Fil - 12 - PilingLarang - TechVoc - Q1 - Module 6 Final For Student

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 22

12

Filipino 12
Unang Markahan – Modyul 6:
Promo Materials: Flyers at
Leaflets
Filipino – Ikalabindalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 6: Promo Materials: Flyers at Leaflets
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Shem Don C. Fabila
Editor: Ana Melissa T. Venido, Shem Don C. Fabila
Tagasuri: Arlene L. Decipolo, Clinton T. Dayot, Shem Don C. Fabila, Ana Melissa T.
Venido, Gelyn I. Inoy, Melle L. Mongcopa
Tagalapat: Romie G. Benolaria
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, EdD., PhD Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar, CESE Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay, EdD
Renante A. Juanillo, EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
12

Filipino
Unang Markahan – Modyul 6:
Promo Materials: Flyers
at Leaflets
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 12 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Promo Materials: Flyers at Leaflets!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 12 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Promo Materials: Flyers at Leaflets!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
ALAMIN

Promo Materials: Flyers at Leaflets

MGA KASANAYANG
PAMPAGKATUTO

1. Naisaalang-alang ang etika sa binubuong teknikal-bokasyunal na sulatin


CS_FTV11/12PU-Om-o-99

PANIMULA

Kadalasang ipinamimigay ang mga flyers/leaflets at iba pang promo


materials upang makahikayat sa mga tagatangkilik ng isang produkto o
serbisyo. Bukod pa rito, nagbibigay impormasyon din ang mga materyales
na ito para sa mga mamimili o kung sinumang makababasa ng mga ito.
Ang modyul na ito ay magiging gabay mo sa paggawa ng flyers /
leaflets at iba pang promo materials. Makikita mo rito ang pagiging tiyak,
hindi maligoy at direkta ang mga impormasyong nakasulat. Ilan sa mga
kadalasang nilalaman ng mga ito ay mga katanungan at kasagutan hinggil
sa produkto o ang mga batayang impormasyong may kinalaman dito.

1
MGA LAYUNIN

Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. Nakapagbibigay ng kahulugan, katangian at karaniwang nilalaman ng
flyers/leaflets at promo materials;
2. Nakagagawa ng panimulang flyers/leaflets at promo materials na
nanghihikayat; at
3. Naisaalang-alang at naisasabalikat ang etika sa binubuong
flyers/leaflets at promo materials.

SUBUKIN

PANIMULANG
PAGTATAYA

I. IDENTIPIKASYON. Punan ang patlang ng wastong sagot upang mabuo ang mga
pahayag. Gawin ito sa iyong kuwaderno (2 puntos bawat isa)

1. Ang flyer / leaflet at brochure ay ilang mga halimbawa ng ________________.

2. Isa sa mga pangunahing layunin ng pagsulat ng flyer ang _______________ ng


mga mamimili.

3. Ang _______________ ay kadalasang binubuo lamang ng isang pahinang


nagtataglay ng impormasyon tungkol sa isang produkto o serbisyo.

4. Ang _______________ ay kalimitang mas mahabang uri ng promotional material


at may pagkakahati-hati ng mga impormasyong nakalagay rito.

5. Naglalaman ang ______________ ng mas kakaunting teksto at mas nakatuon sa


larawan o ibig iparating na mensahe sa biswal na paraan.

2
II. PAGWAWASTO. Lagyan ng check kung ang sumusunod ay makikita sa
flyers/leaflets at promo materials. Gawin ito sa iyong kuwaderno. (2 puntos bawat
isa)

______ pangalan ng produkto

______ paglalarawan sa produkto

______ tagline ng nasabing produkto o kompanya

______ larawan o ilustrasyon

______ impormasyon o akses sa produktong nakalagay sa flyer o promotional


material

_____ liham pagnenegosyo

III. ENUMERASYON. Magbigay ng limang bagay na kadalasang matatagpuan sa


mga promotional materials. (2 puntos bawat isa)

1. ____________________

2. ____________________

3. ____________________

4. ____________________

5. ____________________

Magaling! Kumusta ang naging


resulta ng panimulang pagtataya?
Sakaling kulang pa ang kaalaman mo sa
paggawa ng flyers/leaflets at promo
materials, gagabayan ka ng modyul na
ito sa pamamagitan ng mga inihandang
gawain at mga karagdagang talakayan.

3
TUKLASIN

GAWAIN 1

PANUTO: Tingnan at suriing mabuti ang mga larawan sa ibaba. Pagkatapos, sagutin ang
mga gabay na tanong at isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

https://bit.ly/3icAWCj https://bit.ly/2DIjAOE

1. Masasabi mo bang mga halimbawa ng promo material ang larawan sa itaas?


Bakit?
2. Ano-ano ang impormasyong nakuha mo mula rito?
3. Kakikitaan mo ba ito ng katangiang mapanghikayat? Pangatwiranan.
4. Saan mo kalimitang nakakakita ng mga flyers, leaflets at iba pang
promotional materials?
5. Ano ang karaniwang mababasa sa mga flyers, leaflets at iba pang
promotional materials?
6. Ano ang nakapupukaw sa inyong atensiyon sa tuwing makakakita ng mga
flyers, leaflets at iba pang promotional materials?

