho ng motor at si Mama naman
pagod sa paglalabada at gabi na umuuwi.

P4: No read no write ang Tatay ko. Hindi ako naturuan sa pagbasa pag-uwi ng bahay.
18

Sinasabing obligasyon ng guro ang pagtuturo pero ang unang kaalaman ay nagsisimula sa

tahanan at ginagabayan ng mga magulang. Malaki ang epekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral

kung ang magulang ay “no read, no write”. Isa ito sa mga balakid kung bakit nahuhuli ang mga

mag-aaral na bumasa. Napag-alaman ng mananaliksik na ang mga magulang ng mga mag-aaral

ay hindi nakatapos ng Elementarya. Nagpapatunay lamang ito na hindi nila matutulungan ang

kanilang mga anak sapagkat mismong sila ay hindi makapagbasa nang maayos. Nagiging abala

din sila sa paghahanapbuhay para maipangtustos sa pang-araw-araw na pangangailangan at

aminadong hindi natutukan ang mga anak sa kanilang pag-aaral lalo na sa pagbabasa.

Tema 4: Hindi Nabigyan ng Indibidwal na Atensyon ng Guro

Ang mga guro ang pinakaimportanteng bahagi ng pagtuturo lalo na sa pagbasa. Ang mga

mag-aaral ay nangangailangan ng masinsinang gabay para malagpasan ang mga sagwil sa

pagbasa. Ang pagnanais na matuto sa pagbabasa ay dumedepende sa indibidwal. Hindi lamang

isang pamamaraan ang ginagamit sa pagtuturo ng pagbasa. Kailangan ng isang tagapagturo ng

mga estratehiya na angkop sa bawat mag-aaral. Isa sa mga hamon na naitala ay hindi nabigyan

ng indibidwal na atensyon ng guro. Narito ang resulta ng pagsisiyasat sa mga kalahok:

P2: hindi kami mafollow-up kasi busy ang guro.

P3: hindi ako natututukan kasi marami kami sa silid-aralan.

Hindi natutukan ng mga guro ang mga mag-aaral lalo na sa mga hindi marunong bumasa

sapagkat abala sila sa mga paper works na kailangang isumite. Resulta kaya hindi nakakabasa

ang mga mag-aaral. Naisaad din sa ikatlong kalahok na marami ang populasyon sa loob ng silid-

aralan kaya hindi nabigyan ng atensyon lalo na sa mga mag-aaral na hindi makabasa. Ang

paglobo ng populasyon at classroom congestion ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi
19

natutukan ang mga mag-aaral nang maayos. Minsan nahihirapan ang guro na pumunta sa

kabilang sulok dahil hindi makadaan bunga ng maraming populasyon sa loob ng silid.

Tema 5: Masalimuot na Paligid

Malaki ang epekto ng kapaligiran sa pagkatuto ng mag-aaral. Ang kilos at galaw ng isang

indibidwal ay repleksyon sa kapaligirang kanyang ginagalawan. Karamihan sa mga nakatira sa

iskwater ay may magulong kapaligiran. Marumi ang kapaligiran at magulong pamayanan ay may

malaking dahilan kung bakit naapektuhan sila sa kanilang tunguhin na makapagbasa nang

maayos. Ang dikit-dikit at masikip na bahay na nakikipag-umpukan ang maraming miyembro ng

pamilya ay nakaapekto sa kanilang pagkatuto. Mga gawaing tulad ng pagsusugal ang naroon sa

kanilang pamayanan. Ang pagkakawatak-watak ng pamilya ang isa rin sa makikitang hindi

magiging maayos ang pagkatuto ng mag-aaral. Naapektuhan ang kanilang pokus sapagkat

walang gagabay sa kanila sa pagbabasa. Bagay na lantad na lantad sa henerasyon ngayon kaya

ang mga anak ang unang naapektuhan. Sa paaralan naman, makikitang siksikan sila sa loob ng

silid-aralan kaya hindi natuto nang maayos dahil sa ingay na dala ng maraming mag-aaral sa

loob. Hindi natutukan kung ano ang ginagawa ng bawat indibidwal habang nagtatalakay ang

guro dulot ng maraming populasyon. Kaya napag-iiwanan ang mga mag-aaral na may kahinaan

sa pag-intindi lalo na sa pagbasa.


