Posttest Filipino 7

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VI-Kanlurang Bisayas
SANGAY NG MGA PAARALAN NG ILOILO
Kalye Luna, Lungsod ng Iloilo

PANGHULING PAGSUSULIT SA FILIPINO 7

Panuto:Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag.Sa inyong sagutang papel, isulat ang titik ng
pinakawastong sagot batay sa hinihingi ng katanungan.

(para sa bilang 1-3)


I II
Chitchiritchit ,alibangbang Santo Niñ o sa pandakan
Salaginto at salagubang Putoseko sa tindahan
Ang babae sa lansangan Kung ayaw mong magpautang
Kung gumiri’y parang tandang Uubusin ka ng langgam

1.Tungkol saan ang diwang ipinahahayag ng awiting bayan na nasa loob ng kahon?
a.damdamin b. kaugalian c. karanasan d. pananampalataya

2. Ang awiting bayan na nasa loob ng kahon ay may himig______.


a. panunudyo b. pumupuri c. nananakot d. nagsusumamo

3. Ang mga sumusunod ay mga pahayag na nagpapahalaga sa awiting bayan, alin ang HINDI?
a. Nagpapahayag ng reaksyon o panaginip ng mamamayan.
b.Sumasalamin sa kanilang mga pag-asa.
c Kakikitaan ng kanilang mga saloobin.
d. Makukulay na pamumuhay.

4.Alin sa mga akdang pasalin-salin sa dila mula sa katutubo hanggang sa kasalukuyan ang naglalarawan ng mga
kaugalian ,pananampalataya at mga suliraning panlipunan.Maaaring ito ay nagtataglay ng kababalaghan o at di-
kapanipaniwalang pangyayari.
a. awiting bayan b. kwentong bayan c . epiko d. alamat

5.Napabilang sa panitikang tuluyan ang akdang ito na kinasasalaminan ng mga kaugaliang Pilipino at
nagsasalaysay ng pinagbuhatan ng mga bagay ,pook o pangyayari.
a. mito b. alamat c.kwentong bayan d. wala sa mga nabanggit
“Sa isang kulungan ay may limang baboy si Mang Juan. Lumundag ang isa. Ilan ang natira?”

6. Nasa anong akdang Filipino napabilang ang pahayag sa loob ng kahon?


a. palaisipan b. tula c. Bugtong d. salawikain

7. Ang epikong Labaw Donggon ay ipinagmamalaking panitikan ng mga ________.


a. Tagalog b. Cebuano c. Bisaya d. Wala sa mga nabanggit
8: “Medyo masarap ang adobong manok na niluto ni Lola kaysa sa nilagang baka ni Ate Maya.
Anong uri ng paghahambing ang naganap sa pahayag?
a. Palamang b. Magkatulad c .Di-magkatulad d. lahat na
nabanggit

9. Uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa
mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani- paniwala.
a. alamat b. epiko c. dula d. kuwentong Bayan

1
10. Aling bahagi ng banghay ng maikling kuwento ang nagsisilbing dugo ng bawat kuwento? Ito ang
nagpapadaloy at nagbibigay ng interes sa istorya/kuwento.
a. suliranin b. simula c. kasukdulan d. papataas na aksyon

11. “Hindi ko na alam kung gaano katagal ang pagkawala ng aking malay. Naramdaman ko na lamang
ang maiinit na mga bisig na yumayakap sa akin.”
Kung paksuriin ang teksto, nasa anong elemento napabilang ang pahayag?
a. Suliranin b. pababang aksyon c. kasukdulan d. wakas

12 . Nahahati sa iba’t ibang kategorya batay sa antas ng pagkagamit sa lipunang ginagalawan, lugar na
tinitirhan, panahon, katayuan at iba pa ang ____________.
a. estado b. lahi c. wika d. kapangyarihan

13. Isang uri ng panitikan na nahahati sa ilang yugto at maraming tagpo.


a. alamat b. epiko c. dula d. kuwentong bayan
1 4. Ang mga pangyayari ay hango sa mga di-kapani-paniwalang pangyayari at walang basehang siyentipiko o
pag-aaral ang ____________.
a. dula b. maikling kuwento c. pabula d. kuwentong bayan
15. Alin sa mga salitang nakatala sa ibaba ang di-kabilang sa paghahambing na di-magkatulad?
a. di-hamak b. kawangis c. lalo d. higit
16. Bilang akdang pampanitikan,hanapin sa pagpipilian ang tumutukoy sa epiko.
a. Nagsasabi tungkol sa mga bathala at sa paglikha sa daigdig at iba pa.
b. Kasasalaminan ng mga pangyayaring supernatural o kabayanihan ng isang nilalang.
c. Kathang-isip na pumapaksa tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay o pangyayari.
d. Tumatalakay sa realidad ng buhay upang maging gabay ng tao sa araw-araw na pamumuhay.

