Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

2

Republic of the Philippines


Department of Education
Regional Office III

Guided Learning Activity Sheets


Arts 2
Quarter 4 – Module 1
PAGIGING MALIKHAIN
MAPEH(Arts) – Ikalawang Baitang
Learning Activity Sheet
Ikaapat na Markahan – Modyul 1: (Pagiging Malikhain)

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumubuo sa Pagsulat ng GLAS

Writer: Arlene C. Garcia


Content Editor: Saturnino D. Dumlao
Reviewer: Jose C. Tala

Management Team:
Schools Division Superintendent : Leilani Samson Cunanan, CESO V
Asst. Schools Division Superintendent : Maylene M. Minimo, EdD, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Ariel C. Lansang
Education Program Supervisor, LRMDS: Jose C. Tala, EdD
Education Program Supervisor, MAPEH: Saturnino D. Dumlao
District Supervisor, III-B : Precila T. Sonza
School Principal : Filipinas R. Madriaga

Printed in the Philippines by Department of Education – SDO of Olongapo City


Office Address: Gordon Avenue, Asinan, Olongapo City
Contact Nos: 222-2568 / 603-0570
E-mail Address: olongapocity@deped.gov.ph
ALAMIN

Ang araling ito ay tungkol sa kasiningan ng mga Pilipinong artesano o craftsmen sa


paggawa ng mga sumusunod:
- taka ng ibat ibang hayop at pigura sa Paete, Laguna
- saranggola
- banca o native boats mula sa Cavite at kalapit bayan nito
(AZEL-IVa-1)

Pagkatapos ng araling ito, ikaw rin ay inaasahang makasagot sa


maikling pagtatasa tungkol sa pagbibigay halaga o importansiya sa likhang sining ng
mga Pilipinong artesano.
(AZEL-Iva-2)

SUBUKIN

Kilalanin ang mga sumusunod na nakalarawan. Ano sa palagay mo ang mga halimbawang
ito? Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. ____ 2. ____ 3. _____

a. Sarrangola
b. Taka
c. Banca o native boats
Isulat kung tama o mali ang pangungusap.
______ 4. Ang taka ay likhang sining ng mga taga Bulacan.
______ 5. Dapat nating ipagmalaki at pahalagahan ang mga likhang sining ng mga Pilipino.

Aralin PAGIGING MALIKHAIN


1

3
BALIKAN

Naaalala mo pa ba ? Sa nakaraang aralin, nakalikha ka ng mga pangdekorasyon sa


pamamagitan ng paglilimbag gamit ang iba’t ibang bahagi ng iyong kamay at mga bagay na
makikita sa iyong paligid mula sa tangkay ng halamang punong-kahoy, prutas, at gulay.
Madadagdagan pa ang iyong kaalaman sa sining at pagiging malikhain sa modyul na ito.

TUKLASIN

Ang mga Pilipino ay likas na malikhain. Ang kanilang mga likha ay gawa sa ibat ibang bagay
na nakikita sa ating kapaligiran.

Nakagagawa sila ng isang magandang sining sa ibat ibang pamamaraan.

A. Alam mo ba kung ano ang mga nasa larawan?


Alam mo ba kung paano ginawa ang mga ito?
Anong bagay ang ginamit sa mga larawang ito?

Ito ay ang tinatawag na laruang “Taka” o paper mache. Isang kilalang sining na gawa sa
Paete, Laguna. Gawa ito sa mga lumang papel na ginupit-gupit na pahaba at dinikit sa
hulmahang kahoy. Ito ay biniyak sa gitna pagkaraang ito ay tumigas at muling tatapalan
hanggang sa ito ay mabuo muli. Karamihang hubog ng tao at mga hayop tulad ng kalabaw,
manok at kabayo ang ginagawa nila.

Ang Paete, Laguna ay kilala sa pagiging malikhain ng mga mamamayan nito at ang mga

4
produkto ng bayan tulad ng paintings, ukit, taka at iba pa.
May museyo din ito kung saan maipapakita ang mga kagamitang na pamana ng kasaysayan at
ang mayamang tradisyon kasabay ng taunang pagdiriwang ng
Paete-Taka Festival.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa araling ito, maaaring panoorin


ang mga sumusunod na video sa www.youtube.com

- GMP Feature: Paete, Laguna


- Unang Hirit: Mga inukit na Obra ng Paete, Laguna
- SONA: Paete, Laguna, Kilala sa Paggawa ng Taka

B. Alam mo ba kung ano ang tawag sa nakalarawan?


Nasubukan mo na bang gumawa at magpalipad nito?

Ito ay saranggola. Ito ay gawa sa dalawang piraso ng patpat, na may ¼ pulgada ang kapal,
papel de hapon, palara o papel, tali at pandikit. Nilalaro ito ng mga batang katulad mo kapag
mahangin ang panahon sa isang malawak at walang nakasagabal na lugar upang maiwasan
ang pagsabit nito sa mga puno at poste o mga kable ng kuryente.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa araling ito, maaaring panoorin

5
ang mga sumusunod na video sa www.youtube.com

- Tips and Tricks sa Sarangola


- Sarangola-Paano Magpalipad ng Mataas

C. Ito naman ay mga bangka o native boats na gawa ng mga taga Cavite at kalapit
bayan nito. Ito ay maaaring de-motor o gumagamit lang sila ng sagwan upang ito ay
makapaglayag. Ginagamit nila ito sa pangingisda sa mga ilog at baybayin.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa araling ito, maaaring panoorin


ang mga sumusunod na video sa www.youtube.com

- Ibat- ibang Design ng Bangka


Boat Design in Philippines

SURIIN
.
Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng
katotohanan at Mali kung hindi. Sagutan ito sa iyong sagutang papel.

