TAWAG

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

“TAWAG”

Written By:

Jave Rick R. Nacor

javericknacor@gmail.com

09264645545
Casts

Felix - Pangalawa sa magkakapatid, nagseselos sapagkat pakiramdam niya’y nababalewala siya


sa pamilya at ang mga kapatid lamang ang pinapanigan. Umalis upang mapatunayan ang sarili
sa nanay at matupad ang pangarap na maging isang arkitekto upang makapagpatayo ng bahay
para sa nanay.

Belinda - Isang mahigpit ngunit mapagmahal na ina. Mag-isang pinalki ang mga anak. Dahil sa
pag-alis ng kanyang mga anak, at nabuhay mag-isa nagkaroon ng Kidney Failure.

Baldo - Panganay na anak ni Belinda, may bisyo, lumayas dahil sa galit, at kagustuhan
magkaroon ng kalayaan.

Adanna - Bunsong anak ni Belinda, matalino, maganda at umalis dahil sa galit sa kanyang ina
sapagkat iba ang gusto ng ina para sa kanya at pinili ang tinahak na pangarap.

Amanda - Matalik na kaiibigan ni Belinda, mabait, may pamilya at naging kasangga ni Belinda
sa lahat ng pagsubok sa buhay.
Act 1

Scene 1

Fade in to

Int. Hospital. Gabi.

Makikitang nahihirapan si Belinda sa paghinga, habang sinusugod siya sa hospital ang tanging
nakikita lang niya ay ang mukha ng kanyang kaibigang si Amanda at ang napakaliwanag na ilaw
ng hospital. At nang ipasok si Belinda sa Emergency room, nanatili sa labas si Amanda at inilabas
ang kanyang Cellphone.

End of Scene 1

Scene 2

Cut to

Int. Office. Umaga

Makikitang may tumatawag kay Adanna, ngunit hindi ito sasagutin at siya’y kasalukuyang nag-
aayos at naglalagay ng kolorete sa mukha.

End of Scene 2

Scene 3

Cut to

Out. Kalsada. Gabi

Nagmamadali si Baldo dahil mahuhuli na siya sa oras ng trabaho. Napatigil siya nang marinig na
tumutunog ang kanyang cellphone. Nakita niyang may tumatawag sa kanya, ngunit hindi ito
sasagutin.

End of Scene 3
Scene 4

Cut to

Int. Room (Boarding House). Gabi.

Makikitang nananaginip si Felix, Matapos ang ilang segundo nagising si Felix ang tanging
makikita lang ay ang kanyang matang takot na takot. Sumalubong sa kanya ang malakas na
tunog sa kanyang cellphone. Dali-dali nitong sinagot ng biglang natulala at naiyak sa nalamang
balita mula kay Amanda. Biglang tiningnan ni Felix ang larawan ng kanilang pamilya at agad
niya itong itinaob.

End of Scene 4

Scene 5

Fade in to

Int. Hospital. Day

Nagising si Belinda, sa kanyang paggising, makikita niya ang maliwanag na paligid, at


pinagmasdan niya si Amanda na kausap ng doktor. Pumasok sa loob ang doctor..

Doktor

(Pabulong)

Kasalukuyan pang tinitignan at sinusuri ang kalagayan niya upang maagapan dahil base sa
resulta . . .

Nang makitang nagising na si Belinda ay lumapit ang Doktor sa kanya

Doktor

Oh… Kamusta ang pakiramdam niyo misis?

Belinda
(matamlay)

Maayos naman po Dok.

Doktor

Tutal, Gising kana, at andito na rin naman ang kaibigan niyo, ipapalam ko lang kong anong
lumabas sa resulta.

Inabot ng Doktor ang papel na nagsasaad ng resulta At Biglang naluha si Belinda ng Makita ang
nakasaad na “Kidney Failure.”

End of Scene 5

Scene 6

Fade in to

Int. Room (Boarding House). Day

Makikita sa madilim na Paligid ng kwarto ang silweta ni Felix ng naglalakad lakad ng pabalik-balik
na tila malalim ang iniisip.

End of Scene 6

Scene 7

Cut to

Int. Hospital. Day

Maririnig ni Belinda at Amanda ang tumutunog na cellphone. Magtitinginan ang dalawa. Kukunin
ito ni Belinda at sasagutin.

End of Scene 7
Scene 8

Cut to

Int. Room (Boarding House). Day

Makikita ang bibig ni Felix na nanginginig, Magpapanggap si Felix bilang Baldo upang matawagan
ang nanay at maiparinig nito ang boses ni Baldo sa kanyang Ina, malalim ang boses nito.

Felix (As Baldo)

(malalim ang boses)

Nay?

Kasunod ng pagsambit ng ng katagang “Hello” ni Baldo ay ang pagpanggap naman ni Felix bilang
si Adanna, ang tanging makikita lang ay ang kanyang labi na pulang-pula, babae kung magsalita.

