Mungkahing Gawain Sa Pagdiriwang NG Buwan NG Wika 2022

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

TEMA:

MUNGKAHING GAWAIN SA PAGDIRIWANG NG BUWAN NG WIKA 2022


Bilang pagpapahalaga sa ating wika, ipinagdiriwang natin taon – taon ang Buwan ng
Wikang Pambansa.
Ipinalabas din ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang tema ngayong taon,
“Filipino at mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha,” na
naglalayong ilaan ang Agosto bilang lunsaran ng mga pagpupunyagi sa kasaysayan ng
bansa at mga wika.
Sa hangaring makiisa sa taunang pagdiriwang na ito, ang SAMAFIL (Samahan ng mga
Mag-aaral sa Filipino) ng Mataas na Paaralan ng Rosario katuwang ang mga guro at
buong pwersa ng mag-aaral ay magsasagawa ng mga Gawain.
Ang layunin ng gawaing ito ay ang mga sumusunod:
a. Mahikayat ang mag-aaral at buong komunidad na makikiisa sa mga programang
tulad nito na nagpapataas ng kamalayang pangwika at sibiko;
b. Mapaigting ang paggamit ng wikang Filipino sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng
mga akdang pampanitikan; at pagkakaisa gamit ang ating katutubong wika- “Cebuano-
Bisaya”.
c. Makapapalalim ng pagmamahal sa pambansang wika — Wikang Filipino.
Kaugnay nito, inaanyayahan ang lahat na makipag-kaisa at lumahok sa mga
pagligsahang inilaan.
PAGBUBUKAS NG PAGDIRIWANG
Unang Bahagi: Birtwal na Seremonya via Google Meet - Agosto 5, 2022 alas 8:00
ng umaga
Programa:
Panalangin - Gng. Glannelli A. Olivar
Pagpupugay sa Watawat ng Pilipinas - (Audio-visual)
Pambansang Awit - (Audio-visual)
Pambungad ng Pananalita - Gng. Lilian C. Paredes
Pagpapanood ng Video Clip - (Audio-visual)
Pagbahagi ng mga Gawain at Palatuntunan sa Buong Buwan ng Pagdiriwang -
Gng. Jesamie Axlein T. Timosa
Pampinid na Mensahe - G. Fernando L. Vega
Ikalawang Bahagi: Pagsulat ng Sanaysay/ Paggawa ng Poster - Agosto 24, 2022
Mekaniks: PAGSULAT NG SANAYSAY
1. Isang kalahok sa bawat baitang.
2. Inaanyayahang ang mga kalahok ay nasa silid-aralan ng Grade 7, sampung minuto
bago magsimula ang palatuntunan.
3. Magdala ng dalawang long bondpaper at sariling bolpen.
4. I-akma sa tema ng Wikang Pambansa ang nakapaloob sa iyong Sanaysay.
5. Ang palatuntunan ay gaganapin sa isang oras lamang.
Mekaniks: PAGGUHIT NG POSTER
1. Isang kalahok sa bawat baitang.
2. Inaanyayahang ang mga kalahok ay nasa silid-aralan ng Grade 7, sampung minuto
bago magsimula ang palatuntunan.
3. Magdala ng isang puti na cartolina, marking pen, lapis at iyong pangkulay.
4. I-akma sa tema ng Wikang Pambansa ang nakapaloob sa inyong poster.
5. Ang palatuntunan ay gaganapin sa isang oras lamang.
Mekaniks: PAGGAWA NG SLOGAN
1. Ang mga guro ng RNHST ang magiging kalahok sa paligsahang ito.
2. Inaanyayahang ang mga kalahok ay nasa silid-aralan ng Grade 7, sampung minuto