_____ 1. Ang taka o paper mache ay gawa ng mga taga Paete, Laguna.

______ 2. Binibigyang halaga ng mga taga Paete, Laguna ang kanilang sining sa
pamamagitan ng pagdiriwang ng Paete, Taka Festival.

______ 3. Ang banca o native boats ay kilalang likhang sining ng mga taga Maynila.

______ 4. Ang saranggola ay nilalaro sa masikip na lugar.

6
______ 5. Dapat nating pahalagahan at ipagmalaki ang kasiningan ng mga Pilipino.

PAGYAMANIN
.
Pag – aralan ang mga sumusunod na larawan. Lagyan ng tsek (√ ) kung ito ay
nagpapakita ng kasiningan ng mga Pilipino at ekis ( X ) kung hindi.

_____ 1. _____ 2.

____ 3. _____ 4.

_____ 5.

7
ISAISIP

Ang mga likhang sining ng bawat pamayanan ay nakikilala sa pamamagitan ng mga ginamit
na ibat ibang bagay mula sa kanilang pamayanan.

Ang mga katutubong sining na maituturing na pamana ng lahi ay maipagmamalaki ng ating


bansa. Ito ay tumutukoy sa sining na nilikha ng mga malilikhang pangkat ng Pilipino na
nagtataglay ng kakaibang kagandahan at disenyo na hanggang sa kasalukuyan ay
lumalaganap pa rin. Dapat natin itong patangkilikin at ipagmalaki.

Katulad ng mga halimbawang tinalakay: taka o paper mache nng mga taga Paete, Laguna,
banca o native boats ng mga taga Cavite at ang mga makukulay na sarangola na hanggang
ngayon ay pinapahalagahan pa rin, narito pa ang ilang larawan na nagpapakita ng kanilang
likhang sining.

ISAGAWA
Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang
papel.

8
1. Ano ang dapat nating gawin sa mga likhang sining ng mga Pilipino?
a. Ikahiya ito
b. Pahalagahan at ipagmalaki
c. Huwag bigyan pansin

2. Bakit dapat nating pahalagahan ang kasiningan ng mga Pilipino?


a. Dahil ito ay nagbibigay ng pagkilala sa galling at pagiging malikhain ng mga
Pilipino.
b. Dahil sila ay nangangailangan ng tulong
c. Para matuwa sila

3. Ang mga likhang sining ng mga taga Paete, Laguna at Cavite ay nagpapatunay
lamang na ang mga Pilipino ay malikhain.
a. Tama b. Mali c. marahil

4. Saang lugar ginaganap ang Taka Festival?


a. Bulacan b. Cavite c. Laguna

5. Magaganda at kaakit-akit ang gawa ng mga artesanong Pilipino.


a. Tama b. Mali c. Marahil

TAYAHIN

Punan ang patlang ng tamang salita upang mabuo ang tamang diwa ng
pangungusap. Piliin ang salita sa loob ng kabayo at isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Ang ________ ay isang kilalang sining ng mga taga Paete, Laguna.

2. Ang ______________ ay gawa sa patpat, papel de hapon at palara.

3. __________________ ang tawag sa mga bangka na gawa ng mga taga Cavite.

4. Ang _____________ ng mga Pilipino ay dapat nating pahalagahan at ipagmalaki.

5. Ang taka o ______________ ay gawa sa lumang papel na ginupit-gupit at idinikit sa


hulmahang kahoy.

9
taka

kasiningan paper mache


saranggola Native boats

SANGGUNIAN

Most Essential Learning Competencies ( MELCs ) – para sa


Ikalawang Baitang
Kagamitan ng Mag-aaral sa MAPEH
www.artesdelasfilipinas.com
en.m.wikipedia.org
brainly.ph
www.youtube.com
- GMP Feature: Paete, Laguna
- Unang Hirit: Mga inukit na Obra ng Paete, laguna
- SONA: Paete, Laguna, Kilala sa Paggawa ng Taka

- Tips and Tricks sa Sarangola


- Sarangola-Paano Magpalipad ng Mataas
- Ibat- ibang Design ng Bangka
Boat Design in Philippines

10
Susi sa Pagwawasto:

Subukin Suriin Isagawa


Pagyamanin
1. B 1. Tama 1. B
1. √
2. A 2. Tama 2. A
2. √
3. C 3. Mali 3. A
3. √
4. Mali 4. C
4. Mali 4. X
5. tama 5. A
5. Tama 5. √

Tayahin
1. Taka
2. Saranggola
3. Native boats
4. Kasiningan
5. Paper mache

11
12
13

You might also like