20

Kabanata 4

BUOD, RESULTA, KONKLUSYON, AT MGA REKOMENDASYON

Buod

Ang pag-aaral ay ginawa sa paaralan ng Ozamiz City National High School. Ang

desinyong ginamit sa pag-aaral na ito ay kwalitatibong pagdulog. Ito ay disenyo ng pag-aaral na

naglalayong umintindi sa pananaw ng tao sa mundong kanyang ginagalawan mula sa karanasan

nito na akma naman sa layunin ng pananaliksik na ito. Ang metodo naman na ginamit sa

pananaliksik ay impormal na pakikipanayam gamit at pagtatanong- tanong na naglalayong

makuha ng mananaliksik ang pananaw ng mga mag-aaral sa paraang makakapagbigay sila ng

saloobin at mga hamon sa paksa ng walang alinlangan. Ang dalawampu’t apat na mag-aaral ang

mga respondente sa pag-aaral na ito. Ang layunin ng pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod: (1)

Natutukoy ang mga mag-aaral ng Ozamiz City National High School. (2) Natutukoy ang mga

hamon sa kakayahan ng mga mag-aaral sa pag-unawa sa pagbasa ng panitikan.

Resulta

1. Ang mga respondente ay ang mga mag-aaral ng taong 2019-2020 ng Ozamiz City

National High School.

2. Ang mga hamon sa kakayahan ng mga mag-aaral ay ang sumusunod: (1) kakulangan ng

mga materyal sa pagbasa; (2) maraming trabaho sa tahanan at kakulangan ng oras sa

pagsasanay sa pagbasa; (3) kakulangan ng patnubay at gabay ng magulang; (4) Hindi

nabigyan ng indibidwal na atensyon ng guro; at (5) Masalimuot na paligid .


21

Konklusyon

Ang mga hamon na kinakaharap ng mga mag-aaral sa pagbasa ng panitikan ang daan

upang mas lalong tutukan pa hindi lamang ng mga guro kung hindi pati na rin ng mga magulang

upang makatamasa nila ang pag-asam na makabasa. Sa pamamagitan ng pagbabasa at palaging

masipag sa pagbabasa ang susi upang mawala ang mga balakid na kinakaharap ng mga ito sa

tulong ng mga kagamitang pampagtuturo na kung saan mapukaw ang kanilang atensyon mula sa

iba’t ibang mga pamamaraan na ginamit. Ang pagiging masipag sa pagbabasa ang magiging

daan para makamit ang minimithi at sinasabing nasa pagbasa ang pag-asa.

Rekomendasyon

Inirerekomenda ng mananaliksik na ang mga guro ay gumamit ng mga paraan ng

pagtuturo kung saan ang mga mag-aaral ay mabigyan ng pagkakataon na magbasa ng pasalita.

Gumamit din ang guro ng iba pang mga paraan upang malinang ng mga mag-aaral ang

bokabularyo sa pagbasa ng panitikan. Ang mga mag-aaral ay hinihikayat na magbasa pa ng iba’t

ibang panitikan upang mapalawak ang bokabularyo at mapaunlad ang kanilang imahinasyon sa

pamamagitan ng pagbabasa. Ang mananaliksik ay hinikayat na magsaliksik ng iba pang mga

paraan upang maging mahusay na mambabasa at may pag-unawa sa kanilang binasa.


22

Appendix A

Talatanungan sa mga Mag-aaral


Pambungad na Katanungan:

1.Ilang taon ka na?

2.Ano ang natapos ng iyong mga magulang?

3.Anong oras ka nagbabasa at ilang beses ka bumabasa sa isang araw?

1. Anong aklat ang gusto mong basahin?

2. Sinong miyembro ng pamilya mo ang tumutulong sa iyo sa pagbabasa?

Kalagitnaan na Katanungan

1.Ano- anong mga hamon ang iyong naranasan sa pag-unawa ng panitikan?

2.Ano- anong mga pantulong na gawain ang binigay ng iyong guro sa pagbasa sa pang-
unawa sa pagbasa ng panitikan?

3.Mayroon bang nakalaan na remedial classes sa inyo? Kung meron, gaano kadalas ka
pumapasok sa remedial classes?