4
SURIIN

PAGSUSURI

PANUTO: Sagutin ang mga tanong at isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

1. Base sa gawain, naging madali ba ang pagkilala sa taong nasa larawan?


Bakit?

2. Paano kaya nakatutulong sa iyo ang gawaing iyon, dito sa aralin na iyong
pag-aaralan?

PAGYAMANIN

PAGLALAHAD

Alam mo ba na mahalaga ang paggawa ng flyers/leaflets at iba pang promo


materials na iyong aaralin? Basahin at unawain mo ngayon ang nilalaman na iyong
mababasa sa ibaba.

Kahulugan ng Leaflets/ Flyers at iba pang Promo Materials

Ang mga flyers o leaflets at iba pang promo materials ay paraan ng patalastas
kung saan malikhaing inilalapat sa maliit na papel ang mga detalye ng isang
produkto, konsepto, paalala o polisiya. Ito ay kadalasang inililimbag sa isang
pahinalamang. Ginagamit ang mga ito bilanghandout. Ginagamit din ito bilang
pabatid sa mga okasyon o bilang talaan ng mga impormasyon tungkol sa isang
bagong kainan, pasyalan o produkto, at ibang patalastas.

Kalimitang ipinamumudmod ang mga flyer/leaflet at promotional material


upang makahikayat sa mga tagatangkilik ng isang produkto o serbisyo. Bukod pa
rito, nagbibigay-impormasyon din ang mga materyales na ito para sa mga mamimili

5
o kung sinumang makababasa ng mga ito. Kapansin-pansin din ang pagiging tiyak
at direkta ng mga impormasyong nakasulat sa mga ito. Hindi maligoy ang
pagkakasulat at impormatibo sa mga mambabasa. Ilan sa mga kadalasang
nilalaman ng mga flyer/leaflet at promotional material ay katanungan at kasagutan
hinggil sa produkto o ang mga batayang impormasyong may kinalaman dito.

Karaniwan ding nagtataglay ng mga larawan ang mga ito upang higit na
makita ang biswal na katangian ng isang produkto. Makulay rin ang mga ito na
posibleng makatulong na makahikayat sa mga potensiyal na gagamit o susubok sa
isang bagay na iniaalok o ipinaabot sa mas nakararami. Posible ring makita ang
ilang mga detalyeng may kinalaman sa pagkontak sa mga taong nasa likod ng
pagbuo ng mga nasabing materyales, gayundin ang kanilang logo. May mga
pagkakataon ding pumapasok ang paglalaro sa mga salita at iba pang pakulo sa
paglikha ng mga flyer/leaflet at promotional material upang lalong tumatak sa mga
mamimili ang pangalan o kaya’y iba pang impormasyon hinggil sa isang produkto o
serbisyo. Makikita ito halimbawa sa kanilang mga tag line (Santos at Perez, 2016).

Iba Pang Promo Materials

Brochure
Ang mga iba pang promotional material katulad ng brochure ay kalimitang
mas mahaba pa sa isang pahina. Nagsisilbing gabay ito sa mga mamimili dahil
naglalahad ito ng higit na detalyadong paglalarawan sa isangprodukto.

Poster
Ang poster ay naglalaman ng kakaunting teksto at mas nakatuon sa larawan
ang pagbibigay ng mensahe

Katangian ng Leaflets/ Flyers at iba pang Promo Materials

1. Madaling basahin at unawain ang mganilalaman nito.


2. Naglalaman ng larawan.
3. Makukulay ang mga ito.
4. Tiyak at direkta ang mga impormasyongnakasulat ditto.
5. Hindi paligoy-ligoy ang pagkakasulat

Batayang Impormasyong Makikita sa Leaflets/ Flyers at iba pang Promo Materials

1. Pangalan ng produkto
2. Paglalarawan sa produkto
3. Tagline ng nasabing produkto o kompanya
4. Larawan o ilustrasyon
5. Impormasyon o akses ng produktong nakalagay sa flyer o promotional
materials

6
Narito ang mga halimbawa sa ibaba…

Flyers/Leaflets:
Tungkol sa mga Modern Methods ng Family Planning

7
8
Flyers/Leaflets:
Paano Mag-a-apply para sa Supply/Paglilipat o Transfer at Terminasyon ng
Account

9
Mga Gawain

PANUTO: Pag-aralang mabuti ang halimbawang promo material sa ibaba.


