Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Kagamitang Pampagtuturo

Ano nga ba ang mabisang kagamitan sa pampagkatuto? Isang katanungan na patuloy na pinag-
aaralan ,ngunit ano nga ba ito? Ano nga ba ang kagamitang pampagtuturo?

Ayon kay Abad (1996),ang kagamitang panturo ay anumang karanasan o bagay na ginagamit
bilang pantulong sa paghahatid ng mga katotohanan, kasanayan, saloobin, palagay, kaalaman,
pag-unawa at pagpapahalaga sa mga mag-aaral upang lalong maging kongkreto, tunay,dinamiko
at ganap ang pagkatuto. Kung kaya’t iba’t ibang paraan ang ginagamit ng lahat ng mga guro
kung ano nga ba ang kanilang gagamitin sa pagtuturo. Ito ang laging pinagkakaabalahan ng mga
kaguruan, ang paghahanda ng kagamitan na gagamitin nila sa pagtuturo.

Ang kagamitang pampagtuturo ay maaaring kongkreto o di kongkreto. Ang kongkreto ay mga


kagamitang ating nakikita o nahahawakan at maaaring magamit sa pagkatuto samantalang ang
mga kagamitang di kongkreto ay ang mga piling kwento o karanasan na maaari mong maibahagi
sa iyong mga mag-aaral o ang mga mag-aaral sa kangyang guro o kapwa mag-aaral.

Sa ilalim ng kongkreto, napakarami ng mga bago ngayon na kung saan ang mga mag-aaral ay
napupukaw ang kanilang mga interes sa mga bagay na ito tulad ng kompyuter, cellphones, ipod,
tablet at iba pa. Ito ang madalas na nakikita nating ginagamit na rin ng mga kaguruan sa
pagtuturo, malimit na lamang gumamit ang mga guro ng mga tradisyonal na kagamitan. Mga
materyal na bagay na kung saan tunay namang makapagpapalago ng kaalaman ng mga kabataan
at nakahihikayat sa mga mag-aaral upang ituon ang kanilang isipan at interes sa pag-aaral .
Subalit di pa rin maitatatwa na ang pinakamabisang teknolohiya na kagamitan sa pagtuturo na di
mapapantayan ng anumang teknolohiya ay ang guro. Ang guro ang siyang magsisilbing ilaw at
daan upang makamit natin ang kaalamang nais natin matamo. Kaalaman na sa araw-araw ay
kanyang pinaghahandaan. Kakayahan na kanyang gustong ipatamo sa kanyang mga mag-aaral.
Di matatawaran ang kanyang husay , galing at pagod upang magampanan ang kanyang
tungkulin. Anuman ang mangyari buong tyaga niyang gagampanan ang kanyang tungkulin sa
mga mag-aaral. Bagay na di magagampanan ng nasabing mga kagamitan. Aanhin mo ang mga
materyal na bagay na ‘yan kung hindi mo naman kayang imanipula, ibahagi at gamitin ng
maayos sa harapan ng iyong mga mag-aaral. Ang kahandaan at kaayusan na inaasahan mo sa
pagtuturo ay maaring humantong sa di inaasahang pagkakataon o pangyayari kung di mo ito
makontrol ng maayos. Maaari ding maraming oras ang masayang sa paggamit mo nito. Oo nga’t
mainam na gumamit nito pero wala pa ring makapapantay sa gawain ng isang guro sa larangan
ng pagtuturo. Sila ang mabisang kagamitan sa pagtuturo. Gurong kaagapay ng kanyang mga
mag-aaral sa pagkatuto.

1. Ang mga kagamitang pampagtuturo ay tumutukoy sa tao at di-pantaong mga kagamitan


at pasilidad na magagamit para maging madali, mahikayat, mapabuti at maitaguyod ang mga
gawaing para sa pagtuturo at pagkatuto. Sila/Ito (di ko sure kay ang sa English “they” man) ay
kahit anong mga kagamitang ginagamit sa proseso ng pagtuturo. Sila ay isang malawak na
saklaw ng mga “resource” na magagamit upang mapangasiwaan ang isang epektibong
pagtuturo. Ipinahihiwatig nila ang isang sistematikong paraan ng pagdidisenyo,
pagsasakatuparan, at paggamit ng kabuuang proseso ng pagkatuto at komunikasyon at
paggamit ng tao at di-pantaong mga “resource” para maipalabas ang isang mas makahulugan at
mabisang pagtuturo. Sila ay mga tao at di-pantaong mga kagamitan na ginagamit ng guro
upang maipasa ang impormasyon tungo sa mga mag-aaral na nasa kanyang klase.
2. Ang mga kagamitang pampagtuturo ay tinutukoy bilang mga “resource” na inoorganisa
at sinusuportahan ang pagtuturo, gaya ng mga aklat, mga gawain, at mga “supplementary
resources”