Pangwakas na Katanungan

1.Paano mo nalagpasan ang mga hamon sa pag-unawa sa pagbasa ng panitikan?

2.Paano nakatulong ang mga pantulong na gawain sa pagbasa na ibinigay ng iyong guro?

3.Paano mo mailarawan ang iyong pakiramdam pagkatapos mong bumasa at umunawa ng


isang babasahin?
23

Appendix B

Tugon ng mga Respondente

Participant Responses

Participant 1

14 taong gulang na po ako . Ang natapos ng magulang ko ay elementarya at ang aking


papa naman ay sekondarya.Nag-umpisa akong magbasa ay 9:00 ng umaga. Isang beses lang ako
bumabasa sa isang araw. Ang aklat na gusto kong basahin ay Filipino. Ang ate ko ang nagtuturo
sa akin magbasa. Ang pag-unawa sa aking binasa.. Binigyan ako ng mga word games. Wala.
Ang mga hamon sa pagbasa ng panitikan ay ang pag-unawa nang husto sa binasa. Nalagpasan ko
ang mga hamon sa pagbabasa palagi. Nakatulong ang pantulong na gawaing nangangailangan ng
sapat na kasanayan tulad ng mga ideya at kaisipan sa mga nakalimbag na simbolo. Palaging
maging positibo sa iyong mga pag-iisip at masaya.

Participant 2

14 taong gulang na po ako. Ang natapos ng aking mga magulang ay elementarya. Isang
beses lamang ako nagbabasa tuwing alas 8 ng umaga. Ang aklat na gusto kong basahin ay
Filipino. Sa ngayon tiyahin ko ang kasama ko sa pagbabasa. Ang pagbasa ng mga salita at pag-
unawa sa binasa. Mga Word games ang binigay ng guro sa akin tulad ng mga crossword puzzles.
Wala. Unawain ng mabuti ang iyong binabasa para malagpasan mo. Nakatulong ito sa akin dahil
may natutunan akong aral. Masaya ako dahil nalampasan ko ang aking binabasa .

Participant 3

Ako po ay 15 taong gulang. Ang natapos ng aking mga magulang ay elementarya.


Tuwing alas 7 ng gabi ako nagbabasa. Filipino ang gusto kong basahin. Ang mama ko ang
nagtuturo sa akin. Ang pag-intindi sa mga salita ang hamon na aking kinakaharap. Binigyan ako
ng mga Kuwento. Wala. Nalagpasan ko ang mga hamon sa pagbasa ng panitikan sa
pamamagitan ng pag-intindi sa binabasa. Nakatulong ang mga pantulong na gawain sa pagbasa
sa pamamagitan ng pagbibigay ng aral. Pagkatapos kong bumasa at umunawa ng babasahin
gumaan ang aking pakiramdam.
24

Participant 4

Ako po ay 13 taong gulang. Ang natapos ng aking ina ay Grade 1. Ang tita ko ang
nagtuturo sa akin sa pagbabasa. Tuwing alas 9 ng umaga kami nagbabasa. Mga Kuwentong
Pambata. Ang pag-unawa sa aking binasa ang mga hamon na aking kinakaharap at pagbasa nang
maayos sa mga salita. Nagbigay ang guro namin ng mga gawain tulad ng salitawikain at mga
word puzzles. Wala. Nalagpasan ko ang mga hamon sa pamamagitan ng pagsipag magbasa.
Nakatulong ito na maunawaan ko ang aking binasa. Masaya sapagkat may nalaman akong mga
bagong salita habang ako’y nagbabasa sa tulong ng aking tita.

Participant 5

14 taong gulang na po ako. Ang natapos ng aking ina ay elementarya at ang aking ama ay
college level. Nag-umpisa akong magbasa tuwing 8:30 ng umaga at 8:00 ng gabi. Mga alamat
ang gusto kong basahin. Ang ate ko ang nagtuturo sa akin magbasa. Ang mga hamon na
naranasan ko sa pagbasa ay ang pag-unawa sa aking binabasa. Ang mga gawaing binigay ng
guro ay mga kuwentong pambata at talahulugan. Wala, Nalagpasan ko ang mga hamon sa
pamamagitan ng pagtiyagang magbasa. Nakatulong ito para maunawaan ko ang aking binasa.
Ako’y natutuwang bumasa at maganda ang mensahe ng kuwento.