17. __________________ ng seremonya ay itinatakda na ang petsa ng kasal na kadalasan ay sinusundan ng anihan.

Alin sa mga pangatnig ang angkop na gamitin upang mabuo ang diwa ng pahayag?
a. Samantalang b. Pagkatapos c. Habang d. Nang

18. Ang yantok ay sumisimbolo sa pagkakasundo ng mag-asawa, ________________ ang pandan ay kumakatawan sa
pagtatagumpay ng pag-iisang dibdib.

Ang pangatnig na angkop ipuno sa patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap ay ______.
a.samantalang b. pagkatapos c. habang d.nang

19. Ang sumusunod na salita ay napapabilang sa antas ng wikang balbal. Alin ang hindi?
a. tisoy b. mag-MU c. paki d. Kelan

Victor: (Tatayo, parang takot) Nakikita ba ninyo? (nanginginig at parang may itinuturo) Hee! Siya ang
aking kasintahan. Nahuhumaling siya sa akin Ngunit (iiyak) siya ang nagsunog ng sulat ko.
Nanginginig ang aking kamay. Sinunog niya ang sulat ko.
Dolying: Siya! Siya! Magpahinga ka na. Maupo ka upang hindi sumakit ulo mo.

20. Anong bahagi ng pananalita ang may salungguhit?


a. pang-angkop b. pangatnig c. pang-ukol d. pang-abay

21. Nasa anong sangkap ng dula napabilang ang tekstong binasa sa loob ng kahon?
a. simula b. wakas c. kasukdulan d. gitna

22. Hindi nagtagal, nagkasakit ang datung Agamaniyog. Malubha ang sakit nito at ipinaalam kay
Solampid.Umuwi si Solampid at pinuntahan ang kanyang ama. “Oh ama, ano ang nangyari sa’yo?”, ang
tanong ng dalaga.

2
Anong damdamin ang ipinahahayag ng pahayag sa itaas?
a. pagkatakot b. pagkalungkot c. pagkagalit d. pag-aalala

23. Luminga-linga ang magnanakaw kung may nakakita sa kanya habang may isang nakatutok lamang sa
pagkakamasid sa kanya.

Alin sa pagpipilian ang KASALUNGAT na kahulugan ng salitang may salungguhit sa loob ng kahon??
a. nakakita b. pagkakamasid c. nakatutok d. magnanakaw

24. Ang _____________ ay bahagi ng banghay ng maikling kuwento na naglalahad o naglalarawan ng tauhan,
tagpuan o maaaring mailahad agad ng suliranin.
a. panimula b. wakas c. pababang aksyon d. kasukdulan

25. Alin sa pangungusap sa ibaba ang nagpapakita ng sanhi at bunga?


a. Pinatawag ng punong guro ang kanyang ina.
b. Malaya siyang umalis sa lugar ng kanyang kapangangakan.
c. Pinarusahan si Bantugan ng kanyang kapatid na si Haring Madali.
d. Lumusob si Haring Miskoyaw sa Bumbaran sapagkat nabalitaan niyang namatay si Bantugan.

26. Isang salaysay o kuwento na ang mga tauhan ay mga hayop na nakakapagsalita. Pinakalayunin nito ang
magbigay ng aral sa mga mambabasa.
a. parabula b. pabula c. kuwentong bayan d. epiko
27. Alin sa sumusunod na akda ang HINDI kabilang sa anyo ng mga matandang panitikan?
a. kuwentong-bayan b.bugtong c.mito d. alamat

28. May isang drayber na may limang dilag na pasahero, sa paghinto ng drayber sumakay agad ang apat
na binatilyo, kung tutuusin ay siyam na lahat ang pasahero ng drayber,
Ilan ngayon ang drayber ng dyip?
a. isa b. dalawa c. tatlo d. apat

29.May tinig siyang narinig, “Palayain mo ako, oh, makapangyarihang hari ng mga ibon!” ang hinaing. “Tuktukin
ng iyong tuka ang kawayang kinapapalooban ko. Hindi ako makahinga.Para itong karsel!” “Baka ito’y
patibong !” ang isip ng ibon.
Alin sa mga gintong aral sa pagpipilian ang ipinapahayag ng teksto sa loob ng kahon?
a. pagiging matulungin c.huwag maging pabigla-bigla sa mga desisyon
b.pagkakaloob ng kalayaan d.huwag maging mapanghusga

30. “Kung nagkasala si Talangka sa iyo, dapat na isinumbong mo siya dito at bahala akong magparusa sa kanya.
My batas tayo at hukuman para sa pagkakasala.

