Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

TEMA: “FILIPINO AT MGA KATUTUBONG WIKA:

KASANGKAPAN SA PAGTUKLAS AT PAGLIKHA”

MEKANIKS NG TAGISAN NG TALINO 2022


(Para sa Baitang 4 hanggang Baitang 12)

1. Ang lahat ng kalahok ay kailangang nasa silid na ng pagdadausan ng paligsahan sampung (10
minuto bago ang itinakdang oras ng paligsahan).
2. Ang tagisan na ito ay lalahukan ng 3 kalahok bawat baitang. Ang mga kalahok ay sumalang sa
eliminasyon na naganap sa kanilang seksyon at nakipaglaban sa iba pang seksyon.
3. Ang tatlong (3) kalahok ay bibigyan ng chalk, illustration board at pambura. Ito lamang ang
kanilang gagamitin sa araw ng patimpalak.
4. Ang ano mang uri ng kodigo, reviewer o aklat ay hindi pinahihintulutan sa pagdadausan ng
patimpalak.
4. Ang tagisan na ito ay binubuo ng tatlong (3) bahagi.
 Madali- Binubuo ng 20 tanong, bawat tanong ay katumbas ng isang (1) puntos.
 Medyo Mahirap- Binubuo ng 15 tanong, bawat tanong ay katumbas ng tatlong (3)
puntos.
 Mahirap- Binubuo ng 10 tanong, bawat tanong ay katumbas ng limang (5) puntos.
5. Ang mga tanong ay kukunin sa mga sumusunod:
Filipino
 Balarila
 Panitikan
Araling Panlipunan
 Pilipinas
 Asya
6. Ang tatlong (3) kalahok sa bawat baitang ay maaaring magtulungansa pagsagot ng bawat
tanong.
7. Babasahin lamang ng guro o ng tagapagdaloy ang mga tanong nang dalawang beses at ang
mga pagpipilian ng isang beses (maliban sa Bahaging Mahirap dahil kailangan nilang isulat ang
sagot) at kailangan nilang hintayin ang hudyat ng guro o tagapagdaloy na “GO o SIMULA” o
ang tunog ng bell bago sumagot. Bibigyan lamang ang mga kalahok ng sampung (10) segundo
upang sumagot para sa bahaging Madali at Medyo Mahirap at labinlimang (15) segundo para sa
bahaging Mahirap)
8. Sa dulo ng bawat bahagi ay bibilangin ang nalikom na puntos at sa wakas ay pagsasamahin na
ang lahat ng nalikom na puntos upang maitanghal ang nanalo.
9. Ang tatlong (3) kalahok na may pinakamataas na nalikom na puntos ang tatanghaling panalo.
10. Kung nangyari na nagkaroon ng tabla sa nalikom na puntos ay sasagutin ang limang (5)
tanong upang maitanghal ang panalo.
11. Hindi maaaring gambalain ng mga manonood ang mga kalahok sa anumang paraan,
pasalita, sensyas o paglapit sa mga ito ay hindi pinahihintulutan.
12. Anumang paglilinaw o pagprotesta hinggil sa tanong ay kailangang gawin at sabihin ng mag-
aaral sa guro o sa tagapagdaloy ng paligsahan sa mismong tanong ng bahagi ng paligsahan.
Walang tanong ang sasagutin ng guro o ng tagapagdaloy kung oras na ng pagsagot sa tanong.
13. Ang paglabag sa alin man sa mga MEKANIKS ay nangangahulugang ang mga kalahok ng
kinatawang baitang ay papaalisin mula sa silid ng paligsahan.

You might also like