Participant 6:
14 taong gulang na po ako. Elementarya ang natapos ng mga magulang ko. Alas 7 ng
gabi ako nagbabasa kasi may trabaho ang mga magulang ko at isang beses lang akong
nagbabasa. Pinocchio ang paborito kong basahin. Ang ina ko ang tumutulong sa pagbabasa.
Pagbasa nang maayos at pag-intindi sa aking binasa ang mga hamon na aking naranasan.
Binigyan ako ng mga Kuwentong Pambata. Wala. Sa pagbasa at paglaan ng oras para
matutuong bumasa. Nakatulong ang mga gawain dahil may nalaman akong mga bagong salita.
Masaya dahil mayroon akong naintindihan sa aking binabasa.

Participant 7:

15 taong gulang na po ako. Elementarya ang natapos ng aking mga magulang. Alas 7 ng
gabi ako nagbabasa at isang beses lang ako nagbabasa sa isang araw. Ibong Adarna ang
paborito kong basahin. Ang aking ate ang tumutulong sa akin. Ang pagbasa nang maayos at
pag-intindi sa binasa ang mga hamon na aking naranasan sa pag-unawa ng panitikan.
Pagbibigay ng mga kuwento. Wala. Nalagpasan ko ang mga hamon sa pagbabasa palagi.
Nakatulong ang mga gawain sa pag-unawa ko sa pagbasa. Masaya dahil mayroon na akong
naintindihan sa aking binabasa.

Participant 8:

14 taong gulang na po ako. Ang natapos ng aking mga magulang ay Elementarya.


Nagbabasa ako tuwing alas 11 ng umaga at isang beses lang ako nagbabasa. Ang gusto kong
basahin na aklat ay Filipino. Ang kuya ko na Grade 11 ang tumutulong sa akin sa pagbabasa.
Pag-unawa sa aking binabasa ang hamon na aking naranasan sa pagbabasa. Nagbigay ang guro
ko ng mga word games at pagbigay ng mga materyal sa pagbasa. Ang kuya ko lang nag
25

nagpapabasa at katabi kami. Wala. Nalagpasan ko ang mga hamon sa pamamagitan ng sa


pagsunod ng tuntunin at pagsisipag sa pagbasa. Nakatulong ito ng malaki dahil may nalaman ako
na mga bagong salita at mga bagong kuwento na hindi pamilyar sa akin. Masaya dahil may
natutunan ako sa araw-araw na pagbabasa.

Participant 9:
14 taong gulang na po ako. Elementarya ang natapos ng aking magulang. Alas 8 ng
umaga ako nagbabasa at natatapos ng alas 9:30 ng umaga at isang beses lang ako nagbabasa sa
isang araw. Cinderella ang aklat an gusto kong basahin. Ang tiyahin ko ang nagtuturo sa akin sa
pagbabasa. Ang mga hamon na aking naranasan sa pag-unawa sa pagbasa ng panitikan ay ang
pag-intindi sa aking binabasa dahil ang mga salita ay bago para sa akin at hindi ko alam ang
kahulugan. Binigyan ako ng talasalitaan. Wala. Nalagpasan ko ang mga hamon sa pag-unawa sa
pagbasa ng panitikan sa pamamagitan ng pagbabasa araw-araw. Nakatulong ito ng malaki dahil
may nalaman akong mga bagong salita. Gumaan ang aking pakiramdam at masaya dahil unti-
unti ko ng naiintindihan ang aking binabasa.

Participant 10:

15 taong gulang na po ako. Ang aking ina ay Sekondarya at ang aking ama ay
Elementarya. Nagbabasa ako ng aklat tuwing alas 7 ng gabi at isang beses lang ako nagbabasa.
Ang aklat na gusto kong basahin ay Filipino. Ang ina ko ang tumutulong sa akin sa pagbabasa.
Ang mga hamon na aking naranasan sa pag-unawa ng panitikan ay ang pag-intindi sa kuwento
dahil hindi pamilyar ang mga salita. Ang mga pantulong na gawain na binigay ng guro ko ay
binigyan kami ng mga kuwento at talasalitaan. Wala sa ngayon dahil Covid, walang face to
face. Nalagpasan ko ang mga hamon sa pag-unawa sa pagbasa ng panitikan sa pamamagitan ng
pagtitiyaga sa pagbasa. Nakatulong ito ng malaki dahil may kahulugan ang mga saliltang may
malalim na kahulugan. Masaya dahil may natutunan ako sa aking pagbabasa.