Kahalagahan ng Kagamitang Pampagtuturo

1. Ginagamit sa pagpapaliwanag ng punto


2. Gumawa ng mga bagay na tila nagpapakita ng katotohanan o realidad
3. Magbigay ng mga kaganapan
4. Naghihikayat ng aktibong partisipasyon
5. Nakapagtitipid ng oras ng guro
6. Nagdudulot ng pagkakaroon ng mga mag-aaralng biswalisasyon o karanasan ng isang
bagay
7. Maisagawa ang iba’t ibang paraan ng pagtuturo
8. Nabubuhay ang interes ng mga mag-aaral
9. Nagbibigay ng mga makabuluhan at kapaki-pakinabang na mga impormasyon sa mga mag-
aaral at sa guro
10. Nagdudulot ng pagpapatuloy ng pagdadahilan at kaugnayan ng mga ideya
11. Bumabawas sa verbalism o paguulit-ulit ng mga salita
12. Nanghihikayat ng mas malapit na komuniasyon sa pagitan ng guro at ng mga mag-aaral

Tula

Kalag-Kalag

Kahadloki ang buhing kalag, dili ang


nga tiudtiod nang nahanaw
Dagkutig lanay nga kandila kay sama sa
mga lihok ug pang-utok
apilig bulak nga kanding-kanding
o baho-baho. Makasuka ang binuhatan.
Ngilngig ang eskuylahan kung estudyante way ligo,
makaligo man sa bayrunong makalumos
nanghatag og relief goods sa nasunog
ng kalag
iya ang himaya ug dungog
sa sunod piniliay

Lapogi ang copra, harina ug semento


Dili madalag SDMP ang kinabuhi
nadistorbo ang kinaiyahan, dili ang kalag
patayng lawas gayod ang sukli matud ni Sendong
atong 2011.

Kinsa uroy mopakgang?


kamo bang nakasinati?
o kining panitik?

Kuwento

Umagang Kay Ganda

Enero 21, tutawsan- elebin


 
Alas siyete ng umaga ng tumunog ang aking selpon "..back when i was a child, before i removed
all the innocence..." alarm tone ko. Akala ko may tawag, dali- dali akong kinuha ang selpon ko
sa ibabaw ng aking unan. Ako'y naloko sa aking  sarili, "alarm lang pala" sabi ko. Pinatay ko ang
tunog at sinuksok sa ilalim ng unan. Habang nakapikit ang aking mga mata, naglalaro sa aking
isipan ang mga dapat gawain sa araw na iyon."Magsusuot pala kami ngayon ng pormal dres, ano
kaya ang aking susuutin?aha! yung ukay- ukay nalang na binili ko kagabi na nilabhan ko
kagabi",
 
Dalawang longsleb ang aking nabili kagabi tanda ko ito'y kense pesos ang isa. Perstaym kong
bumili ng ukay- ukay na ako mismo ang magsuot."Natakdan man guro ko sa akong uyab, na
mupalit ug ukay- ukay". Masaya  palang mag- ukay- ukay, masusing paghahalungkat sa mga
nakatambak na mga damit na lahos pambabae't panlalaki ay magkahalo na... 
 
Inunat- unat ko ang aking mga kabutuhan sa katawan. "Ang hirap palang maging estudyante
sayo kaayo mubangon", sa isip ko. Bumangon ako't bumaba sa sala. Walang katau-tao sa aming
sala. Ang nakataling manok lamang ang kadalasang mapapansin ko sa tuwing umaga, mabuti pa
ang manok ang agang gumising. Siguro napagod si ina sa kanyang trabaho. Kusinera kasi nanay
ko sa isang restawran, ramdam ko naman ang kanyang pagod sa kanyang trabaho.
 