bago magsimula ang palatuntunan.
3. Magdala ng dalawang long bondpaper, marking pen at iyong pangkulay.
4. I-akma sa tema ng Wikang Pambansa ang nakapaloob sa inyong slogan/ salawikain.
5. Ang palatuntunan ay gaganapin sa isang oras lamang.
IKATLONG BAHAGI: Pampinid na Pagdiriwang – Agosto 31, 2022 ala una ng
Hapon
Mga Mekaniks at Pamantayan sa Palatuntunan:
1. SABAYANG PAGBIGKAS
 Ang paligsahan ay para sa mga mag-aaral sa Ikapitong Baitang hanggang
Ikasampung Baitang.
 Ang paligsahan ay binubuo ng sampung (10) kalahok bawat baitang.
 Ang piyesang gagamitin ay “Ang Wika ko ni Rio Alma”
 Ang kasuotan ay Filipiniana.
 Masining ang gagawing Sabayang Pagbigkas.
Pamantayan:
Kasiningan ng Pagbigkas- 30%
Sabay ang Bigkas- 30%
Disiplina, kumpas ng kamay, ekspresyon at hikayat sa manonood- 40%
Kabuoan- 100%
2. PAG-AAWIT NG AWITING CEBUANO/ BISAYA
 Ang paligsahan ay para sa mga interesadong mag-aaral sa Ikapitong Baitang
hanggang Ikasampung Baitang.
 Maaaring isa o higit pa ang lalahok sa bawat baitang.
 Ang aawitin sa paligsahan ay gumagamit ng ating katutubong wika at ito ay
“Cebuano o Bisaya”.
 Minus 1 ang gagamitin sa paligsahan na dala ng kalahok.
PAMANTAYAN:
Tinig- 30%
Ekspresyon- 30%
Kasuotan- 20%
Hikayat sa mga manonood- 20%
Kabuoan- 100%
2. KATUTUBONG SAYAW
 Ang paligsahan ay may isang grupo ng kalahok sa bawat baitang.
 Binubuo ng 8 hanggang 10 kalahok sa bawat baitang.
 Ang sayaw ay hahaba sa 3 -5 minuto kasama na ang pagpasok at paglabas sa
tanghalan.
 Orihinal na hakbang at tugtog ng katutubong sayaw ang nararapat na gamitin.
PAMANTAYAN:
Masining na pag-indayog- 30%
Pagkapanabay (Synchronism)- 30%
Kasuotan- 20%
Hikayat sa manonood- 20%
Kabuoan- 100%
PANGHULING BAHAGI: PAMPINID NA PROGRAMA- Agosto 31, 2022 ala una ng
Hapon
A. Pagpupugay sa Watawat - Piling Mag-aaral
B. Pambansang Awit - G. Manuel R. Labis, Jr.
C. Panalangin - Piling Mag-aaral
D. Bating Pagtanggap - Gng. Jesamie Axlein Timosa
E. Pambungad na Pananalita - Gng. Lilian C. Paredes
F. Pagsisimula ng Palatuntunan
I. Pagbubukas ng Paligsahan sa Pag-awit ng Awiting Bisaya/ Cebuano
Unang Kalahok
Ikalawang Kalahok
Ikatlong Kalahok
Ikaapat na Kalahok
Ikalimang Kalahok

II. Pagbubukas ng Paligsahan sa Sabayang Pagbigkas


Ikapitong Baitang
Ikawalong Baitang
Ikasiyam na Baitang
Ikasampung Baitang
III. Pagbubukas ng Paligsahan sa Katutubong Sayaw
Ikapitong Baitang
Ikawalong Baitang
Ikasiyam na Baitang
Ikasampung Baitang
G. Pagbibigay ng mga Sertipiko ng Pagkilala -
H. Pag- anunsyo ng mga Nagwagi sa Palatuntunan -
I. Awit ng Pagkakaisa -
J. Pampinid na Mensahe - Gng. Maryjane S. Norquillas
(Inaanyayahan ang lahat na magsuot ng Katutubong Kasuotan/ Filipiniana)

Inihanda ni: Inaprobahan ni:


JESAMIE AXLEIN T. TIMOSA LILIAN C. PAREDES
Gurong Tagapamahala Punong Guro

You might also like