Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Aralin Bilang ____

Kalagayang Pangkalusugan sa Panahon ng mga Amerikano


Kompetensi:
Natatalakay ang kalagayang pangkalusugan ng mga Pilipino sa
panahon ng mga Amerikano. AP6KDP-IIa-1.2
Layunin:
1. Natutukoy ang mga programang pangkalusugan na ipinatupad ng mga Amerikano
2. Napahahalagahan ang mga programang pangkalusugan na inilunsad ng mga
Amerikano
3. Nakapagtatala ng mga pagkakaiba at pagkakatulad sa kalagayang pangkalusugan
sa panahon ng mga Amerikano at kasalukuyang panahon
Isang mapagpalang araw! Kumusta ka? Handa ka na
ba sa ating gagawin ngayong araw? Bilang iyong guro sa
Araling Panlipunan, ako ay naghanda ng ilang kasiya-siya at
kapaki-pakinabang na gawain upang lubusan mong
maunawaan ang ating aralin. Halina’t muli natin itong
tunghayan upang magkaroon ka ng karagdagan pang
kaalaman. Huwag kalimutan na ang lahat ng iyong sagot sa
mga gawain ay isususlat sa iyong kuwaderno (notebook).
Tayo nang magsimula!

Balita Mo, Share Mo!

Nakapanood ka ba ng balita sa inyong telebisyon? May napakinggan ka


bang isyu na nangyari sa kasalukuyan? Kung mayroon, share mo naman! Huwag
kang mag-alala, handa akong making sa iyo!

Panuto: Sa loob ng 30-35 mga salita, bumuo ng balita na may kinalaman sa kalagayang
pangkalusugan sa ating bansa. Halimbawa nito ay mga sakit ng mga mamamayang Pilipino
na napapanahon o di kaya’y programa ng DOH.

__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________

Mag-throwback Tayo!

May natatandaan ka ba sa nagdaang aralin? Subukan nating balikan sa


pamamagitan ng pagsagot sa pagsasanay na ito.
Fish Bone Organizer, Punan Mo!
Panuto: Punan ng sagot ang fish bone organizer kung saan nakasulat sa itaas ng tinik ang
mga pagbabagong naganap sa sistema ng edukasyon sa panahon ng mga Amerikano at sa
baba naman ay ang mga naging epekto nito.

Sistema ng
Edukasyon sa
panahon ng
Amerikano

Handa ka na ba? Subukan mong gawin ang mga sumusunod na gawain.


Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na nakahanda
para sa iyo.

Photo Gallery Walk

https://www.nurseupdates.com/ospital-ng- https://commons.wikimedia.org/wiki/
makati-hiring-41-nurses/ File:Barangay_Health_Center.JPG

Suriing mabuti
ang mga
larawan.
http://teenhealthsource.com/birthcontrol/ https://lithub.com/aldous-huxley-
injection-details/ foresaw-americas-pill-popping-
addiction-with-eerie-accuracy/
https://www.sbsun.com/2019/05/09/why-
did-st-bernardine-medical-center-nurses-
wear-white-uniforms-this-week/

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


1. Ano sa inyong palagay ang kinalaman ng mga larawan sa ating paksa ngayon?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Sa mga larawang ito, ano sa inyong palagay ang naiambag o naitulong ng mga ito sa
mga Pilipino?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Masasabi ba nating ito ay isa ring programa? Bakit?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
4. Kung ito’y isang programa, sa anong aspeto naman ng lipunan?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
Basahin at Unawain!

Isang malaking pamana ng mga Amerikano sa Pilipinas ang sistema ng


pampublikong kalusugan at kagalingang pampubliko. Sa bahaging ito ng aralin,
matutunghayan mo ang mga pagbabago sa kalagayang pangkalusugan sa panahon
ng mga Amerikano. Iyong pag-aralan ang teksto sa ibaba upang magabayan ka sa
pagsusuri ng mga pagbabagong ito. Halinat’t umpisahan mo ang pagbabasa upang
iyong masagot ang mga gawain sa mga susunod na pahina.

