MHSians Vloggers Tekstong Impormatibo 12HumssB..

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MHSians Vloggers: 

Ka-Iskwela Mu, Kayantabe Tamu

Masantol High School - SHS Baitang 12 HUMSS B

           Pagsulat ng Tekstong Informatib batay sa isinagawang


pakikipanayam sa mga residente ng Sta Lucia Matua, Masantol,
Pampanga kaugnay sa temang "Kamalayang Kultural ng mga 
Kabataang Masantoleno sa panahon ng Pandemya"
 
       Ang pagsiklab ng pandemya sa bansa ay nagbunsod ng
malalaking hamon na kinakaharap ng Kabataang Masantoleno,
sampu sa kani kanilang mga mahal sa buhay. Nariyan ang takot at
pangamba sa kaligtasan ng bawat isa kasama ang pamilya.

          Ayon sa isang kinapanayam ng aming pangkat na si Melo


Carlos Miguel na taga Purok 5 ng Sta lucia Matua sa nasabing
bayan, hindi naging madali ang pagharap sa hamon ng pandemya sa
kanilang buhay, nagsumikap siya na sumabay sa agos ng
pagkukumahog sa paghahanapbuhay upang makatulong sa
magulang na maitawid ang pamumuhay  sa gitna ng nakaambang
sitwasyong nagtuturo ng tamang kamalayang igagawi ng isang
kabataan na gaya niya, ang magpatuloy at harapin ang
pagbabagong naganap dulot ng pandemya. Malaki ang naging
epekto nito sa kaniya lalo na ang kaniyang kabuhayan na tanging
paraan niya upang makalikom ng pera at pangtustos sa  kanilang
araw-araw na pangangailangan. Dagdag pa niya maging maingat sa
paggastos sa mga pera, dahil ito ang isa sa paraan upang
maitaguyod ang iyong sarili sa hirap na dulot ng pandemya ugaliing
mag-ipon at maging handa sa lahat ng pagkakataon.

          Pandemya ang isa sa mga humihila pababa sa mga residente


kung bakit hirap ang mga iilan sa kanila makabangon at makapag
simula muli. Bukod sa kanilang kalusugan apektado din ang kanilang
mga trabaho at kabuhayan, isa na rito si Elena Yumang isa sa mga
nakapanayam ng aming pangkat. Labis siyang nagpapasalamat sa
panginoon na hindi ganon kalaki ang epekto ng pandemya sa kaniya,
sapagkat nagagawa pa rin niyang maibigay ang pangangailangan ng
kaniyang mga anak o ang kaniyang pamilya. Base sa kanyang sinabi
mapalad siya sapagkat hindi katulad ng iba  na tuluyang nawalan ng
pag-asa, siya ay nanatiling matatag upang hindi maapektuhan ang
magiging kinabukasan ng kanyang mga anak. Pinakita niya ang
katapangan sa pagharap ng pandemya kaya ang payo niya sa mga
kabataan ay huwag mawawalan ng pagasa at huwag kalilimutang
tumawag sa panginoong diyos dahil hindi nya tayo pababayaan. 
       Samantala,  si Franz Glodo 19 taong gulang,  ay nagpahayag
ng kanyang karanasan kung paanong naapektuhan ng pandemya
ang kanyang pang araw-araw na pamumuhay. Bilang isang kabataan
na  sa murang edad ay nagtatrabaho sa funeral, hindi maipagkakaila
ang nag aadyang panganib sa kalusugan niya. Sumisiklab ang takot
sa kanya,  sapagkat maari siyang mahawaan ng nakamamatay na
Covid habang siya'y nagtatrabaho. Sa Kabila naman nito'y natutuhan
niya ang importansiya ng oras para sa mga mahal sa buhay.
Sapagkat sa pagsabak nito sa mga pagbabago at hamon sa
pandemya, namulat siya sa realidad ng "walang katiyakan" hindi
pinipili ng sakit na ito kung sino ang mga maapektuhan. 

  Ayon sa mga kabataang aming naka panayam hindi lamang


kabuhayan,kalusugan at pag-aaral ang naapektuhan ng pandemya
maging ang ating mga kulturang nakasanayang gawin ay limitasyon
na lamang. Ngunit ngayong kasalukuyan ay nabigyan ng pagasa ang
mga bagay na matagal  ding pansamantalang natigil para sa
magiging kaligtasan ng lahat. Ang pagdiriwang ng pista, pasko,
baong taon, at iba pa ay unti-unti na rin bumabalik sa dating kulay ng
mga ito. At maaari na maipagpatuloy ang mga nakagisnan o
nakasanayan ng mga tao. At ito'y magandang simbolo ng muling
pagbangon ng mga kabataang Masantoleno at residente. 

  Gayon pa man, isa si Rolando Guevarra sa aming naka panayam


na nagsambit ng kaniyang natutuhan sa pandemyang ito. Sinabi na
dapat ang buhay ay pahalagaan para sa iyong pamilya at sarili. At
dagdag pa nya ugaliing magpasalamat sa mga biyaya at kaligtasang
pinagkaloob sa iyo ng diyos, dahil ang buhay ay hiram lamang at
walang katiyakan kung hanggang kailan mo ito magagamit. Ang
pandemya ay isang hamon na susubok sa atin upang tayo'y gawing
matatag at madisiplinahan ang ating mga sarili. 

You might also like