Tumungo ako sa banyo, at ang tanging ang malamig na tubig ang nakapagising sa' kin...
 
At sa wakas natapos na rin akong naligo. Trenta minutos lang akong nakakulong sa banyo, ki
bale sampung minuto nakatunganga sa tubig na sa isip ko tanging ang tubig nalang ang kusang
bubuhos sa aking katawan. At limang minutong "manglugod" sa buong katawan at nagsasabon.
Minsan lang ako mag- shashampo kasi tingin ko nauubos na yata ang buhok ko sa kakashampo
sa araw- araw kong pagligo. At labin- limang minuto sa pagababanlaw...( huwag ipagkalat..)
 
Sebin tertipayb sa nang nakita ko ang orasan nang lumabas ako galing sa banyo. Siguro'y
tamang- tama lang ang aking paglabas sa banyo. Tutungo sa itaas at magbibihis ngunit bago
iyan, magtutupi pa ako ng kumot ko para gawing sandalan sa aking pagplantsa ng aking
susuuting damit. "Kuya unsa na'y oras? kapatid kong babae nagtatanong, nag- aaral, nasa
elementarya pa, isa lang kasi kwarto namin. "Pagkaligo na didto kaw", ang sagot ko naman. At
nagpatuloy sa pagplantsa. Matapos kong magplantsa sa aking damit pormal, ewan ko kung
pormal ba iyon, kayo nalang maghusga nakikita niyo naman ako sa paaralan kung pormal bang
matatawag.Sinuot ko ang katatapos lang pinalantsa kung damit. Nag- ayos at kinuha ang gamit
pang- eskwela at bumaba na sa hagdan syempre.
 
"Oy!, ang abugado namo" sabi ng ina ko. "Mata na diay ka ma?". Kumuha ako ng pinggan at
kumain na. Tapos inum ng tubig, tapos totbras at saka hingi ng baon. Minsan trenta, minsan
kwarenta kung hindi na ako uuwi sa tanghalian.
 
"Sige ma, adto nako alas otso baynte na pud".

KSP o Kit ng Sariling Pagkatuto


ay isang uri ng kagamitan sa pag-aaral ng mga layunin ay sariling pagkatuto sa
pamamagitan ng paglalahad ng mga maliliit na hinati-hating gawain sa paraang ang mga unang
gawain hanggang sa marating ang inaasintang gawi. Ang bawat Gawain, aralin at mga
katanungan ay may kasunod agad na kasagutan o feedback.Dahil ditto nakakaramdam ng
kasiyahan at pananagumpay ang mag-aaral kaya’t lalo pa niyang pinagbubuti ang pag-aaral sa
KSP. Katulad pa rin ng Modyyul, ang KSP ay sapat sa kanyang sarili. Nakalagay ito sa kit at
nadadala sa bahay upang mapag-aralan at kung kinakailangan sa tulong ng mga kasambahay o
ibang taosa pamayanan batay sa ipinagawa sa kit.

Mga Katangian ng Mabuting KSP


1. Ang mabuting KSP ay may sapat na ikli upang hindi mainip ang mag-aaral at may saapt
na haba upang upang makatiyak ng pagkatuto.
2. Ang mabuting KSP ay may sapat na kahirapan upang makahamon sa kakayahan ng mag-
aaral, at may sapat kadalian upang maging kawili-wili.
3. Ang mabuting KSP ay ginagamitan ng payak at malinaw na pananalita upang maiwasan
ang maling pagkaunawasa diwang inilahad.
4. Ang mabuting KSP ay may iba’t ibang uri ng gawain sa pagkatuto. Ang mga gawain ay
batay sa makatotohanang sitwasyon at mga kalagayang napapaloob sa karanasan ng mag-
aaral.
5. Ang mabuting KSP ay nagbibigay ng probisyon sa patuloy na pag-unlad ng mga mag-
aaral. Isinasaayos ang bawat aralin ayon sa paherarkiyang kaayusan ng mga takdang
gawain sa pagkatuto. Pagkatapos ng bawat aralin ay may pagsubok na sinusundan agad
ng mga tiyak na kasagutan.
6. Ang mabuting KSP ay may probisyon sa paggamit ng iba-ibang midyang pang-
edukasyon at mga pinagkukunan ng pamayanan.
7. Ang mabuting KSP ay may probisyon ng sistematikong pagtataya.
8. Ang mabuting KSP ay matibay ang kayarian na hindi karaka-rakng nasisira at malinaw
ang pagkakalimbag.