Ano ang ipinahihiwatig ng salitang nakapahalang sa kaganapang ito ng akda?


a. Wala sa tao ang batas at ang hukuman.
b. Tayo ay hindi batas lalo’t hindi ang hukuman.
c. Ang batas ay batas at may hukuman para sa anumang pagkakasala.
d. Mayroong batas na dapat sundin at hukumang tagapagpasya o hatol sa anumang pagkakasala.

31. “At kami ay bahagi ng mga nilalang na sapagkat nakaranas ng mga lihim na kalungkutan ay
nakakikilala ng mga lihim na kaligayahan.”
Halaw sa: Kwento ni Mabuti
Batay sa teksto, paano lubusang makilala ang lihim ng kaligayahan?
a. nakakaranas ng lihim na kaligayahan c. nakaranas ng mga lihim na kalungkutan
b. bahagi ng mga nilalang d. kami na mga nilalang

3
Tulang Romansa
Ang tulang romansa ay tulang pasalaysay tungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihan na karaniwang
ginagalawan ng mga prinsipe’t prinsesa at mga mahal na tao.
Naging palasak ang mga tulang romansa sa Europa noong Edad Media at maaaring nakarating ito sa
Pilipinas mula sa Mexico noon pang 1610. Ngunit noong dantaon 18 lamang ito naging palasak sa ating bansa
kasabay ng pagkakilala sa imprenta at pagkatuto ng mga katutubong alpabetong Romano.
Ang panitikan ay isa sa mga paraang ginamit ng mga mananakop na Kastila sa pagpapalaganap ng
relihiyong Kristiyano, at ang mga tulang romansa ay lumaganap kasabay ng pagdagsa ng mga aklat-dasalan. Layunin
ng tulang romansa na mapalaganap ang diwang Kristiyano. Karaniwan, kung gayon, ang pagtawag sa Diyos ng mga
tauhan at ang gantimpala ng langit sa mga nananalig. Karaniwan ding nagsisimula ang mga ito sa panalangin sa pag-
aalay ng akda sa Birhen o sa isang santo.

(Para sabilang 32-34)

32. Batay sa binasang teksto, bakit naging palasak sa Pilipinas ang mga tulang romansa?
a. lumaganap ang mga aklat dasalan
b. upang mapalaganap ang relihiyong Kristiyano
c. likas na mahilig sa mga babasahing romansa ang mga Pilipino
d. gantimpala ito ng Diyos sa mga katutubo na matuto ng alpabetong Romano
33. Ano ang karaniwang pinapaksa ng mga tulang romansa?
a. suliraning panlipunan b. pag-ibig c. relihiyon d. kapayapaan

34. Paano sinisimulan ang pagkakasulat ng mga tulang romansa?


a. paglalakbay ng mga tauhan
b. panalangin sa Diyos ng mga tauhan
c. kabayanihan ng mga prinsesa at prinsipe
d. pakikipagsapalaran ng mga tauhan sa malalayong lugar

35. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng may-akda sa saknong na ito?

Noon niya napagsukat


Ang sa tao palang palad
magtiwala ay mahirap
daan ng pagkapahamak.
a. piliin ang mga taong ating pagkakatiwalaan c. mag-ingat sa mga lihim na kaaway
b. mapapahamak ka kapag ika’y nagtiwala d. huwag agad ibibigay ang tiwala

(36-37)
O, Birheng kaibig-ibig
Ina naming nasa langit,
Liwanagan yaring isip
Nang sa layo’y di malihis.
36. Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang:
a. matunton b. mapahamak c. mawala d. maligaw

37. Batay sa saknong, layunin ng persona na:


a. dinggin ng Birhen ang kanyang mga daing c. gabayan siya sa paglalakbay
b. ipanalangin ang kanyang kaligtasan d. liwanagan ang kanyang isip

38. Ano ang layunin ni Don Pedro sa prinsesa nang sinabi niyang, “Lilo pa ba akong itong matapat na alipin
mo?”
a. pangungumbinsi b. pagmamakaawa c. pag-aalala d.pambobola

