2.3 Ako Si Jia Li, Isang ABC 1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 30

PAGBABALIK-ARAL

Anong mahalagang aral o konseptong natutuhan mo sa


nakaraang talakayan?
Simulan Natin
Bigyang-kahulugan ang mahihirap na salitang nakasalangguhit sa pangungusap.
Hanapin muna sa kahon ang kasingkahulugan at isulat sa katapat na linya.

bangkete nabalo tanggalin


minatamis nagkakaisa

1. Sa makalumang tradisyong Tsino, kapag ulila


na sa asawa ang babae ay kailangan niyang
sumunod sa kanyang anak na lalaki.
Simulan Natin
Bigyang-kahulugan ang mahihirap na salitang nakasalangguhit sa pangungusap.
Hanapin muna sa kahon ang kasingkahulugan at isulat sa katapat na linya.

bangkete nabalo tanggalin


minatamis nagkakaisa

2. Ang pamilyang Tsino ay karaniwang


nagbubuklod sa natatanging hilig, ang pagkain.
Simulan Natin
Bigyang-kahulugan ang mahihirap na salitang nakasalangguhit sa pangungusap.
Hanapin muna sa kahon ang kasingkahulugan at isulat sa katapat na linya.

bangkete nabalo tanggalin


minatamis nagkakaisa

3. Kapag may malalaking okasyon kaming


ipinagdiriwang ay hindi ordinaryong mga
pagkain kundi piging ang aming inihahanda.
Simulan Natin
Bigyang-kahulugan ang mahihirap na salitang nakasalangguhit sa pangungusap.
Hanapin muna sa kahon ang kasingkahulugan at isulat sa katapat na linya.

bangkete nabalo tanggalin


minatamis nagkakaisa

4. May mga espesyal na panghimagas din kami


tulad ng red bean soup o kaya’y prutas.
Simulan Natin
Bigyang-kahulugan ang mahihirap na salitang nakasalangguhit sa pangungusap.
Hanapin muna sa kahon ang kasingkahulugan at isulat sa katapat na linya.

bangkete nabalo tanggalin


minatamis nagkakaisa

5. Natuto akong gumalang at maging higit na


bukas sa pagkakaiba-iba ng mga tao at lahi,
tanggapin ang makabubuti at iwaksi ang
makakasama.
LAYUNIN:
Naipaliliwanag ang
pananaw ng may-akda
tungkol sa paksa batay sa
napakinggan.
(F9PN-IId-47)
AKO SI JIA LI, ISANG ABC
(Sanaysay mula sa Tsina)
AKO SI JIA LI,
ISANG ABC
https://www.youtube.com/watch?v=MBDTGLghR7E
AKO SI JIA LI, ISANG ABC
Ano-ano ang mga katangian ni Jia Li bilang isang
ABC? Totoo nga kaya ang paniniwala nilang ng
kaiigan niyang si Lian na “Sila ay may
pinakamagandang magkaparehong mundo”?
Ipaliwanag.
AKO SI JIA LI, ISANG ABC