Pinalatuntunang Kagamitan sa Pagtuturo

Ang pinalatuntunang kagamitan ay kinakailangan sa pinalatuntunang pagtuturo na ipinakilala sa


larangan ng edukasyon . Binibigyang diin sa pinalatuntunang pagtuturo ang simulating bawat
isang indibidwal ay may sariling bilis ng pagkatuto at maaari siyang matuto kahit walang gurong
magtuturo . Sa ganitong paniniwala nag-ugat ang Kit sa Sariling Pagkatuto o KSP na isang uri ng
pinalatuntunang kagamitan. Ang pinalatuntunang kagamitan ay serye ng ng mga aralin at
kaalaman na nasa kuwadradong pampagtuturo.na inaayos sa isang lohikal na pagkakabuo kung
kaya’t ang unang natutuhan ay nagagamit sa pag-unawa at pagkatuto ng kasunod na aralin. Ang
pinalatuntunang kagamitan katulad ng KSP at modyul ay nakatutulong upang matugma ang
kakulangan ng mga silid-aralan at mga gurong magtuturo. Nakatutulong din ito sa mga mag-
aaral na lumiliban para makahabol sa kanilang mga gawain.Ang mga mahihinang mag-aaral ay
nabibigyan ng mga panlunas na Gawain samantalang ang matatalinong mag-aaral ay nabibigyan
ng kagamitang pagpapayaman ng kaalamansa paksa.

Modyul
Pamagat. “Coco-Cassava Bibingka"

II. Ang mga mag-aaral na gagamit:


Ang pagtuturo-pagkatutong ito ay inihanda para sa mga hindi nag-aaral na nais magkaroon ng
kaalaman sa paggawa ng coco-cassava bibingka.

III. Lagom-Pananaw:
Ito ay makatutulong sa mga hindi pumapasok sa paaralan sa kasalukuyan na nais magkaroon ng
maliit o munting mapagkakakitaan bilang pandagdag sa araw-araw na pangangailangan.
IV. Layunin:
Pagkatapos mabasa at mapag-aralan ang modyul, ikaw ay dapat nang:
1. makatukoy sa mga sangkap na kailangan sa pagluluto ng coco-cassava bibingka;
2. makasunod sa panuto sa tamang paghahanda o pagluluto nito; at
makapagluto ng coco cassava bibingka na tama sa timpla at lasa.

V. Basahing mabuti ang mga hakbang sa paghahanda ng coco-cassava bibingka. Pakatapos


basahin ito, mayroong mga katanungang kinakailangan mong sagutin. Ang mga tanong ay
sagutin nang may pag-iingat at matapos mong sagutin ay tingnan ang “Mga sagot sa tanong"
para makita mo kung tama ang iyong mga sagot. Ang pagkatuto nagsisimula sa katapatan sa
sarili.

VI. Mga Kakailanganing Kahandaang Asal:


Bago pag-aralan ang modyul na ito, kailangang alam ng mag-aaral ang iba’t ibang uri ng
bibingka, ang mga katawagang gingagamit sa mga sangkap ng bibingka tulad ng cassava, coco at
iba pa, at ang mga kabutihan magagawa kung marunong magluto ng mga kakanin ang isang tao.

VII. Paunang Pagsubok


Basahing mabuti ang mga talata. Kung, ito’y tama, lagyan ng tsek. At kung ito’y mali, lagyan ng
ekis.

____1. Ang pagluluto ay hindi nangangailangan ng galing.


____2. Ang “coco-cassava bibingka" ay binubuo ng tatlong klaseng salita.
____3. Ang pagluluto ng kakanin at pagbebenta nito ay posibleng makatulong sa araw-araw
nating pangangailangan.
____4. Ang “cassava" sa wikang Fiiipino ay “kamoteng Kahoy."
____5. Ang gata ng niyog ay karaniwang sangkap ng bibingka.

VIII. Mga Gawain sa Pagkatuto:


Sa paghahanda o paggawa ng coco-cassava bibingka, kinakailangan maghanda ng dalawang
tasang niyog kinudkod at piniga, isang tasang kinudkod na buko, isang tasang gata ng niyog,
dalawang itlog na hindi gaanong binati, at isa at tatlong kapat 1 3/4 ) na tasang asukal.