Pagkatapos, sagutin ang mga tanong at isulat ito sa iyong kuwaderno.

https://bit.ly/3gtnVE2

1. Anong uri ng promo material ang halimbawa sa itaas?


2. Naipamamalas ba nito ang katangiang dapat taglayin ng nasabing promo
material?
3. Ibigay ang batayang impormasyon ng nasabing promo material batay sa
sumusunod:
a. Pangalan ng produkto
b. Paglalarawan sa produkto
c. Tagline ng nasabing produkto o kompanya
d. Larawan o ilustrasyon
e. Impormasyon o akses ng produktong nakalagay sa flyer o promotional
materials

10
ISAISIP

Ang promo materials ay


isang uri ng sulatin na nagbibigay
impormasyon na naglalayong
manghikayat ng anumang uri ng
produkto, pangyayari at iba pa.
Ginagamit ito kadalasan sa
negosyo, komersyo, at
pagpapakilala ng produkto.

ISAGAWA

PAGLALAPAT

PANUTO: Gumawa ng sariling promo material hinggil sa paksa na iyong maibigan.


Maaaring tungkol sa produkto, negosyo, pagkain, paglalakbay, mga tanawin at iba
pa. Upang hindi ka masyadong mahirapan sa pangangalap ng larawan at
impormasyon, maaari kang gumawa ng promo material buhat sa mga ginupit-gupit
na mga larawan na maaaring pagtagpi-tapiin at idikit sa isang bondpaper.
Tutulungan ka ng pamantayan sa ibaba nang makagawa ka ng malikhaing promo
material.

Rubrik 20 15 10
puntos puntos puntos
1. Nakapipili ng produkto o paksa
ayon sa kagustuhan
2. Nakapipili ng isang promotional
material na gagawan ng burador
para sa produkto o paksang napili

11
3. Naiaangkop ang mga nararapat na
katangian at batayang
impormasyon ng isang promotional
material
4. Naipapakita ang pagkamalikhain
sa kabuuan ng awtput
KABUUAN

KARAGDAGANG
GAWAIN

PAGPAPAYAMAN

PANUTO: Basahin ang mga sumusunod na katanungan at isulat ang sagot sa


iyong kuwaderno.

1. Para sa iyo, ano-ano ang dapat taglayin ng isang kanais-nais na promotional


material? Bakit?
2. Magbigay ng mga mahahalagang bagay na naiaambag ng promotional
material batay sa:
a. produkto
b. kompanya
c. pag-promote ng pagkain
d. pagpapakilala sa mga natatanging tao o lugar

REFLEKSIYON

PANUTO: Sumulat ng dalawang talata tungkol sa makabuluhang natututuhan sa


araling ito. Maaaring isulat ang iyong tunay na karanasan sa iyong kuwaderno.

12
TAYAHIN

PANGWAKAS NA
PAGTATAYA
I. PANUTO: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ang totoo habang MALI naman
kung hindi. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
________1. Ang sanaysay ay halimbawa ng promotional material.
________2. Nararapat isaalang-alang angmga batayang impormasyon sa
paggawa ng promotional material.
________3. Ang leaflet ay nagpapakita ng katangian ng isang promotional
material.
________4. Isa sa mga katangian ng promotional material ay mapanghusga.
________5. Ang promo material ay paraan ng patalastas.

II. IDENTIPIKASYON: Punan ang patlang ng wastong sagot upang mabuo ang
mga pahayag. Gawin ito sa iyong kuwaderno (2 puntos bawat isa)

1. Ang flyer / leaflet at brochure ay ilang mga halimbawa ng ________________.

2. Isa sa mga pangunahing layunin ng pagsulat ng flyer ang _______________ ng


mga mamimili.

3. Ang _______________ ay kadalasang binubuo lamang ng isang pahinang


nagtataglay ng impormasyon tungkol sa isang produkto o serbisyo.

4. Ang _______________ ay kalimitang mas mahabang uri ng promotional material


at may pagkakahati-hati ng mga impormasyong nakalagay rito.

5. Naglalaman ang ______________ ng mas kakaunting teksto at mas nakatuon sa


larawan o ibig iparating na mensahe sa biswal na paraan.

III. ENUMERASYON: Magbigay ng limang bagay na kadalasang matatagpuan sa


mga promotional materials. (2 puntos bawat isa)

1. _________________
2. _________________
3. _________________
4. _________________
5. _________________

13
14
MGA SANGGUNIAN

Jocson, Schedar D., Perez, April J., Santos, Corazon L. Filipino sa Piling Larang -
Tech-Voc: Patnubay ng Guro. Department of Education – Bureau of Learning
Resources (DepEd – BLR). Unang Limbag 2016. Perez, April J., Santos, Corazon L.
Filipino sa Piling Larang - Tech-Voc: Kagamitan ng Mag-aaral. Department of
Education – Bureau of Learning Resources (DepEd – BLR). Unang Limbag 2016.

15
SHEM DON C. FABILA
Siya ay nakapagtapos ng Master of Arts in Education na
nagpapakadalubhasa sa Filipino sa Unibersidad ng Foundation,
Lungsod ng Dumaguete.
Siya ay naging guro sa Sumaliring High School at kasalukuyang
SSG Adviser sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Siaton.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like