Participant 11
14 taong gulang na po ako. Elementarya ang natapos ng aking mga magulang. Tuwing
alas 8 ng gabi ako nagbabasa dahil nagtatrabaho pa ang aking tiyahin at isang beses lang akong
nagbabasa sa isang araw. Filipino ang aklat na gusto kong basahin. Ang tiyahin ko ang
tumutulong sa akin sa pagbabasa. Ang mga hamon na aking naranasan sa pag-unawa sa pagbasa
ng panitikan ay pag-intindi sa mga salita at sa aking binabasa. Binigyan ako ng mga gawain
tulad ng talahulugan at pinabasa sa akin ng aking tiyahin. Wala sa ngayon. Nalagpasan ko ang
mga hamon sa pamamagitan ng pagbabasa araw-araw. Nakatulong ito ng malaki dahil may
nalaman akong bagong salita. Masaya akong nakakabasa at nakakaunawa nito dahil nadagdagan
ang aking kaalaman.

Participant 12:
16 taong gulang na po ako. Elementarya ang natapos ng aking mga magulang. Alas 9 ng
umaga ako nagbabasa pagkatapos ng mga gawaing bahay at isang beses lang ako nagbabasa sa
isang araw. Ang aklat na gusto kong basahin ay English at Filipino. Ang Ate ko ang tumutulong
sa akin sa pagbabasa. Ang mga hamon na aking naranasan sa pagbabasa ay pag-unawa sa aking
binabasa. Binigyan ako ng guro ng mga gawain tulad ng mga Word Games at Think, Pair
Share. Wala. Nalagpasan ko ang mga hamon sa pamamagitan ng palaging pagbabasa ng mga
kuwento. Nakatulong ng malaki ang mga gawain dahil nalaman ko ang kahulugan ng mga
salitang binigay. Ako po’y nasiyahan dahil natutuhan ko ang aral ng kuwento
26

Participant 13:
14 taong gulang na po ako. Elementarya ang natapos ng aking mga magulang. Tuwing
alas 6 ng gabi ako bumabasa at isang beses lang ako bumabasa sa isang araw. Filipino at
Science ang aklat na gusto kong basahin. Ang ate ko ang tumutulong sa akin. Ang mga hamon
na aking naranasan sa pag-unawa sa pagbasa ng panitikan ay pag-unawa sa kahulugan ng mga
salita. Binigyan ako ng mga ginupit na mga salita tapos inilagay ko sa aking kuwaderno at mga
kuwentong pambata. Wala. Nalagpasan ko ang mga hamon sa palaging pagbabasa. Nakatulong
dahil nalaman ko ang aral sa aking binabasa. Natutuwa ako dahil may natutunan ko sa aking
binabasa.

Participant 14:
15 taong gulang na po ako. Elementarya ang natapos ng aking mga magulang. Tuwing
alas 8 ng umaga hanggang alas 9:30 ng umaga at alas 6:30 ng gabi hanggang alas 7:30 ng gabi.
Dalawang beses ako nagbabasa sa isang araw. Filipino at Araling Panlipunan ang gusto kong
basahin. Ang Ate ko ang tumutulong sa akin sa pagbabasa. Ang mga hamon na aking naranasan
sa pag-unawa ng panitikan ay pag-unawa sa aking binabasang mga salita. Nagbigay ang guro ko
ng mga Flash Cards na may lamang mga salita at pinabasa sa akin ng Ate. Wala. Nalagpasan ko
ang mga hamon sa pamamagitan ng pag-unawa at pagtiyaga na bumasa. Nakatulong ng malaki
dahil natuto akong umunawa. Gumaan ang aking pakiramdam at natutuwa.

