Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Filipino sa Iba't Ibang Disiplina

AKTIBITI
BILANG 3!
Glyrine C. Punzalan
BS PSY- 1206
Gawain 2: Pagbuo ng Akrostik

Panuto: Pumili ng isa sa sumusunod na


mga salita:
TEKNOLOHIYA,MATEMATIKA
at ENHINYERIYA.

Bumuo ng akrostik sa larangang


napili. Bigyang-diin ang kahalagahan
ng paggamit ng wikang Filipino sa
larangang napili.
Ang wika ay isang ins T
rumento

na makakapagkon E kta sa bawat isa.

Ito rin ay nakakapagpalawak ng ating K aalaman

at N agpapalawak ng ating
imahinasyon.
Kung wala ang wika, ang mund O ay magiging magulo,

sapagkat ang wika ang nagsisi L bing pundasyon upang

magkagkaroon tayo ng k O munikasyon,

at H igit sa lahat

I to'y ating
pag Y amanin sapagkat

A ng wika ay
isa sa mga kayamanan
natin.
Isang aktibidad ang nai-atang sa amin ng aming
instructor. Na kung saang pipili kami ng isang salita mula
sa tatlong nakalathala. Ito ay ang matematika, teknolohiya
at inheyeriya. Bilang isang mag-aaral ang aking napiling
gawan ng akrostik ay ang salitang teknolohiya. Bago tayo
magpatuloy sa dapat tunguhin, halina’t ating nigyang
pansin muna ang silbi ng wika sa atin. Ayon sa aking
nabasa at nararanasan na din nasabi na malaki ang
ginagampanang papel ng isang wika sa isang bansa at
mga mamamayan nito. Na kung saan ang wika ay ating
pangunahing instrumento ng komunikasyon. Sapagkat sa
pamamagitan ng wika nagkakaroon ng pagkakaintindihan
sa bawat mamamayan at mas naipapahayag nila ang
kanilang nararamdaman gamit ang wika. At marahil tayo
namang lahat ay mulat sa katotohanan na kapag may
komunikasyon ay nakapaloob na dito ang impormasyon.
Imporamasyon na kung saan marami at kapaki-
pakinabang ang nilalaman. At mula sa kursong Filipino sa
Iba't iba Disiplina, marami kaming mga aralin na patuloy
inaaral patungkol sa kahalagahan ng paggamit ng ating
sariling wika. Mula sa akrostik na aking nagawa ang
nilalaman nito ay, 'Ang wika ay isang instrument na
makakapagkonekta sa bawat isa. Ito rin ay
nakakapagpalawak ng ating kaalaman at nagpapalawak
ng ating imahinasyon. Kung wala ang wika, ang mundo ay
magiging magulo. Sapagkat ang wika ang nagsisilbing
pundasyon upang magkagkaroon tayo ng komunikasyon
at higit sa laha ito’y ating pagyamanin sapagkat ang wika
ay isa sa kayamanan natin.' Na kung saan nasaad dito na
isa sa mga kayaman natin ay ang wika. At sa aking
paniniwala napakalaki ng gampanin ng ating wika sa
teknolohiya. Isa sa mga nabasa ko patungkol sa wika at
teknolohiya ay ang nasasaad. Nasaad dito na ang
malayang pagpapahayag, pagkikipagtalastasan, pakiki-
usap, at pag salin ng mga ideya ay siyang nagiging dahilan
kung bakit umaangat ang teknolohiya. Ito ay dahil ang
wika ay may taglay na malalim at malawak na kaalaman
na posibleng matutuklasan sa paggamit ng teknolohiya.
Dahil dito, matatawag natin ang wika na isa sa
pinakamahalagang sangkap sa pag-unlad ng ating bansa
sa larangan ng agham, sining, panitikan, kultura, at lalo na
sa teknolohiya. At sa akin ding pananaw bilang paggamit
ng ating wika sa teknolohiya, mas nabibigyang pansin at
pagpapaunlad ang ating sariling wika. Sapagkat aminin
man natin o hindi, karamihan sa mga tao ngayon
pagdating sa teknolohiya o kahit saan mang bagay, ingles
ang malimit na gamit. Kaya naman sa aking palagay ang
nais kong bigyan ng diin sa wika at teknolohiya ay iisa
lamang. Ito ay sa patuloy na paggamit ng atingwika sa
teknolohiya ay sa pagunlad rin nito sa ating bansang
sinilangan. Kaya naman patuloy nating tangkilikin ang
sariling atin at pagyamanin pang muli ang wikang
minamahal.

You might also like