May makikita rin bang kahawig ng kultura at


tradisyong Pilipino sa nabasang pamumuhay
ng mag-anak na Wang? Ano-ano ang mga ito?
AKO SI JIA LI, ISANG ABC
Kung sakaling ikaw at ang pamilya mo ang
mangingibang-bayan, nanaisin mo rin kayang
mapanatili ang mga kaugaliang Pilipino kahit pa
malakas ang impluwensiya ng kultura ng bayan o
bansang pinuntahan ninyo? Bakit oo o bakit hindi?
SANAYSAY
• Nagmula sa dalawang salita na
“sanay” at “pagsasalaysay”.
• Isang uri ng panitikang nasusulat
sa anyong tuluyan na maaaring
ibatay sa sariling karanasan,
nasaksihan o napanood,
napakinggan o nabasa, at maaari
ding likhang-isip lamang.
SANAYSAY
Uri ng pakikipagkomunikasyon
sa pamamagitan ng lathalain na
may layuning maihatid ang nais
na maipahatid sa kapwa tao.
SANAYSAY
Sa paglikha ng salaysay, ang
may akda ay dapat nang
maging malikhain at
magtaglay ng malawak na
imahinasyon sa paglikha ng
bisa ng simula at wakas.
URI NG
SANAYSAY
URI NG SANAYSAY
1. PORMAL O MAANYONG SANAYSAY
• Tumatalakay sa mga seryosong paksa at nangangailangan ng
masusing pag-aaral at malalim na pagunawa sa paksa.
• Naglalaman ng mahahalagang kaisipan at nasa isang mabisang ayos
ng pagkakasunod-sunod upang lubos na maunawan ng mambabasa.
• Ang mga salita’y umaakma sa piniling isyu at kadalasang may mga
terminong ginagamit na kaugnay ng tungkol sa asignaturang
ginawan ng pananaliksik.
URI NG SANAYSAY
2. DI-PORMAL O PAMILYAR/PERSONAL NA SANAYSAY
• Tumatalakay sa mga paksang magaan, karaniwan, pang-
araw araw at personal.
• Karaniwang nagtataglay ng isang may akda.
• Naglalaman ng nasasaloob at kaisipan tungkol sa iba’t-
ibang bagay at mga pangyayari na makikita at
nararanasan ng may akda.
URI NG SANAYSAY
DI-PORMAL O
MGA ELEMENTO PORMAL O MAANYONG
PAMILYAR O PERSONAL
NG SANAYSAY SANAYSAY
NA SANAYSAY
Naghahatid o nagbibigay ng Mapang-aliw, nagbibigay lugod
mahahalagang kaisipan o sa pamamagitan ng pagtalakay
PAKSA O TEMA kaalaman sa pamamagitan ng sa mga paksaing karaniwan,
makaagham at lohikal na pang-araw araw at personal.
pagsasaayos ng impormasyon.
Maingat na pinipili ang Ang pananalita ay parang
GAMIT NG SALITA pananalita, iskolarli o pormal ang usapan lamang ng
mga salita kaya mabigat basahin. magkakaibiigan.
URI NG SANAYSAY
Mapitagan at gumagamit ng Ang may-akda ang tagapagsalita
PANANAW NG ikatlong panauhan o pananaw sa at ang mambabasa ang
PAGSULAT paglalahad. tagapakinig, kaya magaan at
madaling maintindhan.
Maanyo kung turingan sapagkat Idinidiin dito ang mga bagay-
ito’y talagang pinag-aaralan, bagay, mga karanasan at mga
makahulugan, matalinhaga at isyung bukod sa kababakasang
NILALALAMAN matayutay; karaniwang nakabatay sa ng personalidad ng may-akda ay
pananaliksik at sa makatotohanang maaaring makaugnay o
datos. makisangkot ang mambabasang
madla.
URI NG SANAYSAY
Ang tono ay seryoso, Palakaibigan ang tono kaya
paintelekuwal at pamilyar ang tono dahil
TONO
walang halong ang panauhang ginagamit
pagbibiro. ay unang panauhan.
Obhetibo o di Subhetibo ito sapagkat
OBHETIBO O kumikiling sa pumapanig sa damdamin
SUBHETIBO damdamin ng may at paniniwala ng may akda
akda. ang pananaw.
URI NG SANAYSAY
Ang dalawang uring ito ng sanaysay sa panlahat na
pahayag ay parehong naglalayong magbigay-kaalaman at
magdulot ng aliw. Ang tanging pagkakaiba ay nasa
priyoridad na rin ng bawat uri.
URI NG SANAYSAY
Ang pormal na sanaysay ay nagnanasang
magpaliwanag, manghikayat at magturo tungo
sa pangkaunlarang isip, morat at hilagyo ng
mga mambabasa.
URI NG SANAYSAY
Samantalang ang pamilyar na sanaysay ay
nagmimithing mangganyak, magpatawa o kaya’y
manudyo o magsilbing salamin sa lahat ng mga
saloobin at kondisyong pansikolohikal ng mga
mambabasa.
BAHAGI NG
SANAYSAY
BAHAGI NG SANAYSAY
1. SIMULA O PANIMULA
Ito ang pinakamahalagang bahagi dahil dito ang
inaasahan kung ipagpatuloy ng mambabasa sa kanyang
binabasang sulatin. Dapat na makuha ng may akda ang
atensyon at damdamin ng mambabasa.
BAHAGI NG SANAYSAY
2. GITNA O KATAWAN
Sa bahaging ito mababasa ang mga mahahalagang
puntos o ideya ukol sa paksang pinili at sinulat ng may
akda. Dito rin natin malalaman ang buong puntos dahil
ipapaliwanag ng maayos at mabuti ang paksa.
BAHAGI NG SANAYSAY
3. WAKAS
Sa bahaging ito isinasara ng may akda ang paksang
nagaganap sa gitna o katawan ng isinulat. Dito rin
naghahamon ang may akda sa mga isip ng mga
mambabasa na maisakatuparan ang mga isyung
tinatalakay niya
PAGLALAHAT
Magbigay ng mahahalagang impormasyon na iyong
natutuhan sa talakayan.
SANGGUNIAN

Dayag, A. Pinagyamang Pluma 9: Ikalawang


Edisyon. Aklat 1. Lungsod Quezon. Phoenix
Publishinig House, Inc. 2019.

You might also like