39. Alin sa mga sumusunod ang lunas sa sakit ng hari?


a. halik ng sirena b. awit ng isang ibon c. paggamot ng medico d. tinig ng asawa

4
40. Ano ang dahilan kung bakit naging sunud-sunuran ang mga nasasakupan ni pinunong Abed sa kanya?
a. dahil sa takot sa kanilang pinuno
b. dahil nais nilang maging maunlad ang kanilang bayan
c. dahil nais nilang maging matiwasay ang kanilang pamumuhay
d. dahil sa takot na masuway ang batas na umiiral sa kanilang bayan

41. Hulog ka ng langit talaga sa ‘kin, Bes… Buti na lang nalaman nating marami pala siyang chicks.

Nasa anong antas ng wika ang salitang may salungguhit?


a. pambansa b. balbal c. kolokyal d. pampanitikan

42 Totoo ngang 75% ng mga Pilipino ay likas na maalaga at matulungin sa kapwa kaya nararapat lamang na
ipagmalaki natin ang sarili nating lahi.
Alin sa mga sumusunod ang pariralang nagpapatunay o nanghihikayat?
a. Totoo ngang 75% b. likas na maalaga c. nararapat lamang d. ipagmalaki natin

43. Humanda ka, dahil kapag nahulog ka na sa akin, hinding-hindi na kita pakakawalan pa.
A B C D
Alin sa mga sumusnod na salitang may salungguhit ang mga pang-ugnay?
a. A at B b. B at C c. C at D d. lahat ay tama

44. Suriin at piliin mula sa mga pahayag ang gumagamit ng mga salitang nagsasaad ng posibilidad:

I. Baka sakaling dumating ka pa, andito lang ako maghihintay sa ‘yo.


II. Lumaya na ang ibong matagal nang nakakulong sa hawla.
III. Puno ng lungkot ang aking kalooban nang yumao ang aking kaibigan.
IV. Lumipas man ang maraming sandali, maaaring maaalala mo pa rin ako kahit paminsan-minsan.

a. I at II b. II at III c. I at IV d. III at IV

45. Hinihingal na isinugod sa ospital ang isang pasyente sapagkat nabangga ng isang pampasaherong
sasakyan.
I II
Dahil sa nasabing aksidente, doble ingat na ang mga tao sa pagtawid sa mga daanan.
III IV

Alin sa sumusunod ang maituturing na mga sanhisa pahayag?


a. I at II b. II at III c. I at IV d. III at IV

46.Ang sumusunod na pahayag ay kinapapalooban ng sanhi at bunga MALIBAN SA:


a. Isa sa mga naging inspirasyon niya sa pagtupad ng kanyang mga pangarap ay ang kahirapan sa buhay.
b. Labis na init ang nararamdaman natin ngayon dahil na rin sa walang tigil na pagputol ng mga puno.
c. Dulot ng matinding pag-ulan, bumaha na sa buong Metro Manila.
d. Baka iniiwan tayo ng mahal natin kasi wrong grammar tayo…

47. Suriin mula sa sumusunod na pahayag ang bunga:


Ayaw niya na talagang kumain kaya isinugod na lang siya sa ospital upang malagyan ng dextrose,
a b c

at nang sa gayon ay humaba pa ang kanyang buhay.


d

5
48.Siya ang hinihinalang sumulat ng Obra Maestrang “Ibong Adarna”.
a. Jose Rizal b. Francisco Baltazar c. Juan Luna d. Jose dela Cruz

49. Sino ang totoong mahal ni Don Juan sa koridong “Ibong Adarna?”

a. Maria Blanca b. Leonora c. Juana d. Isabel

50. Bakit naging sikat na palayaw ng makata ng Ibong Adarna ang “Huseng Sisiw?”

a. Ang Ibong Adarna ay itinuturing niyang sisiw kaya ito ang kanyang napiling palayaw.
b. Marami siyang inaalagaang sisiw sa kanyang tahanan at hilig niya rin itong kolektahin.
c. Kapag may nagpapagawa ng tula sa kanya, sa halip na pera, sisiw ang ibinabayad.
d. Kamukha ng Ibong Adarna ang sisiw na kanyang nakita’t naging inspirasyon.

Inihanda nina:

1. Bb. Fatima Tubonggan


2.Bb. Kimberly Pillo
3. Gng Cristy Suganob
4Gng. Analisa Tenerife
( Mga guro sa Grade 7, Iloilo National High School)

Taga-edit:

Gng. Beatriz S. Saragena


(Iloilo National High School)

Pinansin ni:

Bb.RHUBILENN T. GARCESTO
Puno, Kagawaran ng Filipino

You might also like