Participant 15:
15 taong gulang na po ako. Elementarya ang natapos ng akong ina. Alas 10 ng umaga ako
nagbabasa at isang beses lang ako nagbabasa sa isang araw. Mga Fairytales ang gusto kong
basahin. Ang Tiyahin ko ang tumulong sa akin sa pagbasa. Ang mga hamon na naranasan ko sa
pagbasa ay pag-unawa sa aking binabasa at pagbigkas nang wasto sa mga salita. Binigyan ako ng
mga crossword puzzles, scrabbles at mga kuwentong pambata. Wala, Nalagpasan ko ang mga
hamon sa tulong ng tiyahin ko dahil tinuruan akong umunawa sa binasa. Nakatulong ito na
matuto akong umunawa at bumasa. Masaya dahil may mga aral akong napulot at naunawaan ko
ang kuwento.

Participant 16:
13 taong gulang na po ako. Elementarya ang natapos ng mga magulang ko. Alas 8 ng
umaga hanggang 9 ng umaga at isang beses lang ako bumasa sa isang araw. Mga alamat ang
gusto kong basahin. Ang Ate ko ang tumutulong sa akin sa pagbabasa. Ang mga hamon na
aking naranasan sa pag-unawa ng panitikan ay pag-intindi sa binabasa. Binigyan ako ng mga
gawain tulad ng Telling Boards at Think Pair Share. Wala. Nalagpasan ko ang mga hamon sa
pag-unawa sa pagbasa ng panitikan sa pamamagitan ng pagbabasa ng maraming kuwento.
Nakatulong ito sa pamamagitan ng napapadali ko ang pag-intindi sa mga mahihirap na salita.
Nasiyahan ako dahil may natutunan ako na aral sa kuwento

Participant 17:
14 taong gulang na po ako. Elementarya ang natapos ng mga magulang ko. Alas 8 ng
umaga at isang beses lang ako nagbabasa sa isang araw. Mga Epiko ang aklat na gusto kong
basahin. Ang Kuya ko ang nagtuturo sa akin sa pagbabasa. Ang mga hamon na naranasan ko sa
pag-unawa ng panitikan ay ang pag-intindi sa kahulugan ng mga salita. Binigyan ako ng mga
Word Boards at kopya ng mga kuwento. Wala. Nalagpasan ko ang mga hamon sa pamamagitan
27

ng pag-aaral ng mabuti. Nakatulong ito na maunawaan ko aking binasa. Ang sarap pala kung
naintindihan mo ang buong kuwento.

Participant 18:
14 taong gulang na po ako. Sekondarya ang natapos ng magulang ko. Tuwing alas 9 ng
umaga ako nagbabasa at isang beses lang ako sa isang araw nagbabasa. Filipino at Mapeh Ang
gusto kong basahin. Ang Lola ko ang tumutulong sa akin sa pagbasa. Pag-intindi sa binabasa
ko. Binigyan ako ng gawain tulad ng Word Games. Wala. Nalagpasan ko ang mga hamon sa
pamamagitan ng pag-unawa sa binasa at pag-aaral araw-araw. Nakatulong ito para maunawaan
ko ang kahulugan ng mga salita. Masaya dahil may natutuhan akong leksyon.

Participant 19:
16 taong gulang na po ako. Elementarya ang natapos ng aking mga magulang. Alas 9 ng
umaga ako nagbabasa at isang beses lang ako nagbabasa sa isang araw. Mga kuwentong
pambata ang aklat na gusto kong basahin. Ang Tiyahin ko ang nagtuturo sa akin sa pagbabasa.
Ang mga hamon na naranasan ko sa pagbabasa ay pag-intindi sa nilalaman ng kuwento at mga
salita. Binigyan ako ng gawain tulad ng talahulugan. Wala. Nalagpasan ko ang mga hamon sa
pag-aaral nang mabuti araw-araw. Nakatulong ito upang matuto akong bumasa at umunawa sa
aking binasa. Masaya dahil may napulot na aral sa binasa.