Kinakailangang ang pagsasalangan o oven ay nagtataglay ng init na 350 F. Ihanda ang pinigang
sariwang cassava. lhalo ngayon ang asukal, buko, gata ng niyog, at binating itlog at ibuhos sa
hulmahan na mayroong
dahon ng saging upang maiwasan ang pagdikit nito. Isalang sa oven na may katamtamang init.
Kung malapit na ito maluto, ilagay ang "topping’ o ang sangkap nito sa ibabaw at hayaan ito
hanggang sa ito'y mamula.

Sa paghahanda ng "topping" o ng sangkap na inilalagay sa ibabaw ng bibingka, kinakailangan


ang isang latang condensadang gatas, isang tasang purong gata ng niyog at dalawang kutsarang
harina o kaya ay “conrstatch”. Paghaluin ang gatas at gata ng niyog at lutuin sa may
katamtamang apoy. Habang niluluto ay haluin ito. Ihalo ngayon ang harina sa pagluluto
hanggang ito'y lubusang humalo, pagkatapos ay ikalat sa ibabaw ng bibingka at ilagay uli sa
oven. Hintaying mamula.
IX. Mga Tanong na Sasagutin: Tingnan kung iyong mapipili ang tamang sagot sa ibaba ng talata.
Bilugan ang letra na kumakatawan sa tamang kasagutan.

1. Ito ay kakaning yari sa gata ng niyog at kamoteng kahoy na tinatawag na:


a. coco-squash jam b. coco-cassava bibingka c. maja-blanca

2. Ang paglulutuan o oven ay kinakailangang may init lamang hanggang:


a. 300°F b. 350°F c. 400°F

3. Sa pagbubuhos ng sangkap sa hulmahan upang ito'y hindi dumikit, kinakailangan mayroon


itong:
a. mantika b. dahon ng saging c. plastik

4. Sa pagluluto ng "topping" kailangan itong:


a. isalang sa katamtamang apoy at hayaang maluto
b. haluin habang niluluto na maybkatamtamang apoy
c. haluin na lamarg at ikalat na sa ibabaw bibingka.

5. Ang cassava ay kinakailangan:


a. kudkurin
b. kudkurin at pigain
c. tadtarin

6. Ang sangkap na “topping” ay inilalagay sa.


a. ibabaw ng bibingka
b. gilid ng bibingka
c. ilalim ng bibingka

7. Malalaman mo kung luto na ang coco-cassava bibingka kung ito ay:


a. tumigas na
b. mamula-mula na
c. lumambot na

8. Ang mga sangkap ng “topping" ay: a. isang gatas na ebaporada, isang tasang gata ng niyog at
harina
b. 1 3/4 na tasang asukal, gata ng niyog, gatas at harina
c. gatas na condensada, gata ng niyog, at harina

9. Ang sangkap sa paggawa ng bibingka ay ang mga


a. gata ng niyog, itlog, asukal, kamoteng kahoy at kinudkod na buko
b. kamoteng kahoy, gata ng niyog, gatas, asukal at itlog
c. gata ng niyog, itlog, asukal, kamoteng kahoy gatas at kinudkod na buko

10. Ang sangkap ng bibingka at sangkap ng “topping" ay kinakailangang:


a. pagsamahin at iluto
b. pagbukurin at iluto
c. pagbukutin at pagkaluto ay pagsamahin

X. Mga sagot sa Tanong


1. b
2. c
3. b
4. b
5. b
6. a
7. b
8. c
9. a
10. c

XI. Panukatang Sangguniang Pagsusulit:

1. Anu-ano ang mga sangkap na kinakailangang ihanda sa pagluluto ng coco-cassava bibingka?

2. Sa iyong palagay, makakatulong ba ito sa iyo kung gagawin mo itong maliit na negosyo? Sa
papaanong paraan?

3. Isalaysay kung ano ang mga hakbang sa paggawa ng coco-cassava bibingka.

4. Papaano mo mapag-iiba ang sangkap sa bibingka at sangkap sa “topping”?

XII. Mga Sagot sa Panukalang Pagsusulit:


1. Ang mga sangkap na kinakailangan ihanda sa pagluluto ng coco-cassava bibingka ay ang mga
sumusunod:
a. 2 tasang cassava na kinudkod at piniga
b. 1 tasang kinudkod na buko
c. 1 tasang gata ng niyog
d. 2 itlog na hindi gaanong binati
e. 1 3/4 na tasang asukal

2. Oo. Makakatulong ang paggawa ng coco-cassava bibingka kung gagawin ko itong negosyo.
Ititinda ko ito sa palengke. Kukuha rin ako ng mga order sa mga kakilala’t kaibigan.