Ano nga ba ang kalagayang pangkalusugan sa panahon ng mga Amerikano?


Isang malaking suliranin sa panahon ng mga Amerikano ang paglitaw ng kolera at
bulutong sa Maynila dahil dito nagpatupad ang pamahalaan ng mga paraan ng pagsugpo sa
epidemya. Sa epidemya ng kolera noong 1902, nagpatupad ng iba’t ibang paraan ang mga
kawani ng kalusugan upang hindi ito kumalat.

Binantayan ang mga lugar na apektado at inihiwalay ang mga taong may kolera.
Ibinabad sa isang solusyon na may asidong carbolic ang kanilang mga damit at iba pang
personal na gamit. Ipinatapon din ang mga pagkaing nakahanda sa mga lugar na apektado at
kung kinakailangan, sinusunog pati ang mga bahay upang hindi kumalat ang sakit. May
nakaantabay na ilang trak ng bumbero na agad na
agad na nagsasaboy ng disinpektant para sa mga
lugar na apektado.

Nagpalabas din ang mga Amerikano ng


mga leaflet at iba pang impormasyon kung paano
maiiwasan ang pagkalat ng mga sakit. Nagpatupad
din ang Kagawaran ng Sanitasyon at
Transportasyonng ilang mga panuntunan sa
pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran at kalusugan tulad ng mga sumusunod:
1. Paglilinis ng mga kalye at mga kanal.
2. Tamang pagtatapon ng mga basura sa bahay
at mga patay na hayop.
3. Pangangalaga sa mga palengke at katayan
Paglilinis ng mga kanal
ng hayop; at
https://www.flickr.com/photos/usaid_images/4976629391
4. Pangangalaga at pamamahala sa mga
libingan.

Bahagi ring ng programang pangkalusugan


ng mga Amerikano ang pagtatayo ng mga klinika,
pagamutan at sentrong pangkalusugan sa iba’t ibang
panig ng bansa. Binigyan-pansin ng mga
Amerikano ang kalusugan at sanitasyon ng mga
http://metronewscentral.net/in-and-around-the-
Pilipino. Itinatag ng mga Amerikano ang Lupon sa metro/pgh-to-accept-only-covid-19-patients
Philippine General Hospital
Kalusugan ng Bayan o Board of Public Health noong 1901. Natuto rin ang kalinisan sa sarili
at pagkain. Itinayo sa mga bayan ang mga sentrong pangkalusugan tulad ng klinika at ospital.
Pinakatanyag sa mga ito ang Philippine General Hospital na itinayo noong 1910.

Sa pamamagitan din ng mga makabagong medisina at paraan ng panggagamot


nasugpo ang pagkalat ng mga nakahahawang sakit tulad ng ketong, tuberkolosis, kolera at
bulutong.

Quarantine – ginamit upang pigilan ang pagkalat ng mga nakakahawang sakit at upang


limitahan din ang pagkilos ng mga rebolusyonaryong Pilipino.
Board of Health for the Philippine Islands – tagapangasiwa at tagapagpatupad ng
patakaran at programa sa pagpapabuti ng kalusugang pampubliko. Nagpapadala ng mga nars
at doctor sa iba’t-ibang lalawigan upang magturo ng wastong pangangalaga sa kalusugan at
katawan.

Malaki ang naging pagbabago sa kalusugan at pag-uugaling pangkalusugan ng mga


Pilipino. Natuto sila ng wasto pag-uugali sa kalinisan ng sarili at sa pagkain. Nasugpo ng
makabagong gamut ang pagkalat ng nakahahawang sakit.

Talagang kawili-wiling pag-aralan ang kalagayang pangkalusugan sa


panahon ng mga Amerikano. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba para mas
mapalalim pa natin at maunawaan ang ating aralin.