Participant 20:
14 taong gulang na po ako. Elementarya ang natapos ng mga magulang ko. Tuwing alas
10 ng umaga ako nagbabasa at isang beses lang sa isang araw. Filipino ang aklat na gusto kong
basahin. Ang kuya ko ang nagtuturo sa akin sa pagbabasa. Ang mga hamon na aking naranasan
sa pag-unawa sa panitikan ay pag-unawa sa mga salita. Binigyan ako ng maraming mga salitang
may kahulugan at mga word games. Wala. Nalagpasan ko ang mga hamon sa pag-unawa ng
panitikan sa pamamagitan ng pagsipag sa pagbasa at pag-intindi sa binabasa. Nakatulong ito na
maintidihan ko ang aking binasa mula sa mga salitang ibinigay. Nadadala ka sa daloy ng
kuwento.

Participant 21:
15 taong gulang na po ako. Elementarya ang natapos ng aking mga magulang. Tuwing
alas 9 ng umaga akong nagbabasa at isang beses lng ako nagbabasa sa isang araw. Filipino ang
aklat na gusto kong basahin. Ang Kuya ko ang tumutulong sa akin sa pagbabasa. Ang mga
hamon na naranasan ko ay ang pag-unawa sa aking binabasa at pagbigkas sa mga salita.
Binigyan ako ng mga gawain tulad ng mga Kuwentong Pambata at Marungko Booklet. Wala.
Nalagpasan ko ang mga hamon sa pamamagitan ng pagbabasa araw-araw para maunawaan ko
ang aking binabasa. Nakatulong ito ng malaki dahil natutuhan ko ng bumasa ng mahusay.
Masaya dahil nakakabasa at nakakaunawa na ako ng mga aral sa kuwento.

Participant 22:
15 taong gulang na po ako. Elementarya ang natapos ng mga magulang ko. Tuwing alas 6
ng gabi ako nagbabasa at isang beses lang sa isang araw. Filipino at English ang aklat na gusto
kong basahin. Ang tiyahin ko ng tumutulong sa akin sa pagbabasa. Ang mga hamon na aking
naranasan sa pagbabasa ay pag-unawa sa mga salita at buong kuwento. Ang pantulong na
gawain na binigay ng aking guro ay mga kwentong pambata at Marungko Booklet.Wala.
Nalagpasan ko ang mga hamon sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita at mga kuwento.
28

Nakatulong ang mga gawain na maitindihan ko ang mga salita at malaman ko ang mga aral na
nakuha sa kuwento. Masaya dahil masarap pala magbasa kung naiintindihan mo ang iyong
binasa.

Participant 23:
14 taong gulang na po ako. Elementarya ang natapos ng aking mga magulang. . Tuwing
alas 9 ng umaga ako nagbabasa at isang beses lang sa isang araw. Filipino ang aklat na gusto
kong basahin. Ang Ate ko ng tumutulong sa akin sa pagbabasa. Ang mga hamon na aking
naranasan sa pagbabasa ay pag-intindi buong kuwento. Ang pantulong na gawain na binigay ng
aking guro ay mga kwentong pambata at Marungko Booklet.Wala. Nalagpasan ko ang mga
hamon sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga kuwento. Nakatulong ang mga gawain na
maintindihan ko ang mga salita at may napulot ako na aral sa kuwento. Masaya dahil kahit
papaano may naintindihan ako sa aking binasa.

Participant 24:
14 taong gulang na po ako. Tuwing alas 8 ng umaga ako nagbabasa at isang beses lang sa isang
araw. Mga Kuwentong Pambata ang aklat na gusto kong basahin. Ang tiyahin ko ng tumutulong
sa akin sa pagbabasa. Ang mga hamon na aking naranasan sa pagbabasa ay pag-unawa sa mga
salita. Ang pantulong na gawain na binigay ng aking guro ay mga kwentong pambata at
Marungko Booklet.Wala. Nalagpasan ko ang mga hamon sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga
salita at mga kuwento. Nakatulong ang mga gawain na maitindihan ko ang mga salita at
naintindihan ko ang kahulugan ng mga salita. Masaya dahil nadadala ka sa istorya ng kuwento.
29

Talasanggunian

Allington, R. (2017). What really matters when working with struggling readers? International
Reading Association. 66 (7), 520-530.

Alves, K. D., Kennedy, M.J., Brown, T. S., & Solis, M. (2016). Story grammar instruction with
third and fifth grade students with learning disabilities and other struggling readers (1st
ed., Vol. 13), 73-93. Charlottesville, VA: LearningDisabilities Worldwide.