3. Ang mga hakhang sa paggawa ng coco-cassava bibingka ay ang mga sumusunod:


a. Ihanda ang pinigang sariwang cassava.
b. Ihalo ang asukal, buko, gata ng niyog, at itlog at ibuhos sa hulmahan na mayroong dahon ng
saging upang maiwasan ang pagdikit nito.
c. Isalang sa oven na may katamtamang init
d. kung malapit na itong maluto, buko at gata ng niyog at binating itlog. Samantala, ang sangkap
ng topping ay isang latang Condensadang gatas, isang tasang purong gata ng niyog, dalawang
kutsarang harina o cornstarch.
XIII. Pagpapahalaga
1.Malinaw ba sa iyo ang mga hakbang sa paggawa ng Coco Cassava Bibingka?
2. Nakapagbigay ba sa iyo ng ideya ang modyul na ito upang magkaroon ka ng pagkakakitaan?

Mga Midyang Pang-Edukasyon

1. Telebisyon – ang telebisyon ay isa sa bantog na imbensyon ng tao. Naghahatid ito ng


aliw, kaalaman, balita at pangyayari sa iba’t ibang panig ng daigdig. Sa silid-aralan
mabisa itong kagamitang tanaw-dinig. Bagamat maraming natutuhan ang mga bata sa
telebisyo, kinakailangan naman ang patnubay ng mga magulang sa pagpili ng kanilang
papanoorin.
2. Sine – Bilang kagamitang tanaw-dinig, ang sine ay may layuning edukasyunal.Hindi lang
ito nakakaaliw at nakakalibang kundi nagbibigay ng karagdagang kaalaman. Sa
pamamagitan ng sine, nalalaman ng mga mag-aaral ang mga bagay na hindi nila
naranasan nang tuwiran. Ang malalayong lugar ay nagiging malapit, ang mahirap
matutuhan ay nagiging madali, ang mga nakaraang pangyayari ay naibabalik muli. Sa
ganitong uri ng kagamitang tanaw-dinig kailangan na lubhang mapamili ang guro sa
sineng papanoorin ng mga bata. Kung gagamitin ito bilang hanguan ng karagdangang
kaalaman kinakailangang malaman muna ng guro ang diwang inihahantad nito.

3. Radyo – ang radyo ay isa sa pinakagamiting kasangkapan sa larangan ng komunikasyon.


Nagsisilbi itong mabisang midyum sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga
gawian sa pamahalaan, pangyayari sa mundo, presyo ng mga bilihin, mabubuting gawi at
iba pang kaalaman. Sa pamamagitan ng radyo, nalilinang ang kasanayan sa pakikinig ng
mga mag-aaral; naghahatid ito ng dagliang impormasyon; pinasisigla nito ang iba’t ibang
gawain ng mg bata; nagbibigay kawilihan ito at nagpapatayog ng imahinasyon;
nanggaganyak upang maging malikhain ang mga mag-aaral; at naghahatid ito ng
katotohanan at karagdagang kaalaman.

4. Prodyektor – ang prdyektor ay kasangkapang ginagamit upang magmukhang malaki ang


isang maliit na larawan, guhit o bagay na ipinapakita sa telon. Ang mga detalyeng hindi
malinaw sa orihinal na larawan, guhit o bagay ay nagigingmalinaw kapag isinubo sa
prodyektor.

Ang masasamang dulot ng mga midyang pang-edukasyon ay kung hindi ito ginagamit ng
wasto at nasobrahan sa paggamit ng walang gabay ng nakakatanda na maaring maging
dahilan ng pagkasugapa sa paggamit ng telebisyon. Nakakasira din ito ng mga paningin
kasi mayroon itong radiation. Hindi rin nagagamit ang mga ito kung walang kuryente.

You might also like