Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

'Proud

kasambahay' nagtapos na magna cum laude

Hindi biro ang sakripisyo ni Jarel Tadio para makatapos ng kolehiyo dahil pinagsabay niya ang pag-aaral at
pagtatrabaho bilang kasambahay. Screengrab Hindi biro ang sakripisyo ni Jarel Tadio para makatapos ng
kolehiyo dahil pinagsabay niya ang pag-aaral at pagtatrabaho bilang kasambahay. Screengrab

Hindi naging hadlang ang kahirapan para sa ilang estudyante na nagtapos sa pag-aaral nang may matataas na
karangalan.
Masayang ipinakita ni Jarel Tadio ang mga parangal na nakuha niya sa pagtatapos ng kursong Hotel and
Restaurant Management sa Cagayan State University.
Pinaka-espesyal dito ang medalya niya bilang magna cum laude.
"Unexpected kasi ang pangyayari. Hindi ko naman kasi ine-expect noon na mag-aaral ako," ani Tadio.
Hindi biro ang sakripisyo ni Tadio makatapos lang dahil pinagsabay niya ang pag-aaral at pagtatrabaho bilang
kasambahay.
"Gumawa po ako ng sarili kong diskarte. Time management lang. Papasok ako minsan 'pag morning ang shift
ko sa school," ani Tadio. 
Maging ang amo ni Tadio, proud sa naabot ng kanilang
kasambahay. 

Kuwento ng amo ni Tadio, bilib siya sa sipag ng binata


dahil minsan ay nag-aaral pa ito kahit nasa gitna ng
trabaho. Screengrab

"Kung minsan habang nagluluto 'yan, dala niya 'yung reviewer niya... Sana suwertehin siya sa pag-aapply niya
[ng trabaho]," pagmamalaki ni Myrna Guevara, employer ng binata.
Kuwento ni Tadio, isa sa mga nagtulak sa kaniyang magpursige ay ang pagnanais na makatulong sa pamilya. 
    
"Naging motivation ko 'yung pamilya ko, may pangarap kasi ako para sa kanila... Nagpapasalamat din ako kina
tita at tito na tumulong sa akin," aniya.
Kuwento ng ina ni Tadio, hindi na humihingi pa ng pera sa kanila ang binata kahit noong estudyante pa ito.

"Kapag nagpapadala po ako ng pera niya, P500 o P1,000, ibabalik niya kasi mayroon daw siyang sapat na
pera," ani Fe Tadio.

-CLARK JOSHUA A. LEDESMA

You might also like