1. Anu – ano ang mga sakit o epidemya ang lumitaw at naranasan ang mga Pilipino na naging
suliranin sa panahon ng mga Amerikano?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Anong mga paraaan ang ginawa ng pamahalaan at ng mga Amerikano upang mabigyang
solusyon ang mga suliranin?
___________________________________________________________________________
3. Anu-ano pang tulong, proyekto o programa ang ibinahagi ng mga Amerikano sa kalagyang
pangkalusugan ng mga Pilipino?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4. Paano itinaguyod ng mga Amerikano ang pampublikong kalusugan sa Pilipinas?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
5. Higit bang napaunlad at napabuti ang kalagayang pangkalusugan ng mga Pilipino sa
panahon ng mga Amerikano? Bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Sa pagkakataong ito, subukan nating hasain pa ang iyong kaalaman upang


maipamalas mo pa nang buong husay ang pagkakaunawa mo sa araling ito. Ilabas
na ang natatago mong galling at subukang sagutan ang gawain sa ibaba. Alam kong
kayang kaya mo ‘yan. Ikaw pa!

Paghambingin Mo!
Panuto: Paghambigin mo ang kalagayang pangkalusugan sa panahon ng mga Amerikano at
kasalukuyang panahon gamit ang Venn Diagram. Gawing gabay ang sumusunod na mga
katanungan.
1. Ano ang kalagayang pangkalusugan sa panahon ng mga Amerikano at kasalukuyang
panahon?
2. Anong sakit o karamdaman ang nararanasan ng mga Pilipino?
3. Anong mga programa ang ipinatupad sa mga panahong nabanggit?

A-Kalagayang Pangkalusugan sa Panahon ng mga Amerikano


B-Kalagayang Pangkalusugan sa Kasalukuyang Panahon
C-Pagkakatulad Kalagayang Pangkalusugan sa Panahon ng mga
Amerikano at kasalukuyang Panahon
Wow! Ang husay mo naman! Malapit na tayong matapos sa ating gawain.
Nagkaroon ka na ng malalim ng kaalaman tungkol sa kalagayang pangkalusugan sa
panahon ng mga Amerikano.
Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin mo bilang mag-
aaral ang mga nabuo mong kaalaman. Handa ka na ba?

Isabuhay at Isapuso Mo!

Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan at isulat sa loob ng kahon


at mga puso ang iyong sagot.

1. Bilang mag-aaral, paano mo mapapangalaggan ang iyong kalusugan? Magtala ng


limang paraan.

2. Bilang mag-aaral, anu-anong mga gawaing pangkalusugan ang inyong nagagawa sa


inyong pamamahay? Sa inyong komunidad? Magtala ng lima.

Gawaing Gawaing
Pangkalusugan sa Pangangalaga Pangkalusugan sa
Pamamahay sa Komunidad
Kalusugan
Complete Me!

Mula sa mga paksang tinalakay na may kinalaman sa mga kalagayang


pangkalusugan sa panahon ng mga Amerikano, natutunan ko na
_____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Subukin Mo!
Panuto: Isulat ang TAMA kung totoo ang isinasaad tungkol sa kalagayang
pangkalusugan ng mga Pilipino sa panahon ng mga Amerikano at MALI naman
kung hindi.

___ 1. Nagkaroon ng epidemya ng kolera sa Pilipinas noong 1902.


___ 2. Pinabayaan ng pamahalaan na kumalat ang kolera sa buong Pilipinas.
___ 3. Ang Kawanihan ng Pananalapi ay nagpatupad ng mga panuntunang
pangkalusugan.
___ 4. Ipinatayo ng mga Amerikano ang Philippine General Hospital noong 1910.
___ 5. Pinagsama-sama ng pamahalaan ang mga tao na mayroon at walang sakit na kolera.
Takdang-Aralin

Anu-ano ang mga tranportasyong ginamit ng mga Pilipino noong panahon ng mga
Amerikano? Subukang magsaliksik sa aklat o internet para sa mahahalagang detalye.

Sa pagtatapos ng gawaing ito, binabati kita sa ipinamalas mong husay sa


pagsagot sa mga nakaatas na gawain gayundin sa iyong ipinakitang dedkasyon at
kasipagan. Hinahangad ko ang iyong aktibong partisipasyon sa mga susunod pang
mga aralin.

You might also like