Applegate, A. J., & Applegate, M. D. (2018). A study of thoughtful literacy and the motivation
to read. Reading Teacher, 64(4), 226-234.

Bangon, A. J. (2017). Reading Essentials. ZDM, 49(5), 735-753. Retrieved on July 23, 2019
from https://bit.ly/2SXwhtR.

Boushey, G. & Moser, J. (2015). The daily 5: Fostering literacy independence in the elementary.
York, Maine, United States: Stenhouse Publishers.grades.

Cambria, J. & Guthrie, J.T. (2015). Motivating and engaging students in reading. The NERA
Journal, 46(1), 16-29.

Calkins, L. (2015) Writing pathways: Performance assessments and learning progressions,


grades k-8. Portsmouth, New Hampshire: Heinemann.

Casey, H. K. (2015). Engaging the disengaged: Using learning clubs to motivate struggling
adolescent readers and writers. Journal of Adolescent & Adult Literacy, 52(4): 284-294.

Charles, J. and Charles, L. (2018). What is Reading Comprehension?.[online] Reading


Worksheets, Spelling, Grammar, Comprehension, Lesson Plans. Retrieved on November
22, 2020 from https://bit.;y/2NEuKT8t

Crowley, A. (2016). A Precision Teaching Approach to Teaching Social Sight Vocabulary to


Young Adults with Moderate Intellectual Disability. Unpublished paper, MA Educational
Psychology, Mary Immaculate College.

Dias, N. M., Montiel, J. M., & Seabra, A. G. (2015). Development and Interactionsamong
Academic Performance, Word Recognition, Listening, and Reading Comprehension.
Psicologia, Reflexdo e Critica, 28(2), 404-416. Retrieved on November 25, 2020 from
doi.org/.101590/1678-7153.201528221

Fritschmann, N. S. (2017). The effects of instruction in an inference strategy on the reading


comprehension skills of adolescents with disabilities. Learning Disability Quarterly, 30,
245-262.

Garan, E. M. (2016). Beyond the smoke and mirrors: A critique of the National Reading Panel
report on phonics. Phi Delta Kappan, 82(7), 500-506.
30

Gilbert, J. K., Goodwin, A. P., Compton, D. L., & Kearns, D. M. (2017). Multisyllabic word
reading as a moderator of morphological awareness and readingcomprehension. Journal
of Learning Disabilities, 47(1), 34-43.

Gough, P. B., Juel, C., & Griffith, P. L. ( 2017). Reading, Spelling, and the Orthographic Cipher.
Reading Acquisition. Retrieved on November 30, 2020 from https://bit.ly/2UVmKo3

Gurlitt, J., & Renkl, A. (2016). Prior knowledge activation: How different concept mapping tasks
lead to substantial differences in cognitive processes, learning outcomes, and perceived
self-efficacy. Instructional Science: An International Journal of the Learning Sciences,
38(4), 28.

Heilman, A. W, Blair , T. R. , & Rupley , W. R. ( 2016 ). Principles and Practices of Teaching
Reading ( ed.) , 10th . Upper Saddle River , NJ : Merrill/Prentice Hall . 

Ilter, I. (2017). Teaching word meanings to students at different reading ability: A controlled
assessment of the contextual-based vocabulary instruction on reading comprehension.
Education and Science, 42(190), 437-463

James Dee Valentine (2015). Social learning theory and developmental psychology: the legacies
of Robert Sears and Albert Bandura. Developmental Psychology, 28, 776-786.

McCormick, H. (2013). Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Suantengco Publishing


House . Caloocan City

Meina Luo, Susan Main, Graeme Lock, R. Malatesha Joshi, Chenyin Zhong(2019), Exploring


Chinese EFL teachers' knowledge and beliefs relating to the teaching of English reading
in public primary schools in China, Dyslexia, p10.

Pressley, M. (2016). Reading instruction that works: The case for balanced teaching (2nd ed.).
New York: Guildford Press.

Stevens, E A, M. A., & Vaughn, S. (2017). The effects of reading fluency interventions on the
reading fluency and reading comprehension performance of elementary students with
learning disabilities, 50(5), 576-590. Retrieved on November 2020 from
http://journals.sagepub.com/doe.abs/10.1177/0022219416638028

You might also like