Felix (As Adanna)

(Malambot ang pananalita)

Nay?

Kasunod nito ay ang pagpapakilala ng dalawa.

Felix (As Baldo)

(malalim ang boses)

Si Baldo po ito,

Felix (As Adanna)

(Babaeng boses)

Nay? Si Adanna ito Nay


Kasabay ng pagtawag ay ang pagtangis ni Belinda sa muling pagkarinig ng boses ng kanyang
mga anak.

Belinda (Voice Over)


(mangiyak-ngiyak)

Anak? Mga anak ko

End of Scene 8

Scene 9

Fade in to

Int. Hospital. Day

Nagpunta si Amanda sa Hospital upang dalhan siya ng makakaing prutas at ibigay ang nakuhang
padalang pera ni Felix na kala niya’y galing kay Baldo at Adanna, naabutan ni Amanda si Belinda
na tulala at tila malalim ang iniisip

Amanda

O? tulala ka nanaman? siya nga pala nakuha ko yung perang pinadala ni Baldo at Adanna,
binilhan narin kita ng Makakain,

Belinda

Sabihin mo nga, nagkulang ba ako? Napatawad na kaya nila ako? Baka naaawa lang sila kaya
sila tumawag?

At biglang tumulo ang mga luha ni Belinda.

Belinda
(Naiiyak)

Naging mahigpit ako eh, naharang ko yung mga bagay na gusto nila, ang gusto ko lang naman
ay yung makabubuti para sa kanila.

Amanda

Hindi ka naman nagkulang eh… At tsaka Hindi lahat ng alam natin ay makabubuti sa kanila
Belinda.

Biglang tutunog ang cellphone na nasa gilid ni Belinda, sasagutin nito ang tawag.

End of Scene 9

Scene 10

Cut to

Int. Room (Boarding House). Day

Makikita ang Buong mukha ni Felix, kakausapin niya ang kanyang ina.

Felix

Nay?

Si Felix po ito Nay

Belinda

(umiiyak)

Felix, Anak ko.

Felix
(naiiyak)

Uuwi na ako dyan Nay, antayin niyo po ako ah.

End of Scene 10

Scene 11

Fade in

Int. Room (Boarding House). Day

Binaba nito ang Cellphone, at ininom ang natimplang kape

Felix (voice over)

Ako si Felix, pangalawa sa tatlong magkakapatid. Ako lang naman yung hindi paborito, at akala
nilang walang pangarap. Tinawagan ko agad ang aking mga kapatid nang malaman ko ang
masamang balita, ngunit parang wala silang pakialam.

Agad nagtungo si Felix sa harapan ng salamin at tinitigan ang sarili.

Felix (voice over)

Pilit nilang sinungkit ang kalayaang magawa ang kanilang mga kagustuhan, nilamon sila ng
galit at inilunod ang sarili sa inaasam na pangarap.

Flashback

Cut to

Int. Room (Boarding House). Day

Makikita ang Kamay ni Felix na nakapatong sa lamesa at nasa tabi nito ang kanyang cellphone,
kasabay ng tunog ng pagpindot ng kanyang daliri sa lamesa.
Felix (voice over)

Kaya gumawa ako ng paraan.

Makikitang ang buong mukha ni Felix.

Felix (As Baldo)

(Kinuha nito ang cellphone)

Nay? Si Baldo po ito.

Cut to

Int. Room. Day

Makikitang naglalagay si Felix ng pulang Lipistik, inalala kung paano magsalita ang babaeng
kapatid. Napapanggap bilang si Adanna.

End of Flashback

Habang nasa sasakyan, umiiyak si Felix habang inaalala ang huling mga salitang iniwan sa kanya
ng kanyang ina.

Felix (voice over)

(umiiyak habang nakatingin sa kawalan)

Ngunit sa aking pag-uwi, alam kong wala na akong maabutan pa.

Flashback

Cut to

Int. Hospital. Day

Kinausap ni Belinda ang kanyang anak na si Felix.


Belinda

(umiiyak)

Napakasaya ko dahil narinig kong muli ang inyong mga boses. At sa aking paglisan alam kong
naipinadama ng boses mo ang tinig ng iyong mga kapatid, Salamat. Patawarin mo sana ako sa
aking pagkukulang. Mahal na mahal kita at Ipinagmamalaki kita anak.

End of Flasback

Dumating si Felix sa puntod ng kanyang Ina.

Felix (voice over)

Doon ko unang narinig ang mga salitang iyon mula kay nanay. Lahat ng bagay may katapusan,
kailangan lamang ng kapatawaran at pagtanggap.

At binuksan ni Felix ang malaking papel na naglalaman ng kanyang dinesenyong bahay para sa
kanyang ina

End of Scene 11

[END]

You might also like